Share

CHAPTER 2

Author: Chinitiko
last update publish date: 2026-11-05 10:36:24

Matapos niyang sabihin 'yon, huminga siya ng malalim upang maipakalma ang sarili. Sa isip niya, magpanggap siyang walang alam at magbait-baitan. Hahabaan niya ang kanyang pasensya para hindi sila makahalata sa kanyang plano.

Pinunasan niya ang kanyang mukha at isinuot ang kanyang simpleng apron. Lumabas siya ng kwarto at bumaba papuntang kusina. Pagkababa pa lang niya ng hagdan, agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ni Mrs. Ross.

"Napakabagal mo namang kumilos, Arisha! Anong oras na, wala pa rin bang meryenda?!" galit na sabi ng matanda.

Isang taon. Isang taon din siyang nagsisilbi sa kanila na parang katulong. Nakiusap kasi noon si William na imbis na mag-hire sila ng katulong, siya na lang ang mag-asikaso sa bahay para naman daw maramdaman ng lalaki ang pagiging asawa niya. Idinahilan pa nito na simula nang mamatay ang daddy nito, madami silang naiwang bayarin kaya dapat silang magtipid. Parte lang pala ’yon ng plano ng mag-ina para mapakinabangan siya nang husto.

"Pasensya na po, Mommy. Nakatulog po kasi ako, kakagising ko lang po," malumanay na paumanhin niya sa kanyang biyenan.

"Hay naku! Nakakastress! Ewan ko ba kung bakit ba kasi ikaw ang naging asawa ng anak ko! Napaka-walang kwenta!"

Dito na sinamantala ni Arisha ang pagkakataon para magsalita ng tatama sa konsensya nito. Tumingin siya nang diretso pero may halong lungkot sa biyenan.

"Po?!" mariing tanong niya.

“Narinig mo naman ang sinabi ko, 'di ba? Pwera na lang kung nagbibingi-bingihan ka,” sabi ng biyenan niya.

“Pero… bakit po ganyan kayo sa akin, Mommy? Simula nang nawala si Daddy Lorenzo, nagbago na rin po ang pakikitungo niyo sa akin. Dati naman po... sinasabihan niyo pa ako na gustong-gusto niyo ako para sa anak niyo. May nagawa po ba akong mali?” bulag-bulagang tanong niya.

“Well, siguro dapat mo nang malaman ang—”

"Ano'ng nangyayari dito?" malamig na tanong ng isang lalaki.

Bago pa matuloy ni Mrs. Ross ang kanyang sasabihin, biglang sumingit si William para pigilan ang ina. Para sa kanya, hindi pa ito ang tamang oras dahil kailangan niya pa si Arisha para maghanda sa dinner nila kasama si Angelica mamayang gabi.

Simpleng ngumiti si Arisha na parang wala talagang alam sa totoong pakay ng asawa niya.

"Ah, wala pa kasi akong naihahandang meryenda, pasensya ka na, Hon. Nakatulog kasi ako, eh, kakagising ko lang," sagot ni Arisha habang nakangiti.

"It’s okay," tipid na sagot ni William habang umuupo. "Anyway, mamaya may espesyal akong bisita na darating. Maghanda ka ng maraming putahe, lalo na ang Beef Steak dahil paborito niya 'yon. Make sure na hindi mo ako papahiyain sa bisita ko. Sarapan mo ang luto mo. Basta, before 7:00 PM dapat nakaluto ka na."

"Sige, hon. Ihahanda ko ang lahat," sagot ni Arisha habang tumatango at nagpapakita ng pagsunod.

Matapos ang usapang iyon, naghanda na agad si Arisha ng meryenda para sa mag-ina. Nagluto siya ng egg sandwich at inilapag ito sa mesa para pagsaluhan nina William at Mrs. Ross. Pagkatapos ay lumapit siya sa kanila para magpaalam.

"Hon, mamalengke muna ako para marami akong maluto mamayang gabi," maamong paalam ni Arisha habang nakangiti. "Konti na lang kasi ang stock natin sa ref, may mga rekado rin akong kailangang bilhin."

Dahil excited sa pagdating ng kanyang espesyal na bisita, walang pag-aalinlangang kinuha ni William ang kanyang wallet. Naglabas ito ng pera at iniabot kay Arisha. "O, eto ang pera. Siguraduhin mong masarap ang beef steak mamaya, ha?"

"Oo, hon. Huwag kang mag-alala. Sasarapan ko talaga ng husto. Oh sya, aalis na ako," sagot ni Arisha pagkatapos niyang matanggap ang dalawang libong ibinigay ni William.

