เข้าสู่ระบบCeleste's POV:
"Lunch break!" Masayang sambit ni Reese sabay nag-unat at tumingin sa akin nang nakangiti. "Alam ko na 'yang tingin mo na 'yan," agad kong sagot sa kan'ya. "I can't eat out. Nagtitipid ako," tanggi ko sa aya n'yang kumain sa labas. S'ya si Reese at s'ya lang ang madalas kong nakakasama at nakakausap dito sa trabaho ko dahil masyado nang workaholic ang mga katrabaho namin at dahil siguro ay mga pamilyado narin. "But, minsan lang naman-" hindi ko pinatapos ang sasabihin n'ya. Sinara ko ang puting folder na naglalaman ng sales report namin sabay tumayo, "I'll head to the cafeteria. Eat out if you want but out ako d'yan." Sumuko naman na s'ya sa pagpilit sa akin at nagsimula na akong lumabas ng office. Paano ba naman, tatlong beses sa iang linggo s'ya magyaya kumain sa labas at hindi lang basta-basta kainan, expensive restaurant pa. Actually, afford ko naman pero mas gusto ko lang rin mapag-isa ngayon lalo na't kakagaling ko lang rin sa break up. Wala akong gana at energy para makihalubilo sa iba. "Celeste." Pagkalabas na pagkalabas ko sa office ay bumungad si Henry sa akin. Mukhang kanina pa n'ya ako hinihintay dito. Nakasuot s'ya ng usual formal attire n'ya pang-work habang nakataas ang dark brown na buhok. Hindi ko s'ya pinansin at pinagpatuloy lang ang paglalakad pero hinawakan n'ya ako sa braso at humarang sa dinadaanan ko. "Please listen to me. Just this once, okay?" napatingin ako sa mga mata n'ya. Kita ko ang bahid ng pagsisi at lungkot dito. "Walang nangyari sa amin noong babae. It was just a kiss. Nothing more and I know I fcked up big time. I'm sorry, Celeste." "Should I be happy and grateful kasi kiss lang yung nagawa n'yo?" tanong ko sa kan'ya sabay inalis ang pagkakahawak n'ya sa braso ko. "Listen to me too Henry. Tapos na tayo. I don't want you to talk to me anymore." Naglakad ako muli pero masyado s'yang makulit, he grabbed me again and this time ay sa kamay naman. "Celeste naman. Is it really okay for you para itapon yung almost a year nating pagsasama?" Is he guilt tripping me? "Let me ask you this question." Tinignan ko s'ya ng seryoso sa mga mata. "Sa almost a year nating magkasama, naisip mo ba 'yun while kissing that girl? Hindi diba?" natigilan s'ya dahil sa tinanong ko kaya naman napangisi ako. "That's the reason why we have to end this relationship. I don't want you anymore, Henry. Let's stop seeing each other." Tinabig ko ang kamay n'ya at nagpatuloy sa paglalakad. Imbis na sa cafeteria ang punta ko ay napapunta ako sa rooftop. Inikot ko ang paningin ko at nang makitang walang ibang tao rito ay nilabas ko ang sigarilyo sa bulsa ng black trouser ko sabay sinindihan ito at sumandal sa pader. Habang pinagmamasdan ang usok ay huminga ako nang malalim. I don't really love Henry nor liked him. For almost a year, I endured so much. He was childish and a toxic partner. He cheated multiple times but those didn't really bother me. Why? Because he is just a stepping stone for my goal. Liam Horton's POV: "Let me ask you this question." Naglalakad ako sa hallway ngayon para puntahan ang Sales department dahil nandito daw ang pamangkin ko na kailangan kong makausap pero nang may pamilyar na boses ng babae akong narinig ay natigilan ako at nagtago sa malaking poste. Napakunot ang noo ko nang makita si Henry at may babae itong kausap. Ramdam ko ang hindi magandang tensyon sa kanilang dalawa. "Sa almost a year nating magkasama, naisip mo ba 'yun while kissing that girl? Hindi diba?" Wait, that girl.. "And that's the reason why we have to end this relationship. I