Partager

Chapter 61

Auteur: Jd Martis
last update Date de publication: 2026-08-21 12:38:08

Simula nang pumasok sila sa kotse kagabi, hindi na mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Celestine. Matapos silang huliin at asarahin ng mga kaibigan ni Alessandro sa dalampasigan—na may kasama pang paalala na maaari naman silang kumuha ng five-star suite sa halip ay sa likod ng basang bato—puno ng tawanan ang naging pagbabalik nila sa cliffside pavilion.

Doon, lalong naging maingay at masaya ang gabi. Si Don Aries ay panay ang bukas ng mga mamahaling bote ng vintage champagne para sa panibagong
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • The CEO's Little Matchmaker   Chapter 61

    Simula nang pumasok sila sa kotse kagabi, hindi na mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Celestine. Matapos silang huliin at asarahin ng mga kaibigan ni Alessandro sa dalampasigan—na may kasama pang paalala na maaari naman silang kumuha ng five-star suite sa halip ay sa likod ng basang bato—puno ng tawanan ang naging pagbabalik nila sa cliffside pavilion.Doon, lalong naging maingay at masaya ang gabi. Si Don Aries ay panay ang bukas ng mga mamahaling bote ng vintage champagne para sa panibagong round ng toast, habang si Mama Geraldine naman ay pabalik-balik ang tingin sa daliri ni Celestine habang nagdadrowing na ng mga ideya para sa venue sa ibabaw ng napkin. Si Sophia naman, matapos ang ilang oras na pagtatatalon dahil sa nakitang singsing ng ina, ay tuluyan nang nakatutolog sa sofa habang nakakapit sa kanyang maliit na handbag.Nang makauwi sila sa mansiyon bago mag-hatinggabi, kusa nang binuhat ni Alessandro ang tulog na tulog na bata patungo sa kwarto nito. Maingat niya itong ini

  • The CEO's Little Matchmaker   Chapter 60 (SPG)

    Matapos ang maingay at makulay na paghahain ng paputok sa kalangitan, ang glass pavilion ay mabilis na naayos para sa isang eksklusibong dinner party. Ang hangin ay nababalutan ng halimuyak ng mga sariwang bulaklak, tunog ng mga basong nag-uumpugan sa toast, at walang katapusang tawanan ng kanilang mga kapamilya at matatalik na kaibigan.Walang humpay ang paglapit ng mga bisita upang batiin sina Celestine at Alessandro. Si Papa Aries ay proud na proud na nakikipag-toast ng champagne sa kanyang mga business partners habang ipinagmamayabang ang kanyang apo, samantalang si Mama Geraldine naman ay nakatayo sa tabi ng mga bisita habang ipinapakita ang litrato ng napakagandang singsing sa daliri ni Celestine."Congratulations, Celestine! Pinatunayan mo talagang ikaw lang ang pwedeng humawak sa leeg ng isang Alessandro Virelli!" natatawang bati ng isa sa mga matalik na kaibigan ng lalaki habang tinatapik ang balikat nito."Salamat," nakangiting tugon ni Celestine, bagaman bahagya nang nangan

  • The CEO's Little Matchmaker   Chapter 59

    Ilang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang matinding gulo sa media. Opisyal nang lumabas ang pinal na hatol sa korte: dahil sa lakas ng mga ebidensyang iniharap ng legal team ng mga Virelli, sentensyado ng pagkabilanggo si Raya Valencia. Subalit sa tulong ng pamilya nito, naghain ang kanyang kampo ng pormal na apela. Matapos ang serye ng mga psychiatric evaluation, napatunayang may malubhang kapansanan sa pag-iisip at matinding bipolar psychosis si Raya Valencia, dahilan upang ilipat siya sa isang secured, high-facility mental health institution sa halip na sa ordinaryong kulungan. At ayun, tuluyan nang natahimik ang kanyang pangalan, at ang buong bansa ay nagkaroon na ng kapayapaan mula sa kanyang mga gawa-gawang kwento.Subalit para kay Celestine, panibagong uri ng sakit ng ulo ang pumatay sa kanyang pasensya.Sa loob ng dalawang linggo, halos hindi niya makasama si Alessandro! Tuwing magtatanong siya kung bakit gabing-gabi na ito umuuwi o kung bakit halos hindi ito humihiwal

