Se connecterELLISE Pov:
Nauna na itong lumabas ng ward ni mama. Maayos naman akong nagpapaalam kay mama bago sinundan si Sir Nathan. “Hindi na yata nagiging maganda ang ugali mo?” Pagsita niya sa akin na nabunggo pa ako mismo sa likod niya nang bigla na lang siyang tumigil saka lumingon. Sa gulat ko sa pagkakabunggo sa likod niya ay hindi ko nabalanse ang katawan ko. Napapikit ako ng mariin at hinintay ko na lang ang pagbagsak ko dahil hindi ko na mabalanse ang katawan ko. Ngunit… May malaking kamay ang humatak sa akin at pumulupot iyon sa baywang ko. Naimulat ko ang aking nga mata. Napatitig ako kay Sir Nathan na siyang humila sa akin na ngayon ay halos wala ng pagitan ang katawan namin sa pagkakadikit. “Sir Nathan.” Itinaas ang kamay ko, itinulak siya sa dibdib para malayo sa akin at bitawan ako. Agad ko naman inayos ang pagtayo ko ng bitawan na nga niya ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya ng muli kong napansin na napatingin siya kung saan dumapo ang kamay niya kanina. “Sir Nathan.” Hindi ko mapigilan ang pagsita sa kanya. Kumurap naman siya saka umayos din ng tayo. “What?” Kunot na naman ang noo niyang tanong. “Lumalakas yata ang loob mong pagtaasan ako ng boses. Baka nakakalimutan mo kung saan ka lulugar.” Natahimik na naman ako. Ipinamukha na naman niya sa akin na sa aming dalawa ay wala akong karapatang magsalita. “A-anong kailangan mo sir Nathan?” Nakaramdam man ako ng inis ay nagtanong parin ako sa kanya. “Nakalimutan mo na yata ang kasunduan natin.” “Bakit ko naman kakalimutan kung iyon ang nakatulong sa pagpapa opera ko sa mama ko.” “Good! Then, sumama ka sa akin. Bibili tayo ng damit na susuotin mo para sa pagpirma ng certificate ng kasal natin.” “Huh!” “Saan sa mga sinabi ko ang nakakagulat. Akala ko ba ay malinaw sayo ang nakasaad sa ating kasulatan?” Mas lumamig pa ang mga mata niyang nakatingin sa akin na halos mag isang linya na lang ang kanyang kilay. “Darating ang lolo mamaya. Siya ang sasaksi sa pagpirma natin sa kasal. At gusto kong makita kung nagsasabi ka ng totoo na hindi mo nga kilala ang lolo ko.” “Sinabi ko naman sayo na hindi ko…” “I don’t care. Kaya huwag ka na lang basta tumayo diyan. Sakay na at magmaneho ka papuntang mall.” Tumalikod na siya hindi pa man ako nakakasagot. Naiinis na hindi ko mapigilan ang pag padyak ng paa ko habang nakasunod ang tingin ko sa likod niya. “Nagmamaktol ka?” Narinig ko pang sabi niya ngunit hindi naman lumingon. “H-hindi sir Nathan. Sasakay na nga ako.” Nagmamadali akong umikot sa sasakyan at sumakay. Hindi na ako nangahas na magsalita pa ka kahit na nabibingi na ako sa katahimikan sa loob ng sasakyan. ….. “Bigyan niyo sa ng damit na babagay sa kanya.” Utos niya sa sales lady ng pumasok kami sa isang clothing shop. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa bago tumingin sa akin. “Wala ka bang ibang maayos na damit maliban sa halos pare pareho lang na sinusuot mo?” Tanong pa niya na para bang minamaliit ang kasuotan ko. “Sir Nathan, hindi kasali sa kasulatan na pinirmahan ko na pwede mong maliitin kung ano man ang isusuot ko.” Naiinis na naman na pagsagot ko sa kanya. At anong masama sa suot ko ngayon? Nakajeans ako hanggang tuhod ang haba at maluwag na t-shirt ang suot ko ngayon. Malinis naman tignan at komportable ako sa suot ko. Muli na naman niyang pinasadahan ng tingin ang damit ko. “Whatever. At ikaw.” Binalingan niya ang sales lady. “Ano pang itinatayo mo diyan. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” Pagsita na niya sa sales lady na agad naman tumalima na lumapit sa akin saka ako hinawakan. “Miss. Halika.” “Sandali.. hindi pa ako pumapayag.” Pagrereklamo ko ngunit tila wala itong narinig na basta na lang akong hinila sa helera ng mga magagandang dress. Kinuha nito ang mga damit na nakasadesplay saka niya ako muling hinila sa changing room at binigay lahat sa akin ang sampung damit o higit pa sa dami. Ayaw ko man sana ay wala na akong mga pagpipilian. Isinuot ko ang unang damit saka ako lumabas na sa paglabas ko ay nasa mismong tapat ng changing room si Sir Nathan na nakaupo paraharap sa akin. Kunot ang noo pa rin siya. Umiling. Hindi nagustuhan