Share

2

I spent a hell of a week inside Hilton, halos hindi na ako makakain makatulog or even makapag isip ng tama dahil sa dami ng nangyayare sa buhay ko.

Ever since that day, reporters come to my doorstep every day my DMs and private life are completely exposed. They also know now that I have Liveon and called me a cheater and names. Pero may mas lalala pa ba sa nararamdaman ko ngayon?

Wala na ata.

Everything, Everything that I worked hard for, lahat ng pinag hirapan kong bagay para sa pangalan na meron ako ngayon, Nasira...

It was ruined because of one mistake.

Isa lang.

At ngayong pauwi na ako ng pilipinas, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman o kung anong dapat kong gawin. Media here in the Philippines are way worst than media in Hilton.

Dito talaga ay kakatayin ang mga laman laman mo.

"Hell..." bulong ko ng hindi pa ako nakakarating sa main door ng airport ng pilipinas ay nakikita ko na ang mga reporter na nag kukumpulan sa labas na may pangalan ko.

Waiting for me to go outside, and face them.

But I'm way smarter than that.

With my shades on along with my scarf covering my face. I sneaked my phone out kasabay ng pag takas ko gamit ang mga taong kakababa palang mga eroplano nila.

I sneaked my way through the other exit kung saan walang nakakakilala sa akin.

Doon ay tinawagan ko si Zariah upang matulungan ako.

"There's a car on it's way, Intayin mo nalang." Bungad sa akin ni Zariah na syang ikinagulat ko.

"I'm watching the TV Kira, iniintay ata ng buong bansa ang pag uwi mo," paliwanag nito sa akin as she flicked her tongue in between the lines of the call.

"Remember I installed a tracing device 3.0 there? Yung gawa ko mismo?"

"Yeah..." sagot ko.

"Well the device just notifed me the moment you landed here, kaya alam ko na ang gagawin ko." Doon naman ay kahit papaanong nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

"Salamat," I said.

"Hindi 'to libre Akira." Singit ni Zariah.

"Pag uwi mo, get a better lovelife," anito before ending the call.

Hindi ko naman alam kung dapat ba akong matawa o mainis sa sinabi ni Zariah matapos nya akong babaan ng tawag, but not too long after her ending the call ay isang kotse na ang syang bumusina sa harapan ko.

"Ma'am madrigal?" the driver asked, syaka nalang ako nakahinga ng maluwag at syaka tumango dito. The man then smiled at me before leaving his seat upang asikasuhin ang mga maleta ko while I made my way inside the car.

Ng makapasok na ako sa loob ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. It's a stressful week followed by a stressful day.

God, give me a break.

"San po tayo?" tanong nito sa akin, I just smiled before answering.

"Sa bahay, alam mo na siguro 'yon." I said at syaka tumango sa akin ang driver, after that I closed my eyes at syaka ko isinandal ang ulo sa bintana as I watched us escape the chaotic airport.

Gustuhin ko mang magpahinga dahil sa pagod dagdag na rin ang sakit ng ulo ko. I'm too busy texting Liveon kahit pa hanggang ngayon ay hindi sya sumasagot, even my dad. Hindi sila sumagot.

They have been like that since that day.

Hindi ko na alam.

"Crap..." I whispered ng sumakit bigla ang ulo ko, followed by a nausea feeling sa kung anong dahilan ay naduduwal akong bigla.

"Ma'am, okay lang po kayo?" tanong ng driver sa aking bigla, I just nodded at him habang hawak hawak ko ang tyan ko. Para bang kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon gayong maayos naman ako kaninang umaga.

"Kung gusto nyo ma'am, mag pahinga na ho muna kayo." The man suggested.

"Hihinaan ko nalang ho yung radyo," suggestion nito, But I quickly shook my head as a no and smiled.

"I'm okay, pakibilisan nalang sana pauwi," pagdadahilan ko.

"Doon nalang ako magpapahinga." Seems like the driver understood what I wanted to say dahil tumango lang sya sa akin at syaka tahimik na nag drive.

Through out the whole ride, it was torture. Halos ilang beses kong pinigilang maduwal ang sarili ko cause of some unknown reasons, hindi ko rin alam kung bakit masyado akong maduwalin ng mga nakaraang araw lalo na sa umaga.

And the moment the car stopped infront of our gates, hindi ko na nahintay pang mababa ang mga gamit ko dahil dumeretso na ako ng pasok sa loob ng bahay namin.

Just to be surprised.

Just to be greeted by the scene,

Where my father is once again, abusing my mom to death.

"Dad!" Pigil ko sakanya ng makita kong dadaplis ang kamao nito sa mukha ng umiiyak kong ina.

When they both landed their eyes on me, doon ko nakita na mas lalong nag liyab ang galit sa mga mata ng tatay ko.

