Share

CHAPTER 4

Author: Chinitiko
last update publish date: 2026-11-05 22:31:20

Sa halip na matakot o umiyak, nanatiling kalmado si Arisha. Palihim niyang ipinasok ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang apron. Kinapa niya ang screen ng kanyang phone at pinindot ang record button. Handa na ang lahat. Titiyakin niyang ang bawat salitang lalabas sa bibig ng asawa niya ay magiging matibay na ebidensya ng panloloko nito.

Tumingin siya kay William nang may halong pekeng takot at lungkot, pilit na pinanginginig ang kanyang boses upang mas makuha ang tiwala ng mag-ina.

“H-Hon... hindi ko alam na ganyan kaanghang ang Beef Steak,” pagsisinungaling ni Arisha habang dahan-dahang umaatras. “Baka naman po napasobra lang ang nailagay kong paminta. Bakit mo ba ako sinisigawan ng ganyan sa harap ng bisita mo? At bakit... bakit ganyan ka kung mag-alala sa kanya?”

“Walanghiya ka talaga! Huwag ka nang magmaang-maangan pa, babae!” sabat ni Mrs. Ross habang hinahaplos pa rin ang likod ng humihingal na si Elaine. “William, palayasin mo na ang babaeng iyan! Kita mo naman ang ginawa niya kay Angelica! Napakawalang modo!”

“Mom, huwag muna. May dapat muna siyang malaman,” malamig na sabi ni William. Humarap ito nang diretso kay Arisha, bakas ang kawalan ng pakiramdam at labis na pagmamalaki sa mukha. “Mabuti na rin na nangyari ito para matapos na ang dula-dulaan na ito, Arisha.”

‘Dula-dulaan. Sa wakas, lalabas na rin sa sarili mong bibig,’ sa isip ni Arisha, habang pinapanatiling nakabukas ang recording sa kanyang bulsa.

“A-Anong dula-dulaan, William? Mag-asawa tayo, ’di ba?” bulag-bulagang tanong ni Arisha, pilit na nagpapaiyak upang mas humaba ang pag-amin ng lalaki.

Sarkastikong tumawa si William, isang tawa na bumasag sa natitirang respeto ni Arisha para sa kanya bilang lalaki.

“Mag-asawa? Nagpapatawa ka ba, Arisha?” Hindi tayo totoong kasal! Peke ang kasal natin! kaya nga hindi kita hingian ng mga dokumento diba? Napakatanga mo talaga!" sabi ni William at mapanuyang tumawa.

“Isang taon na ang nakalipas nang pakasalan kita, pero alam mo ba kung bakit? Ginamit lang kita! Kailangan ko ng pekeng asawa para makuha ang posisyon bilang CEO ng Ross Jewelries, dahil iyon ang kondisyon ni Daddy bago siya mamatay! At ngayong isang buwan na siyang wala, nakuha ko na ang posisyon ko, wala na akong dahilan para itago pa ang pekeng kasal natin!”

Bahagyang napaatras si Arisha, nagkunwaring halos mawalan ng lakas dahil sa narinig, ngunit sa loob-loob niya ay natutuwa siya dahil malinaw na malinaw nyang narecord ang pag-amin nito.

“H-Hindi totoo yan... mahal mo ako, William, ’di ba? Ang sabi mo, gusto mo akong makasama habang-buhay?” umiiyak na tanong ni Arisha, ginagatungan pa ang lalaki upang mas magsalita pa ito.

“Mahal? Ang kapal din ng mukha mo, no?” sabat naman ni Angelica na medyo nahimasmasan na mula sa anghang, pero namumula pa rin ang mga labi nito.

“Si William ay para sa akin lang! Iniwan ko lang siya pansamantala para makapag-abroad, at ngayong bumalik na ako, tapos na ang silbi mo rito sa mansyon! Isa ka lang namang hampaslupang katulong na ginamit namin nang libre!”

Tiningnan muli si William kay Arisha nang walang kahit anong awa. “Narinig mo si Angelica. Siya ang pakakasalan ko, Arisha. Siya ang babaeng may antas na bagay sa akin, hindi ang isang katulad mo na walang kwenta at walang maibibigay na kapangyarihan sa kumpanya ko. Kaya mag-impake ka na ng mga gamit mo at lumayas ka sa bahay na ito ngayon din!”

Humugot ng malalim na hininga si Arisha. Mas lalo niyang pinatulo ang kanyang mga luha at hinayaang manginig ang kanyang buong katawan. Napahawak siya sa kanyang dibdib na tila ba hihimatayin siya sa matinding sakit, habang sinisigurong malapit ang kanyang bulsa sa pwesto ni William para malinaw ang bawat salita sa recording.

