“Why?” Tanong ni Dalton kay Monica.
Marahan na tumingin si Monica sa kan’ya. “Kasi po mahal ka ni mommy. Mommy loves you a lot daddy, pwede po bang bati na po kayo ni mommy? I hope you’ll be a lot nicer to her po,” masigla ang tono nitong kinausap siya.
Sa sinabing iyon ng bata ay nakaramdaman ng dissapoinment si Dalton. Dumilim din ang mukha niya. Sabi na nga ba, may plano ang babaeng iyon na gamitin ang bata para magpasikat sa kan’ya.
“Iyan ba itinuro ni Amelia sa’yo para sabihin sa akin?” Tanong niya at napa-ismid. Nawala naman ang ngiti ni Monica nang makita ang eskpresyon ng kan’yang ama. Sa isip- isip niya ay baka hindi ito naging masaya sa sinabi.
“No daddy, it’s true po.” Pagdedepensa ng bata, iniisip na baka hindi naniniwala sa kan’ya ang daddy niya.
Bumangon ito at tumayo, naglakad sa papunta sa kan’yang mini-bookshelf at may kinuha roon. Makalipas ang ilang segundo ay bumalik ulit siya sa kama at ibinigay ang isang maliit na notebook kay Dalton. Makikitang luma na iyon dahil sa faded nitong cover.
Alam ni Monica na hindi na siya magtatagal pa kahit sabihin ng kan’yang mommy na gumaling na siya. Alam niya dahil nararamdaman niya iyon, malala na ang kan’yang sakit kaya gusto niya na kahit wala na siya ay may mag-aalaga at magmamahal ng kan’yang ina.
Napatigil si Dalton at napatingin kay Monica. Binigyan siya nito ng matamis na ngiti.
“You should read it daddy, para malaman mo na mahal ka ni mommy,” wika ni Monica.
Alam ni Dalton na mahal siya ni Amelia, pero wala talaga siyang pakialam rito. Tamad nalang siyang tumango pero wala talaga siyang planong buksan ang diary ni Amelia.
Bumalik si Amelia sa kwarto na may dalang baso ng gatas. Nang makatulog na si Monica ay lumabas na silang dalawa sa silid ng bata.
“Bukas ng umaga, ihatid mo si Monica sa school niya, Sa kwarto ka na rin matulog, ako ang matutulog sa guest room,” sabi niya kay Dalton.
Umismid si Dalton bago nagsalita, “Bakit? So that you can sneak to my room again?”
Nanigas si Amelia sa komento nito. Napakagat labi siya at naalala ang nangyari noong bagong kasal pa lamang sila. Totoo naman talagang ginawa niya iyon, kahit na inutusan lang siya ng lolo nito pero nagawa niya pa rin ang kataranduhang iyon.
“H’wang kang mag-alala, hindi ko na ulit gagawin iyon,” pagsisiguro niya rito.
Walang emosyon na tumingin ito sa mga mata ni Amelia. “Sana nga.”
Alam ni Amelia na hindi ito naniniwala sa kan’ya ngunit pagod na siyang makipagtalo o magpaliwanang man lang dito kaya hindi nalang siya nag-aksaya pa ng lakas. Nawala na ang pagmamahal niya rito, matagal na.
Naputol naman ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa nang biglang tumunog ang cellphone ni Dalton. Nasulyapan ni Amelia ang pangalan ng caller I.D. Si Grace ang tumatawag kaya kahit hindi sabihin ay agad na tumalikod si Amelia at umalis na sa harapan ni Dalton.
Habang papalayo ay narinig niya pa ang malamyos na boses at matatamis na sinabi ni Dalton sa kabilang linya. “Hmmm, hindi ako makapunta riyan ngayon, don’t worry I’ll see you tomorrow. Yes, good night sweetheart.”
Walang naramdaman na kahit ano si Amelia at tahimik na binaybay niya lamang ang daan papuntang guest room.
Maaga pa lang ay gumising na si Amelia para maghanda sa damit at baon ni Monica. Mahigit na isang buwan din na puro modules lang ang ginagawa ng anak dahil sa pagka-admit nito sa hospital.
Pagkatapos maghanda at kumain ay inihatid niya ang mag-ama sa labas. Binigay ni Amelia ang pink na lunch box at pink na bag ni Monica kay Dalton. Hindi pa sana nito tatanggapin at bumaling sa driver nito na ito na ang kumuha ngunit pinanlakihan niya ito ng mata.
“Kunin mo na Dalton,” mariin na sabi niya sa lalaki.
Napipilitang inabot na lamang iyon ni Dalton. Hindi maiwasan na mapatawa ng driver nang makita ang amo na sakbit ang isang pink na bag sa balikat at may bitbit pang lunch bag na kulay pink din. Hindi kasi bagay sa matigas at seryoso nitong mukha.
Wala namang kasidlan ang say ana nadarama ni Monica sa mga oras na ito. First time niya kasi na ihahatid siya ng kan’ya ama sa school, dati ay na-iingit siya sa kan’yang mga kaklase dahil palagi itong inihahatid na mga daddy nila kaya hindi niya mapigilan na ngumiti nang matamis sa daddy niya nang bumaling ito sa kan’ya.
