Share

The CEO's Unexpected Heir
The CEO's Unexpected Heir
Author: YORMI

CHAPTER 1

Author: YORMI
last update publish date: 2026-05-07 19:57:47

AVERY POV

Hingal na hingal ako habang nakasandal sa malamig na pader ng hallway ng Grand Opulence Hotel. Ang bigat ng dibdib ko, parang sasabog. Hawak ko ang maliit na clutch bag na naglalaman ng camera at recorder ko. Isang gabi lang, Avery. Isang gabi lang na kailangan mong maging matapang para mabigyan ng hustisya si Papa.

Room 808.

Ito ang suite ni Gov. Jimenez. Ang taong dahilan kung bakit nawala ang lahat sa amin—ang bahay, ang dignidad ni Papa, at ang buhay niya mismo.

Nanginginig ang mga daliri ko habang kinukuha ang keycard na nakuha ko mula sa isang contact sa loob. "Kaya mo 'to," bulong ko sa sarili ko. Isang click, at dahan-dahang bumukas ang pinto.

Madilim at sobrang lamig ng aircon, ramdam ko agad ang panunuot nito sa manipis kong backless dress. Amoy mamahaling alak at... panlalaking pabango? Sandali, hindi ganito ang amoy ni Jimenez. Ang alam ko, amoy matandang mahilig sa

"Sino 'yan?"

Isang baritono at malalim na boses ang bumasag sa katahimikan. Hindi iyon boses ng isang matanda.

​Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Sa gitna ng dilim, aninag ko ang bulto ng isang lalaking nakaupo sa sofa at may hawak na baso ng whiskey. Hindi ko man makita ang mukha niya, pero ang presensya niya... punong-puno ng awtoridad.

"I... I was told to come here," pagsisinungaling ko. Nilakasan ko ang loob ko kahit na gusto ko nang tumakbo palabas. Ito na 'yun, Avery. Isipin mo si Papa. "Sabi ni Gov..."

Tumayo ang lalaki. Sobrang tangkad niya, halos kailangan kong tingalain para makita ang mukha niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, at sa bawat hakbang niya, lalo akong kinakabahan. Huminto siya sa mismong harap ko. Ngayon, naamoy ko na siya nang malinaw—amoy alak, sigarilyo, at bagong ligo.

"Jimenez sent you?" tanong niya. May halong pangungutya sa boses niya.

​"Oo," sagot ko, pilit na hindi pinanginginig ang boses ko. "Para... para sa deal natin."

​Tumawa siya nang maikli, pero hindi tunog natutuwa. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito para mapatingin ako sa kanya. Kahit madilim, ramdam ko ang talim ng titig niya.

"Interesting," bulong niya. Ang lalim ng boses niya, halos gumapang ang kaba sa buong katawan ko. "Hindi ko alam na marunong na palang pumili si Jimenez."

"Gusto mo ba o hindi?" hamon ko, at iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko.

Imbes na sumagot, hinila niya ako palapit sa kanya. Napasinghap ako nang dumikit ang katawan ko sa matitigas niyang muscles. Mainit siya, kabaligtaran ng malamig na kwarto.

"Let's see if you're worth the trouble," sabi niya bago niya sinakop ang mga labi ko.

Dapat lumaban ako. Dapat kinuha ko ang recorder sa bag ko. Pero ang halik niya... mabilis, agresibo, at parang hindi siya papayag na humindi ako. Parang nawala lahat ng lakas ko. Nawala sa isip ko si Jimenez. Nawala sa isip ko ang plano kong maghiganti. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang mahigpit na hawak niya sa likod ko at ang mabilis na tibok ng puso ko.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina. Masakit ang ulo ko at nananakit ang buong katawan ko. Lumingon ako sa tabi ko—pero wala na siya. 

Napansin ko ang isang envelope sa bedside table. Binuksan ko ito, umaasang ebidensya ang nandoon. Pero laking gulat ko nang makita ko ang isang tseke. Ang halaga? Isang milyon. At sa baba nito, may nakasulat na note.

“Clean yourself up. Don’t let Jimenez see you like this.” — S.T.

S.T.? Sino si S.T.?

Dali-dali akong bumangon at kinuha ang phone ko. Nag-search ako. Jimenez... Suite 808... Hotel Grand Opulence.

Halos mabitawan ko ang phone ko nang mabasa ko ang balita sa T*****r. “Gov. Jimenez, huling-huli sa akto sa Suite 708 kasama ang tatlong modelo.”

 708. Napaatras ako hanggang sa mapaupo ako sa kama. Kung nasa 708 si Jimenez... sino ang nasa 808?

Tiningnan ko ulit ang note. S.T. Pinindot ko ang search bar at nilagay ang initials. Lumabas ang libo-libong articles, pero isa lang ang nangingibabaw.

Sandro Tallano: The Cold-Blooded King of the Business World. The man who never loses. The man who just bought out Jimenez’s biggest competitor.

"Oh my god," mahinang bulong ko. Pumatak ang luha ko sa tseke. Hindi ko lang nakuha ang hustisya, nakagawa pa ako ng panibagong problema.

