LOGIN
Napatigil sa tapat ng bahagyang nakabukas na p***o ng kwarto si Arisha nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang biyenan. Parang may talim na sumaksak sa kanyang dibdib sa unang pangungusap pa lamang na nasagap ng kanyang pandinig.
“Tama ba ang narinig ko, Hijo? Bumalik na si Angelica sa Pilipinas?” tanong ni Mrs. Ross. Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya lubos maiisip na ang dalawang tao na buong puso niyang pinagkatiwalaan sa loob ng isang taon ay may ganitong lihim. Si Angelica ang first love ni William, ang babaeng nang-iwan dito noon para makipagsapalaran sa ibang bansa matapos tanggihan ang alok nitong kasal. Ngayon ay nagbabalik ito, at ang pinakamasaklap pa, nagpaplano na ang lalaki na pakasalan ang dating kasintahan kahit kasal pa sila ni Arisha. “Yes, Mom. Nagkabalikan na kami at napagplanuhan na din namin ang kasal. Nasasabik na talaga akong maging asawa siya, Mommy,” tuwang-tuwang tugon ng lalaki, bakas ang labis na kasabikan sa boses. Napakuyom ang mga kamao ng babaeng nakikinig sa labas ng silid. Isang napakalaking sampal sa kanyang pagkatao na nagagawa nitong magplano ng kasal sa ibang tao habang nakatali pa sa kanya. Bago pa man siya makabawi sa paunang gulat, muling sumabat si Mrs. Ross, at doon tuluyang nabura ang huwad na kabaitan ng matandang itinuring niya pa namang pangalawang ina. “Mabuti. Alam na ba ito ni Arisha? O bulag pa rin sa katotohanan ang babaeng ‘yon?” tanong ng biyenan na tila walang anumang halaga ang damdamin ng manugang. Kusa nang nanginig ang kanyang mga kamay dahil sa umaapaw na poot. Noon ay akala niya ay totoong mahal siya ng pamilyang ito. Lahat pala ng ipinakita ng mga ito ay isang malaking dula-dulaan. “Syempre, Mom, hindi,” sarkastikong tumawa si William. “Pero sasabihin ko na sa kanya mamaya. Sa ngayon, kailangan ko pa siya dito dahil mamayang gabi, dito magdidinner si Angelica sa mansyon. Para naman mapakinabangan pa natin siya sa pagluluto. Magugulat na lang siya mamaya kapag sinabi kong ikakasal na ako sa iba.” Sumabay sa tawa ng anak ang matanda, na nagpatunay lamang na peke ang lahat ng yakap at ngiting ibinigay nito noon. Para kay Arisha, ang lahat ng ito ay isang masamang panaginip, ngunit alam niyang gising na gising siya. At lalo pang nadagdagan ang bigat sa kanyang dibdib sa mga sumunod na narinig. “Magaling ka talaga, Hijo. Anak nga talaga kita. Sa wakas, natupad ang lahat ng plano natin noon, nakuha mo na ang posisyon mo as a CEO of Ross Jewelries at ngayon, makakalaya ka na sa babaeng ‘yon. Tagumpay ang paggamit mo sa kanya nang libre para mapaniwala ang Daddy mo na may asawa ka na,” papuri ng ina. Doon ay nagliwanag ang lahat sa kanya. Ginamit lamang siya ng mag-ina para sa posisyon, pera, at ambisyon ng kanyang saksakan ng sinungaling na asawa upang takpan ang sugat at kahihiyang iniwan ng ex nito noon. “At ngayong isang buwan pa lang ang nakakalipas nang mawala si Daddy, wala nang dahilan para itago ko pa ang pekeng kasal namin. Dapat malaman ng babaeng ‘yon na wala siyang karapatan sa akin at wala siyang lugar sa buhay ko!” mariing dagdag ng lalaki. Nangangatog ang kanyang buong katawan sa magkahalong galit, sakit, at matinding awa sa sarili. Hindi na niya kayang sikmurain pa ang mga susunod na sasabihin ng dalawa kaya dahan-dahan siyang umalis doon. Pabalik sa kanyang sariling kwarto, bagsak siyang napaupo sa gilid ng kama. Tulala siya sa kawalan. Totoo nga siguro ang kasabihan, na kapag umabot na sa sukdulan ang sakit, nagiging manhid na ang puso. Walang kahit isang patak ng luha ang lumabas sa kanyang mga mata. Masakit para sa kanya na ang lalaking inakala niyang nagmamahal sa kanya nang tapat ay ginamit lang pala siya para sa sariling interes, sa tulong pa ng sarili nitong ina. Ang mga lambingan at ngiti nitong nakaraang taon ay