Share

The CEO’s RANSOM
The CEO’s RANSOM
Author: MARIA

CHAPTER ONE

Author: MARIA
last update Last Updated: 2025-10-22 16:05:54

Celeste's POV:

Dali-dali kong pinarada ang sasakyan at pumasok sa isang club kung nasaan ang boyfriend ko. Habang naglalakad ay sinusubukan ko s'yang kontakin dahil simula kaninang umaga ay hindi na s'ya sumasagot sa akin. Nagkaroon kasi kami ng away at halos isang linggo na kaming hindi okay.

"Come on, pick up," mahinang sambit ko na para bang nawawalan na ako ng pag-asa.

Nang makarating ako sa loob ay napahinto ako. Sobrang daming tao, maingay at madilim kaya naman nahihirapan akong makakita. Nang may makabangga sa akin na babae ay nabitawan ko ang phone ko na lumagapak sa sahig.

"Why are you even standing in the middle?" mataray na sambit nito sabay umirap at naglakad papalayo.

Napalunok ako at pilit na pinipigilan ang luha na kanina pa gustong tumulo. Inabot ko ang phone ko at nakitang crack ang screen nito, hindi na rin bumubukas. Napabuntong hininga ako at pagtingala ko ay saktong nakita ko si Jacob na kaibigan ng boyfriend ko. May kasama s'yang isang babae na mahaba ang buhok.

Teka, sino iyon? Sa pagkakaalam ko ay maikli ang buhok ng girlfriend n'ya.

Mabilis akong lumapit sa pwesto nila. Nang huminto ako sa harap nila ay napatingala silang dalawa at bakas ang gulat sa mukha ni Jacob nang makita ako. Pasimple n'ya namang inalis ang pagkakaakbay sa babae.

"Celeste?" Napakunot ang noo n'ya. "Why are you here?" sumunod nitong tanong.

"Nasaan si Henry?" Hindi na ako nagpaligoyligoy pa at diniretso ang sadya ko.

Nakita kong napalunok s'ya sabay nag-iwas ng tingin, "he's not here."

"Liar," mariin kong sambit. "Nakita ko sa posts mo nandito rin si Henry. Why are you covering for him? May tinatago ba kayo sa akin?"

"Babe? What's happening?" naguguluhan na tanong ng babaeng kasama n'ya.

"It's nothing," sagot ni Jacob sa babae sabay tumayo. "Let's talk somewhere else-" nang hawakan n'ya ako sa braso ay malakas kong tinabig ang kamay n'ya.

"Why not here?" tanong ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata n'ya. "Ayaw mo bang marinig ng babae mo yung pag-uusapan natin?"

"Celeste, please.." Napapikit s'ya at huminga nang malalim.

"You won't tell me? Fine! Then I'll find him here. And you.." lumingon ako sa babae, "this man? May girlfriend na 'to. If I were you, lalayuan ko mga katulad n'yang babaero at basura!"

And just like that, I left the two. Dahil mukhang wala si Henry rito sa first floor, papunta ako ngayon sa second floor. Dali-dali akong umakyat at tinignan ang mga table na nadadaanan. Nang marating ko ang huling table na natatakpan ng malaking halaman ay natigilan ako.

Pamilyar ang katawan ng lalaki pati na rin ang suot nitong damit. Nakatalikod ito kaya naman hindi ko makita ang mukha. Lumapit pa ako nang kaonti para masigurado kung sino ito pero para bang tumigil ang mundo ko nang makitang may kasama itong babae sa table at hindi lang sila basta magkasama.. they're kissing.

"Henry?" mahinang tawag ko kay Henry kasabay nang pagtulo ng aking luha.

Natigilan silang dalawa at nang lumingon s'ya sa akin ay dito ko nakumpira na si Henry nga ito.

"Celeste.." Namilog ang mga mata n'ya nang makita ako.

Nang tumayo s'ya ay napaatras ako. "No.. huwag kang lumapit!" sigaw ko habang umiiling. "We're done."

