共有

The Casanova's Nemesis
The Casanova's Nemesis
作者: kkyrieehale

Chapter 1

作者: kkyrieehale
last update 公開日: 2026-03-05 12:43:27

“Ano sama ka na sakin? maraming matandang mayaman doon. Makakapasok naman tayo dahil kilala na ako doon. Isang gabi lang naman, kesa naman paalisin kayo ni Tita Nelda sa inuupahan niyo” pangungulit ni Kacely sakin, matalik kong kaibigan.

Naikwento ko kasi sakaniya na kailangan na kailangan ko ng pera para pambayad upa, dalawang buwan na kasi kaming hindi nakakabayad dahil natanggal ako sa dating pinapasukan ko. Yung mga inaplayan ko hanggang ngayon wala pang tumatawag.

Kahit labag sa loob ko ang paraan na sinasabi ngayon ni Kacely ay tumango na lang ako.

“Perfect! so maya maya okay? doon ka na sa apartment ko mag bihis, pahiramin na lang kita ng damit at ako ang mag aayos sayo.” masaya niyang sabi tsaka na ito nagpaalam umalis.

Isang CCA si Kacely sa exclusive bar na sinasabi niyang maraming mga matandang mayaman. Kaya ito talaga ang naisip niyang paraan para sakin dahil malaki daw ang kitaan.

Nang lumipas ang oras ay nagpaalam na ako kay Mamay, hindi ko sinabi ang totoo kung saan ang punta ko. Basta ang sabi ko lang ay may eextrahan akong restaurant na kailangan ng waitress ngayong gabi dahil maraming costumer.

“Alam mo yung mga matatandang yan madali lang utuin. Basta sabihin mo lang e payment first, tapos lasingin mo na. Ganoon ang ginagawa ko, kaya kahit mag iisang taon na ako sa trabaho ko bilang CCA e masikip pa rin ako no!” natawa ako sa sinabi ni Kacely, nandito ako ngayon sa bahay niya at inaayusan niya ako. Ang sabi ko sakaniya ay wag masyadong kapalan ang make up ko, kaya naman simpleng make up lang talaga ang ginawa niya sakin.

“Ayan! mukha ka ng hindi nanapak!” ani Kacely kaya naman bahagya akong natawa tsaka niya ako hinila papunta sa body mirror na nasa sala ng inuupahan niyang apartment.

“Gagi, di ba masyadong revealing tong suot ko?” tanong ko sakaniya habang tinitignan ang sarili ko suot ang pulang bodycon dress

“Gaga! alangan mag maternity dress ka? pano ka makakakuha ng mga libog na matandang mayaman?” inis nitong sabi.

May point.

Nang makapag ayos na kaming pareho at ready na ay nag book na si Kacely ng grab na sasakyan namin, at ng makarating ito ay lumabas na kami at sumakay.

Daldal lang ng daldal si Kacely habang na sa byahe kami. Nakikinig naman ako pero mas matimbang yung kaba sa dibdib ko. Parang gusto ko na lang umatras at umuwi ang kaso nakakahiya naman sa kaibigan ko na nag effort pa, tsaka malapit na kami… ngayon pa ba ako uuwi?

Nang makarating kami sa Exclusive Bar ay agad kaming pinapasok ng mga security, kita ko kung paano kinindatan ni Kacely ang mga ito at agad naman nila kaming pinapasok.

Lakas!

Pag pasok namin sa loob ay inaasahan kong katulad siya sa mga bar na napasukan ko na para mag party, pero iba dito. Tahimik lang, parang may kanya kanyang mundo ang lahat. May soft ballad na song habang ang mga tao ay hindi malakas ang mga boses sa pag uusap. Yung tipong makikita mo lang na bumubuka ang bibig nila, tumatawa, pero wala kang maririnig.

“Ang tahimik naman dito?” tanong ko kay Kacely.

“Natural, mga high society ang mga nandito. hindi tulad sa mga bar sa kanto na maiingay. Dito kailangan sufisticated ka, yung tipong mapagkakamalan kang model, ganoon ang mga gusto nila.” ani Kacely kaya nag patango tango naman ako.

