MasukELIISE Pov:
Francisco? Muli akong napatingin dito. "Well, as far as I know... you marr..." "Doc. Francisco... pwede ka bang makausap pa tungkol sa kalagayan ng mama ko." agad akong nagsalita ng babanggitin nito ang tungkol sa naging kasal namin ng pinsan nito. Taas ang isa nitong kilay na tila pa naaliw ang kislap ng mga matang nakatingin sa akin. "Oh! sure, Ms. Santillan. Shall we..." sabay lahad-turo ng kamay nito sa pinto. Nakuha naman nito agad ang gusto kong ipahiwatig kaya nagmamadali akong lumabas. Narinig ko ang mga yabag nitong pasunod sa akin. "Anong maipaglilingkod ko, Ms. Santillan?" "Please, Doc..." "Lancer... Lancer will do." "Mr. Francisco." sabi ko na hindi pinansin ang sinabi nito. Saka hindi ko naman basta ito tatawagin sa pangalan lang. "Okay! Kahit na anong itawag mo. Then..." "Mr. Francisco, kung maari sana ay huwag niyong babanggitin ang tungkol sa kasal sa harapan ng mama ko. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya." Seryuso itong napatitig sa akin. "Why? May problema ba sa kasal mo sa pinsan ko? Oh! Not to mention.. I get it now. Kilala ko ang ugali ni Nathan kaya alam ko na ang ibig mong ipahiwatig. Pero kailan mo naman balak sabihin sa iyon mama ang tungkol sa kasal mo sa pinsan ko?" Hindi agad ako nakasagot. Naibaling ko sa iba ang mga mata ko, hindi masalubong ang tingin nito. "Kapag tuluyan ng gumaling ang mama ko. Sasabihin ko din sa kanya kaya sana ay huwag mong babanggitin sa harapan niya ang tungkol doon, Mr. Francisco." "Okay, as you wish." tumango pa ito sa pagitan ng pagsang ayon sa sinabi ko. "Kung iyan lamang ang concern mo, mauuna na muna ako. Maghahanda pa ako para sa operasyon ng mama mo. Mamaya lang ay may kukuha na sa kanya para dalhin sa operating room." "Maraming salamat, Doc. Francisco." pormal na pasasalamat ko dito. Pagtango na lang ang isinagot nito, itinaas ang kamay nang makatalikod at kumaway habang humahakbang ng palayo. Tanging ang mata ko na lang ang nakasunod sa papalayong pigura ng doktor na pinsan ni Sir Nathan. ...... "Kumusta kayo, lolo?" tanong na may ngiti sa mga labi kong tanong sa matandang tinulungan ko noong nakaraan. Nakita ko ito sa kalagitnaan ng palengke na nadukutan. Walang ibang taong tumulong dito kaya ako na mismo ang nagpasya na tulungan at dalhin ito sa hospital nang makita kong inaatake pa ito ng puso. "Maayos lamang ang kalagayan ko, apo. Inaalagaan naman ako ng maayos ng mga nurse na tumitingin sa akin." "Mabuti naman kung ganun, lolo. May dala pala akong pagkain, kumain na muna kayo." pag aalok ko ng pagkaing dala ko nang matapos ko iyong ilagay sa pinggan at ilapag sa bed tray. "Kumusta pala ang mama mo, apo?" "Kasalukuyan po siyang nasa operating room, lolo. Kaya habang naghihintay ako na matapos ang operasyon ni mama. Ay uuwi na muna ako ng bahay, maglilinis para kapag nakalabas na si mama ay magiging komportable ito sa pagpapagaling niya." "Bakit hindi ka na lang magbayad ng maglilinis apo para makapagpahinga ka naman. Nakikita ko sa mga mata mo na parang pagod na pagod ka na." "Okay lamang ako, lolo. Saka sanay na din naman ako." "Pero..." "Nga pala lolo, saan pala kayo uuwi kapag nadischarge na kayo bukas?" tanong ko pa para pigilin na ang pag aalala nito sa akin. Natahimik ito. Binawi ang mga mata nito sa akin na para bang hindi alam kung ano ang isasagot. Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka muling nagsalita. "Kung hindi niyo parin maalala kung saan kayo nakatira, bakot hindi na lang po kayo sa amin titira hanggang sa may maalala na kayo sa mga kamag anakan niyo." nakangiti kong pag aalok dito. Agad naman itong bumaling na umaliwalas pa ang mukha. "Talaga, apo? Napakabuti mo talagang bata. Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo." "Huh!" kunot ang noo kong napatitig dito. "A-ang ibig kong sabihin ay napakaswerete ko talaga dahil ikaw ang nakakita sa akin." pagtatama nito sa sinabi. "Oh!" Kasabay ng pagtango ko. "Kumain na muna kayo lolo. Lumalamig na ang pagkain. Para makainum na din kayo ng gamot. Mamaya lang ay uuwi na din ako ng bahay." "Sige, apo. Salamat ulit." Naging magana naman ang matanda sa pagkain habang pasulyap-sulyap ako dito habang kumakain. Hinintay ko itong matapos sa pagkain bago ko ito iniwan at umuwi ng bahay. ..... Palabas pa lang ako ng hospital ng makatanggap ako ng tawag kay Sir Nathan. "Kailangan kita ngayon dito." Iyon lang ang narinig kong sabi niya sa kabilang linya at agad din iyong binaba. Kunot ang noo ko na napatitig na lang sa cellphone na hawak ko. Hindi man lang niya ako hinintay na makasagit man lang. Kahit ni ah, o ni eh man lang sana dahil binaba na niya ang linya. Napasimangot akong binalik ang cellphone sa bag ko. Ang balak ko sanang paglilinis sa bahay ay napornada pa dahil sa pagtawag niya. "Kagigil." pagmamaktol ko. Nagagawa ko lang namam ang magmaktol kung wala siya sa harapan ko. Ngunit kapag nasa harapan ko na siya ay para ko ng nalunok ang sarili kong dila. Halos ang lagi ko na nga lang sinasabi at isinasagot sa kanya ay: Yes, Sir. po.. at opo, sir. Paulit ulit lang iyon na tugon ko sa kanya saka na lang ako makakapagsalita ng mahaba kung mayroon talagang kailangang ipaliwanag sa kanya tungkol sa negosyo. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Pumara ng taxi para mabilis na lang akong makarating ng kumpanya. Hindi ko na inisip ang maitatabi ko pa sanang pera kung tricycle lang ang sasakyan ko. Sa kanya naman nanggagaling ang pamasahe ko kaya kahit minsan lang ay masulit ko iyon. Nakarating ako sa kumpanya pagkalipas ng dalawampu't limang minuto. "Damn it” Napapiksi ako sa gulat habang nakatayo ako sa labas ng pinto sa opisina ni sir Nathan. Napalunok pa ako at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa doorknob ng pinto. Papasok na sana ako ng marinig ko ang pagsigaw niyang iyon. "Nasa loob ang ibang mga excecutive member." Napalingon ako kay Nancy ng marinig ko itong magsalita. Sinabi pa nito na personal na ipinatawag sila ni Sir Nathan dahil sa mga hindi magandang performance ng mga proyektong hawak nila. Nanginginig na naman ako sa takot dahil sa pagkarinig ko ng sigaw niya. Kinakabahan dahil nadadalas na ang pagkabugnutin niya. Lagi na lang sumisigaw simula nang malaman niya ang nilalaman ng testamento ng lolo niya. "Ganito ba ang ipapasa ninyong report sa akin? Mga walang kwenta. Sinasabi ko sa inyo. Kung hindi niyo magawan ng paraan ang mga proyekto niyo. Pwede na kayong magbalot at umalis ng kumpanya ko.” dumadagundong na sigaw ni sir Nathan sa loob ng opisina niya na dinig halos ng buong gusali. "Y-yes, Mr. CEO.” Narinig kong sagot nila na hindi maitago sa tono ng boses nila ang takot sa kanya. Nawalan ng silbi ang paghihirap kong ayusin ang trabaho ko dahil na rin sa testamento ng lolo niya. Hindi ko kasi alam kung bakit ako pa. At kaya siya galit na galit ngayon. Ibinabaling sa iba ang galit niya na hindi maipakita sa lolo niya Kahit na marami ang humahanga at napapabilib sa akin dahil ako pa lang daw ang PA na na katagal sa ugali niya. At halos tatlong beses na magpalit ng PA sa isang buwan dahil hindi nagtatagal ng iba ang ugali niya. Hindi naman din sana ako magtitiis kung hindi ko kailangan ng malaking halaga. Malaking halaga na kailangan ko para sa pagpapagamot ni mama na nasa hospital ngayon na may sakit na uraemia. Kung saan kailangan ni mama na maoperahan sa kidney ngunit wala akong ma paunang bayad noon sa hospital kaya hindi maisagawa ang operasyon dito. Lalong hindi na ako makakaalis ngayon dahil natali na ako sa pinirmahan naming kontrata. Hindi na lang ako basta PA niya. Kundi ako ang pinili ng kanyang lolo na maging asawa niya. "Get out. At huwag kayong babalik kung wala kayong magandang balitang sasabihin. At inuulit ko sa inyo, bukas ang pinto ng kumpanya para sa inyo.” Agad namang tumalima ang nasa loob para lumabas. Mabilis naman akong tumabi ng bumukas ang pinto mula sa loob. Napatingin ang mga ito sa akin ng may pag iling bago nila ako nilagpasan. Nanginginig man ang mga tuhod ko ay humakbang na din ako papasok sa loob. “Sir Nathan.” Pagtawag ko ng pansin sa kanya habang naka tungkod ang siko niya sa lamesa at hinihilot ang sintido. Umangat ang mukha niya at tumingin sa akin. Tulad ng dati ay halos isang linya na naman ang mga kilay niya. Ilang sigundo din aiyang tahimik bago tumayo sa kinauupuan. "Naipahanda