LOGIN"Sino ako?" mahina ngunit mariing ulit ni Arisha. Tiningnan niya si William nang diretso sa mga mata, walang kahit anong bakas ng takot. "Malalaman mo rin ang sagot, William. Sa tamang panahon."
"Anong tamang panahon?!" singhal ni William habang nakatingin sa kanya nang may pandidiri. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang Presidente ng Pilipinas para magsalita nang ganyan?!"sarkastiko pa itong tumawa. Nagsisigaw sa tawa si Angelica sa tabi ni William, hawak-hawak pa rin ang dibdib habang puno ng pang-uuyam ang mukha. "Grabe, William! Ang tindi ng ilusyon ng peke mong asawa. Ilusyonada!" PAKKK! Isang malakas at mabilis na sampal ang bumasag sa tawa ni Angelica. Napalingon ang mukha ng kabit sa lakas ng puwersa, at agad na namula ang pisngi nito. "Ouch! How dare you to slap me?!" tili ni Angelica habang hawak ang kanyang namumulang pisngi at agad na nagtago sa likod ni William habang umiiyak. "William, napakasama talaga ng babaeng 'yan!" umiiyak na sabi ni Angelica para magpaawa sa binata. "Arisha! Sumusobra ka na!" Nag-apoy sa galit ang mga mata ni William. Itinaas nito ang kanyang kanang kamay, nagngangalit ang mga panga, at akmang sasaktan na sana si Arisha upang ipaghiganti ang kabit. Ngunit bago pa man dumapo ang kamay nito, hindi man lang kumurap si Arisha. Sinalubong niya ang galit ng lalaki nang may matikas at mariing boses. "Sige, subukan mo! Saktan mo ako! Hindi ka pa ba kontento sa ginawa mong panloloko sa akin?!" Natigilan ang kamay ni William sa hangin. Ang tindi ng awtoridad at bagsik sa mga mata ni Arisha ay tila ba nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na takot. "Palayasin mo na 'yang babaeng 'yan, William! Nakakahiya ang ugali! Ugaling lansangan!"galit na galit na sabi ni Mrs. Ross. Binalibag na lang ni William ang kanyang kamay sa gilid at galit na dinuro ang asawa. "Lumayas ka! Lumayas ka sa bahay na 'to ngayon din! Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo!" "Relax. Aalis naman talaga ako," malamig na sagot ni Arisha, habang inaalis ang simpleng apron sa kanyang baywang at marahan itong inilapag sa mesa. Tiningnan niya si William nang may buong paghamak. "Sa tingin mo ba pagkatapos ng ginawa mo, kaya ko pang makasama ka, William?!" Saglit na napatigil si William, tila natapakan nang husto ang kanyang ego sa narinig. Ang akala niyang hampaslupa na iiyak at magmamakaawa sa kanyang paanan ay tila ba diring-diri na makasama siya sa ilalim ng iisang bubong. "Bukas ng umaga, aalis ako," pagpapatuloy ni Arisha, matatag ang bawat hakbang pabalik. "Peke man o hindi ang kasal natin, sa mata ng iba, asawa mo pa rin ako. Kaya kung ayaw mo akong mag-iskandalo sa labas ngayong gabi, hayaan mo akong umalis nang mag-isa. At huwag kang mag-alala, bukas na bukas din paggising mo, hindi mo na ako makikita." Tumingin siya sa kanilang dalawa ni Angelica na may pekeng ngiti. "Anyway, congrats. Nagtagumpay ka sa plano mo, at good luck sa kasal ninyo." Isang mabilis at marangyang pagtalikod ang ginawa ni Arisha bago naglakad patungo sa hagdan. Naririnig pa rin niya ang gulat at galit na bulong ni Mrs. Ross mula sa ibaba, habang si Angelica naman ay patuloy sa pagmamaktol dahil sa sampal. Pagkapasok na pagkapasok sa kanyang kwarto, agad na ni-lock ni Arisha ang p***o. