Sabina point of view
"Sabina Denise Taylor, bwiset ka talaga! Baka gusto mong patulugin na lang kita sa libingan!” Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang nakakabulahaw na sigaw ni Mommy. Kinapa ko ang lumang relo na nakasabit sa dingding ng aking silid. Basag na ang salamin nito kaya nakakapa ko ang mga numero sa loob niyon. Nagsimula na akong magbilang. Alas sinko na ng umaga. Madalas pag ganitong oras, gising na ako, ngunit ngayon hindi ako nagising sa saktong oras dahil sa sobrang pagod na pagtrabaho. Alas tres na ng madaling araw ako natulog dahil marami akong pinlantsa na mga damit ni Mommy, dagdagan pa ng kay Ate. Akmang tatayo na ako habang naghihikab ng biglang may bumuhos sa akin na malamig na tubig."M-Mom?" Nangangatal ang labi ko habang pinapakiramdaman ang aking ina. Ramdam ko ang sobrang galit ng kanyang presensya sa aking harapan."Aray, Mom, masakit po. Tama na Mom, nasasaktan po ako." Impit na sigaw ko ng bigla niyang kinurot ang magkabilaang pisngi ko. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya pero mas lalo lang humihigpit iyon dahilan upang manghina ako at hinayaan na lamang siya sa anumang gawin niya sa akin."Sabina Denise Taylor hindi ka nakatira rito para magbuhay prinsesa. Nandito ka para sundin ang lahat ng ini-utos ko para naman may silbi ang pagiging pabigat mo!" Lihim akong napahawak sa aking dibdib dahil sa matalim na bagay na parang sumaksak sa loob. Minsan naisip ko, anak ba talaga ako ni Mommy? Bakit magkaiba ang turing nila sa amin ni Ate?“P*****a! Ano, hindi ka pa ba gagalaw diyan? Baka gusto mong gisingin pa kita?” SLAP! Galit niya akong sinampal dahilan upang mapahawak ako sa aking pisngi na nasampal ni Mommy. Sa naalala ko, pangatlong sampal na itong natamo ko mula sa kanya. “Ano ha, gising na ba ang diwa mo? O, baka gusto mong dagdagan ko pa iyan?”“M-Magtatrabaho na po ako, Mom.” nauutal kong sagot at kinapa ang aking walking stick mula sa dingding na pinaglagyan ko. Habang ginagawa ko iyon, panay naman sa pag buhos ang mga luha ko. Parang punyal na tumarak at humiwa sa kaloob-looban ko ang bawat salitang binitawan ng aking ina."Oh Sabina!" For a moment I thought she would comfort me but she’s not, what she did next torn me into million pieces. "Don't give me that crap and get your ass up!" Malakas na hinila ako nito ng hindi ko pa nahawakan ang aking walking stick, dahilan upang maglupagi ako sa sahig."BLAG!""Aray!" I groaned in so much pain habang tutop ko ang likod ko na tumama yata sa upuan."Bakit ba kasi ang bagal mo? Araw-araw iyan na ang ginagawa mo pero hindi ka pa rin sanay?” Naramdaman ko na lang na hinagis niya ang walking stick sa aking harapan. Tumama pa ito sa ulo ko, ngunitnpilit kong ininda iyon. “Magluto ka na dahil male-late na si Samantha sa klase niya, at kapag nangyari yun, malilintikan ka talaga sa'kin." Pagbabanta nito bago ako tuluyan iwanan."BLAG!" napaigtad ako ng mariniig ang biglang pagbagsak ng pinto ng aking silid. Kinapa ko ang aking walking stick na syang karamay ko sa madilim kong mundo. Dati, maliwanag ang buhay ko kasama si Daddy. Ngunit kasabay ng pagkawala niya, nawala na rin ang liwanag sa paligid ko. Mabilis na akong tumayo habang nakatukod sa aking walking stick. Kahit na nahihirapan sa madilim na paligid, binilisan ko ang pagkilos. Kinapa ko ang tsinelas sa ilalim ng higaan ko ngunit hindi ko mahanap kaya minabuti ko na lang na lumabas sa silid ng naka-paa. Hindi ko na din inabala ang sarili ko na magbihis dahil mauubos lang ang konting oras na mayroon ako.Paika-ika akong naglakad sa hallway ng second floor, at sa bawat hakbang ko ay nagdadasal ako na makarating na sa kusina para maiwasan na muling mapagalitan."Sabina! P*****a!"Para na akong mapapatid sa aking paglalakad ng muli kong marinig ang sigaw ni Mommy."Wala na bang ibibilis ‘yang paglalakad mo?" Napahinto ako sa tangkang pag hakbang ng marinig ko ang maarteng boses ng kapatid kong si Samantha.Samantha is my older sibling, the first born kaya naging favorite siya ni Mommy."Ate-!" I was about to answer her question pero hindi ko na natuloy, ng marinig na muli itong nagsalita."Well hindi na dapat ako magtaka kung bakit mabagal ka." Halata ang pang-iinsulto niya sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin dahilan upang uminit ang ulo niya."Mabagal ka kasi BULAG KA! You're basically useless!" Alam kong sinadya niyang sabihin iyon para saktan ang damdamin ko. Ngunit hindi ko iyon pinahalata.