LOGINNang matapos ang tawag, ibinaba na ni Arisha ang kanyang phone. Mabilis siyang naglakad patungo sa mga tindahan sa palengke upang mamili. Bukod sa karne ng baka, may isang hiwalay na supot siyang binili na naglalaman ng kalahating kilo ng pinakamalalaking siling labuyo.
Pagkauwi niya sa mansyon, agad siyang nagtungo sa kusina. Isang malapad at makahulugang ngiti ang nasa labi ni Arisha habang mabilis siyang kumikilos sa loob ng kusina ng mga Ross. Habang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang mga masasakit na salita nina William at Mrs. Ross na narinig niya kanina, mas lalong tumitindi ang galit sa kanyang dibdib. Kinuha niya ang almires at buong lakas na dinikdik ang bawat sili. Kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nag-uumapaw na poot. Sinadya niyang ibuhos ang lahat ng nadurog na sili at katas nito sa sarsa ng Beef Steak upang pagbayarin ang mga ito. Dahil natatakpan ng itim na kulay ng toyo at makapal na paminta, hindi naging mukhang pula ang putahe. Mukha pa rin itong normal, masarap, at hindi talaga halata ang nakatagong bitag. Katatapos lang niyang ilagay ang mangkok sa mesa nang biglang bumukas ang p***o ng mansyon. Pumasok si Mrs. Ross na mabilis ang lakad habang bitbit ang maraming shopping bags mula sa mall. Sobrang saya ng mukha ng matanda, bakas ang galak dahil nagpakasasa ito sa pera ng kumpanya. Nang makita si Arisha na kalalabas lang ng kusina at nagpupunas ng kamay sa apron, agad na sumungit ang mukha ng matanda at binitawan ang mga shopping bag sa sofa. “Oh, Arisha! Nakahanda na ba ang mga pagkain?!” galit na tanong ni Mrs. Ross sabay paypay sa sarili. “Kakatawag lang sa akin ni William, papunta na sila rito kasama ang napakaspesyal niyang bisita! Ayusin mo ang pagluluto mo at huwag mo kaming ipapahiya!” “Opo, Mommy. Katatapos ko lang po magluto. Nakahain na po sa mesa,” maamong sagot ni Arisha habang nakayuko upang magkunwaring walang alam. “Mabuti naman. Aakyat muna ako para magpalit ng damit. Ayokong magmukhang losyang sa harap ng espesyal na bisita ng anak ko,” sabi ng matanda bago tinalikuran si Arisha at umakyat sa ikalawang palapag. Nang masigurong nakataas na ang biyenan, napatingin si Arisha sa pagkain sa mesa. Isang malamig na ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi habang nakatitig sa maitim na sarsa. Sabik na sabik na siyang makita ang reaksyon ng asawa niya at ng bisita nito kapag natikman ang kanyang luto. Ito ang magiging magandang simula ng paghihiganti niya. Sa katunayan, patikim pa lang ito. Eksaktong alas-siyete ng gabi nang marinig ang busina ng sasakyan ni William sa labas. Mabilis na bumaba si Mrs. Ross mula sa kwarto nito, suot na ang isang mamahaling damit upang salubungin si Angelica. “Oh, Angelica, Hija! Sa wakas ay nagbalik ka na! Napakaganda mo pa rin, wala ka pa ring pinagbago!” nakangiting bati ni Mrs. Ross habang pinapapasok ang bisita sa dining area. “Thank you, Tita. I missed you so much! At siyempre, I missed William too,” malanding sagot ng babaeng nakasuot ng mamahaling pulang dress, makapal ang make-up, at may dalang designer bag. Lumabas si Arisha mula sa kusina at nagkunwaring nagulat ngunit agad na ngumiti nang maamo. “Hon, nakahanda na ang hapunan. Siya na ba ang bisita mo?” tanong ni Arisha habang maingat na inilalapag ang huling pagkain sa gitna ng mesa. “Ipakilala mo naman siya sa akin,” nakangiting dagdag pa niya. Tiningnan siya ni William mula ulo hanggang paa, puno ng pangmamaliit ang mga mata. “Yes. Arisha, si Angelica. Angelica, si Arisha. Anyway, kumain na muna tayo. Sigurado akong napagod ka sa biyahe.” “Oh, you are so sweet, William. Wala ka pa ring pinagbago,” malanding sabi ng babae sabay haplos sa braso ng lalaki. “Kahit kailan walang nagbago, Angelica,” nakangiting sabi ni William habang nakatingin ito kay Angelica na puno ng pagnanasa. Napakuyom ang mga palad ni Arisha sa likod ng kanyang apron. Masakit. Sobrang sakit na harap-harapan siyang niloloko ng kanyang asawa sa loob mismo ng kanilang pamamahay. Parang may pumipiga sa kanyang puso, ngunit mas nangibabaw sa kanya ang nag-aapoy na galit. Pinatag niya ang kanyang sarili, pinilit na huwag maiyak, at tahimik na tumayo sa isang tabi. Pagkaupo nila, sabik niyang pinagmasdan ang tatlo habang nagsisimulang kumuha ng pagkain. “Wow, William, tignan mo oh, napakalinamnam ng