Alas tres na ng umaga nang magising si Heather, ramdam niyang may humahaplos sa kanyang pisngi kung kaya’t napamulat siya ng mata. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang asawa. “I’m sorry, Heather. Hindi ko alam na nasa ospital ka pala,” malungkot na sabi sa kanya ni Cregan, talagang kitang-kita ang pagsisisi sa mukha nito. “Nung tumawag ka, hindi ko marinig ang sinabi mo dahil ang hina ng signal—”
“ATE HEATHER! Oh my God! Sorry, hindi namin alam na nanganak ka na pala. This is all my fault, kung hindi ko sana inimbitahan si Cregan at Erryc na pumunta sa party ko hindi na sana mangyayari ito,” naiiyak na sabi ni Febbie sa kanya.
Lumapit ang dalaga at niyakap siya ng mahigpit. Dahil sensitive ang kanyang katawan at may tahi pa siya, hindi niya sinasadya naitulak si Febbie.
Nagulat ang dalaga pati na ang mga magulang nila sa ginawa niya.
“Heather! Ano ka ba naman, bakit ganyan ka? Hindi naman kasalanan ni Febbie ang nangyari sa’yo. Alam ba namin na manganganak ka ngayon? Hindi naman ‘di ba? Sobrang nag-aalala si Febbie sa’yo! Simula nong nalaman nitong nanganak ka ay umiiyak ang kapatid mo dahil nakokonsensya siya!”
Siya na naman ba ang may kasalanan?
“So, ibig niyong sabihin, kasalanan ko ang lahat ng ito? Hindi ko naman hawak kung kailan ba lalabas ang apo niyo. Malay ko bang manganganak din ako ngayon?” sagot ni Heather sa ina. Ang lahat ay nagulat dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ang dating magalang at ma-respetong si Heather ay sumagot ng pabalang sa sariling ina.
Mas lalong umiyak si Febbie nang makita ang inis sa mukha ng kapatid. “Ate, hindi ko naman sinasadya. Kasalanan ko na ang lahat huwag mo lang awayin ang Mom. Matanda na siya, Ate…”
Bumaling naman ang tingin ni Febbie sa ina at inakay ito. “Mom, hindi sinasadya ni Ate ang sinabi niya. Kakapanganak lang niya at kulang pa siya sa pahinga.”
Sinamaan lang ng tingin ni Farah si Heather at inirapan. “Makaalis na nga! Mas mabuting hindi na lang tayo bumisita sa babaeng ito. Napaka-ungrateful naman! Siya na nga ang binibisita, siya pa ang galit!”
“Mom, please… Let's go home, I’m so sorry, Ate Heather,” sabi pa ni Febbie at lumabas ng kwarto.
Naiwan doon ang ina ni Cregan na ngayon ay inis na nakatingin kay Heather, “I am so disappointed, Heather…”
Si Heather ay walang pakialam sa nangyayari. Kinuha niya lang ang kanyang anak na ngayon ay umiiyak na dahil siguro sa ingay na naririnig nito.
“Anak, kumusta ang lagay mo?” Si Kahlil naman ay lumapit sa kanya ngunit nginitian niya lang ito ng pilit. “Dad, you should go home too. Madaling araw na and you need to rest. Naghihintay na rin sina Mom at Febbie sa'yo sa labas.”
Kahit paano ay hindi pa rin nawawala ang paggalang at respeto niya sa ama. Alam niya kasing pantay ang pagmamahal nito sa kanila ni Febbie. Ni minsan ay hindi siya nito itinuring na iba kagaya ng asawa nitong si Farah.
Walang nagawa ang kanyang ama kung ‘di ang tumango. “Bukas na bukas ay dadaanan kita rito, anak…”
Nang makaalis ang kanyang ama ay tumingin siya kay Cregan na ngayon ay titig na titig pa rin sa kanilang anak. “She's so beautiful,” sambit nito, akmang hahawakan na sana ni Cregan ang anak nila nang maingat na inilapag niya si Erich sa crib nito.
