INICIAR SESIÓNAVERY POV
Napatitig lang ako sa phone ko kahit namatay na ang tawag. Nanlalamig ang mga palad ko, at 'yung kaba sa dibdib ko, parang gustong kumawala. Sandro Tallano. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan niyang lumitaw kung kailan iniisip ko na kung paano itatago ang lahat? Dahan-dahan akong lumapit sa bintana ng maliit kong apartment. Doon, sa tapat ng kinakalawang naming gate, may nakaparadang itim na sedan. Bagong-bago at makintab—masyadong mahal para sa kalyeng ito. May isang lalaking naka-suit na nakatayo sa gilid ng kotse, diretsong nakatingin sa pinto ko. Wala na akong takas. Kinuha ko ang jacket ko at isinuot ito para itago ang panginginig ng mga braso ko. Hindi ko na kinuha ang pregnancy test sa sahig. Hahayaan ko na lang muna doon. Bahala na. Paglabas ko, sinalubong ako ng mainit na hangin at amoy ng usok mula sa kabilang kanto. Binuksan ng driver ang pinto sa likod nang hindi nagsasalita. Sumakay ako. Sa sobrang lamig ng aircon sa loob, nangingig ako ulit. "Saan tayo pupunta?" tanong ko, pero hindi sumagot ang driver. Tumingin lang siya sa rear-view mirror bago inistart ang sasakyan. Huminto kami sa isang private lounge sa Makati. Pagpasok ko, dinala ako agad ng staff sa isang table sa pinakadulo. Tahimik dito, kitang-kita mula sa malaking bintana ang mga sasakyan sa ibaba. Nakatayo siya roon at nakatingin sa labas, nakapamulsa. Naka-white shirt na lang siya na nakatupi hanggang siko. Ang laki ng katawan niya, at sa nakatalikod pa lang niya, bumabalik na naman ang kaba ko. "Maupo ka," sabi niya nang hindi lumilingon. Umupo ako at pinagdaop ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa. "Anong kailangan mo, Mr. Tallano?" Dahan-dahan siyang humarap. Mas seryoso ang mukha niya sa malapitan kaysa sa mga picture sa balita. Lumapit siya at umupo sa tapat ko, saka naglapag ng isang folder sa lamesa. "Hindi ako mahilig sa paligoy-ligoy, Avery," simula niya. Nilabas niya ang isang picture. Picture ko 'yun, nung gabing lumabas ako sa suite niya. "Bakit ka pumasok sa kwarto ko?" Napalunok ako. "Mali ang napasukan ko. Akala ko kay Jimenez 'yun." "Alam ko," putol niya sa akin. "Pero hindi 'yun ang dahilan kung bakit kita pinahanap." Tumitig siya sa akin nang matagal. May dumaang waiter at naglapag ng kape sa harap ko, pero hindi ko 'yun ginalaw. Pinapanood ko ang bawat galaw ni Sandro. Kinuha niya ang whiskey glass niya at uminom nang kaunti. May kinuha ka ba sa akin?" tanong niya. Humina ang boses niya pero mas nakakatakot pakinggan. "Wala. 'Yung tseke mo, nandoon pa rin sa drawer ko. Hindi ko ginalaw," mabilis kong sagot. Bahagya siyang ngumiti, pero seryoso pa rin ang mga mata niya. "Hindi pera ang tinutukoy ko." Bigla akong napaayos ng upo, naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. "Look, Mr. Tallano. Nagkamali ako ng kwarto. May nangyari, oo. Pero tapos na 'yun, 'di ba? Binayaran mo na ako kahit hindi ko naman hiningi." "Hindi pa tapos 'yun," sabi niya. Inusog niya ang folder sa harap ko. "I checked the CCTV of the clinic you visited last week." Napatitig ako sa kaniya. "Ano?" "The one near your apartment. The prenatal check-up," dugtong niya. Sumandal siya sa upuan at pinagcross ang mga braso niya. "Don't lie to me, Avery. My blood is in your veins right ngayong oras na 'to." Hindi ako makapagsalita. Ang galing. Ang bilis niya. "So... bakit mo ako pinatawag? Para takutin? Para bayaran ulit na mawala na lang?" Hindi siya sumagot agad, pinagmasdan niya lang ako. Sobrang tahimik sa pagitan naming dalawa, ramdam na ramdam ko ang kaba habang naghihintay sa sasabihin niya. Hanggang sa bumuntong-hininga siya nang malalim. "Kailangan ko ang batang 'yan," seryoso