Home / Romance / The Chosen Wife Of The Billionaire / CHAPTER 4: Couple ring, 24 karat diamond!

Share

CHAPTER 4: Couple ring, 24 karat diamond!

Author: Ellise
last update Huling Na-update: 2025-03-13 03:16:13

ELLISE Pov:

"Congratiolation mga apo."

Nakangiti pang bumaling sa akin ang lolo ni Sir Nathan na masuyong humawak pa sa mga palad ko.

"Ito ang numero ko. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." sabi pa nito sabay abot sa akin ng calling card. "At ikaw Nathan, huwag na huwag ko lang malalaman na papaiyakin mo si Ellise." sabi ng lolo niya ng bumaling ito sa kanya.

Hindi parin nawawala ang kunot noo at pagkakasalubong na mga kilay niya habang nakatingin siya sa akin.

"May magagawa pa ba ako, lolo?" patanong na tugon niya kaysa sang ayunan ng maayos ang sinabi ng lolo niya.

Binawi ko ang tingin ko mula sa kanya dahil para na niya akong kinakatay ng buhay sa klase ng kislap na nakikita ko sa kanyang mga mata.

Napalunok na naman ako. Parang gusto ko pang magtago sa likuran ng lolo niya para maiwasan ang mga pares ng mga matang iyon.

"Heto naman ang regalo ko sayo." sabi ng lolo niya na may hinugot pa sa bulsa ng suit nito.

"At para saan naman ang ticket na iyan lolo? Alam kung gaano ako kaabala sa mga negosyo ko."

"At para saan pa ba sa tingin mo? Syempre para sa honeymoon niyo."

Kung kumakain lamang siguro ako ay baka nabilaukan na ako sa sinabi ng lolo niya.

Sa pagsulyap ko sa kanya ay napansin kong mas nagkasalubong ang mga kilay niya na nakatingin parin sa akin.

Ngunit hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagngisi niya na para bang sinasabi niya na hindi na masama ang sinabi ng lolo niya.

"Sa pagmamanipula mo sa akin lolo ay iyan lang sa mga nagustuhan ko. Bakit nga ba hindi? Kasal na kami kaya magagawa ko ang lahat ng gusto ko."

"Bata ka, oo." inihampas naman ng lolo niya ang hawak na ticket sa kanyang braso ngunit hindi niya iyon iniwasan.

Nakatingin lamang siya sa akin at sa mga mata niya ay nandoon ang nagsasabing humanda na ako.

Gusto kong ibaling sa iba ang paningin ko ngunit parang may kung anong magneto na hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kanya

"Hindi ka pa ba aalis lolo? Dahil parang gusto ko ng soluhin ang asawa ko." pagtataboy na niya sa kanyang lolo ngunit sa akin parin siya nakatingin.

"Basta ang bilin ko sayo. Huwag mo ko lang malala..."

"Bye, lolo. Mag ingat kayo sa pag uwi niyo." pagpigil niya sa mga sinasabi pa nito. "Benny, mag ingat ka sa pagmamaneho." kuway pagbaling nito sa personal bodyguard ng lolo niya.

Hindi na din sila nagtagal matapos muli akong batiin ng kanyang lolo.

Parang gusto ko pang sumunod sa kanila palabas huwag lamang maiwan kasama niya.

.....

Katahimikan. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng opisina niya.

Gayunpaman ay away kong magsalita. Kung napipigilan pa nga sana ang pagtibok ng puso ko ay ginawa ko na.

Ang lakas kasi ng pagtibok ng puso ko. Parang malalaglag pa sa kinalalagyan nito.

"What?"

Napapiksi pa ako ng marinig ko ang may pagkayamot niyang tanong habang nakatingin sa nakasarang pinto at may kumakatok.

"Sir Nathan."

Si Nancy ang nasa labas.

"Ano pang hinihintay mo? Sasabihin ko pa ba na buksan mo ang pinto?" galit na tanong at pagsita niya sa akin ng balingan ako.

Ni-lock kasi niya kanina ang pinto nang makaalis ang lolo niya at naiwan nga kaming dalawa sa loob.

Nagmamadali akong tumayo para buksan ang pinto.

Si Nancy at may mga kasama itong nakauniform na galing pa sa isang jewelry shop.

Niluwangan ko ang pinto para makapasok sila.