“Don't disturb her,” malamig na sabi niya sa lalaki.
“Galit ka ba?” tanong nito sa kanya.
“May rason ba para magalit ako?” tanong niya rin sa lalaki.
Napaiwas si Cregan at huminga ng malalim. “I'm sorry, Heath… It's just that hindi ko talaga alam na—”
“Hindi mo alam dahil wala ka namang pakialam‘di ba, Cregan? Una pa lang, wala ka naman talagang pakialam sa akin. Ano ba ako sa'yo? Hindi ba't asawa mo ako? Pero bakit parang hindi ko iyon maramdaman?” hinanakit niyang sabi sa lalaki. “Alam mo ba kung gaano ako natakot na baka may mangyaring masama sa amin ng anak mo? Nakalimutan mo na rin bang maselan ang pagbubuntis ko kung kaya't kailangan ko ng alalay mo? Kahit ni katiting na pag-aalala man lang nung tumawag ako sa'yo ay hindi mo man lang ba naramdaman? HINDI MO MAN LANG BA KAMI NAISIP?”
Doon ay tumulo ulit ang kanyang luha, mayamaya ay pinunasan niya ito at marahas niyang tiningnan ang lalaki.
“Maghiwalay na tayo, Cregan.”
Kita ang pagkagulat sa mga mata ni Cregan nang marinig ang sinabi niya. Kanina, habang pinapatulog niya si Erich ay napagdesisyunan niyang makipaghiwalay sa asawa. She's really tired taking care of them, siguro ito na ang panahon para unahin naman niya ang sarili niya.
“Ibibigay ko sa'yo si Erryc dahil kayo naman ang magkasundo talaga. At sa akin naman si Erich. Tutal ayaw naman akong maging nanay si Erryc then sawa na rin akong maging nanay niya. I did all my best to love and protect him ngunit si Febbie pa rin ang gusto niya. Kung gusto niyo, kayo na lang ni Febbie ang maging gurdian ni Erryc tutal gustong-gusto naman ng Mom mo ang kapatid ko. Hindi naman ako tunay na Madrigal, alam mo yan kung kaya't walang bisa ang kasal nating dalawa…”
Napakunot ang noo ni Cregan, siguro'y nagtataka sa aking sinabi. “Ampon lang ako, Cregan, hindi ako tunay na anak ng Mom and Dad. Hindi ako kadugo ng pamilyang Nunez.”
“Heather, wala akong pakialam kung hindi ka tunay na anak nila Tita. Ikaw ang asawa ko at ikaw ang ina ng mga anak ko, paano mo nasasabi ‘yan ngayon na may dalawa na nga tayong anak? I know you’re saying this out of anger at naiintindihan ko naman iyon. Kakagaling mo lang sa panganganak at pagod ka pa. Mas maiging magpahinga ka na lang muna at bukas mag-usap tayo ng masinsinang dalawa. Don’t be like this, Heath… You know I care for you…”
Napapikit ng mariin si Heather. Hindi talaga ma-gets nito ang pino-point niya. Hindi ba nito napapansin na nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang magkasama sila ng kapatid niya? Akala ba nito na hindi niya nahahalata na may gusto si Febbie ka Cregan?
Hindi rin siya tanga na hindi malaman na si Febbie ang tunay nitong gusto at hindi naman siya. Na naging magkasintahan ito bago pa man maikasal silang dalawa. Pinilit niyang kalimutan iyon ngunit nang makita niya ang kaninang larawan sa social media post ni Febbie ay roon lang siya natauhan.
Hindi naman talaga siya dapat ang asawa ni Cregan kung hindi pinili ni Febbie ang career niya sa Italy at nanatili sa lalaki. She's a rebound at sobrang sakit noon para sa kanya.
Paano niya nalaman? Sinabi ni Febbie ang lahat sa kanya.
“Heather, I'll be back tomorrow… I promise. Dadalhin ko rin si Erryc dito, nag-aalala rin siya sa'yo.”