Mabilis akong tumakbo papalabas ng club. He tried to chase after me pero masyadong madaming tao sa loob, he got stuck inside. Nang marating ko ang parking area ay dali-dali kong hinanap ang susi ko pero wala ito sa mga gamit ko. Napasandal na lang ako at napahawak sa naninikip kong dibdib.

~

Naglalakad ako ngayon sa kalsada habang bitbit ang wine na binili ko sa convenience store. Dapat ay nasa apartment na ako pero pinahinto ko ang taxi ko kanina sa kadahilanang ayoko pa umuwi. Tinungga ko ang wine at napangiwi nang malasahan ang pait nito sa dulo ng dila ko.

"Argh, bakit ito yung nabili ko?" nagsisisi kong tanong sa sarili.

I was really really hurt by what Henry did. Maganda naman ako? Matangkad, sexy at may stable job. Ano pa bang kulang sa akin para ipagpalit sa babaeng 'yon? For sure walang binatbat yun sa 'kin!

Napasinghot ako at tumungga pa uli. Nang makitang mauubos ko na pala ito ay natigilan ako. "Ehh? Ang bilis naman maubos. Ni hindi pa nga ako lasing!"' nagmamaktol kong sambit at maglalakad na sana nang may marinig akong ingay sa isang eskinita.

Napakunot ang noo ko at dali-dali na lumapit doon. Pagkasilip ko ay may nakita akong tatlong lalaking nakasuot ng itim at isang lalaki naman sa sahig na mukhang hindi na kayang lumaban. Paulit-ulit nilang sinisipa ang walang laban na lalaki. Napalunok ako at napatingin sa bote na hawak ko.

Tama ba 'tong gagawin ko?

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sumugod sa kanila. Bago pa nila ako makita ay binato ko ang bote sa ulo ng isang nakaitim, napasigaw iyon at napahawak sa ulo na nagdudugo.

"Sht, so-sorry!" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kan'ya dahil napalakas ang pagbato ko.

"Sino ka?!" Tanong ng dalawa at pinalibutan ako.

"Bakit ko sasabihin pangalan ko sa inyyo?!" Hindi ko alam kung may tama naba ako dahil sa alak o kung ako ang matatamaan dahil sa inaakto ko.

"Hindi ka dapat nagingialam!" Sabay na sumugod ang dalawa sa akin. Bago pa sila makarating sa akin ay mabilis kong kinuha ang takip ng trash bin sa tabi ko at pinangharang ito sa isang lalaki habang ang isa naman na nasa kanan ko ay iniilagan ko ang mga atake nito.

"Hindi mo kilala ang binabangga mo!" Galit na giit nila sa akin.

Nang makakuha ako ng timing ay mabilis kong sinipa sa tuhod ang lalaki sa kanan ko pero para bang hindi ito natinag kaya naman sinipa ko s'ya muli pero sa pagkakataon na ito ay sa private part n’ya. Malakas s’yang napadaing dahil sa sakit sabay natumba. Ngayon ay tinuon ko ang atensyon ko sa natitirang kalaban, nag-ipon ako nang malakas na pwersa sabay tinulak ang pangsangga ko. Nang mapaatras s’ya ay mabilis ko s'yang sinuntok sa mukha dahilan para tumingin ito ng masama sa akin bago mawalan ng malay.

Mabilis kong kinuha ang phone sabay tinaas ito, "Tatawag ako ng pulis!" banta ko sa kanila kaya naman dali-dali nilang binitbit ang kasamahan at tumakbo papalayo.

"Sir!" Lumapit ako sa lalaking walang malay para tignan ang lagay nito. "Okay lang po ba kayo?" tanong ko rito sabay inihiga sa binti ko.

Natatakpan ng mahaba n'yang buhok ang mukha kaya naman marahan kong ginilid ang ilang hibla nito. Nakita ko ang mga pasa n'ya sa pisngi at putok ang kaliwang labi. "Don't call the cops.." mahinang sambit nito habang marahan na dinilat ang itim na mga mata.