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili. Wala nang luha, puro nag-aapoy na poot na lang ang natitira sa kanyang dibdib. Kinuha niya ang kanyang maleta at mabilis na nag-impake ng kanyang ilang pirasong simpleng damit. Nang matapos, inilabas niya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang ama. "Dad," pilit niya pa ring pinatatag ang boses. "Magpadala ka ng kotse bukas ng madaling-araw. Uuwi na ako." "Sige, anak. Mag-iingat ka. Naghihintay kaming lahat sa pag-uwi mo, Hija" sagot ng kanyang ama na puno ng pagmamahal at pag-aalala. Kinabukasan, madilim pa nang magising si Arisha. Bitbit ang kanyang maleta, tahimik siyang bumaba at lumabas ng mansyon ng mga Ross nang walang nililikhang ingay. Ang buong akala niya ay tulog pa si William sa mga oras na iyon. Ngunit sa ikalawang palapag ng mansyon, nakatayo si William sa Veranda, hawak ang isang baso ng alak. Nagising siya nang maaga dahil sa hindi maipaliwanag na bigat sa kanyang dibdib pagkatapos ng komprontasyon kagabi. Sinadya niyang dungawin ang labas upang masigurong lalayas na nga ang asawa. Nakita ni William si Arisha na naglalakad palabas ng gate bitbit ang maleta nito. Pagkalabas niya ng gate, isang mamahaling itim na kotseng nagkakahalaga ng milyun-milyong piso, ang marahang huminto sa tapat nito. Nanlaki ang mga mata ni William at muntik nang mabitawan ang hawak na baso. Mula sa driver’s seat, bumaba ang isang matangkad at napakagwapong lalaki. Nakasuot ito ng isang mamahaling pasadyang suit, maayos ang buhok, at may seryoso ngunit kagalang-galang na tindig. Mabilis itong lumapit kay Arisha, kinuha ang maleta nito nang may labis na pag-iingat, at magalang na pinagbuksan ng p***o ang babae na tila ba isa itong reyna. Napatulala si William mula sa Veranda, para bang pinipiga ang kanyang utak sa tindi ng gulat at pagtataka. Sino ang lalaking 'yon? At bakit sumakay si Arisha sa ganoong karangyang sasakyan? Samantala, lumipas ang ilang oras na biyahe, tuluyang pumasok ang mamahaling kotse sa malaking gate ng Ganzon Empire. Isang malawak at napakagandang mansyon na may malaking fountain sa gitna ng hardin ang sumalubong sa kanila. Nang huminto ang kotse sa tapat ng pangunahing p***o, agad na lumapit ang lalaking naka-suit para pagbuksan si Arisha. Pagbaba niya, sinalubong siya ng isang tanawin na matagal na niyang hindi nakikita. Dalawampung maids na naka uniporme ang maayos na nakapila sa magkabilang gilid ng malaking entrada. Sabay-sabay silang yumuko at nag-bow nang may labis na paggalang sa kanyang pagdating. "Welcome home, Ma'am Arisha," sabay-sabay na bati ng mga ito na umaalingawngaw sa karangyaan ng buong paligid. Binitiwan ni Arisha ang anumang natitirang bigat sa kanyang nakaraan. Sa pagbabalik niya sa loob ng sariling tahanan, tuluyan nang nagwakas ang buhay niya sa mansyon ng mga Ross. Nagbalik na ang tunay na tagapagmana, at handa na siyang simulan ang paghihiganti."Sino ako?" mahina ngunit mariing ulit ni Arisha. Tiningnan niya si William nang diretso sa mga mata, walang kahit anong bakas ng takot. "Malalaman mo rin ang sagot, William. Sa tamang panahon.""Anong tamang panahon?!" singhal ni William habang nakatingin sa kanya nang may pandidiri. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang Presidente ng Pilipinas para magsalita nang ganyan?!"sarkastiko pa itong tumawa. Nagsisigaw sa tawa si Angelica sa tabi ni William, hawak-hawak pa rin ang dibdib habang puno ng pang-uuyam ang mukha. "Grabe, William! Ang tindi ng ilusyon ng peke mong asawa. Ilusyonada!"PAKKK!Isang malakas at mabilis na sampal ang bumasag sa tawa ni Angelica. Napalingon ang mukha ng kabit sa lakas ng puwersa, at agad na namula ang pisngi nito."Ouch! How dare you to slap me?!" tili ni Angelica habang hawak ang kanyang namumulang pisngi at agad na nagtago sa likod ni William habang umiiyak."William, napakasama talaga ng babaeng 'yan!" umiiyak na sabi ni Angelica para magpaawa sa binata."Ar