"At ikaw!" he shouted at me.

"Umuwi ka pa!" At doon ay naramdaman ko na ang pag sabunot nya ng mahigpit sa buhok ko. I can even feel the roots of my hair giving up dahil sa higpit ng sabunot nya sa mga iyon.

"Da—"

"Don't you dare call me your father!" Halos hindi ko maigalaw ang ulo ko sa higpit ng hawak nya, his grip was too tight that it made me tear up.

"Wala ka nang kahihiyan sa sarili mo Akira!" Doon naman ay pinaharap nya ako sakanya, Where I saw my mom trying to stop my dad pero hindi naman ito nag wagi dahil sinampal sya ni daddy bago pa ito makalapit causing her to fall hard on the ground.

At wala akong magawa kung hindi ang umiyak.

"You're a disgrace to the family, Akira!" anito.

"Hindi ka na nahiya!" And by that, I recieved the hardest slap I have felt mula ng bata ako. Sobrang lakas ng sampal na iyon sa akin na tulad ng sarili kong Ina ay bumagsak ako sa sahig.

And enough to make my lips bleed.

Pero hindi pa ako tinigilan ni papa.

Cause when I was about to stand up, doon nya ako muling ipinaharap sakanya at muling sinampal ng malakas.

"Wala akong anak na nakakahiya!" he shouted, kasabay na rin nito ang pag mamaka-awa ni mama ngunit hindi sya pinapakinggan.

"Walang nakakahiya sa angkan natin, Akira!"

"Bata ka palang wala ka nang binigay sa pamilyang 'to kung hindi kahihiyan!" sumbat nya sa akin, and all I can do was to listen with anger building up inside me.

"Kaya lumayas ka!"

"Ayoko na makita yang mukha mo!"

"Kinahihiya kong may madrigal ka sa pangalan mo!" Upon hearing those words, I gathered all my strenght and faced him.

Kahit pa dumudugo na ang labi ko.

Kahit pa basang basa na ang mukha ko dahil sa iyak.

"Don't you worry, dad," panimula ko.

"I loathe your blood," sinigurado kong madiin ang pagkakasabi ko ng salitang iyon.

"Sinusuka ko ang dugo mo." I watched him soar his anger, pero wala akong pake.

"Dahil wala akong tatay na—"

"Akira!" Napatigil nalang ako ng bigla akong sigawan ng sarili kong Ina. And there I looked at them both.

Mga gago...

I then chuckled bitterly, tama.

Wala akong kakampi sa punyetang bahay na 'to.

"You want me gone?" Seryosong tanong ko sa sarili kong ama still having the same jerky smile at him.

"Fine."

"Who wants to be your daughter anyways." Iyon nalang ang katangi tangi kong sinabi bago ako tuluyang umalis sa bahay na iyon.

Ang bahay na walang ibang ginawa sa akin kung hindi ang saktan, pahirapan, at lahat lahat ng klaseng memoryang nais kong ibaon sa limot.

Me leaving them may be way better than forcing myself to stay.

Umiiyak akong pumasok muli sa kotse kung saan naroroon parin ang driver.

"Just drive, Tuturo ko nalang sayo kung saan." Wika ko pagpasok ko ng sasakyan, laking pasalamat ko nalang dahil hindi na syanag tanong kung bakit ganun ang lagay ko dahil wala rin ako sa mood na ikwento ang mga nangyare.

Everything was too much. Halos hindi ko na alam kung saan na tutungo ang lahat. It was too tiring, masyado nang maraming nangyare sa buhay kong hindi ko gustong balikan.

I was too focused about other things na hindi ko namalayang naturo ko na pala sa driver na iyon kung saan ako pansamantalang titira.

Sa luma kong apartment, the same room I rented back when I was on collage.

"Salamat..." I faked my smile ng tulungan ako ng driver na i-akyat ang mga gamit ko. I also decided na wag na munang sabihin kila Zariah ang sitwasyon ko syaka na kapag may lakas na akong mag explain.

I'm back here again.

Lost.

Ng maipasok ko ang mga maleta ko sa kwarto ay doon ko ibinagsak ang kama ko sa higaan, It's not as soft as my matress back at home, pero pwede na pag tyagaan.

I was about to fall asleep, ramdam na ramdam ko na ang pag bagsak ng mata ko when suddenly, my phone popped a notification.

And It's from Liveon.

Pero sana pala ay hindi ko nalang binuksan ang text na iyon, cause it's not something that's going to help me.

It's a message about breaking up with me.

And there I thought the last light of hope I had that is Liveon, is gone.

And now? Cause of one mistake, dahil lang sa isang gabing hinayaan kong maging masaya ako sa sarili ko. For a moment I was careless, for a moment I was selfish about happiness.

