AVERY POVBiyernes. Ordinaryong araw lang sa labas—mainit ang sikat ng araw at abala ang mga tao sa kani-kanilang buhay. Pero sa loob ng opisina ng mayor sa Taguig, parang tumigil ang oras para sa akin.Nakatayo ako sa harap ng salamin sa maliit na lounge, tinitingnan ang sarili ko. Hindi ako naka-gown. Naka-white silk dress lang ako na hanggang tuhod, simple lang, pero alam mong mahal dahil kay Beatrice galing. Inayos ko ang buhok ko, sinusubukang itago ang panginginig ng mga kamay ko."Ready?"Napatingin ako sa pintuan. Nandoon si Sandro, nakasandal sa hamba. Wala siyang suot na tie, bukas ang unang dalawang butones ng polo niya. Mukha siyang tao ngayon, hindi 'yung parang robot na nakita ko nung mga nakaraang araw."Kailangan ba talagang gawin 'to ngayon?" tanong ko, ang boses ko ay medyo paos.Lumapit siya sa akin. Huminto siya sa likod ko, tinitingnan din ang repleksyon namin sa salamin. Ang tangkad niya talaga. "The papers are ready, Avery. Isang pirma na lang, protektado ka na.
Última actualización : 2026-05-07 Leer más