Habang naglalakad siya patalikod, kitang-kita sa gilid ng kanyang mga mata ang masamang tingin na ipinupukol sa kanya ni Mrs. Ross.

Nang makalabas na siya ng mansyon at makalayo nang bahagya, nawala ang maamong ngiti sa mga labi ni Arisha. Napalitan ito ng isang malamig at makahulugang tingin. Tumingin siya pabalik sa bahay ng mga Ross.

"Humanda kayong mamaya sa akin dahil sisiguraduhin kong magiging masaya ang gabi ninyo," bulong niya sa sarili habang mahigpit na hawak ang kanyang bag. "Mag-uumpisa pa lang ang laro."

Pagkatapos niyang sabihin ‘yon, pumara siya ng taxi at pagkapasok pa lang niya sa loob, kinuha niya agad ang phone niya mula sa bag. Doon niya nakita ang napakaraming missed calls mula sa kanyang Daddy. Hindi niya ito agad napansin dahil naka-silent ang phone niya kanina habang nasa loob ng mansyon.

Agad na nag-vibrate ulit ang phone at nakita niyang tumatawag na naman ang ama. Mabilis niya naman itong sinagot.

"Hello, Dad—"

"Arisha! Bakit ngayon mo lang sinagot ang phone mo?!" galit na galit na boses ng kanyang Daddy ang sumalubong sa kabilang linya. Bakas dito ang matinding pag-aalala na may halong poot para sa pamilyang Ross.

“Dad, huminahon po kayo” malumanay niyang sabi.

“How can I calm down, Hija?! Kakausapin ko na ang financial team natin ngayon din. Ipo-pull out ko na ang lahat ng investments ng Ganzon Empire sa Ross Jewelries! Hinding-hindi ko hahahayaang tapak-tapakan ka ng mag-inang iyan!"

"No, Dad. Huwag ngayon!" pakiusap ni Arisha sa kanyang ama.

"What?! Ang sabi mo, niloko ka nila! Sa tingin mo ba makakatagal akong nakaupo lang dito habang iniisip na naagrabyado ang nag-iisa kong anak?!" bahagyang sigaw ng ama.

"Dad, naiintindihan kita pero please let me handle this. Kaya ko ang sarili ko," mariin at seryosong sagot ni Arisha.

“Isa pa, pulling investments sa Ross companies is just a simple revenge. Hindi pa sapat ‘yon! Ang gusto ko, paglaruan sila gaya ng paglalaro nila sa akin! I want to make them as blind as I was!" mariing dagdag niya.

Napatigil ang kanyang ama sa kabilang linya. Mas lalong umigting ang galit sa boses nito nang mapagtanto ang kahulugan ng mga huling salita ng anak.

"Pinaglaruan?!" mariing tanong ng kanyang Daddy, na tila hindi makapaniwala. "Ano ba talagang panloloko ang ginawa nila sa 'yo, anak?!"

"Sasabihin ko po sa inyo ang lahat kapag nakauwi na ako, Dad. Pero sa ngayon, may kailangan lang muna akong gawin bago ako tuluyang umalis sa bahay na 'to," sagot ni Arisha.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kanyang ama sa kabilang linya, halatang hindi mapakali at gustong malaman ang bawat detalye ng gagawin ng anak.

"Ano ba talaga ang plano mong gawin, Anak?" seryosong tanong ng kanyang ama.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Arisha "Magluluto lang naman ako ng pinakamasarap na huling hapunan para sa kanila, Dad. Sisiguraduhin kong hindi nila malilimutan ang ihahanda ko mamaya."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 5

    "Sino ako?" mahina ngunit mariing ulit ni Arisha. Tiningnan niya si William nang diretso sa mga mata, walang kahit anong bakas ng takot. "Malalaman mo rin ang sagot, William. Sa tamang panahon.""Anong tamang panahon?!" singhal ni William habang nakatingin sa kanya nang may pandidiri. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang Presidente ng Pilipinas para magsalita nang ganyan?!"sarkastiko pa itong tumawa. Nagsisigaw sa tawa si Angelica sa tabi ni William, hawak-hawak pa rin ang dibdib habang puno ng pang-uuyam ang mukha. "Grabe, William! Ang tindi ng ilusyon ng peke mong asawa. Ilusyonada!"PAKKK!Isang malakas at mabilis na sampal ang bumasag sa tawa ni Angelica. Napalingon ang mukha ng kabit sa lakas ng puwersa, at agad na namula ang pisngi nito."Ouch! How dare you to slap me?!" tili ni Angelica habang hawak ang kanyang namumulang pisngi at agad na nagtago sa likod ni William habang umiiyak."William, napakasama talaga ng babaeng 'yan!" umiiyak na sabi ni Angelica para magpaawa sa binata."Ar

