LOGINMarriane Mercadejas
Maaga akong nagising dahil 8 am ang pasok ko. Alasingko pa lang ay nag asikaso na ako ng isusuot ko. Lulunukin ko na muna ang pride ko sa ngayon, dahil kailangan ko talaga ng trabaho, isa pa, ayokong sirain yung saya ni mamay kahapon nang malaman niyang maiinterview ako at natanggap ako sa trabaho. Si mamay naman ay nagpumilit na siya na ang magluto sa almusal at babaunin ko kahit pa sinabhan ko siyang magpahinga na lang dahil kaya ko naman gawin yun. Sobrang swerte ko kay mamay, kasi kahit 28 na ako ay hindi pa rin siya nag sasawang alagaan ako, kaya kapag nakapag ipon ako ibibigay ko lahat ng gusto niya at ititira siya sa maganda at sarili naming bahay. Nang matapos kong maligo ay nag almusal na muna ako. Nang matanggap ako sa trabaho ay pinuntahan ko agad si Kacely para manghiram ng pera pang budget, kaya naman ito ang pinang gagastos namin ngayon ni mamay. Nagluto siya ng asadong manok, almusal at para sa baon ko, nagtira rin siya ng ulam niya para mamayang tanghali. Nang matapos akong kumain ay nag toothbrush naman ako and after that ay nag ayos na ako. Nag polbo lang ako at nag liptint, hindi ko na kailangan mag kitay dahil makapal naman ang kilay ko. Inayos ko ang buhok ko inipitan ko lang ito at medyo nag lagay ako ng kaunting bangs para naman di magmukhang itlog ang mukha ko. Bago ako lumabas ng kuwarto ko ay tinignan ko muna ang sarili ko, suot at cream satin blouse at beige high-waist slacks. Kinuha ko rin ang bag ko at sinakbit ito sa balikat ko pagtapos ay suot ang nag iisang close heels ko ay lumabas na ako ng kuwarto. “Ito ang baon mo, ingat sa trabaho at goodluck sa first day mo” ani mamay. Ngumiti naman ako at nagpasalamat sakaniya tsaka na ako naglakad palabas ng bahay. Tinignan ko ang wrist watch ko para tignan ang oras, mag aalasyete na kaya naman binilisan ko ang lakad ko para makarating agad sa kanto, at ng nasa kanto na ako ay pumara na ako ng tricycle dahil malelate ako kapag jeep ang sinakyan ko. Walang 20 minutes ay nakarating agad ako sa kumpanya, nag bayad lang ako ng 70 pesos sa driver at pagtapos ay nakangiti kong hinarap ang building kahit pa sa loob loob ko ay nabubwisit talaga ako. “Hello po, Good morning!” bati ko sa security guard. “Good morning rin po” nakangiti namang bati pabalik sakin ng security guard. Nang makapasok ako ay agad na akong nagpunta sa elevator, pasara pa lang ito kaya tumakbo ako para sana makahabol papasok pero napahinto ako ng makita ang nasa loob. “Top floor, just use a stair.” nakangisi nitong sabi kaya napanganga ako sa inis at gulat. Parang gusto ko na lang mag wala dito peste siya! Diba kapag ganito may naka seperate na elevator just for him lang? Ano bang trip niya at sa pubic elevator siya sumasakay?! Trip niya ba talaga mang inis?! Sinubukan kong lumipat sa kabila pero pababa pa lang ito at nasa 20th floor pa lang kaya ang ginawa ko ay naglakad na ako pahagdan. Iniisip ko pa lang kung gaano kataas ang aakyatin ko parang gusto ko na lang sumalampak ngayon sa marmol na sahig. Nagsimula na akong humakbang sa hagdan hanggang sa di ko namamalayan na bumibilis na ang bawat hakbang ko, hanggang sa maramdaman ko na ang panginginig ng tuhod at binti ko. Pag tingin ko sa pader ay may nakasulat na 21st doon, huminto muna ako habang kapit na kapit sa railings at huminga ng malalim hanggang sa mapagpasyahan ko na lumakad na ulit. Hindi ko alam kung ilang minuto ang ginugol ko sa pag akyat ng hagdan pero wala