author-banner
YORMI
YORMI
Author

Novels by YORMI

PAG-ANGKIN NG BILYONARYO: Ang Lihim Na Anak

PAG-ANGKIN NG BILYONARYO: Ang Lihim Na Anak

Limang taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Iris Alcantara ang marangyang buhay para protektahan ang lalaking mahal niya. Ngayon, isa na siyang single mom na kumakayod sa isang catering company para sa maysakit niyang ina at sa anak na si Zion. Ang tanging hiling niya ay tahimik na buhay, pero muli siyang pagtatagpuin ng tadhana sa nakaraang pilit niyang tinatakbuhan. Si Jace Ramirez, isang ruthless billionaire, ay nagising mula sa aksidente na walang alaala tungkol kay Iris. Dahil sa manipulasyon ng kaniyang pamilya, ang alam lang niya ay iniwan siya ng babae dahil sa pera. Nang muling magtagpo ang landas nila, galit at paghihiganti ang dala ni Jace. Gagamitin niya ang kaniyang impluwensya para pilitin si Iris na maging personal assistant niya at unt-unting pahirapan ito. Ngunit magugulo ang plano ni Jace sa pag-eksena ng limang taong gulang na si Zion. Ang madiskarteng bata na carbon copy ng bilyonaryo ang unt-unting maglalapit sa kanila at magbubunyag sa mga lihim ng nakaraan. Sa oras na lumabas ang resulta ng DNA test, walang makakapigil kay Jace na angkinin at bawiin ang mag-ina. Makakaya ba ni Iris na protektahan si Zion sa magulong mundo ng mga Ramirez? Paano paninindigan ni Jace ang kaniyang pag-angkin kapag bumalik na ang kaniyang mga alaala? Sa gitna ng galit at lihim, ang anak nga ba nila ang magiging susi para mabuo ang nawasak nilang pamilya?
Read
The CEO's Unexpected Heir

The CEO's Unexpected Heir

Isang gabi lang. Isang pagkakamali. Ang plano ni Avery ay simple lang—pasukin ang hotel room ng lalaking sumira sa pamilya niya, akitin ito, at kunin ang ebidensyang magpapabagsak dito. Pero dahil sa kamalasan, sa maling suite siya pumasok. Imbes na ang matandang kaaway, ang bumungad sa kanya ay si Sandro Tallano—ang nakakatakot at saksakan ng guwapong lalaking tinaguriang “Cold-Blooded King” ng business world. Akala ni Avery ay ligtas na siya matapos siyang tumakas kinabukasan. Pero makalipas ang dalawang buwan, isang positive result sa pregnancy test ang nagpabago sa buhay niya. At ang ama ng dinadala niya? Ang mortal na kalaban ng taong gusto niyang gantihan. Hindi pa man siya nakakapag-isip ng susunod na hakbang, nahanap na siya ni Sandro. Makuha kaya ni Avery ang hustisya, o mahuhulog lang siya sa bitag ng isang lalaking mas mapanganib pa sa mga kaaway niya?
Read
Dumped by a Doctor, Chosen by a CEO

Dumped by a Doctor, Chosen by a CEO

Akala ni Calyxandra Alonte, nasa tamang direksyon na ang buhay niya—may maayos siyang career bilang doktor, fiancé na pinagkakatiwalaan, at pangarap na bubuuin nila nang magkasama. Pero nagbago ang lahat nang matuklasan niyang palihim na sinusuportahan ni Dr. Lucas Fontanilla ang isa pa nitong pamilya gamit ang perang inipon nila para sa bahay na pinapangarap nilang dalawa. Nang komprontahin niya si Lucas, siya pa ang binaliktad nito. Sa isang iglap, nasuspinde si Calyxandra sa ospital, napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, at nawalan ng trabaho, tirahan, at ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili. Akala niya, tuluyan nang matatapos ang career niya bilang doktor. Pero dumating si Leander Legaspi, ang istrikto at makapangyarihang CEO ng isang bagong pribadong pasilidad medikal, na nagbigay sa kanya ng pagkakataong magsimula ulit. Sa tulong nito, determinado si Calyxandra na linisin ang pangalan niya at patunayang hindi kayang sirain ni Lucas ang lahat ng pinaghirapan niya. Pero mahahanap kaya niya ang katotohanan bago tuluyang masira ang reputasyon niya? At ngayong unti-unti nang nagiging espesyal sa kanya ang lalaking nagbigay ng pangalawang pagkakataon, kaya pa ba niyang magtiwala at magmahal muli? O mananatili siyang bilanggo ng pagtataksil na minsan nang sumira sa buhay niya?
Read
In Bed With The Billionaire Boss