Napaingos siya at humiga na lamang sa kama. Tinalikuran niya ang lalaki at pumikit na. Hanggang asa narinig niya ang malalim na buntong hininga ng asawa at pagbukas nito ng pinto ay hudyat na umalis na ito sa silid. At doon, ibinuhos niya ang sakit na nararamdaman hanggang sa makatulog ulit siya.
“Wow! Hindi na po ako nakakatikim ng chocolates matagal na, miss na miss ko na po ang lasa nito, Tita Febby!” masayang turan ni Erryc sa dalaga. Napangiti na lamang si Febby saka tumango. Ang ina naman ni Febby ay biglang nagsalita, natatakot at nag-aalala para sa kalagayan ng apo. “Anak, hindi ba’t sinabi ni Heather na allergy si Erryc sa mga chocolates kaya huwag na huwag natin siyang papakainin nito? Isa pa, too much sweet ‘yan iho, huwag mo ng kainin,” paalala ng ina ni Febby sa kanila. Subalit hindi man lang nakinig si Febby, “Okay lang naman, Mom. Isa pa, kunti lang naman ang kakainin ni Erryc. Allergy lang naman yun, paano siya masasanay kung hindi mo siya papakainin. Kapag nasanay na siyang kumain ng chocolates mawawala na rin ang allergy niya, sure ako riyan! Sabi nga, hindi naman masama kung pakunti-kunti lang!”Napakunot ang noo ni Cregan ngunit hindi na nagsalita pa. Tila ba naniwala ang binata sa sinabi ni Febby, sobrang confident naman kasi ng pagkakasabi nito sa ka
Kabanata 9|Si Karen na kanina pa nakaabang sa pintuan at inaabangan ang pagdating ng asawa ni Heather na si Cregan ay napataas ng kilay nang makita niyang alas onse na ng umaga’t hindi pa rin ito dumadalaw sa asawa. Kahit mga in-laws pati na ang mga magulang ni Heather ay wala ring paramdam. “Alam mo, Madam nakakainis iyang pamilya mo lalo na ang asawa mo. Napaka walang puso! Anong oras na oh, alas onse na! Ni hindi man lang magawa kayong bisitahin! Nakakainis na talaga, nakaya nitong kalimutan ang bunsong anak niya?” hindi mapigilang reklamo ni Karen kay Heather. Si Heather naman ay busy sa kakalaro kay Baby Erich. Ni hindi man lang nito pinansin ang sinabi ni Karen dahil nakatuon ang atensyon nito sa cute na baby-ng nasa harapan. “Omg! Tingnan mo, Karen oh. Ngumiti si Baby Erich sa akin! Ngumiti siya!” masayang sabi ni Heather kung kaya’t nilapitan ni Karen ang mag-ina. Totoo ngang ngumingiti si Baby Erich, mabuti na lang at dumating si Erich sa buhay ni Heather kung hindi baka
Kagabi ay nakabalik na ang sina Cregan sa mansyon at may balak na pumunta kay Heather sa ospital. Ngunit umaga pa lang ay nagkakagulo na ang mansyon. Dahil sa si Heather ang palaging naghahanda ng almusal sa anak na si Erryc ay nasanay na ang bata sa panlasa ng luto ng ina. At dahil wala si Heather doon ay nagkakagulo na ang mga katulong, ayaw kasi ni Erryc ng luto ng mga kasambahay. “Dad, ayaw ko nito! Ayaw ko ng egg! Pati na ng rice. Gusto ko yung niluluto ni Mom sa akin na friedrice, yung may toyo. Gusto ko yun!” sigaw ni Erryc habang nagpapadyak ang mga paa. “Hindi ako marunong nun anak, kapag umuwi na ang Mom mo ay lulutuan ka niya ng napakarami. Gusto mo yun? Pero sa ngayon, luto muna ni Manang ang kakainin mo, okay?” pagsuyo ni Cregan sa bata. Subalit umiling lang ng marahas si Cregan na para bang hindi maintindihan nito ang sinabi ng ama. “Ang pangit ng lasa ng egg! Pati na ang rice ayaw ko nito, Dad! Ayaw!!” Napahilamos ng mukha si Cregan habang nakatingin sa anak. Hind