“B-Bakit niyo ginagawa sa akin ito, William?” umiiyak at humihikbing tanong ni Arisha, bakas ang labis na kawalan ng pag-asa sa kanyang boses. “Isang taon... isang taon akong nagpaka-alipin sa bahay na ito! Iniwan ko ang lahat para sa ’yo. Ginawa ko naman ang lahat para maging mabuting asawa, ’di ba?”

Tiningnan siya kay Mrs. Ross na may kasamang pagsusumamo. “Mommy, kayo po... gabi-gabi ko kayong pinagluluto, kahit may sakit ako, inaasikaso ko kayo dahil ang sabi ninyo ay itinuturing niyo akong tunay na anak. Kulang pa ba ang lahat ng pagsisilbi ko nang libre para lang maramdaman kong pamilya ninyo ako?”

Isang malakas at mapang-asik na tawa ang isinagot ni Mrs. Ross.

“Pamilya? Napaka-ambisyosa mo ring hampaslupang ka! Ang isang katulad mo ay hindi kailanman magiging kapantay ng pamilya Ross! Ginamit ka lang ng anak ko para makuha ang mana at ang posisyon niya bilang CEO. Ngayong hawak na niya ang Ross Jewelries, basahan ka na lang na pwedeng itapon sa basurahan!"

Humarap muli si Arisha kay William, ang mga mata niya ay basang-basa ng luha. “W-William... pakiusap, huwag mo namang gawin sa akin 'to. Paano kung malaman ng lahat ang ginawa mo? Alam nila na ako ang asawa mo, hindi siya! hindi mo ba naisip ang pwedeng sabihin ng mga tao sayo?!"

“Sino naman ang maniniwala sa isang katulad mo, Arisha?” pagmamalaki ni William habang lumalapit sa kanya nang may mapanuring tingin. “Isang mahirap na babae na walang pangalan? Sa tingin mo ba may makikinig sa ’yo kapag sinabi mong ginamit ka lang ng isang tanyag na CEO? Hindi mo masisira ang pangalan ko! Hinding-hindi mangyayari ’yan. Sa mata ng publiko, ikaw ang pinalalabas kong may kasalanan ng lahat. Sasabihin ko na lang na baog ka o kaya naman ay nagtaksil ka!”

Nang marinig ang huling pagbabanta ni William na sisirain ang kanyang reputasyon, sapat na ang lahat ng nakuha niyang ebidensya. Mayroon na siyang buong pag-amin sa pekeng kasal, ang paggamit sa kanya para sa CEO position, at ang balak nitong baligtarin siya sa publiko.

Dahan-dahang itinigil ni Arisha ang pag-iyak. Ang kanyang nangangatog na katawan ay biglang naging tuwid at matatag. Palihim niyang pinindot ang save button sa recording bago tuluyang binitawan ang kanyang phone sa bulsa.

“Pagsisihan mo ang araw na ito, William. Tandaan mo ’yan!” mariin niyang sabi.

Sarkastikong tumawa si William sabay sabing “Narinig ninyo ’yon? Pagsisihan daw? Nagpapatawa yata ang babaeng ’to! Sino ka ba sa inaakala mo, Arisha?!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 5

    "Sino ako?" mahina ngunit mariing ulit ni Arisha. Tiningnan niya si William nang diretso sa mga mata, walang kahit anong bakas ng takot. "Malalaman mo rin ang sagot, William. Sa tamang panahon.""Anong tamang panahon?!" singhal ni William habang nakatingin sa kanya nang may pandidiri. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang Presidente ng Pilipinas para magsalita nang ganyan?!"sarkastiko pa itong tumawa. Nagsisigaw sa tawa si Angelica sa tabi ni William, hawak-hawak pa rin ang dibdib habang puno ng pang-uuyam ang mukha. "Grabe, William! Ang tindi ng ilusyon ng peke mong asawa. Ilusyonada!"PAKKK!Isang malakas at mabilis na sampal ang bumasag sa tawa ni Angelica. Napalingon ang mukha ng kabit sa lakas ng puwersa, at agad na namula ang pisngi nito."Ouch! How dare you to slap me?!" tili ni Angelica habang hawak ang kanyang namumulang pisngi at agad na nagtago sa likod ni William habang umiiyak."William, napakasama talaga ng babaeng 'yan!" umiiyak na sabi ni Angelica para magpaawa sa binata."Ar