niyang sabi. Natawa ako nang mahina, pero may halong inis. "Kailangan? Ano 'to, business deal? Gamit ba 'tong dinadala ko?" "Sa mundo ko, lahat ay business, Avery. Ang pamilya ko, ang mana ko... kailangan ko ng tagapagmana para hindi mapunta sa mga tiyuhin ko ang kumpanya. At ikaw... ikaw ang may dala nung susi na 'yun." "Hindi ako papayag," mabilis kong sagot. "Hindi mo ako pwedeng gamitin para lang sa negosyo mo." Tumayo siya at lumapit sa gilid ko, saka yumuko nang kaunti para magkapantay kami. Naamoy ko na naman ang pabango niya, 'yung amoy na nagpapaalala sa akin ng gabing gusto ko nang kalimutan. "Wala ka sa posisyon para tumanggi," bulong niya. "Ang tatay mo... si Eduardo, 'di ba? Ang dami niyang naiwang utang. Ang daming atraso ni Jimenez sa inyo. Hindi mo ba gustong mabawi lahat 'yun?" Nanigas ako. "Huwag mong idamay si Papa rito." "Idadamay ko kung kailangan," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. May bahid ng determinasyon ang boses niya. "Isang contract, Avery. Magpakasal ka sa akin. Isilang mo ang bata. Pagkatapos, bibigyan kita ng sapat na pera para makapagsimula ulit, kahit saang bansa mo gusto. At sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan si Jimenez." Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng jacket ko. Gusto ko siyang sampalin, pero kasabay nun, gusto ko ring maniwala na kaya niyang gawin 'yun. Ang gulo. "Kahit isang taon lang," dagdag niya. "Papakitang-tao lang. Pagkatapos, malaya ka na." Tumingin ako sa kanya. "Paano ang bata? Iiwan ko sa'yo?" Sandali siyang natigilan at tumingin sa malayo bago muling humarap sa akin. "Magiging maayos ang buhay niya sa akin. Ibibigay ko ang lahat." Tumayo na ako. Hindi ko na kaya ang bigat ng pakiramdam dito sa loob. "Kailangan ko ng oras para mag-isip." "Wala tayong oras," sabi niya habang tinitingnan ang relo niya. "My board of directors is meeting next week. I need an announcement." Naglakad ako palayo, pero huminto ako sa tapat ng pinto. Lumingon ako sa kanya. "Bakit ako? Marami namang ibang babae dyan. Bakit kailangang sa maling kwarto pa?" Huminga siya nang malalim at tiningnan ako nang diretso. "Dahil sa gabing 'yun, ikaw lang ang pumasok na walang hinihinging kahit ano." Naglakad na ako palabas, hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa. Paglabas ko sa lounge, sinalubong ako ng driver niya. "Ma'am, ihahatid ko na po kayo," sabi nung lalaki. Umiling ako. "Hindi na. Mag-jeep na lang ako." "Sabi po ni Sir Sandro, hindi kayo pwedeng mag-isa." "Sabihin mo sa Sir Sandro mo, hindi pa niya ako pag-aari," sagot ko bago ako mabilis na naglakad palayo, ramdam ko ang init ng luha sa mga mata ko habang hawak ang tiyan ko.AVERY POVBiyernes. Ordinaryong araw lang sa labas—mainit ang sikat ng araw at abala ang mga tao sa kani-kanilang buhay. Pero sa loob ng opisina ng mayor sa Taguig, parang tumigil ang oras para sa akin.Nakatayo ako sa harap ng salamin sa maliit na lounge, tinitingnan ang sarili ko. Hindi ako naka-gown. Naka-white silk dress lang ako na hanggang tuhod, simple lang, pero alam mong mahal dahil kay Beatrice galing. Inayos ko ang buhok ko, sinusubukang itago ang panginginig ng mga kamay ko."Ready?"Napatingin ako sa pintuan. Nandoon si Sandro, nakasandal sa hamba. Wala siyang suot na tie, bukas ang unang dalawang butones ng polo niya. Mukha siyang tao ngayon, hindi 'yung parang robot na nakita ko nung mga nakaraang araw."Kailangan ba talagang gawin 'to ngayon?" tanong ko, ang boses ko ay medyo paos.Lumapit siya sa akin. Huminto siya sa likod ko, tinitingnan din ang repleksyon namin sa salamin. Ang tangkad niya talaga. "The papers are ready, Avery. Isang pirma na lang, protektado ka na.