At ito, Ito ang ibinigay non sa akin?

Kapalit ng isang gabi, pagkasira ng buong buhay ko?

Losing something I've been treasuring for almost half of my life.

Was it worth it?

The answer is clear.

It has always been a no.

Isang buwan, Isang buong buwan na ang lumipas mag mula ng nangyare ang mga bagay na iyon sa buhay ko. It has been a whole month ever since that nightmare happened and yet, I'm still recovering from it.

Hindi na rin naging madali ang lahat sa akin. Especially now that I felt my whole body changing through out the weeks. Halos araw araw na akong nag susuka at nahihilo tuwing umaga pag gising ko, every single day I'm sick and it just gets worst and worst.

Siguro dahil sa masyadong kong pag t-trabaho ito, for the past month that I started to live on my own again ay kung ano anong trabaho na ang pinasukan ko wanting to get my own money.

And through out the month aaminin kong hindi ko maiwasang hindi mag alala para sa sarili kong Ina, her being left at that house hold I know what it feels like to live in hell at gusto ko syang alisin sa impyernong tinakasan ko.

And in order to do that I must have a better life.

Kaya heto ako ngayon, over time kung over time, trabaho kung trabaho. Everything just to have a stable life.

"Kira!" tawag sa akin ng isang kong katrabaho, I took a deep sigh as I faced her. Doon ko na nga nakita ang kabundok na papel na hawak hawak nya.

"Review mo daw 'to bago mo ipasa kay boss," anito, to be honest I'm tired already, ramdam ko na ang pag suko ng buong katawan ko kahit pa tanghali palang ng mga sandaling iyon.

"Basahin mo daw ng mabuti lahat dahil ipapasa daw yan sa bagong CEO," dagdag pa nya. There, confusion consumed my whole mind pero hindi ako nag salita bagkus ay tumango lang ako sakanya kahit pa bukas na bukas ang tenga ko tungkol sa bagong balita.

"Bat daw bago na yung CEO," tanong ng isa kong katrabaho kay Claine na nasa likod ko lang, kahit ba bulong lang ang pag uusap nila they were near enough for me to hear what they're gossiping about.

"Edge of bankruptcy na daw 'to, Buti nga binili ng Villamon e." Natigilan ako ng sandali sa narinig.

That surname... that sounds familiar

Hindi ako makapag focus masyado sa mga binabasa dahil sinabayan na rin ng hilo ko ang mga nasasagap kong balita, everything was getting into me a little too much.

"Everyone!" And our attention was called ng lumabas ang boss namin mula sa opisina nya.

"The CEO just arrived."

And upon hearing that, kung anong kaba nalang din ang sumabay sa hilo na nararamdaman ko.

"Kira?"

"Yes?" I answered unknowngly.

"Deliver the papers inside the meeting room, yes?" Kahit pa hilong hilo na ako, I felt so dizzy that I can feel me fainting any time soon, ngumiti lang ako at syaka tumango sa boss namin.

"Kira?" tawag sa akin ni Claine.

"Okay ka lang?" she asked

"Gusto mo ako na dyan," she said, but I politely refused.

"Kaya ko." I need to get through this, Kailangan kong mailagay ang mga papel na 'to sa table ng meeting room or else I'm screwed, alam ko pa naman kung gaano ka imporante ang mga ito.

That's why even though my whole head was spinning, pinilit kong buhatin ang kabundok na papel na iyon at syaka umalis sa desk ko and made my way through the halls of the big building.

"The CEO's here!" rinig ko ng maka-alis ako sa room namin, but I was too dizzy to even look back and greet the CEO. Kahit pa rinig na rinig ko na ang sigawan nila at kahit pa nakikita ko na rin ang pag ayos ng mga impleyado sa hall na iyon, my whole body was too exhusted and dizzy to even care.

Nag patuloy lang ako sa pag lalakad upang kahit papa-ano ay maabutan ko ang elevator papuntang meeting room ng building. But it only took me five steps ng mag simula kong maramdaman ang panghihina ng kamay at mga paa ko.

Kira, not now...

I blinked a couple of times, naka-ilang kurap ako trying to pick my senses but I failed.

Dahil kasabay ng huli kong pagkurap ay ang pagtakas ng lakas mula sa katawan ko causing me to faint in the middle of chaos inside the company.

Pero wala akong naramdamang kahit anong sakit dulot ng pag kakabagsak ko sa sahig Instead, I felt a soft arms catching my weak senses.

At kahit pa madilim at nahihilo ang paningin ko, I managed to look at the person who catched me.

Hindi ako pwedeng magkamali...

It's the same person I've been trying to run away from.

Cameron Saint Villamon...

He's here.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status