Nakalimutan niyang i-block ang account ni Grace. Nandilim ang kan’yang mukha habang nakatingin rito.
Ang diamond necklace na binigay ni Dalton kay Monica ay na kay Grace na ngayon. Ang bilis naman talagang baliwalain ni Dalton ang anak. Hindi na rin iyon nakapagtataka dahil si Grace lang naman talaga ang mahal nito.
Napailing nalang si Amelia at itatabi na sana ang cellphone nang makatanggap na naman siya text message.
[ I’m going back.]
Ang sulat lang sa text. Unknown number iyon pero alam niya kung sino ang nag-send nun sa kan’ya. Matagal na itong nasa kan’yang contact list pero mahigit na pitong taon din silang hindi na nag-uusap.
Napabugtong hininga na lamang si Amelia.
4:20 na ng hapon nang matapos ang board meeting ni Dalton, kung hindi pa siya pinaaalahanan ng kan’yang secretary ay hindi pa niya maaalala na susunduin niya pala si Monica ngayon.
Nagmamadali naman niyang tinungo ang paaralan ng bata. Napahilot siya sa sintido. “Bilisan mo,” malamig na sabi niya sa driver.
“Opo sir,” sagot naman ng driver sa kan’ya.
Plano niyang kunin muna ang bata at ibigay kay Amelia bago puntahan si Grace. Ngunit sa sandaling iyon ay biglang tumunog ang kan’yang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace kaya agad niya iyong sinagot.
Nanginginig ang boses na nagsalita si Grace sa kabilang linya, “Dalton, Pampam is dying. She’s having a seizure now, hindi ko alam anong gagawin ko. Sabi ng vet baka hindi na makayanan ni Pampam this time.”
Si Pampam ang aso na ibinigay ni Dalton kay Grace noon. Nang maghiwalay sila ay ito ang karamay ni Grace at tumulong sa kan’ya na malagpasan ang depresyon. Mas tamang isipin na para anak nilang dalawa kung ituring ito.
Nandilim ang ekspresyon ng mukha ni Dalton. “Huwang kang matakot. I’ll be there soon,” sabi niya kay Grace.
“No, come here now.” Iyak nito. “Pampam, she’s dying. Natatakot ako Dalton.”
Naningkit ang mga mata ni Dalton at naalala ang masayang mukha ni Monica, ngunit nawala rin iyon nang marinig niya ang malakas na iyak ni Grace.
Sa huli ay mas nanaig si Grace sa puso ni Dalton kaysa kay Monica. Mas kailangan siya ni Grace ngayon.
Pagkatapos patayin ang tawag ay agad niyang binalingan ang driver. “Turn around at pumunta ka sa UP Vet Clinic.”
Nagulat naman ang driver pero agad din namang tumalima.
Napatingin si Dalton sa isang box ng strawberry cake na inihanda sa kan’ya ng sekretarya. Ipinikit niya ang mata at hindi na ito tinignan pa.
Tumingala si Monica sa makulimlim na kalangitan at nangingig na tumayo lamang siya sa isang gilid. Nakaramdam na rin siya ng panlalamig at namumutla na siya. Isa-isa nang sunundo ang kan’yang mga kaklase ng kanilang mga magulang, konti nalang at maiiwanan na siya.
“Lumapit sa kan’ya ang isang kaklaseng babae at tinananong siya. “Monica ayos ka lang, nasaan ang daddy mo? ‘Di ba susunduin ka niya?”
“Anong daddy? She is clearly lying, wala naman talaga siyang daddy kasi nagsisinungaling lang siya.” Sabat naman ng isang kaklase niyang lalaki.
Nanlumo si Monica sa narinig. Siguro ay tama talaga ang mga kaklase niya, na wala talaga siyang ama dahil siya lang ang walang daddy na uma-attend sa lahat ng activities and PTA meetings na nagaganap sa paaralan.
Nawawalan na siya nang pag-asa na masundo siya ng kan’yang daddy ngayon. Napaluha na lang siya sa naiisip.
“What are you saying Jeric, that is bad say sorry.” Saway ng kanilang guro at hinaplos ang ulo ni Monica.
Napalabi nalang ang batang nagngangalang Jeric at humingi rin ito ng paumanhin.
“Monica, wala pa ba ang daddy mo? Uulan na baka maabutan ka pa rito,” nag-aalalang tanong ng kan’yang guro.
Gusto niya talagang maniwala na susunduin siya ng ama niya ngayon ngunit baka busy ito ngayon at nahihirapan dahil sa kan’ya. Kaya tumingala siya at pilit na ngumiti sa kaniyang guro.
“Teacher, si mommy po ang susundo sa akin today,” sabi niya pinahid ang luha sa mukha.
“Okay, tatawagan ko na ang mommy mo at para masundo ka na niya,” wika nito.
Nang matanggap ni Amelia ang tawag galing sa guro ni Amelia ay agad naman itong umalis at pumunta sa paaralan. Pagdating niya roon ay sobrang lakas na nang ulan at hangin. Nakita niya si Monica sa labas ng classroom nito naghihintay kasama ang kan’yang guro.