ang una kong isinuot. Bumalik ako sa loob. Nagpalit saka lumabas ulit. Umiling na naman siya. At halos mai suot ko na lahat ay wala pa rin siyang nagugustuhan sa mga damit na naisuot ko na. Dalawa na lang ang natitira. Pure black at pure white ang kulay. Dahil umakyat na naman sa ulo ko ang pagkainis ko kay sir Nathan ay pinili kong isinuot ang itim. Na parang pupunta lamang ako sa pakikiramay. Lumabas ako. Taas pa ang noo kong tumingin sa kanya saka pa ako umikot sa harapan niya. “Maganda ba?” Pang iinis ko pa ng makita ko na mas nagkasalubong ang kilay niya ng makita ang suot ko. “Damn it, Ellise. Pinagloloko mo ba ako?” Galit na sigaw niya na padabog pang binitawan ang magazine na hawak. “Palitan mo din yan ngayon din.” Napasimangot ako na muling bumalik sa loob. Isa na lang ang natitira. Kaya kung hindi pa man niya magugustuhan ay ewan ko na lang kung ano ba ang hinahanap ng panlasa niya. “Miss.. pwede mo ba akong tulungan na itali ang ribbon?” Pagtawag ko ng pansin sa sales lady para itali ang ayusin at itali ang ribbon sa likod ng damit. Ngunit hindi sumagot ang sales lady. Kaya muli ko siyang tinawag at mas nilakasan ko ang boses para marinig ako nito. Narinig ko naman na may lumapit. Hindi na ako lumingon sa pag aakalang ang sales lady iyon. “Paki ayos naman, please.” sabi ko. Ngunit bigla akong napapiksi ng madikit sa balat ko ang tila mainit na kamay. Doon na ako napalingon. “Sir Nathan.” Sa kabiglaan ko ay napaatras na naman ako at nawalan na naman ng balanse. Ngunit mabilis naman niya akong nahawakan at nasalo bago pa man ako matumba. “Palagi ka na yatang natutumba? Hindi yata’t sinasadya mo para saluhin kita.” “You…” mabilis ko siyang itinulak. “Bakit ka nandito? Hindi ikaw ang tinatawag ko.” Dahil sa pagkabigla ko ay nakalimutan ko na siyang tawaging sir. “May ibang customer ang sales lady na umaasikaso sayo. Narinig kita na kailangan mo ng tulong kaya lumapit ako. Bakit? Hindi ba pwede? Saka wala ka ding maitatago sa akin kapag kasal na tayo.” “Sir Nathan.” Napalakas ang pagtawag ko sa pangalan niya. Nakaramdam ako ng pangangapal ng mukha ng makuha ko ang ibig niyang sabihin. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pag hawak niya sa dibdib ko kanina tapos ngayon… Ahhh! “Haha.” Mahina ngunit parang napakalakas iyon sa pandinig ko. Bago pa man ako ulit makapagreklamo at sumagot sa kanya ay hinawakan niya ako sa balikat saka pinatalikod. Hinawakan ang ribbom at hinila para humigpit iyon. “Ugh!” Dahil sa higpit ay kumawala ang tila daing sa bibig ko. “Hmm.” Napapitlag ako ng maramdaman ko ang paglapit ng bibig niya sa tainga ko. “Nice sound.” Ani niya bago tumalikod at iniwan ako sa loob. “Let’s go. Ayos na ang damit na suot mo.” Narinig ko na lang na sabi niya sa labas ng changing room habang ako ay parang nanigas sa kinatatayuan ko dahil parang nasa tainga ko parin ang labi niya. Napalunok ako. Napakurap. “Ellise!” Na halos mapatalon sa gulat ng marinig ko ang malakas na pagtawag niya sa akin pangalan. ….. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Mabigat ang hakbang ko. Na nanginginig habang palapit kami sa opisina niya. Naghihintay na daw doon ang lolo niya. Kasama na din ang abogadong may dala ng sertipikasyon na lalagdaan namin sa kasal. “What are you still standing there?” Napapiksi na naman ako sa gulat ng marinig ko ang tila naiirita na pagsita ni sir Nathan. Mabilis akong kumilos. Sa pagkataranta ko ay bumangga na naman ako sa kanya. “Tsk.” Lumihis ako ng daan saka ako pumasok. Napatingin ako sa dalawang lalaki na naghihintay na nga sa amin sa loob. “Lolo.” Seryoso at malamig pa sa yelo ang naging tono ni Sir Nathan na nakatingin na ngayon sa matanda na nakatingin naman sa kanya. Lumapit ang matanda. Nakatitig ako dito at kinikilala. Ngunit wala talaga akong matandaan kung saan ko ba ito nakita. “Kay gandang dalaga.” Narinig kong saad ng matanda na tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo, hija. Napakaganda mo. Para kang isang diwata.