Nagising si Heather dahil sa iyak ng kanyang anak na si Erich, hindi na siya nagulat nang makita ang isang nars na nagpapatahan at nagpapahele sa kanyang anak.
Ngumiti ng matamis sa kanya ang nars na si Karen, naging kaibigan na rin niyang nars doon. Kahit medyo echoserang froglet ang dalaga ay ayos lang. Ginagawa rin naman kasi nito ang lahat para hindi siya mabagot doon. Na kahit off nito ay bumisita pa rin sa kanya para kamustahin siya.
“Hindi ba't off mo ngayon?” tanong ni Heather sa dalaga.
Tumango si Karen habang pinapatahan ang baby niya. Dahan-dahan nito itong inilagay sa kanyang braso upang ihiga si Erich sa tabi niya. “Gutom siguro si Baby Erich, padedehin mo na siya.”
Kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang malusog na dibdib nang walang pag-aalinlangan, mabuti na lang at may gatas ang kanyang dibdib, noong isinilang niya kasi ang panganay niyang si Erryc noon ay ni patak ng gatas ay wala siya. Sobrang nahirapan siya dahil sa pagpapadede ng artificial gatas sa anak niya noon.
Si Karen ay hindi mapigilang magsalita, umupo muna ito at tumingin ng seryoso kay Heather.
“Off ko ngayon kaya dumito muna ako. Naririnig ko kasing iyak ng iyak ang baby mo kaya pumasok na ako. Dito muna ako tatambay hangga’t wala pa ang asawa mo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan sa'yo ang pamilya mo, grabe naman sila! Pati na ang asawa mo ah, hindi ka na nga sinamahan sa pagsisilang sa bata, hindi ka pa magawang bantayan. Ang masaklap pa, inihatid pa nito iyong kapatid mong sino ba yun?” mahabang litanya ni Karen sa kanya.
Ngumiti ng mapait si Hearther, “Si Febbie.”
“Yan! Siya nga! Kung ako sa kalagayan mo, hiniwalayan ko na ang gagong iyon. Kahit na pogi siya hindi pa rin dapat ganto ang turing niya sa'yo. He's ruthless and evil! Kung ako sa'yo hiwalayan mo na lang siya, Heather. Hindi sa panghihimasok ah, kasi kakakilala pa lang natin pero sinasabi ko sa'yo! Naku!! Habang hindi pa huli ang lahat umiwas ka na sa lalaking iyon. Alam na alam ko ang mga galawan niya!” inis na sabi ni Karen na para bang ito ang nasasaktan para kay Heather.
Tumawa ng mahina si Heath at napatitig na lamang sa kanyang anak na payapang dumedede sa kanya.
“Hihiwalayan ko naman talaga siya, Karen. Sa ilang taon naming magkasama, natauhan na ako. Halos ibigay ko sa kanila ang oras ko, nag-resign ako sa trabahong gusto ko para lang asikasuhin silang lahat. Pati ang anak kong si Erryc ay mas gustong makasama ang kapatid ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Ayaw ko namang pilitin ang ayaw sa akin. I already did my best para magustuhan nila ako pero wala pa rin eh. Itong si Erich na lang ang pag-asa ko, siya na lang ang bukod-tanging pamilya ko at magmamahal sa akin ng buo…” naiiyak na sabi niya kay Karen.
Maluha-luha namang tiningnan ni Karen ang mag-ina. Hindi niya akalaing may babaeng ganto pala kalakas kagaya ni Heather. Mag babaeng nabulag sa pagmamahal sa kanyang pamilya ngunit ngayon muling babangon para sa kan'yang anak at natauhan na.
“Alam mo, Heather… Sobrang saludo ako sa'yo, nakaya mong mag-isa ang lahat ng ito. Kung ako sa'yo baka hindi ko na kayanin, magwala ako.”
Tumawa ng mahina si Heather saka napailing. “Kung magiging mahina ako, paano na lang kami ng anak ko? Sa panahon ngayon, Karen kung gusto mong magkapamilya, kailangan mo munang pag-isipan ang lahat. Tanungin mo muna ang sarili mo kung kaya mo na ba? At kung mahal mo talaga ang mapapangasawa mo. Hindi biro ang pag-aasawa. You really need to be careful, siguraduhin siya na talaga ang the one at hinding-hindi ka dapat sasaktan. Malalaman mo lang ang ugali ng partner mo kapag nagsama na kayo sa iisang bubong…”
“Well, sa kaso ko arrange marriage naman kami ng asawa ko pero kahit ganun masakit pa rin. Tinuring ko na rin siyang pamilya, asawa ko at ama ng mga anak ko.”