pawang kasinungalingan habang hinihintay lang pala nito ang pagbabalik ng ex na balak nitong ipalit sa kanya. Ang masakit pa rito, may balak pa sana siyang isurpresa ang asawa sa kanilang nalalapit na unang anibersaryo. Plano niya sanang ipagtapat ang katotohanang siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Ganzon Empire, at siya rin ang lihim na nag-invest ng pinakamalaking halaga upang mas umunlad pa ang kompanya ng mga Ross dahil sa pakiusap niya sa kanyang ama. Ngunit napagtanto niya na wala siyang dapat isisi kundi ang sarili. Mahigit isang taon na ang nakalipas nang piliin niyang magpanggap na mahirap at itago ang kanyang marangyang pagkatao sa pag-asang makakatagpo siya ng wagas na pag-ibig. Ngunit pagtataksil ang isinukli sa kanya. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang nagrerebeldeng emosyon sa kanyang dibdib. Inilabas niya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang ama. Agad naman itong sumagot sa kabilang linya. “Hello, sweetheart. Mabuti naman at naisip mong tumawag. Kumusta ka na, anak?” malumanay at puno ng pagmamahal ang boses ng kanyang Daddy. “Uuwi na ako, Dad.” pilit niyang pinatatag ang kanyang boses. “Why? Anong nangyari, sweetheart? Nag-away ba kayo ni William?” bakas ang pag-aalala sa tanong ng ama. “Niloko nila ako, Dad, at gusto kong pagbayarin sila sa lahat ng ginawa nila sa akin!” mariin sabing niya. “What?!” gulat na reaksyon ng kanyang Daddy. “Yes, Dad. Uuwi ako bukas ng umaga pero sa ngayon... makikipaglaro muna ako sa kanila,” Nang matapos ang tawag, marahang ibinaba ni Arisha ang phone niya sa ibabaw ng kama habang nananatiling nakapako ang tingin sa kawalan. Isang malamig na ngiti ang unti-unting gumuhit sa kanyang mga labi. Peke at mapagpanggap ang mundong binuo nila, kaya sisiguraduhin niyang magbabayad ang mag-ina sa lahat ng panloloko nila sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at humakbang patungo sa tapat ng salamin ng kanyang dressing table. Inayos niya ang ilang hibla ng kanyang buhok gamit ang suklay. Sa sandaling iyon, tumulo ang kanyang luha sa unang pagkakataon. Agad niya naman itong pinunasan habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. "Ang tanga-tanga ko, William. Ang tanga-tanga ko na naniwala ako sa lahat ng kasinungalingan mo!," bulong niya, ngunit agad ding nagbago ang tono ng kanyang boses habang tumititig sa sariling repleksyon. "Pero mas tanga ka dahil mali ka ng babaeng niloko! At sa oras na makaalis ako sa mansyong ito, maniningil ako! Sa muli nating pagkikita, sisiguraduhin kong gagapang kayo sa lupa!""Sino ako?" mahina ngunit mariing ulit ni Arisha. Tiningnan niya si William nang diretso sa mga mata, walang kahit anong bakas ng takot. "Malalaman mo rin ang sagot, William. Sa tamang panahon.""Anong tamang panahon?!" singhal ni William habang nakatingin sa kanya nang may pandidiri. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang Presidente ng Pilipinas para magsalita nang ganyan?!"sarkastiko pa itong tumawa. Nagsisigaw sa tawa si Angelica sa tabi ni William, hawak-hawak pa rin ang dibdib habang puno ng pang-uuyam ang mukha. "Grabe, William! Ang tindi ng ilusyon ng peke mong asawa. Ilusyonada!"PAKKK!Isang malakas at mabilis na sampal ang bumasag sa tawa ni Angelica. Napalingon ang mukha ng kabit sa lakas ng puwersa, at agad na namula ang pisngi nito."Ouch! How dare you to slap me?!" tili ni Angelica habang hawak ang kanyang namumulang pisngi at agad na nagtago sa likod ni William habang umiiyak."William, napakasama talaga ng babaeng 'yan!" umiiyak na sabi ni Angelica para magpaawa sa binata."Ar