Kinuha ni Kacely ang dalawang baso ng alak na galing sa bar tender tsaka ito inabot sakin, nandito kami ngayon sa counter sa may island table.

“Tulad no’n, siya ang nagpasok sakin dito at regular costumer na niya ang kasama niya ngayon” turo ni Kacely sa babaeng na sa bandang dulo, naka black bodycon ito at halos hanggang pusod ang hiwa ng damit niya sa harap kaya kitang kita ang bibilugin niyang s-so.

Habang abala si Kacely sa pagtuturo ng mga kapwa niya CCA ay may biglang lumapit samin, mukhang may edad na dahil sa may iilang gray na ito sa buhok, pero yung tindig at tikas? parang nasa 30s lang.

“Kacely, who’s this young…and gorgeous lady?” tanong nito kay Kacely habang dumulas ang tingin niya mula sa mukha ko pababa sa dibdib ko hanggang sa legs ko.

Kinabahan ako sa tingin niyang iyon kaya naman walang ano ano kong nilagok ang alak na inabot sakin kanina ni Kacely, at sobrang pait non.

“She’s my friend Anton, baka may maipakilala ka sakaniya? first time niya rito.” sagot naman ni Kacely, nakikinig lang ako sakanila habang hindi ko namamalayan na nakatatlong baso na pala ako ng alak.

“Oh, i’m sure pag aagawan yan siya ng mga amigo ko. Bring her at our vip lounge.” saad nito kay Kacely at naglakad na palayo.

“Sabi sayo e. Siya si Anton, regular costumer ko na siya, halata ba sa itshura niya na 50 na siya?” hagikhik ni Kacely kaya naman nangunot ang noo ko.

Iba talaga pag mayaman, habang tumatanda parang mas bumabata ang katawan. Well, mukha namang yummy yung costumer ni Kacely, pero sasama ba talaga ako sakaniya sa vip na sinasabi ng Anton na iyon? medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo, isa pa nakakatakot yung tingin niya... pano pa sa mga amigo niya?

“Bes, may banyo ba dito? n-nasusuka ako.” bulong ko kay Kacely

“Gaga ka! nakailang baso ka ba?” tanong nito sakin.

“Nakaapat na” sagot ko naman.

“Jusko talaga sayo! sige na ilabas mo na muna yan doon, dretsyo ka sa hall way na yon, tapos kumanan ka andoon yung cr. Dito muna ako sa counter baka isipin ng bartender e tatakasan natin siya” ani Kacely.

Agad naman akong naglakad papunta sa sinabi ni Kacely, pero pag liko ko sa kanan ay wala akong makita na banyo, tanging mga maliliit na parang puno na may mga fairy lights at green grass na sahig. Babalik pa sana ako sa likuan pero bigla nalang may kung anong tumulak sa sikmura ko kaya parang lalabas na talaga ang ininom ko kanina.

Mabilis akong naglakad papasok at naghanap ng mapupwestuhan kung saan pwede ko itong isuka pero dahil sa hilo at pagmamadali ay nagulat ako ng bumangga ako sa isang matigas na bagay.

"Hey! Can you look where you're going?!" sigaw nito sakin, ng tignan ko siya ay halos mapatingala ako dahil sa tangkad niya, may hawak itong baso ng alak at cellphone naman sa kabila niyang kamay.

“P-pwede bang mamaya na—” akma na sana akong tatakbo palayo pero bigla nalang niyang hinigit ang braso ko at mahigpit niya iton sinakmal.

“And where do you think you’re going?! Look what you did to my suit! You spilled wine all over it!” sigaw nito sakin, gusto ko pa sana siyang patulan pero lalabas na talaga ang suka ko pero ayaw niya talaga akong bitiwan kaya ang ending…

Sakaniya ko naisuka lahat…

“WHAT THE FUCK!!!” sigaw nito sakin, kaya parang namintig ang tainga ko.

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko tsaka ko siya sinamaan ng tingin.

“Ikaw pa may ganang magalit ngayon?! kung binitawan mo sana ako edi hindi kita nasukahan!” sigaw ko rin sakaniya

“Seriously?! now you're blaming me! argh! it's so gross!” nandidiri nitong sabi at mabilis na hinubad ang suit niya, pero tagos hanggang sa white polo niya ang alak na isinuka ko kaya basa talaga hanggang dibdib niya.