“You should thank me then, ate. Dahil kung hindi ako bulag, baka mas lalo kayong maiinggit sa akin.” Kahit durog na ang puso ko, pilit akong lumalaban.“Bakit naman ako maiinggit sa’yo? Hindi mo nga kayang pagsilbihan ang sarili mo!” Galit niyang turan sa akin. Naamoy ko pa ang lansa ng kanyang hininga dahil siguro magkalapit ang aming mga mukha.“Kung ganun, sino ba ang nagsisilbi ngayon sa inyo?” sagot ko, dahilan upang tumahimik siya. Dahil sa galit niya, muntik na akong mahulog sa hagdan dahil sa kanyang pagtulak sa akin. Mabuti na lang nakahawak ako sa railings. Malutong na halakhak ang narinig ko pagkatpos niyon.Tuluyan akong nanghina at magkakasunod na napahinga ng malalim habang pinakikinggan ang papalayong tunog ng heels nito."You're blind, you're useless!""You're blind, you're useless!""You're blind, you're useless!"Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy dahil sa paulit-ulit na pag-e-echo ng mga salitang binitawan ni Ate Samantha.I am blind, it happened ten years ago dahil sa isang collision na kinasangkutan namin ng Daddy ko. I didn't just lost my sight that time but I also lost my protector and savior. Dahil din sa nangyari ay ako ang sinisisi nila Mommy sa pagkawala ni Daddy.Hindi ko alam kung hanggang ilang oras ako nakasandal lang sa pader at nag-iisip, basta namalayan ko na lang na kinakaladkad na ako ni mommy papuntang kusina."You really are testing my patience, Sabina!" Galit is understatement para ilahad ang tono ng boses ni mommy at natatakot ako sa kung ano ang magagawa niya."I-I'm sorry Mom, b-bibilisan ko na po." Hindi ako magkandatuto sa pagkawala sa mahigpit na hawak ni mommy at sa pagtayo ng maayos.Bago ako tuluyang bitawan nito ay idiniin niya muna ang mukha ko sa lababo bago ako pinagbantaan at tinalikuran. "Bilisan mo at huwag kang tatanga-tanga!"Paulit-ulit akong tumango at nagsimulang maghanda ng pagkain si ate at mommy."Dang it!" Tahimik na mura ko ng sa pagmamadali ay naibagsak ko ang isa sa mga tasa."Anu ba yan bulag na nga tanga pa!" Malakas na pasaring ni ate Samantha na sinadya yata dahil narinig ko ang malakas na boses ni mommy."What the heck, Sabina!?" Dali-dali kong kinapa upang damputin ang mga basag na piraso ng tasa, wala na akong pakialam kung masugat ako.Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo ng maramdaman ko ang hapdi ng kamay ko dahil sa mga bubog na tumimo dito."Mauubos talaga ang dugo ko sa’yo, Sabina!" Sigaw ni mommy at tinabig ako dahilan para mapaupo ako at naitukod ang kamay ko na puno ng bubog."Ahhhh..hmmp!" Piping d***g ko ng maramdaman na lalong bumaon ang mga bubog sa kamay ko."Get the hell out of here, you freak!" sigaw ni Samantha.Tumayo ako at nagtatakbo palabas ng bahay. Kahit na hindi ko nakikita ang paligid ay nagpatuloy ako sa pagtakbo. Walang ibang nasa isip ko kundi ang makarating sa lugar na iyon."Daddy!" Tahimik na usal ko habang tumatakbo."Watch out!” I heard someone shout at kasabay no’n ay ang magkakasunod at malalakas na busina ng sasakyan. “Fuck!” Narinig ko pa ang mahinang mura ng isang lalaki na humawak sa akin bago ako mawalan ng malay."DADDY!" napabalikwas ako ng bangon mula sa isang masamang panaginip. Dama ko ang pagtulo ng malamig na pawis sa pisngi ko.Pilit kong pinapakalma ang malalim kong paghinga at ang nagwawala kong puso na