sarsa,” nakangiting sabi ni Angelica habang kumukuha ng malaking hiwa ng baka at nilagyan pa ng maraming sarsa ang kanyang kanin. “Kain tayo, Tita, William!” Isang malaking subo ang kinain ni Angelica, kasabay ang paghigop sa sarsa ng Beef Steak. Isang segundo. Dalawang segundo. Tatlong segundo. Biglang nanlaki ang mga mata ni Angelica. Mabilis na namula ang kanyang buong mukha hanggang sa mga tainga, at nagsimulang mamuo ang malalaking butil ng pawis sa kanyang noo. Sinubukan niyang lunukin ang pagkain ngunit parang may buhay na apoy na sumunog sa kanyang lalamunan. “A-Ah... Ahhh!” biglang sumigaw si Angelica sabay dura ng pagkain pabalik sa kanyang plato. “Water! Water! Oh my God! Ang anghang! Papatayin niyo ba ako?!” Napatayo si William sa gulat nang makitang umiiyak at sumisigaw na sa sakit ang kanyang kasintahan. “Sweet heart! Anong nangyari?!” “Ang anghang! Parang may apoy sa bibig ko! Ahhhh! Tita, tulong!” hiyaw pa ni Angelica habang mabilis na nilalagok ang baso ng tubig sa mesa, ngunit hindi ito sapat para maalis ang tindi ng sili. Nagsimula na siyang umubo nang malakas at humihingal na parang mauubusan ng hininga. “Arisha! Ano'ng nilagay mo dito, babae ka?!” galit na galit na sigaw ni Mrs. Ross habang pinapaypayan ang namumulang si Angelica. “Gusto mo ba kaming patayin?!” Dahan-dahang tumingin si Arisha sa kanila. Walang bakas ng takot sa kanyang mukha, kundi isang inosenteng pagtataka ang ipinakita niya. “Po? Bakit po, Mommy? Anong nangyari kay Ms. Angelica?!” malumanay niyang sagot habang pinagmamasdan silang natataranta. "Bulag ka ba, bruha ka?! galit na galit na tanong ni Mrs. Rose sa kanya. Sa kabilang banda, mabilis na tumakbo si William patungong refrigerator. Kumaripas ito ng takbo pabalik bitbit ang isang pitsel ng malamig na tubig at bagoong yelo. Tarandang-taranta nitong isinalin ang tubig sa baso at maingat na inilapit sa labi ng humihingal na si Elaine. "Here, uminom ka muna. Dahan-dahan. Malamig 'yan" nag-aalalang dinala ni William ang baso at maingat na ipinasubo kay Angelica, habang ang isa nitong kamay ay banayad na humahaplos sa likod ng babae upang pakalmahin ang pag-ubo nito. "Are you okay? Masakit ba ang lalamunan mo? Mom, kumuha po kayo ng asukal!" Habang pinapanood ni Arisha ang eksenang iyon, napakagat-labi siya upang pigilan ang kanyang tawa, nakakatawang makita ang kabit na halos mamamatay na sa anghang habang lumuluha at namumula ang mukha. Pero sa likod ng pigil na tawang iyon, gumapang ang matinding kirot at galit sa kanyang puso. Nakahanda naman ang kanyang recording sa phone habang hinihintay ang pag kompronta ni William sa kanya. Isang taon. Isang taon silang kasal ng binata, ngunit kahit kailan ay hindi siya inalagaan ng lalaki nang ganyan kapag nagkakasakit siya. Ni hindi siya nito tinatanong kung ayos lang ba siya kapag napapagod siya sa gawaing-bahay. Ngayon, sa harap mismo ng kanyang mga mata, ipinapakita ng asawa niya kung gaano nito kamahal ang ibang babae. Nang medyo mahimasmasan na si Angelica at humupa na ang sunod-sunod na pag-ubo nito, hinarap sa wakas ni William si Arisha. Nagbago ang mukha ng lalaki, nawala ang pag-aalala at napalitan ito ng nag-aapoy na poot. Galit na binalibag ni William ang hawak na baso sa mesa na lumikha ng isang nakabibinging tunog. Humarap ito kay Arisha, nanlilisik ang mga mata habang dinuduro siya. “What the hell, Arisha?! Anong kalokohan ito?! Sinasadya mo bang gawin 'to?! Sumagot ka!” galit na galit na tanong ni William, umaalingawngaw ang boses sa buong dining area habang hawak-hawak pa rin ang nanginginig na kamay ni Angelica."Sino ako?" mahina ngunit mariing ulit ni Arisha. Tiningnan niya si William nang diretso sa mga mata, walang kahit anong bakas ng takot. "Malalaman mo rin ang sagot, William. Sa tamang panahon.""Anong tamang panahon?!" singhal ni William habang nakatingin sa kanya nang may pandidiri. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang Presidente ng Pilipinas para magsalita nang ganyan?!"sarkastiko pa itong tumawa. Nagsisigaw sa tawa si Angelica sa tabi ni William, hawak-hawak pa rin ang dibdib habang puno ng pang-uuyam ang mukha. "Grabe, William! Ang tindi ng ilusyon ng peke mong asawa. Ilusyonada!"PAKKK!Isang malakas at mabilis na sampal ang bumasag sa tawa ni Angelica. Napalingon ang mukha ng kabit sa lakas ng puwersa, at agad na namula ang pisngi nito."Ouch! How dare you to slap me?!" tili ni Angelica habang hawak ang kanyang namumulang pisngi at agad na nagtago sa likod ni William habang umiiyak."William, napakasama talaga ng babaeng 'yan!" umiiyak na sabi ni Angelica para magpaawa sa binata."Ar