Napangiwi si Karen dahil sa sinabi ni Heather. “Marriage is scary.”
“Indeed… Maiba ako, gusto mo ba ng part time job? Kailangan ko kasi ng babysitter kay Erich. Kailangan ko kasing magtrabaho pagkatapos na maglihom ang mga sugat ko. Huwag kang mag-alala tayo lang naman sa apartment. Wala roon ang mga in-laws at asawa ko. Balak ko na kasing bumukod sa kanila,” pag-iiba ni Heather.
Nagulat si Karen dahil sa sinabi ng babaeng nasa harapan niya. Ngayon ay nakaupo na ito at seryosong tiningnan siya. Si Erich naman ay mahimbing na natutulog sa tabi nito.
“Sakto naman naghahanap ako ng part time job dahil magtatapos na rin ang internship ko. Kailangan ko ng extra-ng pera.”
Pumapalakpak si Heather dahil sa tuwa. “Mabuti naman. Kahit echoserang froglet ka, ikaw lang nag mapagkakatiwalaan ko sa ngayon. Wala na kasi akong ibang taong malalapitan kaya naisip kong ikaw na lang. Alam kong mabait ka, hindi mo ito gagawin sa amin kung hindi. Kahit off ay handa pa rin kaming tulungan. Wala ka bang pamilya?” tanong niya sa dalaga.
Napakibit-balikat si Karen. “Well, ulila na ako. Ako lang naman ang mag-isa sa apartment ko.”
Nagulat si Heather, “Pareho pala tayo. Why not lumipat ka na lang sa amin? Para naman makatipid ka?”
“SURE KA?” gulat na gulat na tanong ni Karen.
“Oo naman. Libre na rin ang stay mo plus may sahod ka pa rin. Para naman hindi hassle sa'yo ang pababalik-balik sa apartment mo papunta sa apartment ko,” paliwanag ni Heather.
“Grabe, sobrang bait mo talaga! Angel ka ba? I feel bad sa asawa mo, sinayang niya ang isang tulad mo…”
Habang nag-ddrive pauwi sina Cregan kasama sina Erryc, Febbie at kanyang ina, hindi mapigilan ng bata ang magtanong sa ama. “Dad, is Mom okay? I think she's mad at us. Alam niyo po ba ang dahilan, Dad? Maybe she's mad because we celebrated Tita Febbie's birthday,” malungkot na saadni Erryc sa kanyang ama habang yakap-yakap ang Tita Febbie nito. Inunahan naman ni Febbie si Cregan at ito na ang sumagot sa bata, “Alam mo, Erryc. Hindi galit ang mom mo. Galing kasi siya sa panganganak sa sister mo kaya ganyan siya. Pagod lang ang Mommy mo, okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan.” Narinig din nila ang bulong ng ina ni Cregan, “Hindi siya galit kung di nagddrama lang ang nanay mo.” Si Cregan ay napatingin sa rearview mirror ng kotse at sinamaan ng tingin ang ina. “Mom, will you please stop?” “Aba totoo naman! Nag-drama lang ang babaeng iyon!” “Tita Febbie, masakit po bang manganak? Kaya siguro galit si Mom kasi wala tayo sa tabi niya… Maybe she really hurt that's why she's mad at us…” “
Nagising si Heather dahil sa iyak ng kanyang anak na si Erich, hindi na siya nagulat nang makita ang isang nars na nagpapatahan at nagpapahele sa kanyang anak. Ngumiti ng matamis sa kanya ang nars na si Karen, naging kaibigan na rin niyang nars doon. Kahit medyo echoserang froglet ang dalaga ay ayos lang. Ginagawa rin naman kasi nito ang lahat para hindi siya mabagot doon. Na kahit off nito ay bumisita pa rin sa kanya para kamustahin siya. “Hindi ba't off mo ngayon?” tanong ni Heather sa dalaga. Tumango si Karen habang pinapatahan ang baby niya. Dahan-dahan nito itong inilagay sa kanyang braso upang ihiga si Erich sa tabi niya. “Gutom siguro si Baby Erich, padedehin mo na siya.” Kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang malusog na dibdib nang walang pag-aalinlangan, mabuti na lang at may gatas ang kanyang dibdib, noong isinilang niya kasi ang panganay niyang si Erryc noon ay ni patak ng gatas ay wala siya. Sobrang nahirapan siya dahil sa pagpapadede ng artificial gatas sa anak n
Alas tres na ng umaga nang magising si Heather, ramdam niyang may humahaplos sa kanyang pisngi kung kaya’t napamulat siya ng mata. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang asawa. “I’m sorry, Heather. Hindi ko alam na nasa ospital ka pala,” malungkot na sabi sa kanya ni Cregan, talagang kitang-kita ang pagsisisi sa mukha nito. “Nung tumawag ka, hindi ko marinig ang sinabi mo dahil ang hina ng signal—” “ATE HEATHER! Oh my God! Sorry, hindi namin alam na nanganak ka na pala. This is all my fault, kung hindi ko sana inimbitahan si Cregan at Erryc na pumunta sa party ko hindi na sana mangyayari ito,” naiiyak na sabi ni Febbie sa kanya.Lumapit ang dalaga at niyakap siya ng mahigpit. Dahil sensitive ang kanyang katawan at may tahi pa siya, hindi niya sinasadya naitulak si Febbie. Nagulat ang dalaga pati na ang mga magulang nila sa ginawa niya. “Heather! Ano ka ba naman, bakit ganyan ka? Hindi naman kasalanan ni Febbie ang nangyari sa’yo. Alam ba namin na manganganak ka ngayon?