“K-kasalanan mo naman kasi di mo ako binitawan aga—”

“REALLY?!! TALAGANG IPUPUSH MO NA KASALANAN KO?! YOU'RE DISGUSTING BITCH!” sigaw pa nito sakin.

Anong tinawag niya sakin?

Bitch? ako? BITCH?!!!

“Bitch pala ha!” asik ko at mabilis na sinuntok ang bibig niya dahilan para mapayuko ito habang hawa hawak ang labi niya na may bahid ng dugo.

Mukhang napalakas ata suntok ko.

“Wag mo akong matawag tawag na bitch ha?! AT WAG MO AKONG SINISIGAWAN!” sigaw ko rin sakaniya, akma sana itong lalapit habang nakaamba ang kamay niya pero bigla nalang may humila sakin.

“Bes! bakit ka sumisigaw?” tanong nito sakin.

“Tanungin mo yang gago na yan! sinisigawan ako e kasalanan naman niya kung bakit siya natapunan ng wine at kung bakit ko siya nasukahan!” inis kong duro sa lalaki na nasa harapan namin

“Talagang paninindigan mo na ako may kasalanan?! ikaw ang bumangga sakin! you also puke into my suit!”

“Ah talaga?! tanga ka kasi! kita mo ng nasusuka ako talagang hinawakan mo pa ako!”

“Alam ko ba na nasusuka ka?! e kung nag sorry ka agad kasi natapunan ng alak ang suit ko, binitawan sana kita!”

“Hindi mo alam kasi tanga ka! dapat lang sayo yan! kulang pa nga yan e!”

“Akala mo palalampasin ko ‘to? you’ll pay for thi—”

“Pay mo mukha mo! panget!”

“Panget? ako? maraming nagkakandarapang babae sakin! baka nga maging isa ka pa sakanila!”

“O talaga? asa ka! kahit kailan hinding hindi ako magkakagusto sa tulad mo! at tatandaan ko yang pagmumukha mong yan! panget!”

“I will never forget your face to!”

Hinila na ako ni Kacely palabas ng bar dahil dumarami na ang mga nakikisyoso samin, ng mailabas niya ako ay agad kaming sumakay ng taxi at pinagpapalo ako nito sa braso.

“Ano yun?! bakit ka nakipag away?!” inis nitong tanong sakin

“Minura niya ako e! tsaka! tinawag akong bitch!” dabog ko pa

“Kahit kailan ka talaga! di ka talaga pwedeng ipangdayo! pano kung kasuhan ka ni Mr. Laxamana” saad pa ni Kacely.

“Laxamana?” tanong ko naman.

“Oo! sa pag kakaalam ko nasa around 20s or 30s palang ata siya, pero kung sino sino ng babaeng nalilink sakaniya!” kwento pa ni Kacely

“Sya ba yung, binansagang The Hottie Casanova?” tanong ko.

“Siya nga” sagot naman ni Kacely na ikinairap ko.

“Ts, san yung hottie don? e ang panget panget non!” inis kong sabi na ikinatawa naman ni Kacely

“Nasasabi mo lang yan kasi inis ka sakaniya, ang guwapo kaya niya! kanina nga kahit galit siya ang gwapo gwapo at ang hot niya! amoy suka nga lang.” ani Kacely.

Hindi ko na siya pinansin at inirapan nalang siya. Totoo naman na guwapo talaga yung Laxamana na yun, maganda rin ang pangangatawan, lalo na nung hinubad niya ang suit niya at kitang kita ang dibdib niya sa basang polo niya. Pero kahit pa gaano siya kagwapo at ka hot? pangit pa rin siya! kasi pangit ng tabas ng dila niya! Nakatikim tuloy ng kamao!