"Anong ibig sabihin nito? Sino ang nagpadala sa inyo dito?" dumagundong na naman ang boses niya na tanong sa mga kasama ni Nancy.

"Magandang hapon, Mr. Francisco. Ipinadala kami ng Old Master para ipakita sa inyo at makapili ng singsing ninyong mag asawa."

Ang tinutukoy ng babae ay ang lolo niya mismo.

Hindi naman naapektuhan ang babae na tila ito ang manager ng Jewelry Shop dahil napaka professional kung magkipag usap kahit na sinungitan at pinagtaasan na ito ng boses.

"Leave, now. Huwag niyong hintayin na itapon ko kayo mismo sa labas."

"Napag utusan lang kami at hindi namin pwedeng suwain ang utos mula sa Old Master, Mr. Francisco." tuwid parin itong magsalita.

Kung ako siguro ang nasa kalagayan ng babae ngayon ay baka bumahag na ang buntot ko.

"The fucking hell I care. Umalis na kayo at huwag niyong hintayin na ulitin ko ang maayos na pagtataboy ko sa inyo, dahil kung hindi pa kayo aalis ngayon. Huwag niyo ng asahan na may papasukan pa kayong trabaho bukas." pagtataboy ulit niya na may kasama ng pagbabanta.

"And the old Master told me that no matter what... we can't leave if you can't choose a couple ring. And one more thing... The Jewelry Shop is now owned by the Old Master."

"What? At kailan pa nagkaroon ng Jewelry Shop ang lolo."

"Just one hour ago, Mr. Francisco."

"Damn it." napamura na sinabayan ng pagdabog sa lamesa. "Damn you, old man. Makakabawi rin ako sayo." panumpa pa na nanlilisik ang mga mata niyang bumaling sa akin.

"Ano pang hinihintay mo? Pumili ka na at nang makaalis na sila." pasigaw na utos niya sa akin.

Nanginginig man ang tuhod ko sa nakitang galit sa kanyang mga mata ay agad akong lumapit.

Inisa isa kong tinignan ang mga singsing na kanilang dala.

Hindi ako makapili dahil sadyang napaganda lahat ng mga disenyo. Napasulyap pa ako ulit sa kanya para sana tanungin kung ano ang gusto niya. Ngunit..

"Ano? Danm it, Ellise. Tanungin mo kung ano ang pinakamahal sa mga singsing na iyan at iyon ang piliin mo. Hindi iyan ikakalubog sa hirap ng lolo."

Napayuko na naman ako na binawi ang tingin ko sa kanya.

Dahil narinig naman nila ang sinabi niya ay agad na nagsalita ang babae kanina. At inisa isang sinabi ang mga halaga ng bawat singsing na kanilang dala.

"At this is one of the latest Tiffany diamond ring. It costs four million pesos."

Umiling ako. Sabay kaway ng kamay ko na huwag na nilang ituloy pa. Habang sinasabi nila ang mga halaga ng singsing ay para akong malulula.

Muli ko na lang tinignan ang iba na hindi pa nasasabi kung magkano ang halaga.

Hanggang sa napagtuunan ko ang simlpe lang ang istilo kaya iyon ang itinuro ko.

"Ito na lang." sabi ko sa kanila.

"Good choice, Mrs. Francisco. You chose the latest 24 carat diamond couple ring worth 13 million pesos."

"Huh!" Nanlaki pa ang mata ko sa sinabi nito.

Hindi ko akalain na ang pinakasempleng desenyo pa na napili niya ang pinakamahal sa mga singsing na dala nila.

"Hindi! Hindi! Pipili na lang ako ng iba.. wala bang mas mura?"

"Ellise!"

Halos mapatalon pa ako sa gulat ng marinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanya.

Kunot parin ang nuo ngunit may napansin akong tila pagkaaliw sa kislap ng kanyang mata na nakatingin sa akin.

"Take that. That's all. No more buts."

"Good day, Mr. & Mrs Fracisco. Congrats for both of you." sabi pa ng manager bago sila tuluyang lumabas kasama si Nancy na naging tahimik lang hanggang matapos.

Wala na akong nagawa pa kundi kunin nga nag box ng singsing na napili ko.

Saka ako lumapit sa kanya nang kami na lang ulit dalawa ang naiwan sa loob ng opisina niya.

Nanginginig ang kamay kong inilapag iyon sa harap niya.