“Hindi ka tunay naming anak. Sampid ka lang Heather, ampon ka lang!” Napabalikwas si Heather sa higaan nang mapanaginipang muli ang mga salitang nagpaguho ng kanyang mundo at pagkatao. Tama, isa siyang ampon at recently lang din niya nalaman iyon. Nang malaman ng kanyang ina at ama na mababa ang tsansang magka-anak pa ang mga ito ay napagpasyhan nilang mag-ampon na lang at siya nga ang nakuha, hanggang sa ilang taon ang nakalipas, miraculously nabuntis ang kanyang ina at isinilang si Febbie. Simula noon, nalipat na ang atensyon ng mga magulang niya kay Febbie, noon pa man ay hindi niya maintindihan kung bakit ang unfair ng treatment nito sa kanya, ngayon na-realize niya na kung bakit— dahil ampon lang pala siya. Nang malugi ang kumpanya nila ay wala siyang choice na makasal sa panganay na anak ng mga Madrigal. At dahil gusto niyang makatulong sa mga magulang at umaasang mapapansin din siya ng mga ito kaya naman pumayag siya sa gusto ng mga ito. Sariwang-sariwa pa sa kanya ang usa
Nang marinig ng mga nars ang sigaw ni Heather ay agad na nagsipasukan ito sa loob. Kitang-kita ang sakit sa mukha ng babae habang hawak-hawak nito ang malaking tiyan. “Manganganak na ata a-ako. Tulungan niyo ako!” sigaw ni Heather sa mga ito kung kaya’t agad siya nitong inasikaso. Ang doktor na kanina’y kausap niya ay naroon din. “Wala pa ba ang asawa mo, misis? Anong klaseng asawa—” Huminga ng malalim ang doktor saka napailing. Siguro na-realize nito na wala ito sa posisyon na sabihin ang gusto nitong sabihin. “Misis, kailangan ng guardian na magpipirma rito sa form, hindi ka namin pwedeng ilagay sa emergency room hangga’t wala pa ang asawa mo—” “A-Ano!? Dito niyo ba ako papa anakin? Amin na ang form na iyan! Ako na lang ang magpipirma, ako ang guardian ng sarili ko! Kahit anong mangyari sa akin ay ako ang mananagot hindi kayo, kaya please lang… Lalabas na ang anak ko! Parang awa niyo na—Ahhh!” sigaw niya habang namimilipit sa sakit. Nararamdaman niya na rin ang ulo ng kanyang an
Kanina pa tawag ng tawag si Heather sa kanyang asawang si Cregan ngunit hindi ito sumasagot. Nasa sa ospital siya at kasalukuyang naka-admit dahil muntik na siyang makunan kanina. Mabuti na lamang ay may tumulong sa kanyang mga tao sa mall. Balak niya kasing bilhan ng mga gamit ang kanilang second baby na nasa sinapupunan pa lang niya. Malapit na nga itong lumabas dahil ngayon ang kanyang kabuwanan. Napapikit siya ng mariin nang marinig ang paulit-ulit na ring ng telepono ng kanyang asawa at ang mas ikinakasakit pa ng kanyang kalooban…pinatay pa ni Cregan ang telepono kung kaya’t hindi niya na ito matawagan.Napahangos siya ng malalim at kinalma ang sarili. Sabi ng doktor sa kanya ay okay na ang kalagayan niya, sinabi rin nito na kailangan niya ng ma-admit ngayon dahil sa tingin nito’y papalabas na raw ang baby niya. “Misis, kailangan mo ng tawagan ang asawa mo, i-admit na kita rito sa ospital dahil pansin kong malapit ka ng manganak. Nakita ko kanina na pumutok na ang iyong panubi