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 4

    Sa halip na matakot o umiyak, nanatiling kalmado si Arisha. Palihim niyang ipinasok ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang apron. Kinapa niya ang screen ng kanyang phone at pinindot ang record button. Handa na ang lahat. Titiyakin niyang ang bawat salitang lalabas sa bibig ng asawa niya ay magiging matibay na ebidensya ng panloloko nito. Tumingin siya kay William nang may halong pekeng takot at lungkot, pilit na pinanginginig ang kanyang boses upang mas makuha ang tiwala ng mag-ina. “H-Hon... hindi ko alam na ganyan kaanghang ang Beef Steak,” pagsisinungaling ni Arisha habang dahan-dahang umaatras. “Baka naman po napasobra lang ang nailagay kong paminta. Bakit mo ba ako sinisigawan ng ganyan sa harap ng bisita mo? At bakit... bakit ganyan ka kung mag-alala sa kanya?” “Walanghiya ka talaga! Huwag ka nang magmaang-maangan pa, babae!” sabat ni Mrs. Ross habang hinahaplos pa rin ang likod ng humihingal na si Elaine. “William, palayasin mo na ang babaeng iyan! Kita mo naman ang

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 3

    Nang matapos ang tawag, ibinaba na ni Arisha ang kanyang phone. Mabilis siyang naglakad patungo sa mga tindahan sa palengke upang mamili. Bukod sa karne ng baka, may isang hiwalay na supot siyang binili na naglalaman ng kalahating kilo ng pinakamalalaking siling labuyo.Pagkauwi niya sa mansyon, agad siyang nagtungo sa kusina. Isang malapad at makahulugang ngiti ang nasa labi ni Arisha habang mabilis siyang kumikilos sa loob ng kusina ng mga Ross. Habang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang mga masasakit na salita nina William at Mrs. Ross na narinig niya kanina, mas lalong tumitindi ang galit sa kanyang dibdib.Kinuha niya ang almires at buong lakas na dinikdik ang bawat sili. Kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nag-uumapaw na poot. Sinadya niyang ibuhos ang lahat ng nadurog na sili at katas nito sa sarsa ng Beef Steak upang pagbayarin ang mga ito. Dahil natatakpan ng itim na kulay ng toyo at makapal na paminta, hindi naging

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 2

    Matapos niyang sabihin 'yon, huminga siya ng malalim upang maipakalma ang sarili. Sa isip niya, magpanggap siyang walang alam at magbait-baitan. Hahabaan niya ang kanyang pasensya para hindi sila makahalata sa kanyang plano.Pinunasan niya ang kanyang mukha at isinuot ang kanyang simpleng apron. Lumabas siya ng kwarto at bumaba papuntang kusina. Pagkababa pa lang niya ng hagdan, agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ni Mrs. Ross."Napakabagal mo namang kumilos, Arisha! Anong oras na, wala pa rin bang meryenda?!" galit na sabi ng matanda.Isang taon. Isang taon din siyang nagsisilbi sa kanila na parang katulong. Nakiusap kasi noon si William na imbis na mag-hire sila ng katulong, siya na lang ang mag-asikaso sa bahay para naman daw maramdaman ng lalaki ang pagiging asawa niya. Idinahilan pa nito na simula nang mamatay ang daddy nito, madami silang naiwang bayarin kaya dapat silang magtipid. Parte lang pala ’yon ng plano ng mag-ina para mapakinabangan siya nang husto."Pasensya

  • The CEO's Fake Wife is a Trillionaire   CHAPTER 1

    Napatigil sa tapat ng bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto si Arisha nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang biyenan. Parang may talim na sumaksak sa kanyang dibdib sa unang pangungusap pa lamang na nasagap ng kanyang pandinig.“Tama ba ang narinig ko, Hijo? Bumalik na si Angelica sa Pilipinas?” tanong ni Mrs. Ross.Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya lubos maiisip na ang dalawang tao na buong puso niyang pinagkatiwalaan sa loob ng isang taon ay may ganitong lihim.Si Angelica ang first love ni William, ang babaeng nang-iwan dito noon para makipagsapalaran sa ibang bansa matapos tanggihan ang alok nitong kasal. Ngayon ay nagbabalik ito, at ang pinakamasaklap pa, nagpaplano na ang lalaki na pakasalan ang dating kasintahan kahit kasal pa sila ni Arisha.“Yes, Mom. Nagkabalikan na kami at napagplanuhan na din namin ang kasal. Nasasabik na talaga akong maging asawa siya, Mommy,” tuwang-tuwang tugon ng lalaki, bakas ang labis na kasabikan sa boses.Napakuyom ang mga ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status