Mabilis akong nagbihis, hindi ko na ininda ang gulo-gulong buhok ko. Kailangan ko nang umalis dito. Kailangan kong kalimutan ang gabing ito. Itatago ko ang tsekeng 'to, hindi ko gagalawin. Kalilimutan ko na nangyari ang lahat.

Dalawang buwan ang lumipas.

​Nandito ako sa maliit naming banyo, nakatitig sa pregnancy test na nasa lababo. Kanina pa ako nakatayo rito, natatakot na hawakan o tingnan man lang ang resulta. Pero hindi ko naman pwedeng takbuhan 'to.

​Huminga ako nang malalim at kinuha ang test.

Positive. Hindi ako pwedeng magkamali, positive talaga.

"No, no, no..." Napahawak ako sa tiyan ko. Ang gulo na nga ng buhay ko, mas lalo pang gumulo.

Biglang tumunog ang phone ko sa labas. Isang unknown number. Sasagutin ko ba? Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang 'accept.'

"Hello?" sabi ko.

​Walang nagsasalita sa kabilang linya. Pero naririnig ko ang mabigat niyang paghinga. Doon pa lang, kinabahan na ako—kilala ko ang paghingang 'yun.

"Two months, Avery," sabi ng malalim at baritonong boses. "Two months bago kita nahanap."

Nabitawan ko ang pregnancy test sa sahig. "S-sino 'to?"

"Don't play dumb," seryoso niyang sagot. "Get ready. My driver is outside your apartment."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 184

    AVERY POVMabagal ang galaw ng oras sa sala habang dahan-dahang nagbabago ang kulay ng kalangitan sa labas ng bintana. Mula sa maliwanag na dilaw, nagiging kahel at patungo na sa madilim na asul ang paligid. Nakatitig lang ako kay Aria habang tahimik siyang dumedede sa akin. Ang maliliit niyang kamay ay nakadikit sa aking dibdib, paminsan-minsang humihigpit ang hawak kapag medyo nabibigla siya sa maliit na tunog sa paligid.Nakaalalay pa rin si Sandro sa akin. Ang kaniyang isang kamay ay nakahawak sa aking balikat habang ang kabilang kamay naman niya ay maingat na iniaayos ang kumot sa aking binti para hindi ako lamigin sa pumasok na hanging-gabi."Medyo lumalamig na ang simoy ng hangin sa labas, Avery. Gusto mo bang ipasara ko na muna 'yung mga bintana sa beranda?" tanong ni Sandro habang sinisilip ang aking mukha."Sige, Sandro. Baka biglang humangin nang malakas at mahamogan si baby," nakangiting sagot ko sa kaniya.Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sofa, siniguradong kumportable a

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 183

    AVERY POVDumating si Nanay Elena mula sa kusina na may bitbit na tray kung saan nakapatong ang dalawang baso ng mainit na tsokolate at isang plato ng bagong lutong toasted bread na may palaman na butter at jam. Amoy na amoy ang tamis ng tsokolate habang inilalapag ng matanda ang tray sa maliit na mesa sa tapat ng aming sofa."O, Avery, Sandro, inumin niyo muna habang mainit-init pa," nakangiting sabi ni Nanay Elena habang inaayos ang mga baso. "Maganda 'yang tsokolate para pampa-relax sa hapon.""Maraming salamat po, Nanay Elena," sagot ko habang dahan-dahang umaayos ng pagkakaupo sa tulong ng kamay ni Sandro na nakahawak sa aking likod.Kinuha ni Sandro ang isang baso at dahan-dahang inihain sa akin. Sinigurado niya muna na hindi masyadong mainit ang gilid ng baso bago ko ito hawakan. Uminom ako ng kaunting tsokolate at agad na kumalat ang init nito sa aking tiyan. Napakasarap at napakagandang pampalipas ng oras habang namamahinga kami sa sala."Masarap ba, Avery?" tanong ni Sandro

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 182

    AVERY POVDahan-dahan na ipinatong ni Sandro si Aria sa aking mga bisig habang nananatili siyang nakaluhod sa tapat ng sofa. Ang mainit niyang mga palad ay nakapatong sa aking mga tuhod, habang ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa aming anak na patuloy na nagpapalabas ng maliliit na tunog mula sa bibig.Nakasandal ako nang maayos sa malambot na unan habang maingat kong iniaayos ang aking damit para mapadedihan muli si Aria. Medyo mainit na ang hapon kaya ang malamig na hangin mula sa electric fan na nakatutok sa amin ay napakasarap sa pakiramdam."Nangangawit ka ba, Avery?" tanong ni Sandro habang iniaabot ang isang maliit na unan para maipatong ko ang aking siko. "Gusto mo bang kumuha ako ng dagdag na suporta para sa likod mo?""Hindi naman, Sandro. Sakto lang 'tong pagkakaupo ko," nakangiting sagot ko sa kaniya habang nakatitig sa maliit na mukha ni Aria na pikit-matang umiinom ng gatas. "Saka mas kumportable ako rito sa sala kaysa sa kwarto kapag hapon."Umakyat si Sandro sa sofa