don't want you anymore, Henry. Let's stop seeing each other." Tinabig n'ya si Henry at iniwan ang pamangkin kong mukhang binagsakan ng langit at lupa. Woah. What a small world. The girl who saved my life is my niece's ex girlfriend? "Dmn!" sigaw ni Henry sabay sinipa ang pader. Napangiti ako at mabilis na naglakad papalapit sa kan'ya. "Looks like you just got dumped," nakangiti kong saad. "Sht up," matigas n'yang sambit. "Well, I guess you deserved that. After all.. you still haven't changed." "How about you?" Naglakad s'ya papunta sa harap ko at tinitigan ako ng seryoso sa mga mata. "You've been gone for how many fcking years and now you're here to what?" Halata ang inis sa tono ng boses n'ya. "To inherit everything? Matapos mong mawala?" Napailing ako at napatawa nang mahina. "Don't tell me you're actually expecting to inherit the company?" nakakunot noo kong tanong sabay humakbang papalapit pa lalo sa kan'ya. "You will never beat me Henry," mahina kong sambit sa kan'ya pero sinigurado kong didiin ito sa utak n'ya. "Anyway.." Humakbang ako papalayo at tinignan ang reaksyon n'yang handa na sumabog sa galit. "He is calling for you. Tsk, seems like you are bad at your job." Hindi ko na s'ya hinintay pa na magsalita, mabilis na akong naglakad pabalik sa office ko. Pagkaupo ko sa swivel chair ko ay binuksan ko ang laptop at nagpunta sa employee list ng company sabay pinindot ang mga letra ng pangalan ni Celeste. Nag-white screen ang laptop saglit at nang matapos itong mag-loading ay lumabas na rin ang employee information n'ya. Mag-iisang taon na pala s'ya rito at maganda ang record n'ya. Tinignan ko ang educational background n'ya at bachelor graduate ito. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang personal assistant ko. "Yes, Mr. Horton?" "I want you to search everything about Celeste. From her childhood up to this year and I need the result as soon as possible," seryoso kong saad haban nakatingin sa litrato ni Celeste. "Understood, Mr. Horton. I'll start right away and inform you once I've gathered all of the information."Celeste’s POV: “Are you hurt?" tanong ni Liam habang nakatingin sa side mirror. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?" naguguluhan kong tanong. "I will explain everything later. Right now, I want to know whether you're hurt or not." Seryoso ang aura n'ya habang nagda-drive. This is the first time I've seen him this serious. Napalingon ako sa likod at nakitang hinahabol parin kami at tatlong motor na ito. Kasama na sa humahabol ang naka-face mask na mukhang leader nila."I'm okay." Umayos ako nang upo. "Remember what I've told you before?" tanong n'ya. "That your life is in danger." Iniliko n'ya ang sasakyan sa kanan at mabilis na pinaandar ito. "And that we'll have to meet frequently?" Paano ko sasabihin sa kan'ya na ang mga humahabol sa amin at ang nangbugbog sa kan'ya ay mga tauhan ng ama ko? Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang. I can't tell him my secret. I can't tell him that I am a daughter of an illegal and cruel man. Nabalik ang pag-iisip ko sa nangyayari ngayon na