Sa halip na matakot o umiyak, nanatiling kalmado si Arisha. Palihim niyang ipinasok ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang apron. Kinapa niya ang screen ng kanyang phone at pinindot ang record button. Handa na ang lahat. Titiyakin niyang ang bawat salitang lalabas sa bibig ng asawa niya ay magiging matibay na ebidensya ng panloloko nito. Tumingin siya kay William nang may halong pekeng takot at lungkot, pilit na pinanginginig ang kanyang boses upang mas makuha ang tiwala ng mag-ina. “H-Hon... hindi ko alam na ganyan kaanghang ang Beef Steak,” pagsisinungaling ni Arisha habang dahan-dahang umaatras. “Baka naman po napasobra lang ang nailagay kong paminta. Bakit mo ba ako sinisigawan ng ganyan sa harap ng bisita mo? At bakit... bakit ganyan ka kung mag-alala sa kanya?” “Walanghiya ka talaga! Huwag ka nang magmaang-maangan pa, babae!” sabat ni Mrs. Ross habang hinahaplos pa rin ang likod ng humihingal na si Elaine. “William, palayasin mo na ang babaeng iyan! Kita mo naman ang
Nang matapos ang tawag, ibinaba na ni Arisha ang kanyang phone. Mabilis siyang naglakad patungo sa mga tindahan sa palengke upang mamili. Bukod sa karne ng baka, may isang hiwalay na supot siyang binili na naglalaman ng kalahating kilo ng pinakamalalaking siling labuyo.Pagkauwi niya sa mansyon, agad siyang nagtungo sa kusina. Isang malapad at makahulugang ngiti ang nasa labi ni Arisha habang mabilis siyang kumikilos sa loob ng kusina ng mga Ross. Habang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang mga masasakit na salita nina William at Mrs. Ross na narinig niya kanina, mas lalong tumitindi ang galit sa kanyang dibdib.Kinuha niya ang almires at buong lakas na dinikdik ang bawat sili. Kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nag-uumapaw na poot. Sinadya niyang ibuhos ang lahat ng nadurog na sili at katas nito sa sarsa ng Beef Steak upang pagbayarin ang mga ito. Dahil natatakpan ng itim na kulay ng toyo at makapal na paminta, hindi naging
Matapos niyang sabihin 'yon, huminga siya ng malalim upang maipakalma ang sarili. Sa isip niya, magpanggap siyang walang alam at magbait-baitan. Hahabaan niya ang kanyang pasensya para hindi sila makahalata sa kanyang plano.Pinunasan niya ang kanyang mukha at isinuot ang kanyang simpleng apron. Lumabas siya ng kwarto at bumaba papuntang kusina. Pagkababa pa lang niya ng hagdan, agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ni Mrs. Ross."Napakabagal mo namang kumilos, Arisha! Anong oras na, wala pa rin bang meryenda?!" galit na sabi ng matanda.Isang taon. Isang taon din siyang nagsisilbi sa kanila na parang katulong. Nakiusap kasi noon si William na imbis na mag-hire sila ng katulong, siya na lang ang mag-asikaso sa bahay para naman daw maramdaman ng lalaki ang pagiging asawa niya. Idinahilan pa nito na simula nang mamatay ang daddy nito, madami silang naiwang bayarin kaya dapat silang magtipid. Parte lang pala ’yon ng plano ng mag-ina para mapakinabangan siya nang husto."Pasensya
Napatigil sa tapat ng bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto si Arisha nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang biyenan. Parang may talim na sumaksak sa kanyang dibdib sa unang pangungusap pa lamang na nasagap ng kanyang pandinig.“Tama ba ang narinig ko, Hijo? Bumalik na si Angelica sa Pilipinas?” tanong ni Mrs. Ross.Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya lubos maiisip na ang dalawang tao na buong puso niyang pinagkatiwalaan sa loob ng isang taon ay may ganitong lihim.Si Angelica ang first love ni William, ang babaeng nang-iwan dito noon para makipagsapalaran sa ibang bansa matapos tanggihan ang alok nitong kasal. Ngayon ay nagbabalik ito, at ang pinakamasaklap pa, nagpaplano na ang lalaki na pakasalan ang dating kasintahan kahit kasal pa sila ni Arisha.“Yes, Mom. Nagkabalikan na kami at napagplanuhan na din namin ang kasal. Nasasabik na talaga akong maging asawa siya, Mommy,” tuwang-tuwang tugon ng lalaki, bakas ang labis na kasabikan sa boses.Napakuyom ang mga ka