kasing lakas ng kulog ang kalabog dahil sa sobrang kaba habang inaalala ang nangyari sa nagdaang mga oras. Nang makarinig ako ng malakas na boses sa hindi kalayuan. It was a loud yet relief voice."Finally, you're awake!" Someone exclaimedPinaling ko ang mukha ko sa direksiyon na pinagmulan ng boses."Sino ka, nasaan ako? At nasaan ang daddy ko?" Magkakasunod na tanong ko nang hindi humihinga."Daddy? Wala kang kasama ng idala kita dito. At ang sagot sa tanong mo kung nasaan ka ay nasa hospital, dinala kita dito kasi daddy ka ng dad-." Sagot nito na halata sa boses ang pagkakairita.Hindi ko pinatapos ang gusto nitong sabihin kaagad na akong nagtanong."Hospital? Hindi mo dapat ako dinala dito! Anong oras na!?" Kinapa ko ang dingding ng kinahihigaan ko umaasa na mahanap ko ang orasan
"Okay ka na ba dito?" concerned na tanong ni Connor. Natatawa nalang ako dahil nakailang tanong na siya niyan at paulit-ulit lang naman ang sagot ko sa'kanya."Bulag lang ako pero, dito na ako lumaki kaya kabisado ko na dito!" kahit hindi ko sila nakikita ay alam kong puno ng pag-aalala ang expression nila.'Kanina kasi nung nalaman ng mga ito na bulag ako ay hindi na ang mga ito mapakali, especially si Connor na akala mo maiiyak sa sobrang pag-aalala. Maya't-maya din ako tinatanong kung comportable ako. Lalo na nung pasakay kami sa kotse, siguro ay natatakot na sila na baka maulit ang nangyari kahapon sa hospital.'Mabuti nalang at hindi nila pinagsamantalahan kagabi ang pagiging bulag ko.'hindi madalas mangyari sa'kin ang panic attack pero kadalasan nangyayari sa'kin yun kapag may kinalaman sa aksidente at hospital, para akong bumabalik sa nakaraan kapag nangyayari iyon.''nasabi ko na din kanina sa kanila na bulag ako kahit ayoko wala akong choice dahil halatang-halata na.'Tumal
Blake point of view"Gustav, are you sure about those informations?" naninigurong tanong ko dahil hindi ako makapaniwala na anak si Sabina ni Vivien Sullivan at Eduard James Taylor.Tumango si Gustav ng magkakasunod.'Vivien Sullivan is Connor's auntie meaning Sabina is his cousin kaya naman naiintindihan ko na ganito ang akto nito ngayon. He is worried, idagdag mo pa na nakita namin kung paano saktan si Sabina nung Mommy daw nito.'So the reason kaya sinasaktan si Sabina ng kinilala nitong Mommy ay dahil hindi nito anak si Sabina?' how messed up."I need to know everything that's happened!" I demandedUmupo si Gustav sa pang-isahan ng upuan bago sinimulang ilahad ang mga impormasyon na nalaman nito."Let's start with her birth mom. Si Vivien Sullivan ay nagta-trabaho bilang waitress sa Crimson Bar kung saan nakilala niya ang noo'y executive assistant na si Eduard James Taylor. Eduard and Clara, or should I say kinikilalang ina ni Sabina ay hindi na in-good terms. They've been married
Mahigpit ang kapit sa'kin ni Blake habang inaalalayan ako nito papunta sa kung saan."You're here!? Bilib na talaga ako sa'yo bro, wala ka talagang gusto na hindi mo nakuha," isang hindi makapaniwalang sigaw ang narinig ko. Sigaw na halos bumasag sa eardrums ko."Anong ginagawa ko dito Blake?" Seryosong sagot ko. Naramdaman ko ang paninigas ng kamay ni Blake na nasa beywang ko."Bro Blake, thank you for bringing her here," muli kong narinig ang cheery voice nito. Napangiwi ako pagkarinig sa pangalan na tinawag nito."Ano naman ang ginagawa mo dito Connor? Wala ka bang trabaho at lagi kang nandito?" Inis na tanong ko pero nandoon ang pagtataka kasi lagi itong kabuntot ni Blake."Kailangan ko pa bang magtrabaho? I'm rich and awesome." Proud na sagot nito. Kaagad nag-init ang ulo ko dahil sa naging sagot nito. "Nagpapatawa ka ba!?" Galit na bulyaw ko dito."Connor's a photographer and a bar owner." Monotonous na sagot ni Blake. "Pwede ba kitang makausap Blake?" Walang emosyon na tanong