Nagising si Heather nang may marinig na sermon sa labas ng kanyang silid. “Papasukin niyo ako! Gusto kong kumustahin ang apo’t anak kong si Heather.” “Miss Dianne, nagpapahinga po si Miss Heather, maya na lang po kayo—” “Hindi, gustong makita ang apo ko, NOW na!” sabi ng matanda kaya napapailing na lamang siya. Pilit siyang ngumiti nang makita ang galit na mukha ng matanda. “Moma, anong ginagawa niyo rito?” Inirapan lang siya nito at lumapit sa table upang ilagay ang mga prutas doon. “Bawal ko na bang bisitahin ang anak-anakan at apo ko? Kakarating ko lang galing Paris tapos ganito na ang nabalitaan ko? Ayon sa sekretarya kong si Eunice, wala raw ang pamilya mo sa panganganak mo? Nasaan sila? Sa birthday ng kapatid mo? Aba’t kung nakita ko lang sila pinagmumura ko na!” Si Moma Dianne ay may-ari ng isang sikat na clothing business sa Pinas. Nakilala niya ito dahil minsan na niyang nasagip ang matanda sa isang heart attack sa kalsada. Kung hindi dahil sa kanya ay baka matagal na
Habang nag-ddrive pauwi sina Cregan kasama sina Erryc, Febbie at kanyang ina, hindi mapigilan ng bata ang magtanong sa ama. “Dad, is Mom okay? I think she's mad at us. Alam niyo po ba ang dahilan, Dad? Maybe she's mad because we celebrated Tita Febbie's birthday,” malungkot na saadni Erryc sa kanyang ama habang yakap-yakap ang Tita Febbie nito. Inunahan naman ni Febbie si Cregan at ito na ang sumagot sa bata, “Alam mo, Erryc. Hindi galit ang mom mo. Galing kasi siya sa panganganak sa sister mo kaya ganyan siya. Pagod lang ang Mommy mo, okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan.” Narinig din nila ang bulong ng ina ni Cregan, “Hindi siya galit kung di nagddrama lang ang nanay mo.” Si Cregan ay napatingin sa rearview mirror ng kotse at sinamaan ng tingin ang ina. “Mom, will you please stop?” “Aba totoo naman! Nag-drama lang ang babaeng iyon!” “Tita Febbie, masakit po bang manganak? Kaya siguro galit si Mom kasi wala tayo sa tabi niya… Maybe she really hurt that's why she's mad at us…” “
Nagising si Heather dahil sa iyak ng kanyang anak na si Erich, hindi na siya nagulat nang makita ang isang nars na nagpapatahan at nagpapahele sa kanyang anak. Ngumiti ng matamis sa kanya ang nars na si Karen, naging kaibigan na rin niyang nars doon. Kahit medyo echoserang froglet ang dalaga ay ayos lang. Ginagawa rin naman kasi nito ang lahat para hindi siya mabagot doon. Na kahit off nito ay bumisita pa rin sa kanya para kamustahin siya. “Hindi ba't off mo ngayon?” tanong ni Heather sa dalaga. Tumango si Karen habang pinapatahan ang baby niya. Dahan-dahan nito itong inilagay sa kanyang braso upang ihiga si Erich sa tabi niya. “Gutom siguro si Baby Erich, padedehin mo na siya.” Kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang malusog na dibdib nang walang pag-aalinlangan, mabuti na lang at may gatas ang kanyang dibdib, noong isinilang niya kasi ang panganay niyang si Erryc noon ay ni patak ng gatas ay wala siya. Sobrang nahirapan siya dahil sa pagpapadede ng artificial gatas sa anak n