“Mommy, ayaw kasi pumasok ni Monica sa loob at gusto niyang sa labas maghintay,” pagimporma sa kan’ya ng guro. Nagpasalamat siya rito at nilapitan ang anak.
“Baby, nandito na si mommy. Uuwi na tayo okay?” Pag-aalo niya sa anak.
“Mommy,” usal na lamang nito at napaiyak.
Para namang may sumaksak sa kan’yang puso habang nakatingin sa kawawang anak.
Hindi na ito nagsalita at masunurin lamang na sumunod sa kan’ya.
Sising-sisi si Amelia sa lahat ng desisyon niya. Kung sana hindi na niya ipinilit ang sarili kay Dalton noon, baka ay hindi na sana nagdudusa ang kan’yang anak ngayon. Nasa pamilya sana itong mamahalin siya, ama na tunay na mag-aaruga at papahalagahan siya.
Inuwi ni Amelia si Monica. Dahil sa mahina nitong katawan ay agad na inapoy ito nang lagnat. Kinakap niya ang noo ng anak at halos mahulog ang kan’yang puso nang maramdaman na ang init nun.
Tumunog ang kan’yang cellphone at nakita ang pangalan ng sekretarya sa caller I.D.
Tinalukbongan ni Amelia ng kumot ang anak bago sinagot ang tawag.
“Madam, pasensiya na talaga. May emergency lang si Sir Dalton kaya hindi niya nasundo ang anak niyo po, Ako sana ‘yung inatasan pero dahil sa traffic ay natagalan po ako and when I got there sinabihan na po akong nakuha niyo na po si Miss Monica,” sabi nito sa kabilang linya.
Hindi ito ang gustong marinig ni Amelia. “Nasaan siya?” tanong niya sa malamig na boses.
Nagulat naman si Ronald at hindi nakasagot agad.
“Sabihin mo sa akin dahil ako ang asawa. May karapatan akong malaman kung nasaan man nagpupupunta ang asawa ko.” Pagpipilit pa niya.
“Nag-seizure po kasi ang aso ni Ma’am Grace kaya sinamahan siya ni Sir Dalton sa clinic.” Narinig niyang sabi nito.
Walang emosyon ang mga mata ni Amelia at pagak siyang napatawa.
So mas importante pa ang aso kaysa sa anak niya? Ibang klase rin ang lalaking ito. Napakalaking kahibangan.
“Mommy.” Narinig niyang tawag ni Monica sa kan’ya.
“Mommy, don’t be angry at daddy. Hindi niya po sinasadya. I know po busy po siya kaya hindi niya po ako nasundo,” wika nito sa nanghihinang boses.
Parang pinagbagsakan naman langit at lupa si Amelia sa narinig galing sa anak.
Napaubo ng malakas si Monica at niyakap ang ina. “Mommy. I hope you’ll be happy always.”
Hindi na napigilan na mapaiyak ni Amelia.
Kasalukuyang kinakaharap ni Dalton ang galit ng investors at ng board of directors nang malaman ng mga ito ang kalagayan ng kompanya. Wala siyang alam kung paano iyon kumalat ngunit dahil dito ay napurnada ang planong niyang siraan si Amelia. Ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin. Biglang nagsilayasan ang mga investors at tuluyan na ngang nanganganib ang kompanya. Hindi naman niya pwedeng bitawan ang Williams Corp dahil sa koneksyon na kailangan niya para sa ibang subsidiaries niya. "Bakit hindi niyo magawa-gawa ang trabaho niyo! All you have to do is to make sure that you supress the articles about the embezzlement. Mahirap bang gawin iyon? You call yourselves the PR Team when you can't even do simple things like this?" Galit na sinigawan ni Dalton ang mga empleyado niya sa Public Relations Department. Nagkatinginan naman ang mga empleyado. Totoo namang ginawa na nila ang lahat ngunit hindi pa rin mawalawala ang naturang post. Isa pa, hindi nila kasalanan ang problema na kinaha
Madilim ang mukha ni Amelia habang natitig sa screen ng kanyang cellphone. Sa makalipas na mga araw ay hindi muna siya lumabas ng penthouse ni Luther dahil sa panibagong umiikot na isyu, at sa pagkakataon na iyon ay siya na ang pokus ng kumakalat na balita. Sa isang website ay nakasulat roon kung paano niya inagaw si Dalton kay Grace and ginamit ang anak nila para itali sakanya si Dalton. Doon din ibinunyag ang umano'y pagmanipula niya kay Henry upang ibagay sa kanya ang halos lahat ng kayamanan nito. Bumaliktad ang isyu at naging kontrabida siya sa pagmamahalan at buhay nila Dalton at Grace. Pero kung siya ang tatanungin, may pakialam ba siya? Wala. Nitong mga nakaraang araw ay abala siya sa pagkokolekta ng mga abidensiya tungkol sa pagnakaw ni Dalton ng pera sa kompanya.Ngayon ay may sapat na siyang ebidensiya at sa kalagitnaan ng mga iyon ay nalaman niyang palubog na ang Williams Corp. Dahil sa malalim na iniisip ay hindi namalayan ni Amelia ang paglapit sa kanya ni Luther sa l