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 4

    Sa halip na matakot o umiyak, nanatiling kalmado si Arisha. Palihim niyang ipinasok ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang apron. Kinapa niya ang screen ng kanyang phone at pinindot ang record button. Handa na ang lahat. Titiyakin niyang ang bawat salitang lalabas sa bibig ng asawa niya ay magiging matibay na ebidensya ng panloloko nito. Tumingin siya kay William nang may halong pekeng takot at lungkot, pilit na pinanginginig ang kanyang boses upang mas makuha ang tiwala ng mag-ina. “H-Hon... hindi ko alam na ganyan kaanghang ang Beef Steak,” pagsisinungaling ni Arisha habang dahan-dahang umaatras. “Baka naman po napasobra lang ang nailagay kong paminta. Bakit mo ba ako sinisigawan ng ganyan sa harap ng bisita mo? At bakit... bakit ganyan ka kung mag-alala sa kanya?” “Walanghiya ka talaga! Huwag ka nang magmaang-maangan pa, babae!” sabat ni Mrs. Ross habang hinahaplos pa rin ang likod ng humihingal na si Elaine. “William, palayasin mo na ang babaeng iyan! Kita mo naman ang

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 3

    Nang matapos ang tawag, ibinaba na ni Arisha ang kanyang phone. Mabilis siyang naglakad patungo sa mga tindahan sa palengke upang mamili. Bukod sa karne ng baka, may isang hiwalay na supot siyang binili na naglalaman ng kalahating kilo ng pinakamalalaking siling labuyo.Pagkauwi niya sa mansyon, agad siyang nagtungo sa kusina. Isang malapad at makahulugang ngiti ang nasa labi ni Arisha habang mabilis siyang kumikilos sa loob ng kusina ng mga Ross. Habang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang mga masasakit na salita nina William at Mrs. Ross na narinig niya kanina, mas lalong tumitindi ang galit sa kanyang dibdib.Kinuha niya ang almires at buong lakas na dinikdik ang bawat sili. Kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nag-uumapaw na poot. Sinadya niyang ibuhos ang lahat ng nadurog na sili at katas nito sa sarsa ng Beef Steak upang pagbayarin ang mga ito. Dahil natatakpan ng itim na kulay ng toyo at makapal na paminta, hindi naging

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 2

    Matapos niyang sabihin 'yon, huminga siya ng malalim upang maipakalma ang sarili. Sa isip niya, magpanggap siyang walang alam at magbait-baitan. Hahabaan niya ang kanyang pasensya para hindi sila makahalata sa kanyang plano.Pinunasan niya ang kanyang mukha at isinuot ang kanyang simpleng apron. Lumabas siya ng kwarto at bumaba papuntang kusina. Pagkababa pa lang niya ng hagdan, agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ni Mrs. Ross."Napakabagal mo namang kumilos, Arisha! Anong oras na, wala pa rin bang meryenda?!" galit na sabi ng matanda.Isang taon. Isang taon din siyang nagsisilbi sa kanila na parang katulong. Nakiusap kasi noon si William na imbis na mag-hire sila ng katulong, siya na lang ang mag-asikaso sa bahay para naman daw maramdaman ng lalaki ang pagiging asawa niya. Idinahilan pa nito na simula nang mamatay ang daddy nito, madami silang naiwang bayarin kaya dapat silang magtipid. Parte lang pala ’yon ng plano ng mag-ina para mapakinabangan siya nang husto."Pasensya

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 1

    Napatigil sa tapat ng bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto si Arisha nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang biyenan. Parang may talim na sumaksak sa kanyang dibdib sa unang pangungusap pa lamang na nasagap ng kanyang pandinig.“Tama ba ang narinig ko, Hijo? Bumalik na si Angelica sa Pilipinas?” tanong ni Mrs. Ross.Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya lubos maiisip na ang dalawang tao na buong puso niyang pinagkatiwalaan sa loob ng isang taon ay may ganitong lihim.Si Angelica ang first love ni William, ang babaeng nang-iwan dito noon para makipagsapalaran sa ibang bansa matapos tanggihan ang alok nitong kasal. Ngayon ay nagbabalik ito, at ang pinakamasaklap pa, nagpaplano na ang lalaki na pakasalan ang dating kasintahan kahit kasal pa sila ni Arisha.“Yes, Mom. Nagkabalikan na kami at napagplanuhan na din namin ang kasal. Nasasabik na talaga akong maging asawa siya, Mommy,” tuwang-tuwang tugon ng lalaki, bakas ang labis na kasabikan sa boses.Napakuyom ang mga ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status