AVERY POVMuntik na akong madapa sa silver heels na 'to pagbaba ko ng hagdan. Ang taas masyado, parang balak yata akong pilayin ni Sandro bago pa man kami makarating sa dinner. Hawak-hawak ko ang railings habang dahan-dahang bumababa, tinitiis ang hapdi sa likod ng sakong ko.Nasa baba ng hagdan si Sandro at naghihintay. Naka-navy blue suit siya, at sa totoo lang, nakakainis kung gaano siya kaguwapo sa ilalim ng chandelier. Tumingala siya sa akin—walang ngiti, pero tumitig siya sa mukha ko ng ilang segundo bago umiwas."You're late. Again," sabi niya, sabay tingin sa Relo niya."Kasalanan ko bang kailangan ng tatlong tao para lang maisara 'tong zipper ng dress na 'to?" sagot ko habang inaayos ang laylayan ng emerald green gown na pinadala niya. "Saka ang taas nito. Gusto mo ba akong gumulong pababa?"Lumapit siya sa akin at inabot ang braso niya. "Hold on to me. Ayaw kong magkaroon ng scandal dahil nadapa ang fiancé ko sa harap ng mga magulang ko."Kumapit ako sa braso niya. Matigas a
AVERY POVPag-uwi ko sa apartment, hindi ko na binuksan ang ilaw. Naupo lang ako sa gilid ng kama habang pinapanood ang mga ilaw ng sasakyang dumadaan sa labas. Kanina pa magulo ang isip ko. 'Yung sinabi ni Sandro tungkol sa kumpanya nila, 'yung board, pati 'yung tatay ko... hindi ko na alam kung anong uunahin kong isipin.Napatingin ako sa sahig. Nandoon pa rin ang pregnancy test kit.Tumayo ako para pulutin 'yun at itapon sa basurahan. Pero bago ko mabitawan, hinawakan ko muna ang tiyan ko. Flat pa rin naman. Wala pa akong nararamdaman kundi gutom at sobrang pagod. Pero para kay Sandro, ito na ang gagamitin niya para hindi mapunta sa mga tito niya kumpanya.Kinabukasan, nagising ako sa madiin na katok sa pinto.Pagbukas ko, hindi si Sandro ang nandoon. Isang babaeng nasa late 40s ang nakatayo—maikli ang buhok at mukhang mamahalin ang suot na grey suit mula ulo hanggang paa."Ms. Avery Santos?" tanong niya. Walang ngiti, pero professional ang boses."Sino sila?""I'm Beatrice, Mr.
AVERY POVNapatitig lang ako sa phone ko kahit namatay na ang tawag. Nanlalamig ang mga palad ko, at 'yung kaba sa dibdib ko, parang gustong kumawala. Sandro Tallano. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan niyang lumitaw kung kailan iniisip ko na kung paano itatago ang lahat?Dahan-dahan akong lumapit sa bintana ng maliit kong apartment. Doon, sa tapat ng kinakalawang naming gate, may nakaparadang itim na sedan. Bagong-bago at makintab—masyadong mahal para sa kalyeng ito. May isang lalaking naka-suit na nakatayo sa gilid ng kotse, diretsong nakatingin sa pinto ko.Wala na akong takas.Kinuha ko ang jacket ko at isinuot ito para itago ang panginginig ng mga braso ko. Hindi ko na kinuha ang pregnancy test sa sahig. Hahayaan ko na lang muna doon. Bahala na.Paglabas ko, sinalubong ako ng mainit na hangin at amoy ng usok mula sa kabilang kanto. Binuksan ng driver ang pinto sa likod nang hindi nagsasalita. Sumakay ako. Sa sobrang lamig ng aircon sa loob, nangingig ako ulit."Saan tayo pupunta?"
AVERY POVHingal na hingal ako habang nakasandal sa malamig na pader ng hallway ng Grand Opulence Hotel. Ang bigat ng dibdib ko, parang sasabog. Hawak ko ang maliit na clutch bag na naglalaman ng camera at recorder ko. Isang gabi lang, Avery. Isang gabi lang na kailangan mong maging matapang para mabigyan ng hustisya si Papa.Room 808.Ito ang suite ni Gov. Jimenez. Ang taong dahilan kung bakit nawala ang lahat sa amin—ang bahay, ang dignidad ni Papa, at ang buhay niya mismo.Nanginginig ang mga daliri ko habang kinukuha ang keycard na nakuha ko mula sa isang contact sa loob. "Kaya mo 'to," bulong ko sa sarili ko. Isang click, at dahan-dahang bumukas ang pinto.Madilim at sobrang lamig ng aircon, ramdam ko agad ang panunuot nito sa manipis kong backless dress. Amoy mamahaling alak at... panlalaking pabango? Sandali, hindi ganito ang amoy ni Jimenez. Ang alam ko, amoy matandang mahilig sa"Sino 'yan?"Isang baritono at malalim na boses ang bumasag sa katahimikan. Hindi iyon boses ng is