"Stop it! That's enough!" Nagtitimping hiyaw ni Dalton. Naiinis siya sa dalawang babae, ang laki na nga ng problema niya dinagdagan pa ng mga ito. Hindi na siya bata para pagalitan. "I'll arrange a caretaker para kay Dad," malamig na aniya. Lumaki siyang nanny lang din ang nagalaga sakanya kaya walang mali roon kung ang magalaga man sa kanyang ama ay ibang tao. Panigurado ay hindi rin aalagaan ni Veronica ang asawa dahil wala itong oras para rito.Nanigas sa katayuan si Veronica, pakiramdam niya ay hindi anak ang kaharap niya kundi estranghero. Nangigigil si Veronica sa galit ngunit pinigilan niya ang sarili na magpadala sa bugso ng damdamin. "Nevermind, anong gagawin mo kay Amelia? Hiwalay na kayo at nasa kanya ang halos lahat ng yaman ng lolo mo. Paano kung may gawin ang babaeng 'yon na ikasisira ng pangalan natin?" Usisa ni Veronica at nagsimula nang mag-isip ng masama. "I'll think about it," sabi nalang ni Dalton at umalis nang walang paalam. Sumunod sa kanya si Grace at hin
Gustong masuka ni Amelia sa mga naririnig. Tao pa ba ang mga ito, paano ba nabubuhay ang mga ito Eh wala naman itong mga puso. Pagod na siya sa mga naririnig na pwede pa silang mag-anak ni Dalton, kesyo daw pwede pa nilang bumuo at 'wag na pagtuonan ng pansin ang pagkamatay ni Monica. Naririnig ba nito ang mga sarili? Paano naaatim ng mga ito na sabihin iyon sa sariling kadugo. Ngunit siya bilang ina ni Monica ay hindi hahayaan na tratuhin ng ganoon ang anak niya, na para bang dapat lang itong mawala dahil hindi naman ito malusog, na hindi karapat-dapat pahalagahan dahil sa sakit nito."Alam niyo wala na akong pakialam sa mga pinagsasabi niyo. Nandito ako para sabihin sa inyo na imposible na magkaayos pa kami ni Dalton. Since ang taas ng tingin niyo sa sarili niyo edi maghanap kayo ng ipapares sa anak n'yong demonyo. Ay wait, hindi na pala kailangan kasi may bumukaka na nag-aabang kaya h'wag kayong mag-alala sooner or later magkakaroon rin kayo ng apo na kagaya niyo. Pamilyang mga w
"My brother was supposed to be the heir of our family. I chose to live differently and became a professor but he died suddenly kaya I was forced to take over the family business. The reason why kung bakit ako umalis noon, we are about to expand our business in italy but may nakaaway ang kapatid ko and then he died." Pagkuwento ni Luther habang pinupokus ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi alam ni Amelia ang sasabihin. Sikat ang pamilyang Dio Gracia dahil sa reputansyon, kapangyarihan at yaman na angkin ng mga ito. Ngunit hindi ito kagaya ng ibang maimpluwensiya na pamilya na halos ipangalandakan ang mayroon sila, sa halip ay tahimik lang ang mga ito at halos hindi nakikipaghalubilo sa iba. Marami kasing magkapareho ng apelyido pero hindi naman magkaano-ano kaya akala ni Amelia ay mayaman lang talaga si Luther at wala itong koneksyon sa matanyag na mga Dio Gracia. Hindi na nagsalita pa si Amelia, tumanaw nalang siya sa bintana ng kotse ni Luther. Katahimi
"Thank you Luther, pero hindi ko pwedeng iwan ang bahay. Bigay saakin 'to nila mama at papa and also they are here," nangingilid ang luhang saad ni Amelia. Tumingin siya sa larawan ng pamilyang iniwan siya. "But you can't stay here. Atleast if you're in my place I can ensure your safety. And they will always be with you, Amelia. I know hindi rin nila gusto na malagay sa panganib ang buhay mo." Pagkukumbinsi ni Luther sa kanya. Napaisip si Amelia. May punto ito, siguro ay kailangan nga niyang maghanap ng matutulyan pansamantala. "Okay, payag na ako pero hindi ako titira sa bahay mo." Pagmamatigas ni Amelia kay Luther. "Baka pati ikaw madamay sa isyu. Ano nalang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang nakatira ako sa iba?" Kumunot ang noo ni Luther. "I have tight security. Hindi sila makakapasok ng basta basta sa bahay ko you don't have to worry about that." Pagrarason naman nito. Umiling si Amelia. "Hindi nga. I need to be careful Luther. Bantay sarado ako ngayon nila Dalto