Sa halip na matakot o umiyak, nanatiling kalmado si Arisha. Palihim niyang ipinasok ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang apron. Kinapa niya ang screen ng kanyang phone at pinindot ang record button. Handa na ang lahat. Titiyakin niyang ang bawat salitang lalabas sa bibig ng asawa niya ay magiging matibay na ebidensya ng panloloko nito. Tumingin siya kay William nang may halong pekeng takot at lungkot, pilit na pinanginginig ang kanyang boses upang mas makuha ang tiwala ng mag-ina. “H-Hon... hindi ko alam na ganyan kaanghang ang Beef Steak,” pagsisinungaling ni Arisha habang dahan-dahang umaatras. “Baka naman po napasobra lang ang nailagay kong paminta. Bakit mo ba ako sinisigawan ng ganyan sa harap ng bisita mo? At bakit... bakit ganyan ka kung mag-alala sa kanya?” “Walanghiya ka talaga! Huwag ka nang magmaang-maangan pa, babae!” sabat ni Mrs. Ross habang hinahaplos pa rin ang likod ng humihingal na si Elaine. “William, palayasin mo na ang babaeng iyan! Kita mo naman ang
Nang matapos ang tawag, ibinaba na ni Arisha ang kanyang phone. Mabilis siyang naglakad patungo sa mga tindahan sa palengke upang mamili. Bukod sa karne ng baka, may isang hiwalay na supot siyang binili na naglalaman ng kalahating kilo ng pinakamalalaking siling labuyo.Pagkauwi niya sa mansyon, agad siyang nagtungo sa kusina. Isang malapad at makahulugang ngiti ang nasa labi ni Arisha habang mabilis siyang kumikilos sa loob ng kusina ng mga Ross. Habang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang mga masasakit na salita nina William at Mrs. Ross na narinig niya kanina, mas lalong tumitindi ang galit sa kanyang dibdib.Kinuha niya ang almires at buong lakas na dinikdik ang bawat sili. Kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nag-uumapaw na poot. Sinadya niyang ibuhos ang lahat ng nadurog na sili at katas nito sa sarsa ng Beef Steak upang pagbayarin ang mga ito. Dahil natatakpan ng itim na kulay ng toyo at makapal na paminta, hindi naging
Matapos niyang sabihin 'yon, huminga siya ng malalim upang maipakalma ang sarili. Sa isip niya, magpanggap siyang walang alam at magbait-baitan. Hahabaan niya ang kanyang pasensya para hindi sila makahalata sa kanyang plano.Pinunasan niya ang kanyang mukha at isinuot ang kanyang simpleng apron. Lumabas siya ng kwarto at bumaba papuntang kusina. Pagkababa pa lang niya ng hagdan, agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ni Mrs. Ross."Napakabagal mo namang kumilos, Arisha! Anong oras na, wala pa rin bang meryenda?!" galit na sabi ng matanda.Isang taon. Isang taon din siyang nagsisilbi sa kanila na parang katulong. Nakiusap kasi noon si William na imbis na mag-hire sila ng katulong, siya na lang ang mag-asikaso sa bahay para naman daw maramdaman ng lalaki ang pagiging asawa niya. Idinahilan pa nito na simula nang mamatay ang daddy nito, madami silang naiwang bayarin kaya dapat silang magtipid. Parte lang pala ’yon ng plano ng mag-ina para mapakinabangan siya nang husto."Pasensya
Napatigil sa tapat ng bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto si Arisha nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang biyenan. Parang may talim na sumaksak sa kanyang dibdib sa unang pangungusap pa lamang na nasagap ng kanyang pandinig.“Tama ba ang narinig ko, Hijo? Bumalik na si Angelica sa Pilipinas?” tanong ni Mrs. Ross.Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya lubos maiisip na ang dalawang tao na buong puso niyang pinagkatiwalaan sa loob ng isang taon ay may ganitong lihim.Si Angelica ang first love ni William, ang babaeng nang-iwan dito noon para makipagsapalaran sa ibang bansa matapos tanggihan ang alok nitong kasal. Ngayon ay nagbabalik ito, at ang pinakamasaklap pa, nagpaplano na ang lalaki na pakasalan ang dating kasintahan kahit kasal pa sila ni Arisha.“Yes, Mom. Nagkabalikan na kami at napagplanuhan na din namin ang kasal. Nasasabik na talaga akong maging asawa siya, Mommy,” tuwang-tuwang tugon ng lalaki, bakas ang labis na kasabikan sa boses.Napakuyom ang mga ka


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