In Bed With The Billionaire Boss

Athena Moretti was the brilliant mind behind NexusTech, but to the world, she was just a nobody. When her fiancé, Marcus Vance, publicly humiliates her, steals her revolutionary cybersecurity code, and hands her empire to another woman, Athena is left with nothing but a burning thirst for revenge. Enter Lucien Laurent. Ruthless, brilliant, and the most feared venture capitalist in the country, Lucien is old money incarnate. He offers Athena an untouchable legal team, unlimited resources, and a state-of-the-art lab to rebuild her software and crush Marcus. But his help comes with a dangerous price. To destroy Marcus from the inside out, Athena must sign a one-year contract to play a part she never prepared for: Lucien’s fiancée. The catch? Lucien is Marcus’s estranged, older step-brother. Living under Lucien’s roof, the lines between corporate warfare and bared desires begin to blur. Every stolen glance is a sin; every touch is an electric violation of their professional rules. Athena convinces herself that she is just using his power to get her life back. Until a dark secret from the past unravels, revealing that the man protecting her from the devil might actually be the one who ruined her family first. Can Athena successfully play a game where the heart is the ultimate liability, or will she realize too late that her silent partner is the most dangerous enemy of all?
Read
The Billionaire's Hidden Legacy

The Billionaire's Hidden Legacy

Nasira ang buhay ni Talia sa mismong gabi bago ang kaniyang kasal nang mahuli niya ang fiance sa piling ng iba. Sa gitna ng galit at sakit, pumasok siya sa buhay ng pinakamakapangyarihang CEO sa lungsod—si Gideon Mercer—para sa isang gabing hindi niya kailanman malilimutan. ​Apat na taon ang lumipas, bumalik si Talia bilang bagong sekretarya ng lalaki. Akala niya ay tapos na ang lahat, ngunit may isang malaking sikreto siyang hawak, ang apat na taong gulang na batang kamukhang-kamukha ng kaniyang amo.
Read
The Billionaire's Contract Maid

The Billionaire's Contract Maid

Amber Hart is completely hit rock bottom. Broke, homeless, and betrayed by her ex, she takes a high-paying job as a stay-in housekeeper for the city’s most ruthless billionaire, Kalix Jace Smith. He is cold, arrogant, and demands absolute perfection. Amber just wants to survive his impossible rules to earn her keep. But when Kalix’s forced family engagement turns into a corporate nightmare, he turns to the only woman in his house. He slides a contract across the desk: one million dollars to play his fake fiancée for six months. The rules are simple—smile for the cameras and pretend to love a man who handles romance like a business deal. But as the fake touches feel too real, Amber faces a bigger danger: losing her heart to a man who claims he has none. Will a million dollars be enough to save her, or will this fake contract ruin her completely?
Read
Your Name on my Divorce Papers

Your Name on my Divorce Papers

Akala ni Camille Reyes, sapat na ang pagmamahal para mapanatili ang isang pagsasama. Pero matapos ang halos tatlong taon ng pagiging asawa ni Adrian Villareal, siya rin ang babaeng kailangang pumirma sa mga papeles para tuluyan na silang maghiwalay. Wala na siyang balak habulin ang lalaking matagal nang sumuko sa kanilang relasyon. Ang gusto na lang niya ay makahanap ng trabaho, magkaroon ng sariling matutuluyan, at buuin ulit ang buhay na nawala sa kanya habang sinusubukang iligtas ang kanilang pagsasama. Pero hindi niya inaasahang ang kumpanyang papasukan niya ay pag-aari ng pamilya ni Adrian. Ngayong kailangan niyang patunayan ang sarili niya sa trabaho, hindi niya puwedeng hayaang maapektuhan ng personal nilang problema ang mga desisyon niya. Lalo na ngayong may mga bagay sa kumpanya na kailangan niyang suriin, at si Adrian mismo ang isa sa mga taong kailangan niyang harapin. Para kay Camille, malinaw na ang isang bagay: hindi na siya babalik sa dating relasyon nila dahil lang minsan silang naging mag-asawa. Pero paano kung ang lalaking pumirma sa katapusan ng kanilang pagsasama ay siya ring lalaking hindi niya basta maiiwasan?
Read
Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Mahalin

Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Mahalin

Nawasak ang mundo ni Beatrix nang iwan siya ng kanyang ex-fiancé at ibagsak ng sarili niyang ospital gamit ang isang pekeng kaso. Wala nang natira sa kanya kundi ang galit at ang kagustuhang linisin ang pangalan niya. Pero nagbago ang lahat nang dumating ang alok ni Dr. Keifer Sevillana, ang pinakamalamig at pinakakilalang neurosurgeon sa bansa. Kailangan ni Keifer ng mapapangasawa para pagtakpan ang eskandalo ng pamilya niya, at si Beatrix ang napili niya. Isang pekeng kontrata, isang delikadong laro ng kapangyarihan, at isang kasunduang magdadala sa kanilang dalawa sa gitna ng mga sikreto at banta. Habang tumatagal ang pagpapanggap nila, unti-unting lumalabas ang mga katotohanang mahirap tanggapin. Paano kung ang lalaking unti-unti niyang pinagkakatiwalaan ay may koneksyon pala sa madilim na nakaraan ng pamilya niya?
Read
The Unexpected Heir: The Billionaire's Chef

The Unexpected Heir: The Billionaire's Chef

Isang pagkakamali sa delivery ang nagpabago sa buhay ng working-class girl na si Ysabelle Rivera. Dahil sa pagpapalit ng package, na-trap siya sa loob ng penthouse ng ruthless billionaire na si Lucian De Castro sa gitna ng isang biglaang security lockdown. Sa dilim at sa ilalim ng impluwensya ng isang sabotahe, isang mapusok na gabi ang pinagsaluhan nila. Bago mag-umaga, tumakas si Ysabelle gamit ang fire escape para hindi mapagbintangang espiya. Limang taon ang lumipas matapos silang palayasin at maghirap, bumalik si Ysabelle sa Maynila kasama ang anak nila ni Lucian na si Neo. Pero ang limang taong gulang na anak niya ay may sariling plano dahil napakatalino nito sa computer. Palihim na in-apply ni Neo ang kaniyang nanay bilang Personal Chef ng sarili nitong ama. Nang magkaharap silang muli sa mansyon, hindi nakilala ni Lucian si Ysabelle. Akala ni Ysabelle ay ligtas na ang kaniyang sikreto, hanggang sa pumasok si Neo sa isang seryosong international business meeting ni Lucian. Hinarangan ng bata ang camera at nagtanong sa harap ng mga investor: “Mister, bakit mo ninakaw ang mukha ko?” Ngayong lumabas na ang katotohanan, paano pa maitatago ni Ysabelle ang anak niya kung ang mismong bata na ang naglapit sa ama nito? At kapag nalaman ni Lucian na ang bagong chef niya at ang babae nang gabing iyon ay iisa, hahayaan niya pa kaya silang makatakas muli?
Read
The Mafia Don's Secret Surrogate

The Mafia Don's Secret Surrogate

To save her family from a crushing debt, Sienna agrees to become a surrogate mother in exchange for a huge amount of money. The baby's father? Xavier De Luca, the most powerful and feared Mafia Don. According to the contract, she must give birth to the child, accept the payment, and never return. But how can a mother walk away from the child she carried in her womb for nine months? Four years later, unable to bear the longing any longer, Sienna disguises herself as an ordinary nanny to enter the De Luca mansion. Her only wish is to stay close to her son, Lucas, and take care of him. But she is shocked to discover that another woman has been pretending to be Lucas's mother—Victoria, Xavier's spoiled and manipulative fiancée, who is only using the child for money and power. As Sienna faces pressure from Xavier's fiancée's family, trouble from the agency she once worked with, and the slow but undeniable change in the cold Don's attitude as he begins to protect her, how long can she keep her secret? And what will the feared Mafia Don do when he discovers that the nanny who has slowly been capturing his mind and heart is actually the true mother of his son?
Read
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status