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 38

    Huminto ang bangka sa isang maliit at halos walang taong isla. "Private island hopping," anunsyo ni Trevor habang tumatalon sa mababaw na tubig. "Dito tayo magluluto ng inihaw na isda at mag-eenjoy!"Habang busy sina Timothy at Trevor sa pag-set up ng portable grill, kaming dalawa ni Kacely ay naglakad-lakad sa shoreline. Ang isla ay napakaganda—parang isang paraiso na kami lang ang nakakaalam."Frenny, ang ganda rito," sabi ni Kacely habang humihinga nang malalim. "Salamat talaga na sinama niyo ako. Mas maganda pala ang view kapag walang afam na always nakabuntot."Natawa ako. "Sabi ko sa'yo, kailangan mo ng break. Walang hiya talaga tong si Trevor. Kanina ka pa sinusundan ng tingin, eh.""Hayaan mo siya," sagot ni Kacely, pero nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya. "Wait, Marianne... si Timothy... he's really a different person now, 'no? Noong nakita ko kayo sa club dati, parang gusto mo siyang lamunin nang buhay kahit na ikaw pa ang nakagawa ng di makakalimutang ganap sa

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 37

    Magtatakipsilim na kaya nagdesisyon sina Timothy na mag-arkila ng bangka para sa isang mabilis na island hopping. Habang naghihintay kami sa tabi ng dagat, naramdaman ko ang excitement sa simoy ng hangin. Pero habang papalapit kami sa nasabing bangka, napansin ko si Kacely sa di kalayuan,Nakatayo siya sa may dalampasigan, mukhang hindi mapakali at pabalik-balik ang tingin sa paligid. Mukhang may hinahanap... o baka nagtatago?"Teka, si Kacely 'yun ah?" bulong ko kay Timothy."Bakit parang mag-isa siya?" tanong naman ni Timothy habang inaayos ang life vest niya.Hindi ko na hinintay ang sagot ni Timothy. Nang makita kong lumingon si Kacely sa malayo na tila may iniiwasan, biglang sumulpot ang ideya sa utak ko. Itatakas ko siya!"Timothy, mauna na kayo sa bangka!" sabi ko sabay takbo nang mabilis palapit kay Kacely."Huy, Marianne?! Saan ka pupunta?" sigaw ni Timothy, pero hindi ko na siya nilingon.Nang makalapit ako kay Kacely, hinila ko agad ang braso niya. "Marianne?! Anong—""Shhh

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 36

    "Wait... is that... Kacely?"Napatigil ako sa pagsubo nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na pigura sa lounge area ng restaurant. Nakaupo siya roon, mag-isa habang humihigop ng iced coffee at busy sa pag-scroll sa phone niya. Hindi ako pwedeng magkamali—si Kacely 'yun, ang frenny ko na matagal ko na ring hindi nakakausap."Sino 'yun?" tanong ni Timothy, sinusundan ang tingin ko."Si Kacely! Best friend ko. Tara, lapitan natin," excited kong aya.Kahit si Trevor ay walang reklamo at sumunod lang sa amin. Nang makalapit kami, agad na lumingon si Kacely. Halos malaglag ang panga niya nang makita kaming tatlo—lalo na nang mapansin niyang magkahawak-kamay kami ni Timothy."Frenny! Mr. Laxamana?!" halos mapatayo siya sa gulat. "So... totoo pala talaga ang sesmes girl! akal ko eme eme niyo lang yon" saad pa nito."Gagi, mahabang kwento" natatawa kong sabi. "Ay talagang mahaba yan, dahil gusto kong malaman kung paano naging kayo! like, parang hindi nasapak 'tong si Mr. LaxamanaTining

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 35

    Habang naglalakad kami pabalik sa main resort, nanatiling nakakabit ang paningin ko sa charm bracelet na ibinigay sa akin ni Timothy. Hinahaplos-haplos ko ang maliliit na detalyeng hugis alon at dahon doon. Para itong may mahiwagang hatid na init na unt-unting nagpapakalma sa mga natitirang kaba sa dibdib ko.Naramdaman ko ang pagpisil ni Timothy sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kaniya."Nagustuhan mo ba talaga?" tanong niya, may bahagyang pag-aalala sa mga mata na tila ba natatakot siyang baka napilitan lang akong ngumiti kanina.Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Huminga ako nang malalim, pinalalakas ang loob ko. Pakiramdam ko, dahil sa labis na pag-unawa na ipinakita niya sa akin ngayong umaga, may karapatan siyang malaman kahit ang maliit na piraso ng nakaraan ko."Timothy..." panimula ko, bahagyang nanginginig ang boses. "Yung... 'yung kagabi. Gusto ko lang humingi ng pasensya ulit. At gusto ko ring malaman mo na... may nangyaring hindi maganda sa akin noong labing-ani