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Magpapasalamat ba ako sa papuri nito? Pero hindi! Dahil gusto kong malaman din kung bakit ako napili nito na ipakasal sa apo nito. “Mr. Francisco. Paano niyo po ako nakilala?” Katanungan na lumabas sa bibig ko. “Dahil wala akong maalala o hindi ko maalala na kilala po kita.” “Ah! Nathan.” Pagbaling nito kay sir Nathan na tila iniwasan ang naging tanong ko. Gusto ko pa sanang magtanong at pilitin ito na sagutin ang tanong ko ay hindi ko na nagawa ng nilapitan na nito si sor Nathan. “Alam kong hindi ako nabigo sa pagpapasya ko, apo.” “Tsk! At alam niyo ng hindi ako makakatanggi.” Naramdaman ko ang galit sa tono ni sir Nathan sa pagsagot sa lolo niya. “At alam ko naman na magiging tama ang desisyon mo, apo.” “Lolo, alam mong…” “Atty:, Gascon… sinulan na ang pagpirma ng kanilang sertipikasyon para legal na silang mag asawa.” Pagbaling ng matanda at hindi na pinatapos si sir Nathan sa sinasabi. “Hindi na ako makapaghintay sa magarbong kasalan. Ako na ang bahala doon, apo. Ang gawin mo na lang ngayon ay ang alagaan lang ang asawa ko.” “Pero…” gusto ko pang pumagitna sa usapan nguniti tinapunan lang ako ni sir Nathan ng tingin na nagbabanta ng wala akong karapatan na makialam. Natahimik ako. Nakasunod na lang ang tingin ko sa matanda na lumapit kay kay Atty. Gascon na inilalabas sa itim na suitcase ang isang papeles. “Halika. Halika, hija.” Pagtawag pa sa akin ng matanda. Humakbang naman ako palapit. “Maupo ka.” Naupo ako sa tabi nito na ibinigay ang ballpen at ipinahawak sa akin. Tinapik ang isang piraso ng papel na nasa ibabaw ng lamesa. Nakasulat doon. Certificate of Marriage Tumingin pa ako kay sir Nathan. Tumango lang ito at hindi nagsalita. Sa pagtango niya ay nagpapahiwatig na pirmahan na ang nasabing sertipikasyon sa harap ko. Nanginginig man ang mga kamay ko. Kinuha ang ballpen sa matanda at muli, papikit mata na naman akong pumirma. Matapos kong pumirma ay lumapit na din ai sir Nathan at walang pagdadalawang isip na basta na lang lumagda. Padabog na binitawan ang ballpen saka muling hinarap ang lolo niya. “Masaya ka na ba, lolo?” Sarkistong tanong ni sir Nathan. “Masayang masaya ako para sayo, apo.” Naging tugon ng matanda. Habang ako ay tahimik na nakamasid na lang sa kanila."Will you promise to care for each other in the joys and sorrows of life, come what may, and to share the responsibility for growth and enrichment of your life together?""We do.""Then please turn to each other and share your vows.""When we first met, I never imagined this day would come after so many years I suffered but now that we are here I couldn't have imagined choosing anyone else but you to go through life's journey with. I love your laugh, your smile, your caring nature and that face you make when something is so cute, you just have to squeeze it.""Reallan Dela Cruz, I love you, You have filled my life with joy and have given me a sense of peace that I have never known.""I promise to encourage you to follow your dreams. I promise to make you laugh when you are taking yourself too seriously. I promise to hold your hand through the good times and through the bad times. I promise to be loyal and faithful and to put you before all else. And I promise that when we are old and
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:....At habang palapit na nga kami ng palapit ay nakakarinig na kami ng tugtugin. Malamyos na musika. Ng makarating na kami ay agad na bumaba ang driver at pinagbuksan ako. Kaya hindi ko na naigala ang paningin ko bago sana bababa."Salamat." At sa pagbaba ko ay ang malamyos na musika na naririnig namin kanina ay napalitan na ng Endless Love.Nangunot man ang nuo ko ay nakaramdam ako ng biglang pagkabog ng dibdib ko. Bakit parang pakiramdam ko tuloy ay ako ang ikakasal."Tara na po sir. Naghihintay na si Sir Lancer sa Altar." Sabi ng driver sa akin kaya hindi ko napigilan ang marahas na paglingon dito.Si Lancer! Naghihintay sa Altar????What???Hindi kasi totally na sa harap ng bahay ng lolo tumigil dahil napapalibutan ng palamuti at ibat ibang dekorasyon ang maluwang na espasyo sa bahay sa harapan.Hindi pa man ako nakakabawi ay sinalubong na ako ng lolo."Lets go apo." At inalok nito ang kamay sa akin kaya naman awtomatikong kumapit ako doon.Hindi