na akong pake alam dahil finally narating ko rin ang executive floor ng bwisit na lalaking yun! Inayos ko muna ang sarili ko at tinignan ang repleksyon ko sa screen ng phone ko at ng makitang mukha pa rin akong presentable ay kumatok ako sa black na may gold lining at malaking pinto. “Come in!” dinig kong boses mula sa loob, kaya pinakalma ko muna ang sarili ko at pumasok na sa loob. Hindi ko naiwasan na mamangha sa loob ng office niya, napakalaki ng space, kahit siguro magtata-tambling ako dito e ayos lang. Pero nawala ang pagka mangha ko ng makita kung sino ang nasa kandungan ng tukmol. What the fuck? May something pala kay Ms. Ann at Tukmol? “Ahm.. G-good morning po Ms. Ann, Mr… Laxamana..” saad ko at bahagyang nag bow sakanilang dalawa. “Sorry sa nakita mo” ani Ms. Ann at mabilis na tumayo sa kandungan ni tukmol. “No, okay lang po.. And hindi ko naman po ipagsasabi ang nakita ko.” sagot ko naman at ngumiti. “Thanks for that Marriane, so… mauna na ako.” paalam nito at talagang naghalikan pa ang dalawa sa harap ko kaya naman parang nanuyo ang lalamunan ko at napalunok na lang ako bigla. Nang makalabas si Ms. Ann sa office ni tukmol ay tumayo siya at lumapit sakin. “You’re late” aniya tsaka tumingin sa relo niya. “E kung sinabay mo na ako kanina sa elevator di sabay lang tayo nakarating dito.” pamimilosopo ko. “So, kasalanan ko?” nakangisi niyang tanong “Alangan namang kasalanan ko?” tugon ko Nagulat ako ng bigla siyang tumawa at pumalkpak, tapos ay bigla ullit sumeryoso ang mukha niya at humakbang palapit sakin. “You literally a blamer huh?” ngisi niyang sabi sakin at mas inilapit pa ang mukha nia kaya nakayuko siya sakin habang ako naman ay nakatingala sakaniya. “Nagsasabi lang ako ng totoo.” saad ko pa “No, you just can’t really admit your mistake.” aniya pa at ngumis kaya naman inirapan ko ito. “You don’t have the rights na sungitan ako, nasa office kita baka nakakalimutan mo? I can do whatever i want” biglang may kung ano sa boses niya kaya napaatras ako, dahil sa takot na baka kung anong gawin niya sakin. “You’re trembling?” tawa nito kaya sinamaan ko na siya ng tingin at mukhang epektibo naman dahil bigla siyang nag ayos ng tayo. “That’s your desk, gusto ko yung nakikita at nababantayan kita. Baka kasi pag nagpakalat kalat ka sa labas e bigla kang manapak” ngisi nito sakin “Sumusobra ka na ha!” banta ko “What? Are you going to punch me again?” tanong nito sakin at halata ang pang aasar sa ngisi niya. “Hindi po, Mr. Laxamana. Pwede na po ba akong maupo sa desk ko?” tanong ko pa sakaniya ng nakangiti upang hindi niya mahalata na gigil na gigil na ako at gusto ko na lang siyang sikmuraan. “Hindi pa, i need coffee right now.” “Gusto mong ibili kita ng kape?” tanong ko “Yes, black coffee without sugar” sagot niya tsaka na ako tinalikuran at naupo sa lether chair niya. Parang biglang nanibok ang sintido ko dahil sa inutos niya lalo pa ng makitang may coffee maker machin naman siya malapit sa desk ko. “What are you waiting for?!” tanong pa nito, kaya kumilos na ako at ibinaba ang bag ko tsaka na ako lumabas ng office niya at padabog na isinara ang pinto niya. Bwisit talaga siya!Malamig ang simoy ng hangin mula sa dagat habang unti-unting dumidilim ang kalangitan. Tanging liwanag ng buwan at ang nagliliyab na bonfire sa dalampasigan ang nagbibigay ng ilaw sa paligid.Nakaupo kami sa buhangin, paikot sa apoy. May hawak akong in-can beer habang si Timothy ay nasa tabi ko, may hawak rin na beer habang hawak ang kamay ko.At syempre… hindi mawawala si Trevor na promotor sa trip na to.