MasukCeleste's POV:
"Omg, ipapakilala na daw yung magiging bagong CEO natin," excited na sambit ni Reese habang naglalakad kami papunta sa parking area. "I heard some rumors na he's handsome and really tall plus maganda katawan!" "Yung laway mo, baka tumulo," biro ko sa kan'ya sabay huminto sa tapat ng sasakyan n'ya. "Parang nagbago isip ko, ayaw na kitang isabay-" "Joke lang. Ito naman, hindi mabiro." "Whatever, hmp." Pumasok na kami sa sasakyan n'ya at nagsimula na s'yang mag-drive. Ihahatid niya ako malapit sa tinutulyan ko dahil nasa car repair ang sasakyan ko. Bigla kasi na flat kahapon at pakiramdam ko ay si Henry ang may gawa non. Pano ko nalaman? nag-text siya sakin at nag-aya na ihatid ako. Napabuntong hininga ako sabay napasandal. Hindi ko na lang ginawang big deal ang ginawa n'ya. I don't want to waste my time on him. For sure magsasawa naman s'yang magpapansin sa akin. "Loko-loko talaga 'yang ex mo no?" natatawang pagbasag sa katahimikan na sambit ni Reese. "Mayaman nga pero sobrang isip bata at babaero pa. Ano ba kasing nakita mo don?" Anong nakita ko kay Henry? It was because of my father, I had to date that manchild. "You'll know pagna-in love ka na rin," sagot ko na lang sa kan'ya dahil honesty, hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko naman talaga gusto si Henry. Nagpatugtog kami ng paborito naming kanta at habang nakikinig ay hindi ko namalayang nasa kanto na pala kami ng apartment na tinutuluyan ko. "Dito na lang Reese," sambit ko sabay sinuot ang bag ko at hininto naman n'ya ang sasakyan. "Thanks for the ride! At dahil dito, may free coffee ka bukas." Ngumiti ako sa kaniya. "Wow! Sana free cheesecake din." "Heh. Tama na ang coffee." Bumaliktot ang ngiti ko sabay lumabas na sa sasakyan n'ya. Nagpaalam kami sa isa't isa at nagsimula na rin akong maglakad papunta sa apartment ko. Mga limang minuto pa ang layo nito. Hindi na ako nagpahatid kay Reese sa mismong building ng apartment ko dahil ayokong malaman n'ya kung saan ako nakatira. Maling building address ang binigay ko sa kan'ya. Dumaan ako sa maliit na eskinita dahil shortcut ito at dahil gusto ko na ring makauwi agad at magpahinga. Habang naglalakad ay naramdaman kong may mga sumusunod sa akin. Umakto akong walang alam at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kinuha ko ang phone ko sa bag at pasimple na itinaas ito sabay hinarap sa mukha ko para makita sa reflection ng screen ang mga tao sa likuran ko. Nakita kong may tatlong lalaking nakasuot ng itim ang sumusunod sa akin. Napalunok ako at naalala ang sinabi ni Liam sa akin. Napangiwi na lang ako dahil sigurado akong may kinalaman ito sa kan'ya. Binilisan ko ang paglalakad at nang makakalabas na ako sa maliit na eskinita ay saktong may isang lalaking nag-aabang dito kaya naman napaurong ako. Sht.. "Sino kayo?" Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. "Our identity doesn't matter, young lady," sambit ng lalaking nasa unahan ko. Nakasuot ito ng facemask kaya naman hindi ko makita ang mukha nito pero kita ko na malaki ang katawan at matangkad ito. "Touch me and all of you will end up dead," seryoso kong saad sabay nilapag ang bag ko sa sahig dahil magiging hadlang ito sa laban. "What are you gonna do? It's one versus four," napapailing na sambit nito sabay tumingin sa tatlong lalaki sa likuran ko at tumango. "We don't have enough time. Let's make this quick." Nang maramdamang papalapit sa akin ang tatlong lalaking ay tumakbo ako papunta sa pader at isinipa ang paa ko rito upang makatalon ng mataas. Habang nasa ere ay pinagmasdan ko sila na mukhang namangha sa ginawa ko. Inihanda ko naman ang sarili sa pag-landing sa likod nila. Naunang tumama ang paahan ko sa lupa at sumunod ang aking kamay. Narinig kong pumalakpak ang isa sa kanila. "Not bad. This is just as what we're expecting." Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi n'ya. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. Hindi s'ya sumagot at bigla na lang sumugod ang tatlong lalaki sa akin. Bawat atake nila ay naiiwasan ko pero dahil sa marikit na daanan ay nahawakan ako ng isa sa kanila sa braso. Agad kong inikot ang katawan ko at nang makapunta ako sa likuran ng lalaking ito ay hinawakan ko ang bisig nito at malakas na inikot ito dahilan para mabali ang buto n'ya. "Fck!!"sigaw nito sabay napaatras habang nakatingin sa binali kong buto niya. "Get her!" Sigaw ng lalaking naka-face mask. Mabilis na lumapit sa akin ang dalawa. Nahawakan nila ako sa magkabilang braso ko but this is not the end. At the age of 6, my parents trained me how to fight and 5 years later, I almost died when my mother fought me without any mercy. I was just a child when I got introduced into the violent environment. I was used seeing blood and chaos. Pumikit ako at nag-ipon ng lakas. Nang makuha ko na ang kailangan kong lakas ay dumilat ako at hinawakan sa bisig ang dalawang lalaki sa magkabilaan ko. I was getting ready to throw them at once. "Just accept your defeat already. You can't run away from him anymore." Hearing these words made my blood boil even more. So.. it was him and not because of Liam. "I am Yami, daughter of him and yet, you dare to fight me?" seryoso ko itong tinitigan at mabilis kong binalibag ang dalawa sa sahig. Rinig ko ang malakas na pagtama ng kanilang katawan sa sahig. Naunang tumama ang kanilang batok at sumunod ang kanilang likuran. Sigurado akong hindi na sila makakatayo pa matapos nito. "It is a pleasure to fight you, Ms. Yami." Napunta ang tingin ko sa boss ng tatlong nakalaban ko. Marahan itong naglakad papalapit sa akin. "We apologize for our actions but we are just following his order." Biglang may dalawang motor ang sumulpot sa likuran n'ya at pumasok sa eskenita. Nakasuot din ang mga ito ng itim. Sht. Paano ko sila tatakasan? "Also, he said we can do anything to you. He doesn't care if you get hurt as long as we'll bring you to him." Lumingon s'ya sa dalawang nakamotor at tumango. Agad kong inihanda ang sarili at hindi pa nila ako hinahabol ay mabilis na akong tumakbo. They're on a fcking motor! Of course kailangan ko agad kumilos kung hindi mahuhuli nila ako. Habang tumatakbo ay rinig na rinig ko ang malakas na makina ng motor nila. Nang may makita akong pahabang kahoy na upuan ay mabilis ko itong iniharang sa daan at nakita kong napahinto sila. Ngumisi ako at nag-bad finger pero mukhang bad move dahil mas pinalakas nila ang harurot ng makina nila na para bang handang talunan ng mga motor nila ang upuan. Napalunok ako at nang makitang paandar na sila muli ay mabilis akong tumakbo. This is how cruel my family is. They don't care about you as long as they get what they want. "Fck.." bulong ko sa sarili at nang malapit na ako makalabas sa eskenita ay saktong may itim na sasakyan ang huminto. Agad akong napaatras at napalingon sa likuran ko. What the hell?! They're almost near me! I am trapped! "Celeste!" Biglang bumukas ang pinto at napakunot ang noo ko nang makita kung sino ang nasa loob. "Liam?!" Bakit s'ya nandito? anong ginagawa n'ya dito? "Damn it! Get in! Bilisan mo!" hindi mapakali n'yang sambit. Agad naman akong pumasok sa loob at nanlaki ang mga mata ko nang makitang muntik na kaming mabunggo ng mga nakamotor, mabuti na lang ay agad na napaandar ni Liam ang sasakyan.Celeste’s POV: “Are you hurt?" tanong ni Liam habang nakatingin sa side mirror. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?" naguguluhan kong tanong. "I will explain everything later. Right now, I want to know whether you're hurt or not." Seryoso ang aura n'ya habang nagda-drive. This is the first time I've seen him this serious. Napalingon ako sa likod at nakitang hinahabol parin kami at tatlong motor na ito. Kasama na sa humahabol ang naka-face mask na mukhang leader nila."I'm okay." Umayos ako nang upo. "Remember what I've told you before?" tanong n'ya. "That your life is in danger." Iniliko n'ya ang sasakyan sa kanan at mabilis na pinaandar ito. "And that we'll have to meet frequently?" Paano ko sasabihin sa kan'ya na ang mga humahabol sa amin at ang nangbugbog sa kan'ya ay mga tauhan ng ama ko? Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang. I can't tell him my secret. I can't tell him that I am a daughter of an illegal and cruel man. Nabalik ang pag-iisip ko sa nangyayari ngayon na