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 34

    Nagising ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng sinag ng araw sa pisngi ko na nagmumula sa bintana. Pag mulat ko ng mata ko ay wala na sa tabi ko si Timothy, kaya naman napa buntong hininga na lang ako. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi, at sa totoo lang… nahihiya akong humarap ngayon kay Timothy.Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin sa ngayon, iniisip ko kasi na baka galit siya sakin.Habang tulala at iniisip ko ang nangyari kagabi naramdaman ko na parang may yabag papalapit sa kwarto kaya naman ipinikit ko ang mata ko dahil alam kong si Timothy iyon.Pinanatili ko lang ang sarili ko na parang natutulog, hanggang sa maramdaman ko ang pag lubog ng kama sa gilid ko kaya bahagyanl akong napalunok ng alam kong hindi niya mapapansin.Napakuyom naman ako sa loob ng kumot ko ng maramdaman ko ang daliri ni Timothy sa pisngi ko na tila marahan akong hinahaplos.“I don’t know what happened to you last night, or why you suddenly became like that… but I want you to know that I’m alwa

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 33

    Lumalim ang halikan namin ni Timothy, halos napapakagat na rin ako sa labi niya dahil sa kakaibang init na bumabalot sakin ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa beer na ininom namin kanina, o baka dahil sa pag titig at pag halik sakin ni Timothy ngayon. Habang walang patid ang halikan namin ay naramdaman ko ang kamay niya na dahan-dahang humahaplos sa binti ko, paakyat sa hita ko. Normal lang naman ‘to sa magkarelasyon, ‘di ba? Dapat sana kinikilig ako. Pero sa isang iglap, parang biglang nagbago ang paligid.Nawala ang amoy ng hotel room. Ang pinalit ay ‘yung malansang amoy ng alak at mapanghing pawis na labing dalawang taon ko nang pilit na kinakalimutan. Bigla kong naalala ‘yung madilim na sala namin noong 16 years old pa lang ako.“H-huwag…” mahinang sabi ko, pero parang hindi niya narinig.Sa isip ko, hindi na si Timothy ang nasa harap ko. Ang nakikita ko na ay ‘yung demonyong kumpare ni Papa. Nararamdaman ko uli ang magaspang niyang kamay na pilit akong hinahawakan habang wal

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 10

    Nang makauwi kami sa bahay ay sakto rin ang dating ng mga pinamili ni Tukmol na dumating sa bahay. Nagtaka pa si mamay bakit sobrang dami ng pinamili namin, pero nagawan naman ng palusot ni Tukmol.Nagluto lang si mamay ng putchero, sa una ay parang ayaw pang kumain ni Tukmol pero kumain rin naman

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 18

    Naglakad lang ako ng deretsyo at tinungo ang garden na sinasabi ni Lola Trina, para tuloy akong na sa fairy tale dahil sa ganda ng garden niya. May mga iba’t ibang klase ng bulaklak na may iba’t ibang klase rin ng kulay, meron rin siyang fountain sa dulo kung saan sa baba ay mga mga gold fish. “Wa

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 8

    Hindi ko alam kung gaano kabilis nag maneho si Tukmol kanina, basta ngayon ay nandito na kami sa emrgency room habang tinitignan ng mga doktor si mamay sa loob. Hindi ko rin alam kung ilang tissue na ba ang naubos ko sa kakaiyak.“Tumahan ka na, magiging okay ang mamay mo” pang aalo ni Tukmol sakin

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 15

    Marianne’s POVNagising ako ng wala na sa tabi ko si mamay, dali dali naman akong tumayo at pag tapos ay lumabas ng kuwarto at nagulat ako ng makita si Tukmol sa kusina na tinutulungan si mamay na magluto kaya pinagmulagatan ko ito ng mata habang siya ay nag kibit balikat lang.“Oh, gising ka na pa

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status