"Pero-"

“I said don’t call the cops..” mariin na ulit nito sabay napangiwi, marahil ay dahil sa sugat sa kan’yang labi. “And don’t bring me to the hospital..”

“Marami kang sugat, hindi puwedeng hindi ka dalhin sa hospital-”

Hindi ko natapos ang sasabihin nang makitang matalim ang tingin n’ya sa’kin, “listen to me.” Napakunot ang noo ko nang makitang pilitin n’yang umupo mag-isa sabay hinawakan ako sa pulsuhan dahilan para matigilan ako. “You..” Nilapit n’ya nang kaonti ang mukha sa akin kaya napalunok ako. “Your life is in danger because of what you’ve done.”

At kasabay nito ay bigla na lang natumba ng ulo n’ya sa balikat ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO’s RANSOM    CHAPTER THIRTEEN

    Liam Horton’s POV: Celeste’s and I are done eating and I’m back in my office to do my work. While scanning the documents she sent me earlier, I couldn’t stop thinking about her background. Binuksan ko ang drawer sa kanan ng table ko at kinuha ang itim na folder. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang litrato ni Celeste. She studied abroad and everything there seems normal and after graduating, she went here to the Philippines and met my nephew, Henry. Henry helped her get in the company and together they dated for almost a year. Along the investigation, nalaman ko mga kalokohan na ginawa n’ya kay Celeste and to be honest? I feel bad for her. Mabuti na lang at natauhan s’ya, she left Henry and that man deserves the humiliation he’s been going through. Mabilis na lumipat ang mata ko sa phone ko nang tumunog ito. Henry’s calling. “Get out there. Now.” His voice sounds mad.“Why don’t you come in my office?” Tanong ko. “I’m busy and I don’t have time for you,” Walang ganang sabi ko s

  • The CEO’s RANSOM    CHAPTER TWELVE

    Apat na oras na akong nakatutok sa computer at binabasa ang mga emails para sa company namin. Sumandal ako as swivel chair at huminga nang malalim. Sobrang tahimik dito at hindi ako sanay na walang tagadaldal sa akin na si Reese. Nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko ay mabilis ko itong kinuha. Nakita kong may message si Kenzo sa akin. Napakunot ang noo ko dahil bihira lang s’ya magparamdam at alam n’yang iniiwasan ko s’ya dahil nagtatrabaho s’ya sa tatay ko, ang pinakasinusuklaman kong tao. Binuksan ko ang message at binasa ito. Yami, can we meet? Are you available tonight?Bakit nakikipagkita s’ya sa akin? And tonight? “You’ll go home with me tonight.” Biglang nag-flashback ang sinabi ni Liam sa akin kanina. Nag-vibrate ulit ang phone ko at tinignan ang bagong message. I just need someone. I’ll wait for you exactly at 12 AM sa favorite place natin. Kenzo is a special friend of mine. Hindi lang basta kaibigan, he’s like a brother to me. He was the one with me during my

  • The CEO’s RANSOM    CHAPTER ELEVEN

    Celeste’s POV:“Good morning Sir Liam,” bati ng mga empleyado na nakakasalubong namin pagkalabas namin sa elevator at tumatango lang naman si Liam bilang sagot sa kanila. Nandito na kami ngayon sa building ng company, naglalakad sa isang napakahabang hallway papunta sa office n’ya. “Celeste!” Nang may kumalabit sa likuran ko ay napahinto ako at napalingon. “Bakit nandito ka sa 23rd floor?” Nakakunot noong tanong ni Reese habang may yakap-yakap na puting folders. “Teka, sino ‘yang kasama mo-“ hindi n’ya natapos ang sasabihin nang mapalingon na rin si Liam sa kan’ya. “I’ll give you a minute to talk to your friend,” mahinang bulong ni Liam sa akin tapos ay humakbang papalayo sa amin habang nakatingin sa kan’yang relo. “Who’s that?” Nakangiting tanong ni Reese habang sinisilip si Liam, “pogi ah? Matagal naba s’ya nagtatabaho dito? Bakit ngayon ko lang s’ya nakita?” “Teka, isa-isa lang.” Sunod-sunod ang tanong n’ya at hindi ko alam kung papaano sasabihin kung sino si Liam dahil hindi