Celeste's POV: "Omg, ipapakilala na daw yung magiging bagong CEO natin," excited na sambit ni Reese habang naglalakad kami papunta sa parking area. "I heard some rumors na he's handsome and really tall plus maganda katawan!" "Yung laway mo, baka tumulo," biro ko sa kan'ya sabay huminto sa tapat ng sasakyan n'ya. "Parang nagbago isip ko, ayaw na kitang isabay-""Joke lang. Ito naman, hindi mabiro.""Whatever, hmp." Pumasok na kami sa sasakyan n'ya at nagsimula na s'yang mag-drive. Ihahatid niya ako malapit sa tinutulyan ko dahil nasa car repair ang sasakyan ko. Bigla kasi na flat kahapon at pakiramdam ko ay si Henry ang may gawa non. Pano ko nalaman? nag-text siya sakin at nag-aya na ihatid ako. Napabuntong hininga ako sabay napasandal. Hindi ko na lang ginawang big deal ang ginawa n'ya. I don't want to waste my time on him. For sure magsasawa naman s'yang magpapansin sa akin. "Loko-loko talaga 'yang ex mo no?" natatawang pagbasag sa katahimikan na sambit ni Reese. "Mayaman nga pe
Celeste's POV: "Lunch break!" Masayang sambit ni Reese sabay nag-unat at tumingin sa akin nang nakangiti. "Alam ko na 'yang tingin mo na 'yan," agad kong sagot sa kan'ya. "I can't eat out. Nagtitipid ako," tanggi ko sa aya n'yang kumain sa labas. S'ya si Reese at s'ya lang ang madalas kong nakakasama at nakakausap dito sa trabaho ko dahil masyado nang workaholic ang mga katrabaho namin at dahil siguro ay mga pamilyado narin. "But, minsan lang naman-" hindi ko pinatapos ang sasabihin n'ya. Sinara ko ang puting folder na naglalaman ng sales report namin sabay tumayo, "I'll head to the cafeteria. Eat out if you want but out ako d'yan." Sumuko naman na s'ya sa pagpilit sa akin at nagsimula na akong lumabas ng office. Paano ba naman, tatlong beses sa iang linggo s'ya magyaya kumain sa labas at hindi lang basta-basta kainan, expensive restaurant pa. Actually, afford ko naman pero mas gusto ko lang rin mapag-isa ngayon lalo na't kakagaling ko lang rin sa break up. Wala akong gana at ener
Celeste's POV:Nasa hotel kami ngayon ng lalaking niligtas ko dahil ayaw n'yang magpadala sa hospital. Naglakad ako papalapit sa kan'ya na mahimbing ang tulog sa kama habang bitbit ang yelo na binalutan ko ng towel. Umupo ako sa gilid atsaka pinagmasdan ang mukha n'ya. Itim ang buhok n'ya na may pagkamahaba, matangos ang ilong, makapal ang kilay at mahaba ang pilik mata. Sa totoo lang ay mukha s'yang artista dahil sa kagwapuhan n'ya. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip na hindi s'ya isang ordinaryong tao lalo na't ayaw n'yang magpatawag ng mga police. Marahan kong dinampi ang towel sa pasa n'ya sa mukha. Habang ginagawa ito ay naalala ko ang sinabi n'ya kanina sa akin na nasa panganib ang buhay ko dahil sa pagligtas ko sa kan'ya. Hindi kaya sindikato s'ya? O may kinalaman sa mga illegal business? Napabuntong hininga na lang ako at ipinagsantabi ang iniisip. Matapos kong gamutin ang sugat n'ya ay naalala ko ang phone ko. Mabilis ko itong kinuha sa bulsa ng jeans ko at sinubukang buksan
Celeste's POV: Dali-dali kong pinarada ang sasakyan at pumasok sa isang club kung nasaan ang boyfriend ko. Habang naglalakad ay sinusubukan ko s'yang kontakin dahil simula kaninang umaga ay hindi na s'ya sumasagot sa akin. Nagkaroon kasi kami ng away at halos isang linggo na kaming hindi okay. "Come on, pick up," mahinang sambit ko na para bang nawawalan na ako ng pag-asa. Nang makarating ako sa loob ay napahinto ako. Sobrang daming tao, maingay at madilim kaya naman nahihirapan akong makakita. Nang may makabangga sa akin na babae ay nabitawan ko ang phone ko na lumagapak sa sahig. "Why are you even standing in the middle?" mataray na sambit nito sabay umirap at naglakad papalayo. Napalunok ako at pilit na pinipigilan ang luha na kanina pa gustong tumulo. Inabot ko ang phone ko at nakitang crack ang screen nito, hindi na rin bumubukas. Napabuntong hininga ako at pagtingala ko ay saktong nakita ko si Jacob na kaibigan ng boyfriend ko. May kasama s'yang isang babae na mahaba ang bu