Blake's point of view"Hahaha, shock? Hindi mo naman siguro inisip na ikaw lang ang may kakayahan na gumamit ng connections, right? Mr. Jenkins?" I can hear a mock in her voice. I gritted my teeth controlling my patience."Who the hell are you? And what are you doing inside my company building!?" Mom snarled. This is the first time I saw my mom this mad at someone."I have nothing to do with you old hag! Ang kailangan ko ay ang walang kwenta kong kapatid na iniwan ang mommy namin na umiiyak at nagmamakaawa sa'kin na iuwi siya." Sigaw nito kay Mommy. Napatanga si Mommy dahil sa itinawag nito sa kanya pero maya maya lang ay tumalim na ang tingin ni Mommy at handa na itong manakit."What did you just call me!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy. "I'm so sorry sa attitude ko, it's just that I hate seeing my mom weeping and blaming herself kung bakit umalis ang kapatid ko. It pains me." Mahabang litanya nito habang lumuluha.Napatingin ako sa mukha ng kapatid ni Sabina at kita ko ang
Third person point of view "Don't let her take away Sabina, Blake do something!" Sigaw ni Connor ang pumailanlang sa labas ng opisina ni Blake.Everyone was shocked including his mother, the only person, who's sane right now is Connor and he is looking at Blake murderously."Blake, ano pang tinatayo tayo mo diyan, gumawa ka ng paraan para makuha si Sabina!" Connor felt the pain and frustration. Kaya naman ng hindi kumilos si Blake ay inundayan niya ito ng suntok.BLAG! Isang malakas na pagbagsak ang bumasag sa katahimikan ng mga tao."Blake!" Aurora shouted and run towards her son, checking if he was okay."Why did you do that, Connor!?" Bulyaw nito sa binatang sumuntok sa anak. As a mother Aurora felt her stomach being ripped seeing her son gets hurt. "Sabina needs our help at wala manlang planong gawin si Blake para tulungan si Sabina!" Shouts Connor disappointedly."It's not my call, they're still her legal guardian. Kahit saang kaso wala tayong laban," tumayo si Blake at nagpali
"Would you mind telling me, kung ano talaga ang nangyari at bakit ganon ang reaksiyon ni Connor kanina?" my mom asked me in annoyance habang nakaupo sa harap ng table ko. Nandito pa din kami sa office at mula ng umalis si Connor ay hindi na ako tinantanan ni Mommy sa kakatanong tungkol kay Sabina at kung bakit daw ganon ang inakto ni Connor towards Sabina.Napabuntong hininga ako at nag-decide na sabihin na dito ang totoo. "Sabina is Tita Vivien's daughter." maikling tugon ko, dinig ko ang pagsinghap ni Mommy, nagulat ito. Tita Vivien is Mom's best friend at ang malaman na may anak ito ay talagang nakakagulat para sa mommy ko. "How?" wala sa sariling tanong nito. "Tita Vivien has an affair with Eduard James Taylor," paliwanag ko. Yun palang ang nasasabi ko ay namutla na si Mommy na siyang pinagtaka ko. "Do you know him Mom?" I can't help but asked. But as a former COO of the company I know Mom has checked every background of the possible threat. Nakita ko kung paano lumikot ang tin
Sabina point of view "Ugh!" Daing ko dahil sa sakit na naramdaman ko sa bandang ulo at katawan ko. Pakiramdam ko ay nabagok ako at kinaladkad ng sobrang layo. Kinapa ko ang ulo ko baka may sugat or bukol dahil sobra talaga ang pagsakit nito."Gising ka na pala, Iha," napatigil ako sa pagkapa ng marinig ko ang Nag-aalalang turan ni Manang Corazon. "Manang?" Naniniguradong tanong ko."Ako nga Iha, okay ka na ba?" Sagot nito, napahinga ako ng maluwag dahil si Manang Corazon ang kasama ko, meaning nakauwi na ako, so no more Blake. "Anong nangyari Manang?" Tanong ko dito, dahil hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng pansamantalang amnesia.Pilit kong inalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay at mapunta dito sa bahay. Habang iniisip ko iyon ay biglang sumakit ang ulo ko. I grabbed my head tightly as all of the memories from earlier events came into me like a river. 'you know who ravished me last night? Blake' I heard Samantha's voice inside my