“Mag-ingat kayo okay? Enjoy your day baby,” sabi ni Amelia sa anak sabay halik sa pisngi nito.
Nagpaalam ang dalawa at sumakay na sa kotse.
Namayani ang katahimikan sa kotse dahil wala ni isa ang nagsalita. Kahit ang driver ay nahihiya ring magsalita. Ngunit hindi alintana ni Monica ang mabigat na tensyon dahil para sa kan’ya, makasama niya lang ang ama ay sobrang say ana niya.
Habang binabagtas ang daan patungo sa kaniyang paaralan ay paulit-ulit niyang ninanakawan ng tingin ang kan’yang daddy. Napansin naman iyon ni Dalton kaya hindi na ito nakatiis ang tinanong na siya. “What?”
“Daddy pwede mo rin ba akong sunduin sa school pag-uwi ko?” Hiling ng anak niya sa kan’ya ngunit bakas sa boses nito na nag-aalala ito na baka hindi siya pumayag.
Napaisip si Dalton, may usapan sila ni Amelia at nangako siya magiging ama siya kay Monica kaya wala namang problema kung papayag siya sa gusto nito.
“Anong oras ba matatapos ang school mo?” tanong ni Dalton.
Nangislap ang mga mata ni Monica at sumigla ang boses nito. “4:30 po daddy,” sagot ng bata.
“Okay.” Tumango pa si Dalton dahilan para mapangiti ng malawak si Monica.
Para kay Monica ay ngayon ang pinakamasayang araw niya. Lumambot naman ng kaunti ang mukha ni Dalton nang makita ang cute nitong ngiti. Umiwas nalang siya ng tingin at itinuon ang atensyon sa labas. Kung hindi lang talaga anak ni Amelia si Monica, siguro ay magugustuhan niya pa ang bata.
Masiglang pumasok si Monica sa classroom niya at agad na pumunta sa kan’yang upuan. Lumapit naman agad sa kan’ya si Lily, ang kaibigan niya.
“Monica, why are so happy? I heard na you are sick daw sabi ni mommy,” tanong nito sa kaibigan.
Napangisi si Monica. “I’m already better Lily, at saka daddy will pick me up later.” Pagyayabang niya pa kay Lily, hindi maia-alis ang saya sa mga mata.
“Talaga? Wow,” sabi ni Lily, masaya para sa kaibigan. Karamihan kasi ang nagsasabi na walay daddy si Monica kasi ni isang beses ay hindi ito hinatid o sundo man lang ng ama.
Tanghali na nang makatanggap ng tawag si Amelia sa anak. Agad din naman niya itong sinagot at bumugad sa kan’ya ang masayang boses ng anak.
“Mommy, daddy will come pick me up later.” Kuwento agad nito sa kan’ya.
Napangiti siya. Sa wakas ay natupad din ang isa sa mga kahilingan ng kan’yang anak.
“Talaga baby? Okay, I will not pick you up later so that makapag-bonding din kayo ng daddy mo,” sabi niya.
Nag-usap sila ng anak ng konti bago niya pinatay ang tawag. Tinignan niya ang stories niya sa I* at napatigil nang mapako ang story na ipi-nost ni Grace.
Picture iyon ng isang malaking bouquet at may diamond necklace rin katabi nun. May nakasulat pa sa picture na “Salamat sweetheart, mahal na mahal mo talaga ako.”
Mabigat ang tensyon sa loob ng conference room, sobrang bigat na halos hindi na makahinga ang mga tao roon. Maingat na kinuha ni Amelia ang nakalatag na mga papeles sa mesa at binasa iyon. Nagsalubong ang mga kilay niya sa nakita. "This is not the documents I prepared for you Mr. Santiago. It seems na mali po itong natanggap niyo."Humalukipkip si Amelia at nahagip niya ang nakayuko na si Grace sa may gilid. "Honestly, hindi ko alam kung bakit nagbago ang dokumentong ito but trust me Mr. Santiago na hindi ito ang ginawa ko. I didn't even know na nandito na kayo for contract signing. Walang nakapagsabi saakin, especially kung bakit na forge ang documents na ginawa ko. I'm sorry for the incomvenience that this might have caused to you but if you let me, I'll get the real documents ready for you right now," kalmadong ani ni Amelia sa matanda.Huminahon naman si Mr. Santiago sa narinig at tumango. "Okay please, hija. I don't know what happened but I demand an explanation about this Ms
"Dalton, gusto kong ako ang humarap kay Mr. Santiago sa contract signing ng deal for the company," agarang bungad ni Grace isang umaga pagkapasok palang niya sa opisina nito. Kumunot ang noo ng binata sa sinabi niya at napatingala upang tumingin sakan'ya. Lumambot ang mukha ni Grace at napayuko, nahihiya ngunit may determinasyon na makikita sa mga mata. "Gusto kong bumawi. Alam ko namang hindi naging maayos ang huling paghaharap natin sakanila. And I'm sure na hindi rin naging maganda ang first impression nila sa'kin at sa'yo dahil kay Amelia. Kaya I want to make up for the past mistake and prove myself.""I want to show them that I'm capable, that you made the right choice to make me your personal assistant," aniya at bahagyang ngumiti. "Alam ko but this is a very important contract signing Grace. Nakasalalay ang pag-angat muli ng kompanya sa deal na ito. Everything should be under control and no mistakes should be made," pagmamatigas ni Dalton. Nakita niya ang pagpawi ng ngiti n