  • The CEO’s RANSOM    CHAPTER TEN

    Kenzo’s POV:“Mga walang kwenta!” Sigaw ni Tito Rey nang i-report ng isang tauhan n’ya ang nangyari sa mga pinadala n’yang lalaki para pauwiin si Celeste. Dalawa ang patay sa kanila dahil sa tama ng baril habang ang iba naman ay injured at nagpapahinga sa hospital. “Ni hindi n’yo man lang inalam kung sino ang tumulong kay Celeste!” Nilabas ni tito ang baril n’ya sa coat at tinapat ito sa tauhan. “Sir! Maawa po kayo!” Agad itong lumuhod at nagmakaawa. “Huwag n’yo po akong patayin. May asawa at anak ako..” yumuko ito at habang pinapanood ko s’ya ay kitang kita ko sa panginginig ng katawan n’ya ang natatakot na nararamdaman, “ako na lang po ang inaasahan nila..” Tumayo ako kaya naman napunta sa akin ang atensyon nilang dalawa. Naglakad ako papalapit sa kanila at tumayo sa likuran ng tauhan.“I will do it.” Napataas ang kilay ni tito nang marinig ang sinabi ko. “I will find whoever that bastard is. Just give this man a second chance.” Ngumisi s’ya at marahan na binalik ang baril sa loo

  • The CEO’s RANSOM    CHAPTER NINE

    Naalimpungatan ako nang marinig kong may kumakatok sa pinto. Pagkadilat ng mga mata ko ay napabalikwas ako ng upo at naalala ang nangyari kagabi. Tinignan ko ang oras at nakitang 6 AM pa lang ng umaga. Lumingon ako sa pinto at napasimangot. Bakit ang aga naman n’yang mambulabog? Mamayang 10AM pa ang pasok ko sa trabaho. Argh. “Sandali lang!” Mabilis akong tumayo at humarap sa salamin. Inayos ko ang buhok ko at siniguradong walang muta ang mga mata. “Good Morning-“ hindi ko natapos ang sasabihin nang makitan isang maid pala ang kumakatok. “Good morning, Ms. Celeste. Pinapagising napo kayo ni Sir para mag-asikaso at saluhan s’ya mamaya sa breakfast.” Napatingin ako sa paperbag na hawak n’ya nang iabot n’ya ito, “pinapabigay din po pala ito ni Sir. Wala daw po kasi kayong extra na damit ngayon kaya ito ang susuotin n’yo.”Tinanggap ko ang paperbag at ngumiti, “thank you po.” “7 am po ang breakfast at ayaw na ayaw ni Sir na may nale-late.” “Sige po, bibilisan ko na pong kumilos.” Sin

  • The CEO’s RANSOM    CHAPTER NINE

    Celeste's POV: "Tell me if you want anything here to be changed. I'll let my men know."Ginala ko ang paningin rito sa kwarto. Kulang cream ang pader at ceiling habang light gray naman ang tiles. May kama, vanity mirror, full body mirror at may dalawang pinto sa kanan na sa tingin ko ay para sa bathroom at sa walk-in-closet. To be honest? This is all not bad. "Hindi ba sobra-sobra to?" Tanong ko habang nakatingin sa kama na queen sized at mukhang mas malambot pa sa kama ko sa apartment! Excited na ako humiga rito at matulog."May.. gusto ka bang ipabawas?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang tanong ni Liam. Agad akong lumingon sa kan'ya, "Hindi naman sa ibabawas.." napakagat ako sa labi. Wala akong gustong ipabawas dito dahil lahat ng gamit dito ay gusto ko pero kailangan kong umakto na sobra ang mga ito. "I just think.. parang sobra tong binibigay mo sa'kin." Pero please Liam, huwag mong bawasan yung mga gamit dito! Narinig kong napabuntong hininga s'ya sabay humakbang papalapi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status