  • The CEO's Little Matchmaker   Chapter 58

    Kinaumagahan, tila isang grand war room ang dating ng malawak na dining room sa mansiyon ng mga Virelli. Sa halip na tahimik at pormal na agahan, ang ibabaw ng mahabang glass table ay nababalutan ng mga bukas na laptop, makakapal na legal folders, at walang katapusang tasa ng brewed coffee.Nakatayo si Alessandro sa kabisera, nakatupi ang manggas ng kanyang crisp white shirt habang pinaliligiran ng tatlo sa pinakamagagaling na senior corporate lawyers sa bansa. Sa kabilang gilid, relaxed na nagbabasa ng dyaryo si Papa Aries habang nakatitig sa mga legal documents, samantalang si Mama Geraldine naman ay masayang pinapakain ng pancakes si Sophia na nakaupo sa kanyang kandungan at wearing her new purple hairbow.Si Celestine, na nakaupo sa tabi ni Alessandro, ay dahan-dahan pa ring inaantok ngunit nanlalaki ang mga mata sa bilis ng mga kaganapan."Attorney, how are the filings?" malamig at seryosong tanong ni Alessandro sa lead counsel ng Virelli Group.Inayos ng abogado ang kanyang sal

  • The CEO's Little Matchmaker   Chapter 57

    Naunang umakyat si Celestine sa ikalawang palapag upang gabayan sina Mama Geraldine at Papa Aries patungo sa silid ni Sophia. Sa bawat hakbang ng dalawang matanda, halos hindi magkaintindihan ang mga ito sa pambihirang excitement. Si Papa Aries na kanina ay napakaseryoso at may dalang walking stick ay parang batang papasok sa toy store, habang si Mama Geraldine naman ay pabalik-balik ang hawak sa kanyang mamahaling perlas sa matinding kaba at pananabik. "Dahan-dahan lang po, ‘Ma, ‘Pa," pabulong na paalala ni Celestine habang dahan-dahan niyang inipit ang handle ng door at pikit-matang pinalitaw ang bahagyang bukas na silid ni Sophia. "Maaga siyang natulog eh, napagod kaninang umaga." Pumasok sila nang pawang mga magnanakaw na umiiwas gumawa ng anumang ingay. Ang silid ni Sophia ay nababalutan ng malamig na hangin at mahinang kulay-beige na ilaw mula sa nightlight. Sa gitna ng malaking kama, nakahiga ang maliit na batang nakasuot ng pink na unicorn pajamas, nakatihaya at nakadikit p

  • The CEO's Little Matchmaker   Chapter 56

    Napanganga si Celestine. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ngunit sa pinakanakakalilitong paraan. Ang mga mata niya ay nanlalamig at halos lumuwa sa kinalalagyan habang nakatitig sa mukha ni Madam Geraldine, na kasalukuyang nakahawak sa magkabila niyang pisngi na parang isang ina na matagal na siyang hindi nakikita.A-Anak?! sigaw ng buong kaluluwa ni Celestine habang nagwawala at pumapalag ang kanyang dibdib sa matinding shock. Really?! Ako? Anak? Hindi man lang 'Sino ka?' o 'Magkano ang kailangan mong halaga para layuan ang anak ko?!' Nasaan 'yung mga linyahang panlait at sampalan na nakasanayan ko sa mga palabas sa telebisyon? Bakit biglang naging ganito?!Dahan-dahan at pilit na patagong lumingon si Celestine kay Alessandro na nakatayo sa kanyang tabi. Ang lalaki ay nakasandal nang pilyo sa sementadong pader, nakapasok ang isang kamay sa bulsa ng kanyang trouser, at may pamatay, kumikislap, at sobrang yabang na ngiti sa kanyang mga labi. Bahagya nitong itinagilid ang ul

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status