“So ano? Seryoso na ba talaga na… totohanan na?” hindi pa rin makapaniwalang sabi nito samin ni Timothy.“Bakit ba parang hirap na hirap kang pa ring maniwala?” natatawa ko namang sabi rito.“Hindi naman sa hindi ako naniniwala. Actually expected ko na talaga ‘to e, na magkakagusto kayo sa isa’t isa. Di ko lang expect na ganito kabilis” tawa pa nito kaya inirapan ko siya.“O tapos?” buwelta ko“Anong o tapos? parang nagkakalimutan tayo ng mga sinabi ah?” hagalpak pa nito.“Stop it, bro” mahinang sabi naman ni Timothy, pero bakas sa labi niya na nagpipigil siyang ngumiti.“Oh defensi
Ang biyahe patungong Batangas ay naging kabaligtaran ng inaasahan ko. Akala ko ay magiging awkward dahil ito ang unang pagkakataon na kami lang dalawa matapos ang nangyari sa garden kanina, pero kabaligtaran ang nangyari.Sa loob ng sasakyan, payapa ang lahat. Habang bumabagtas kami sa highway, mahina lang ang tugtog sa radyo. Paminsan-minsan ay hinahawakan ni Timothy ang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.“Bakit ka nakangiti dyan?” tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.“Wala. Naalala ko lang kung paano ako pasumpa-sumpa noon na hinding-hindi ako magkakagusto sa’yo. Tapos heto tayo ngayon, papunta sa bakasyon na totoong magkasama,” pag-amin ko.Natawa siya nang mahina. “Ako rin naman. I was so sure I’d never fall for a woman as stubborn as you..” “Nakakahiya kaya! Lalo na yung pag-iyak ko sa garden kanina dahil akala ko ay may iba kang kikitain,” bulong ko sabay takip ng mukha ko.Hinuli niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. “Don’t be. It
“Seems like we have a real lovers here now?!” napabitaw kami ni Timothy sa isa’t isa ng marinig ang boses ni Trevor na patawa tawa di kalayuan saming dalawa.“Told yah, bro. Lulunukin mo lahat ng sinabi mo. masarap ba?” pang aasar pa nito sa kuya niya pero si Timothy nanatili lang na nakaakbay sakin at nahihiyang nakangiti sa kapatid.“So, yung pinangako mo sakin ha?!”saad pa ni Trevor kaya napatingin ako kay Timothy.“May usapan ba kayo ni Trevor?” tanong ko.“Ahh.. nakipag pustahan kasi siya sakin. Imposible daw na hindi ako magkagusto sayo… and i told him na never ako magkakagusto sayo kaya ayun pusta daw siya na kapag nainlove ako sayo, may 1 month vacation siya.” litanya ni Timothy kaya napahagikhik ako.“Ahh kaya pala” tawa ko pa“O bat tumatawa ka?” tanong nito sakin“Natawa lang ako sa tanong ni Trevor kung masarap ba daw? HAHAHA” hagalpak ko“Masarap… sa pakiramdam. So, gusto mo sama tayo kay Trevor?” biglang sabi Timothy“Ehh? Diba siya lang mag isa?” tanong ko pa“Sabi lang
Napapikit na lang ako sa halik ni Timothy at napakapit sa lay layan ng damit niya. Kusa na lang rin tumulo ang mga luha ko sa gilid ng mata ko habang nakikipagsagutan sa halik ni Timothy.Ilang saglit pa ay kumalas siya sa halikan namin at pinagdikit niya ang noo namin. “So, why are you crying?” tanong nito. Nakahikbi lang ako at yumakap sa bewang niya tsaka ko isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.“H-hindi ko alam!” inis kong sagot at basta na lang humagulhol.Agad kong naramdaman ang malapad na palad niya sa likod ko habang hinahaplos ako at inaalo. Parang gumaan at lumuwag bigla ang dibdib ko dahil yakap yakap ko siya at alam kong wala siyang balak na makasama ang babaeng kausap niya kanina. “Tatanungin kita ulit…” biglang sabi ni Timothy at hawak hawak niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.“Ayos lang ba sayo na may kasama akong ibang babae?” tanong niya sakin.Muli nanamang nag init ang mata ko at kusa nalamang ako ulit na napahikbi.“Timothy—” mahina kong ba