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:...."Nasaan na ang sir Lancer mo, Arlyn? At ang mga bata?" Tanong ko dito ng siya lang ang makita ko. Tinanghali na naman ako ng gising dahil sa walang sawang pag angkin niya sa akin. At parang wala na akong natitirang lakas ngayon araw."Nauna na po sa bahay ng señor, sir Reallan." Magalang na sagot naman nito sa akin."Bakit hindi nila ako hinintay. Ano ba naman yan." Napasimangot ako.Nakalimutan ko tuloy na pupunta pala kami. Mahuhuli pa yata ako sa pagtitipong gaganapin sa bahay ng lolo.Dalawang linggo na ang nakakalipas ng sabihan ako ni Lancer na may pagtitipong gaganapin sa bahay ng lolo. Ewan ko na lang kung ano dahil hindi naman niya sinabi. Basta nitong nakaraang araw ay nagpasukat kami ng damit ko at damit niya. Kahit na damit ng mga bata.Hindi na lang ako nagtanong kung ano ba talagang okasyon kasi halatang malaking pagtitipon ang magaganap dahil pormal na pormal ang mga damit na ipinatahi niya.Para ngang damit pangkasal lang. Itim an
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:....Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Ngayon....... Walong buwan na ang kambal."My love." Yumakap ako sa may likuran niya ng makauwi ako galing kompanya. Maaga kong tinatapos ang trabaho ko sa hapon para makabonding ko pa ang apat naming anak bago na naman matapos ang araw.Hindi na ako iyong tipong tatapusin ang lahat ng trabaho ko sa isang araw para kaunti na lang ang gagawin kinabukasan.Kundi iyong tamang trabaho lang. Makakapaghintay ang mga iyon pero ang pag aalaga ko sa mga anak ko ay hindi makakapaghintay.Mas uunahin ko sila kaysa sa trabaho ko. Lalo na ngayon. Nasa stage sila na kailangan ng kalinga at pagmamahal ng kanilang ama kaya hindi ko sila pagkakaitan ng mga iyon. Babawiin ko ang mga araw na hindi ko naalaagaan noon ang naunang kambal kasama ng bagong kambal namin."Ang aga mo na naman." Humaplos naman ang kamay niya sa pisngi. Nilingon kaya naman ginawaran ko siya ng halik sa labi bago muling ibinaling ang paningin
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:...."Where are they? Can I see them?" tanong niya ng magising siya matapos ang anim na oras siyang tulog magmula kaninang natapos ang operasyon."Of course my love." Nakangiti kong sagot. Niyuko ko muna siya at ginawaran ng halik sa labi at binulungan. "Thank you so much my Love. I love you.""I love you too." Sabay tango."Sandali lang my Love." Hindi naman malayo sa kama niya ang crib ng kambal kaya agad ko ding nahila iyon palapit sa kanya.Hindi pa kasi siya makakilos ng maayos dahil mabigat pa ang katawan niya dahil epekto ng anesthesia na magtatagal ng 24 hours sa katawan niya para maibsan ang ang sakit sa sugat niya.After the anesthesia last ay doon ko naman siya bibigyan ng ibang pain reliever. Okay lang sa kanya sa gamot na malalakas para agad siyang gumaling at maghilom ang sugat niya dahil hindi naman siya magpapagatas at hindi iyon makakaapekto sa kanya."Here they are." Nakangiting sabi ko. Maingat na binuhat ang isa at maayos din na in
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE:...."My love. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya ng gabing hindi siya mapakali at parang namimilipit na sa sakit.Bigla akong kinabahan dahil para na siyang manganganak. Pero isang linggo pa ang hihintayin namin para sa operasyon niya."M-manganganak na yata ako." Halos hindi siya makapagsalita at ng tignan ko siya sa mukha ay maluha luha siya."A-ano. S-sandali. A-ano ba ang gagawin ko. W-wait." Halos hindi ko na alam ang una kong gagawin dahil nataranta na ako.Napasigaw pa ako na tinawag si Yaya Silvana. Ewan ko na lang kung narinig ako dahil nakasarado naman ang pintuan ng silid namin at nasa baba pa sila."A-ang sakit na. K-Lancer..""W-wait. M-my love naman eh. S-sandali. S-sandali." Ako pa yata ang nahihirapan. Mabilisang kumuha ako ng damit sa kabinet at hindi ko na alam kung tama ba ang pagkakasuot ko."A-ano? Saan ang masakit?" Tanong ko pa. Hahaplos ako sa pisnhi niya. Lilipat sa tiyan niya. Hindi ko tuloy alam kung saan ko siya hahawakan.







![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)