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 181

    AVERY POVDahan-dahan kaming naglakad ni Sandro patungo sa kainan. Alalay na alalay pa rin ang kaniyang malapad na palad sa aking baywang habang ang kabilang kamay naman niya ay nakahawak sa aking siko. Sa bawat mabagal kong tapak sa sahig, ramdam ko ang matinding ingat niya, na para bang anumang oras ay pwede akong mabuwal kapag hindi siya nakahawak nang maayos.Pagdating sa hapag-kainan, inabot agad ni Sandro ang unan na nakapatong sa kahoy na upuan at inayos ito sa likod ko. Pinaliklik muna niya ako nang maayos bago siya umupo sa aking tabi."Dahan-dahan lang sa pag-upo, Avery," pabulong niyang paalala habang nakatingin sa akin nang may pag-aalala. "Sabihin mo sa akin kapag kumikirot 'yang tahi mo.""Ayos lang ako, Sandro. Hindi naman na ganoon kasakit," nakangiting sagot ko sa kaniya habang iniaabot ang aking kamay para pisilin ang kaniyang mga daliri.Inihain ni Nanay Elena ang malaking mangkok ng mainit na tinolang manok sa gitna ng mesa. Umusok-usok pa ang sabaw nito at amoy na

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 180

    AVERY POVDahan-dahan kaming naglakad ni Sandro pabalik sa loob ng sala mula sa beranda. Alalay na alalay pa rin ang kaniyang malapad na palad sa aking baywang, habang ang kabilang kamay naman niya ay nakahawak sa aking siko. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob, agad na pinalitan ng preskong simoy mula sa electric fan ang kaunting init na naramdaman namin mula sa bakuran."Upo ka muna rito, Avery," malambing na bulong ni Sandro habang ginagabayan ako patungo sa gitna ng malaking sofa.Maingat akong naupo at agad naman niyang kinuha ang dalawang malambot na unan para iayos sa aking likuran. Kinuha niya si Aria mula sa aking mga bisig nang napakadahan-dahan, sinisiguradong hindi mabubulabog ang tulog ng aming anak. Inilapag niya ang baby sa portable crib na nakatabi sa aking sofa, bago niya inayos ang kulay-rosas na kumot sa katawan nito.Pagkatapos niyang maayos si Aria, lumuhod si Sandro sa aking tapat. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at idinikit ang kaniyang labi sa likod ng

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 179

    AVERY POVNapakapresko ng hangin sa beranda. Ang banayad na sikat ng araw ay hindi pa gaanong mainit, sakto lang para magbigay ng kaunting warmth sa aming balat. Naupo kami ni Sandro sa dalawang malambot na upuan sa tabi ng mga halaman. Karga-karga ko si Aria habang nakasandal ang kaniyang maliit na ulo sa aking dibdib.Inisod ni Sandro ang kaniyang upuan para mas madikit sa akin. Inabot niya ang blanket na bitbit niya at maingat na ipinatong sa aming dalawa ni baby para hindi kami hanginin nang masyado."Masakit pa ba 'yung tahi mo, Avery?" tanong ni Sandro habang sinisilip ang aking mukha nang may pag-aalala."Kaunti na lang, Sandro. Hindi na tulad noong mga unang araw na halos hindi ako makahinga kapag tumatayo," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Mas gumagaan na ang pakiramdam ko kapag nakakalabas ako rito sa beranda.""Mabuti naman. Pero sabihin mo agad sa akin kapag kailangan mo nang humiga, ha?" paalala niya bago hinalikan nang mabilis ang aking pisngi.Nakatitig lang ako sa kani

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 5

    AVERY POVBiyernes. Ordinaryong araw lang sa labas—mainit ang sikat ng araw at abala ang mga tao sa kani-kanilang buhay. Pero sa loob ng opisina ng mayor sa Taguig, parang tumigil ang oras para sa akin.Nakatayo ako sa harap ng salamin sa maliit na lounge, tinitingnan ang sarili ko. Hindi ako naka-

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 4

    AVERY POVMuntik na akong madapa sa silver heels na 'to pagbaba ko ng hagdan. Ang taas masyado, parang balak yata akong pilayin ni Sandro bago pa man kami makarating sa dinner. Hawak-hawak ko ang railings habang dahan-dahang bumababa, tinitiis ang hapdi sa likod ng sakong ko.Nasa baba ng hagdan si

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 3

    AVERY POVPag-uwi ko sa apartment, hindi ko na binuksan ang ilaw. Naupo lang ako sa gilid ng kama habang pinapanood ang mga ilaw ng sasakyang dumadaan sa labas. Kanina pa magulo ang isip ko. 'Yung sinabi ni Sandro tungkol sa kumpanya nila, 'yung board, pati 'yung tatay ko... hindi ko na alam kung a

  • The CEO's Unexpected Heir   CHAPTER 2

    AVERY POVNapatitig lang ako sa phone ko kahit namatay na ang tawag. Nanlalamig ang mga palad ko, at 'yung kaba sa dibdib ko, parang gustong kumawala. Sandro Tallano. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan niyang lumitaw kung kailan iniisip ko na kung paano itatago ang lahat?Dahan-dahan akong lumapit sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status