Share

Chapter 19

Bivianne

Gaya ng inaasahan ko ay naging busy kami pareho ni Oxem sa school. Madalang kaming magkita pero gabi-gabi naman kaming naka-video call. Madalas ay wala kaming sinasabi sa isa’t isa. Basta lang nakabukas ang mga phone namin habang may kaniya-kaniya kaming ginagawa.

Pero kahit na busy ako ay kaya ko naman. Hindi pa ganoon kabigat ang mga gawain lalo na siguro dahil first years pa lang naman kami. Palagi kaming magkasama ni Yeshua sa school. Tuwing nagtatanghalian at kahit na sa tuwing nag-aaral ako sa library.

Gaya na lang ngayon kung saan nagbabasa ako para sa subject namin mamaya. Iyon nga lang, may dalang manga si Yeshua at iyon ang binabasa. Sa pagkakaalala ko ay isa ‘yong japanese comics. Mahilig kasi siya sa panonood ng anime.

“Yesh,” tawag ko sa kaniya.

“Hm?” Hindi niya inalis ang tingin mula sa binabasa.

“I want to join your team.”

“Okay.”

Ilang segundo pa bago niya ako pabalang na tiningnan. Bahagya niya pang naipalo ang binabasa sa lamesa kaya nakalikha iyon ng ingay.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status