"Take that away. Hindi ko iyan kailangan. Kung gusto mo, isuot mong pareho at kung ayaw mo namang isuot ay ibenta mo para magkapera ka." seryusong sabi niya na hindi man lang tinapunan ng tingin ang singsing sa harap niya.

Muli ko na lang iyong kinuha. Baka magalit pa siya kung hindi agad ako kumilos para tanggalin iyon sa harap niya.

"And take that damn paper." saka niya sinulyapan ang marriage Certificate na pinirmahan namin kanina na nasa maliit namang lamesa sa kanan.

"Yes, sir." sagot ko at nagmamadali din iyong kinuha.

Matapos ko iyong kunin ay saka ako tahimik lang na nakaupo sa harap ng lamesa ko.

Nagbasa ng dokumento kahit na wala namang pumapasok sa utak, isa man sa salitang nakasulat sa binabasa ko.

......

Nagpaalam ako ng maayos sa kanya para bisitahin pa ang mama ko bago ito humarap sa operasyon.

Agad naman siyang pumayag kaya narito ako ngayon at nakikipag usap kay mama.

"Ayos lamang ako, hija."

"Ipagdadasal ko na maging maayos at matagumpay ang operasyon mo mama."

"Salamat, hija."

Tumango ako.

Hawak ni mama ang mga kamay ko na kulong ng mga palad nito.

"Nakahanda na ba kayo Mrs. Santillan?"

Sabay pa kaming napalingon ng marinig namin ang sinabi ng doktor na kakapasok lang.

Ngunit napatitig ako dito at kinikilala dahil hindi ito ang doktor ni mama.

"Ms. Santillan, hello. May dumi ba sa mukha ko at ganyan ang titig mo sa akin?" pabiro pa nitong tanong sa akin ng mapansin na nakatitig nga ako dito.

"Huh! W-wala naman. I mean... Doc. nasaan si doc. Suarez? Hindi ba siya ang mag sasagawa ng operasyon kay mama?"

Ngumiti ang doktor bago nito sinagot ang tanong ko; "Ako ang mag sasagawa ng operasyon ng iyon mama, ms. Santillan."

Napatango na lang ako.

"By the way, I'm Lancer Francisco."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ellise
4: @YuChenXi.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #113:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Pero..g-gutom ako." Nakasimangot na sabi niya sabay haplos sa tiyan niya.Napangiti ako dahil doon. Kinuha sa kanya ang laptop at basta na lang itiniklop iyon at itinabi."Come on. Let's grab a bite to eat." Saka ako bumaba sa kama. Nilahadan siya ng kamay na agad naman niyang tinanggap.Nakaalalay lang ako sa kanya."Palagyan natin bukas ng maraming pagkain ang ref dito sa loob para hindi na tayo bumaba sa kusina.""Sige. Gusto ko mangga! Sampalok! Santol!""My Love naman! Huwag kang kumain ng maasim sa gabi. Mangangasim ang sikmura.""Ehhhh!.""Okay okay!." Tanging nasabi ko na lang. Para kasing kapag hindi ko mapagbibigyan ay magbabago ang mood niya. "Noong naglilihi ka ba sa kambal. Madalas ka din bang nagugutom?" tanong ko pa sa kanya habang bagtas namin ang pasilyo pababa ng hagdan hanggang sa kusina."Hindi naman! Kasi lagi lang naman ako mag isa noon. Kasama ko si Arlyn na si señor mismo ang nagbabayad sa kanya. Pero hindi naman ako pal

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #112:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Really?" Nanlaki pa ang mga mata ng kambal matapos naming ibalita sa kanila na magkakaroon na sila ng kapatid."Tumango kami pareho sabay sabi ng "YES""Yehey! Yehey." Tuwang tuwa na tumayo pa sa ibabaw ng sofa si Frances saka nagtatalon. "Thank you daddy, thank you papa." Sabay yakap sa leeg ko. Si Xaviel naman ay yumakap sa kanya."I like baby sister." Sabi ni Xaviel."Me too. Baby sister siya diba daddy. Papa.""Hindi pa namin alam baby but soon. Malalaman natin ang gender ng magiging kapatid niyo." Sagot ko.Yumuko pa si Xaviel at itinapat pa ang tainga sa tiyan niya.Sabay kaming napangiti. Kung ano ang sayang nararamdaman ko ay siya ding galak ng dalawa na magkaroon ng kapatid.Isa talagang napakagandang biyaya sa amin ang lahat ng ito. Ang magkaroon kami ng mga sariling anak kahit pa man pareho kaming lalaki.And I will treasure Reallan forever because of this."Ako din. Ako din." Si Frances at yumuko din. Nagbigay daan naman si Xaviel.