"Hindi ako mahilig sa matatamis," malamig na turan niya sa babae habang nanatiling nakatitig sa screen ng kan'yang laptop. Ngunit mas inilapit pa nito ang cupcake sakan'ya. "Come on, h'wag ka nang mag-inarte. Alam ko namang naiingit ka everytime na binibigyan ako ni Dalton nang mga sweets kasi hindi ka niya binilhan nito ever. Kaya this time I want to share it with you para naman maranasan mong mabigyan ng galing kay Dalton."Napataas ang kilay ni Amelia sa sinabi nito. Napatingala tuloy siya at nakita niyang may nakapaskil na ngisi sa mukha nito. "Wala ka bang ibang magawa sa buhay kundi sirain ang araw ako? Pasensiya nalang dahil hindi gagana saakin ang gan'yan. Pake ko ba kung galing iyan kay Dalton.""Atsaka kung maraming kang oras at enerhiya sa katawan h'wag ako ang kulitin mo, doon ka kay Dalton at magmakaawa ka para maisalba ang kapatid mo sa kulungan. Hindi ba doon ka naman magaling? Ang magpa-awa at magpa-ikot?"Bumakas ang iritasyon sa mukha ni Grace nang marinig iyon. M
Nanatiling walang imik si Amelia buong byahe. Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana, mabigat ang puso at magulo ang isip. Panaka-nakang sumusulyap si Luther kay Amelia at alam niyang umiiyak ito dahil kita niya sa repleksyon ng salamin ng bintana ang pangingislap ng mata nito dahil sa nanunubig nitong mga mata. Marahan na kinuha ni Luther ang kamay ni Amelia at pinagsalikop iyon. Napatingin naman sakanya si Amelia na ngayon ay tumulo na ang luha sa mga mata. Sumikip ang puso ni Luther nang makita ang kasintahan na ganun at agad itong hinila para sa isang mainit na yakap. Mahinang humikbi si Amelia at tuluyan nang isinubsob ang mukha sa dibdib ni Luther. Mahina siyang umiyak doon at muling nilukob ng pighati ang kanyang sistema. Akala niya ay okay na siya, ngunit hindi pa rin pala. Nakatago lang ang hinanakit niya sa puso at kailanman ay hindi iyon mawawala. Naghihintay lang na kumawala ulit. Hindi siya iniwan ni Luther, hanggang sa makarating sila sa bahay ay hindi ito umalis a
Napukaw sa pagkakatulala si Amelia nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, hudyat na may natanggap siyang mensahe. Napaayos siya ng upo sa kanyang swivel chair nang makita kung sino ang nag-message sakanya, syempre si Luther. [I'm here. Outside.] Tinignan niya kung anong oras na at nakita niyang lagpas alas 5 na pala ng hapon. Nag-reply naman agad siya sa nobyo bago bumaba."I thought nakaaalis kana sa italy. Hindi ba ngayon ang flight mo?" Agad na tanong niya kay Luther nang makaupo na siya katabi nito sa backseat. "Mamayang madaling araw pa ang flight ko baby," sagot ni Luther. Siguro ay napansin nitong may bumabagabag sa isip niya kaya ito nagtanong. "May problema ka ba? Why do you look so bothered?" Usisa ni Luther sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil iyon. Humugot siya ng malalim na hininga. "Pwede bang samahan mo akong makipagkita kay Kevin?""Why?""Gusto ko siyang makausap.""He's dangerous. Mas mabuting hindi mo na siya makita o makausap. Hindi ko p
Natumba ang isang baso na may lamang tubig kaya nasabuyan ito nun. Agad din naman nakaatras si Grace kaya hindi tuluyang nabasa ang suot nitong palda ngunit nabasa naman ang pang-itaas nitoHalos bumakat ang suot nitong brassiere kaya dali-daling hinubad ni Dalton ang suit jacket nito at nilagay iyon sa balikat ni Grace upang takpan ang basa nitong parte. "I'm sorry, hindi ko sinasadyang istorbuhin ang pag-uusap niyo. I-I was just startled," mangiyak-ngiyak at nauutal nitong saad. Napasimangot nalang si Amelia sa kanyang sinabi, kinuha iyon na pagkakataon ni Grace upang umarte na naaapi. "Alam kong hindi mo gusto ang naiistorbo especially kung dahil saakin, I'm really sorry. S-sana h'wag kang magalit sa akin, hindi ko naman sinasadya na matumba ang baso at natapon sa akin ang tubig I mean—""Grace, stop" madiin na pagputol ni Dalton kay Grace at malamig na tinignan si Amelia. "No! Alam mo namang hindi ako gusto ni Amelia, baka...baka mas lalo lang siyang magalit sa akin dahil napa