Celeste's POV: "Omg, ipapakilala na daw yung magiging bagong CEO natin," excited na sambit ni Reese habang naglalakad kami papunta sa parking area. "I heard some rumors na he's handsome and really tall plus maganda katawan!" "Yung laway mo, baka tumulo," biro ko sa kan'ya sabay huminto sa tapat ng sasakyan n'ya. "Parang nagbago isip ko, ayaw na kitang isabay-""Joke lang. Ito naman, hindi mabiro.""Whatever, hmp." Pumasok na kami sa sasakyan n'ya at nagsimula na s'yang mag-drive. Ihahatid niya ako malapit sa tinutulyan ko dahil nasa car repair ang sasakyan ko. Bigla kasi na flat kahapon at pakiramdam ko ay si Henry ang may gawa non. Pano ko nalaman? nag-text siya sakin at nag-aya na ihatid ako. Napabuntong hininga ako sabay napasandal. Hindi ko na lang ginawang big deal ang ginawa n'ya. I don't want to waste my time on him. For sure magsasawa naman s'yang magpapansin sa akin. "Loko-loko talaga 'yang ex mo no?" natatawang pagbasag sa katahimikan na sambit ni Reese. "Mayaman nga pe
Celeste's POV: "Lunch break!" Masayang sambit ni Reese sabay nag-unat at tumingin sa akin nang nakangiti. "Alam ko na 'yang tingin mo na 'yan," agad kong sagot sa kan'ya. "I can't eat out. Nagtitipid ako," tanggi ko sa aya n'yang kumain sa labas. S'ya si Reese at s'ya lang ang madalas kong nakakasama at nakakausap dito sa trabaho ko dahil masyado nang workaholic ang mga katrabaho namin at dahil siguro ay mga pamilyado narin. "But, minsan lang naman-" hindi ko pinatapos ang sasabihin n'ya. Sinara ko ang puting folder na naglalaman ng sales report namin sabay tumayo, "I'll head to the cafeteria. Eat out if you want but out ako d'yan." Sumuko naman na s'ya sa pagpilit sa akin at nagsimula na akong lumabas ng office. Paano ba naman, tatlong beses sa iang linggo s'ya magyaya kumain sa labas at hindi lang basta-basta kainan, expensive restaurant pa. Actually, afford ko naman pero mas gusto ko lang rin mapag-isa ngayon lalo na't kakagaling ko lang rin sa break up. Wala akong gana at ener
Celeste's POV:Nasa hotel kami ngayon ng lalaking niligtas ko dahil ayaw n'yang magpadala sa hospital. Naglakad ako papalapit sa kan'ya na mahimbing ang tulog sa kama habang bitbit ang yelo na binalutan ko ng towel. Umupo ako sa gilid atsaka pinagmasdan ang mukha n'ya. Itim ang buhok n'ya na may pagkamahaba, matangos ang ilong, makapal ang kilay at mahaba ang pilik mata. Sa totoo lang ay mukha s'yang artista dahil sa kagwapuhan n'ya. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip na hindi s'ya isang ordinaryong tao lalo na't ayaw n'yang magpatawag ng mga police. Marahan kong dinampi ang towel sa pasa n'ya sa mukha. Habang ginagawa ito ay naalala ko ang sinabi n'ya kanina sa akin na nasa panganib ang buhay ko dahil sa pagligtas ko sa kan'ya. Hindi kaya sindikato s'ya? O may kinalaman sa mga illegal business? Napabuntong hininga na lang ako at ipinagsantabi ang iniisip. Matapos kong gamutin ang sugat n'ya ay naalala ko ang phone ko. Mabilis ko itong kinuha sa bulsa ng jeans ko at sinubukang buksan
Celeste's POV: Dali-dali kong pinarada ang sasakyan at pumasok sa isang club kung nasaan ang boyfriend ko. Habang naglalakad ay sinusubukan ko s'yang kontakin dahil simula kaninang umaga ay hindi na s'ya sumasagot sa akin. Nagkaroon kasi kami ng away at halos isang linggo na kaming hindi okay. "Come on, pick up," mahinang sambit ko na para bang nawawalan na ako ng pag-asa. Nang makarating ako sa loob ay napahinto ako. Sobrang daming tao, maingay at madilim kaya naman nahihirapan akong makakita. Nang may makabangga sa akin na babae ay nabitawan ko ang phone ko na lumagapak sa sahig. "Why are you even standing in the middle?" mataray na sambit nito sabay umirap at naglakad papalayo. Napalunok ako at pilit na pinipigilan ang luha na kanina pa gustong tumulo. Inabot ko ang phone ko at nakitang crack ang screen nito, hindi na rin bumubukas. Napabuntong hininga ako at pagtingala ko ay saktong nakita ko si Jacob na kaibigan ng boyfriend ko. May kasama s'yang isang babae na mahaba ang bu