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   Just Saying

    **** Mag iiwan lamang ako ng isang kataga!! Na huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong alam mong hindi magiging sayo kahit kailan dahil mas masasaktan ka lang kapag darating ang araw na ikaw ay kanyang iwan!! Huwag kang magmadali! Huwag mong hanapin kundi hayaan mong kusa siyang dumating at ang tadhana ang magbibigay daan para makilala mo ang taong totoong nakalaan para sayo! ******

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #111:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Sir Jason. Nasa sala po ang papa niyo." Narinig ko mula sa labas ng silid ko na nakapagpabalik sa kasalukuyan ang pag isipan ko."Sige. Sabihin mong bababa na ako." Sagot ko dito. Agad naman akong kumilos para labasin ang papa.Ano na naman kaya ang sasabihin ng papa. Hindi sana ako nagkakaganito kung hindi dahil sa kagagawan niya. Kung hindi ako nakinig kay papa ay hindi ako magkakaganito.Oo, kasalanan ko dahil nagpatangay ako sa kagustuhan nito kahit alam kong masama iyon. Sarili kong negosyo pero nagpasakop ako sa kapangyarihan nito at ngayon ay maraming tao ang nadamay. Maraming mga inosente ang nadamay sa katangahan ko. Sa kasalanan ko na ang papa ko ang nagsimula dahil sa ganid nito sa pera.At kapag nalaman ito ni Reallan ay tuluyang mawawala ang kakaunting pagtingin nito sa akin. Hindi man pagmamahal iyon ay ayaw kong mawala iyon kahit papaano. Ayaw kong masira ang tiwalang ipinagkaloob niya sa akin. Kahit pa man alam kong nasabi na l

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #110:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Hi!."Napatingin siya sa akin. Tila kinikilala kung sino ako pero agad ding nagbawi ng tingin at muling iginala ang paningin sa paligid."Ehhh! Nasaan na siya." Tanong niya sabay napakamot ng ulo na parang bata pang tinaguan siya ng taong hinahanap niya. Hindi na niya ako pinansin at nilagpasan na niya ako.Napasunod na lang ang tingin ko sa kanya ng nakapasok mismo sa gate ng Campus namin ng walang kahirap hirap dahil nakasuot siya katulad ng uniform namin.Kahit hindi man niya ako pinansin ay napapangiti na lang ako na nakatingin sa kanya.Ang kyut niya talaga. Noon ko pa siya napapansin. Nakaabang lamang siya sa labasan ng gate ng paaralan namin at may hinihintay. Inaabangan sa araw araw pero hindi ko naman alam kung sino dahil sa dami ng mga estudyante sa paligid.Nawiwili na lang ako sa pagmamasid sa kanya sa malayo kahit na gusto ko ng lapitan pa siya noon pa.At ngayon nagdisesyon na akong lapitan siya at magpakilala sana pero binalewala

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   BOOK 2 #109:

    THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ....Tumingin pa siya sa akin. Nasa mga mata niya ang kislap na talagang umaasang buntis nga ako.Sana nga buntis ako dahil nakikita ko sa kanya na masayang masaya siya kahit hindi pa man napapatunayan."Come on." Untag ko pa sa kanya kaya naman napakurap pa siya. Napatingin sa hawak na transducer bago tumingin ulit sa akin.Tumango ako. Kaya tumango din siya.Nanginginig pa ang kamay na unti unting idinikit sa tiyan ko ang hawak niya. Magaan na ipinapaikot niya iyon at parang may hinahanap.Napatingin na lang ako sa monitor pero wala naman akong makita. Napasimangot tuloy ako at parang nadismaya at ng mapatingin ako sa kanya ay may tumulong luha sa kanyang mga mata na nakatingin sa monitor.Umiiyak ba siya dahil hindi ako buntis? Malamang nga."S-sorry." Nasabi ko na lang. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para mabuntis akong ulit. Nagkamali lang siya ng akala."M-my Love." Napalunok ulit siya na tumingin sa akin. Lumuluha pero nakapaskil s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status