Sa halip na matakot o umiyak, nanatiling kalmado si Arisha. Palihim niyang ipinasok ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang apron. Kinapa niya ang screen ng kanyang phone at pinindot ang record button. Handa na ang lahat. Titiyakin niyang ang bawat salitang lalabas sa bibig ng asawa niya ay magiging matibay na ebidensya ng panloloko nito. Tumingin siya kay William nang may halong pekeng takot at lungkot, pilit na pinanginginig ang kanyang boses upang mas makuha ang tiwala ng mag-ina. “H-Hon... hindi ko alam na ganyan kaanghang ang Beef Steak,” pagsisinungaling ni Arisha habang dahan-dahang umaatras. “Baka naman po napasobra lang ang nailagay kong paminta. Bakit mo ba ako sinisigawan ng ganyan sa harap ng bisita mo? At bakit... bakit ganyan ka kung mag-alala sa kanya?” “Walanghiya ka talaga! Huwag ka nang magmaang-maangan pa, babae!” sabat ni Mrs. Ross habang hinahaplos pa rin ang likod ng humihingal na si Elaine. “William, palayasin mo na ang babaeng iyan! Kita mo naman ang
Nang matapos ang tawag, ibinaba na ni Arisha ang kanyang phone. Mabilis siyang naglakad patungo sa mga tindahan sa palengke upang mamili. Bukod sa karne ng baka, may isang hiwalay na supot siyang binili na naglalaman ng kalahating kilo ng pinakamalalaking siling labuyo.Pagkauwi niya sa mansyon, agad siyang nagtungo sa kusina. Isang malapad at makahulugang ngiti ang nasa labi ni Arisha habang mabilis siyang kumikilos sa loob ng kusina ng mga Ross. Habang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang mga masasakit na salita nina William at Mrs. Ross na narinig niya kanina, mas lalong tumitindi ang galit sa kanyang dibdib.Kinuha niya ang almires at buong lakas na dinikdik ang bawat sili. Kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nag-uumapaw na poot. Sinadya niyang ibuhos ang lahat ng nadurog na sili at katas nito sa sarsa ng Beef Steak upang pagbayarin ang mga ito. Dahil natatakpan ng itim na kulay ng toyo at makapal na paminta, hindi naging
Matapos niyang sabihin 'yon, huminga siya ng malalim upang maipakalma ang sarili. Sa isip niya, magpanggap siyang walang alam at magbait-baitan. Hahabaan niya ang kanyang pasensya para hindi sila makahalata sa kanyang plano.Pinunasan niya ang kanyang mukha at isinuot ang kanyang simpleng apron. Lumabas siya ng kwarto at bumaba papuntang kusina. Pagkababa pa lang niya ng hagdan, agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ni Mrs. Ross."Napakabagal mo namang kumilos, Arisha! Anong oras na, wala pa rin bang meryenda?!" galit na sabi ng matanda.Isang taon. Isang taon din siyang nagsisilbi sa kanila na parang katulong. Nakiusap kasi noon si William na imbis na mag-hire sila ng katulong, siya na lang ang mag-asikaso sa bahay para naman daw maramdaman ng lalaki ang pagiging asawa niya. Idinahilan pa nito na simula nang mamatay ang daddy nito, madami silang naiwang bayarin kaya dapat silang magtipid. Parte lang pala ’yon ng plano ng mag-ina para mapakinabangan siya nang husto."Pasensya
Napatigil sa tapat ng bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto si Arisha nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang biyenan. Parang may talim na sumaksak sa kanyang dibdib sa unang pangungusap pa lamang na nasagap ng kanyang pandinig.“Tama ba ang narinig ko, Hijo? Bumalik na si Angelica sa Pilipinas?” tanong ni Mrs. Ross.Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya lubos maiisip na ang dalawang tao na buong puso niyang pinagkatiwalaan sa loob ng isang taon ay may ganitong lihim.Si Angelica ang first love ni William, ang babaeng nang-iwan dito noon para makipagsapalaran sa ibang bansa matapos tanggihan ang alok nitong kasal. Ngayon ay nagbabalik ito, at ang pinakamasaklap pa, nagpaplano na ang lalaki na pakasalan ang dating kasintahan kahit kasal pa sila ni Arisha.“Yes, Mom. Nagkabalikan na kami at napagplanuhan na din namin ang kasal. Nasasabik na talaga akong maging asawa siya, Mommy,” tuwang-tuwang tugon ng lalaki, bakas ang labis na kasabikan sa boses.Napakuyom ang mga ka







