Share

Chapter 20

Bivianne

Today’s our first official match. Since intrams lang naman siya, ang makakalaban lang namin ay ang ibang department. This morning, ang unang kuponan namin ay laban sa educ. Mamaya namang hapon ay laban sa engineering.

Nanonood lang kami ng naunang game. Nakabihis na kami at naghihintay na lang na matapos ‘to. Nang malapit nang matapos ay tinawag na kami ni coach para makapag-warm up. Sa isang gilid lang kami sumipa-sipa ng bola dahil na rin sa dami ng tao.

Nang matapos kaming mag-warm up ay nagulat na lang ako nang may nagtakip ng mga mata ko. Agad kong hinawakan ang kamay na tumakip sa ‘kin at napangiti.

“Oxem, come on. Kung hindi ko kilala ang kamay mo, baka kanina pa kita nasiko.”

Mahina siyang natawa bago tinanggal ang mga kamay. “Mabuti kung ganoon. Kung may ibang tumakip ng mga mata mo, sipain mo agad.”

Niyakap ko siya. “Ang aga mo naman? Wala ka bang pasok?”

“Intrams din sa school namin kaya walang klase. Suportahan na lang daw namin ang mga kaklase naming lalaro.”

“Eh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status