“Ano bang ginagawa mo, Timothy?!” inis kong sambit sakaniya ng makapasok kami sa kuwarto. Nag paalam kasi ako kanina kanila mamy at lola Trina na gusto kong makausap si Timothy ng kami lang.“What?” tugon nito na para bang wala siyang ideya sa mga nangyayari nagyon.“Anong mag papakasal? Timothy nababaliw ka na ba?” “Hindi ba’t napag usapan na natin ‘to? We need to get married so that, iisipin ni lola na settled na ako” sagot niya na ikinatigil ko.Hindi ko alam kung bakit parang may biglang kumurot sa dibdib ko at hindi ako masyadong makahinga.“And… after natin makasal?” tanong ko“It’s up to you. Don’t worry… i’ll never kiss or touch you again.” saad nito habang nakatitig lang sakin.Para akong sinakal dahil sa sinabi niyang yun at kung paano siya tumitig while saying those words, walang kabuhay buhay… I’m confused… So lasing lang talaga siya kagabi?“O-okay…” saad ko na para bang nalunok ko ang dila ko dahil parang walang gustong lumabas na kahit anong salita sa bibig ko.“Don’
“Lasing ka lang. Bukas na tayo mag usap” saad ko at akma na sanang lalampasan siya ng higitin niya ulit ang braso ko“Hindi ako lasing, Marianne… nakainom ako oo, pero alam ko mga sinasabi ko… alam ko kung anong ginagawa ko” saad nito sakin habang nakatitig sa mga mata ko.“Uminom ako just to forget about the kiss last night…” bahagya siyang huminto at kita ko ang pag alon ng lalamunan niya, pero nanatili pa rin siyang nakatitig sakin.“...uminom ako kasi para mawala ang kung ano mang nararamdaman ko, kung ano man ang naiisip ko towards you…pero wala e, lalo ka lang gumulo sa isip ko.” Napalunok ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ba may sabihin ako o kung anong magiging reaksyon ko.“Nakakainis!” bigla nyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.Hindi ako makahinga dahil sa sobrang kaba o kung ano man ‘tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit siya nag kakaganito ngayon“Ang yabang ko pa mag sabi na hinding hindi ako ma fa-fall sayo…” biglang sabi nito at humigpit pa la
Nang makauwi kami sa bahay ay sakto rin ang dating ng mga pinamili ni Tukmol na dumating sa bahay. Nagtaka pa si mamay bakit sobrang dami ng pinamili namin, pero nagawan naman ng palusot ni Tukmol.Nagluto lang si mamay ng putchero, sa una ay parang ayaw pang kumain ni Tukmol pero kumain rin naman
Naglakad lang ako ng deretsyo at tinungo ang garden na sinasabi ni Lola Trina, para tuloy akong na sa fairy tale dahil sa ganda ng garden niya. May mga iba’t ibang klase ng bulaklak na may iba’t ibang klase rin ng kulay, meron rin siyang fountain sa dulo kung saan sa baba ay mga mga gold fish. “Wa
Hindi ko alam kung gaano kabilis nag maneho si Tukmol kanina, basta ngayon ay nandito na kami sa emrgency room habang tinitignan ng mga doktor si mamay sa loob. Hindi ko rin alam kung ilang tissue na ba ang naubos ko sa kakaiyak.“Tumahan ka na, magiging okay ang mamay mo” pang aalo ni Tukmol sakin
Marianne’s POVNagising ako ng wala na sa tabi ko si mamay, dali dali naman akong tumayo at pag tapos ay lumabas ng kuwarto at nagulat ako ng makita si Tukmol sa kusina na tinutulungan si mamay na magluto kaya pinagmulagatan ko ito ng mata habang siya ay nag kibit balikat lang.“Oh, gising ka na pa