ko na ang bahay na lilipatan ng mama mo matapos ang kanyang operasyon. Para hindi na ito bumalik sa maliit at maruming apartel na tinitirahan niyo." sabi niya na humakbang pang palapit sa akin at tumigil sa harapan ko. Napatangila ako dahil sa tangkad niya na umabot lang ang tangkad ko lagpas lang ng kaunti sa balikat niya. "Pero hindi naman kailangan na lumipat kami, sir." sagot ko para tanggihan ang pag aalok nito ng bahay na lilipatan namin ni mama. "Kami?" pang uulit niya sa huling katagang binanggit ko. "Nagpapatawa ka ba, Ellise? Baka nakakalimutan mo na kasal na tayo at nakasulat sa nilagdaan mong kontrata na titira ka mismo sa bahay ko." malamig ang tono niyang ipinaalala sa akin ang nakasaad sa kontrata. Oo nga pala, kasal na ako sa kanya at malinaw sa nabasa ko na kung saan siya nakatira ay doon din ako para maiwasan na maghinala ang lolo niya.THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."She is here to see you." Sagot naman ng lolo.Ang tanong na iyon kung sino ang tinutukoy nila ay ang mismong mama ni Lancer na ngayon ay nakatingin na sa akin ng tuluyan akong makapasok."Come here, apo." Tawag na ng lolo sa akin na parang ayaw ko ng humakbang.Hindi naman sa takot ako pero alanganin parin ako dahil ayaw kong makipagtalo dito kung sakali.Iniisip ko pa lang naman ang pakikipag usap dito pero hindi naman iyong ganito kaaga.Hindi pa nga ako nakakapaghanda."Maghanda ka na ng meryenda Benny. Anong gusto niyo mga apo. Baka gusto niyong samahan ang tito Benny niyo." Sabay tayo at hinawakan sa magkabilang kamay ang kambal."Sige, lolo. Tara na, Frances." Aya naman ni Xaviel sa kambal."No! Hindi ko iiwan si Daddy sa witch na iyan." Sabi pa nito. Hindi talaga makalimutan ang nangyari noong una kaming nagkakaharap."Frances. Hindi maganda ang ganyang ugali.""But lolo. That witch slapped daddy.""Yeah! I know that apo. Kaya nga nandit
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ....Dahil sa pakiusap ko kay Lancer na tulungan si Jason na gumaan ang hatol sa kanya ng husgado ay agad na nakalaya at ang ama nito ang nakakulong ngayon para pagbayaran ang kasakiman sa kayaman.Sa una ay nainis na naman siya sa akin dahil bakit ko daw kailangan tulungan si Jason.Keso ba mahal ko si Jason. Keso daw hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko dito.Pero hindi naman niya ako nahindian. Kaunting paliwanag at lambing ko lang sa kanya ay agad ko naman siyang mapapapayag.Ang lagi pa nga niyang sinasabi sa akin."Kung hindi lang kita mahal. Naku."Hahalik na lang ako sa kanya para mawala agad ang pag sesente niya.Kaya naman tuluyan ng nagkaroon ng linaw ang lahat. Ang kompanya ni Jason ay nabalik sa kanya at pumayag na si Lancer na ibenta ang share niya kay Jason para tuluyan na daw mawala ang koneksyon ng dalawa at bahala na lang si Jason doon. Pero nag iwan parin siya ng 25% na ibinalik kay señor iyon at sila na lang daw ang bahala.Na
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Pero..g-gutom ako." Nakasimangot na sabi niya sabay haplos sa tiyan niya.Napangiti ako dahil doon. Kinuha sa kanya ang laptop at basta na lang itiniklop iyon at itinabi."Come on. Let's grab a bite to eat." Saka ako bumaba sa kama. Nilahadan siya ng kamay na agad naman niyang tinanggap.Nakaalalay lang ako sa kanya."Palagyan natin bukas ng maraming pagkain ang ref dito sa loob para hindi na tayo bumaba sa kusina.""Sige. Gusto ko mangga! Sampalok! Santol!""My Love naman! Huwag kang kumain ng maasim sa gabi. Mangangasim ang sikmura.""Ehhhh!.""Okay okay!." Tanging nasabi ko na lang. Para kasing kapag hindi ko mapagbibigyan ay magbabago ang mood niya. "Noong naglilihi ka ba sa kambal. Madalas ka din bang nagugutom?" tanong ko pa sa kanya habang bagtas namin ang pasilyo pababa ng hagdan hanggang sa kusina."Hindi naman! Kasi lagi lang naman ako mag isa noon. Kasama ko si Arlyn na si señor mismo ang nagbabayad sa kanya. Pero hindi naman ako pal
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Really?" Nanlaki pa ang mga mata ng kambal matapos naming ibalita sa kanila na magkakaroon na sila ng kapatid."Tumango kami pareho sabay sabi ng "YES""Yehey! Yehey." Tuwang tuwa na tumayo pa sa ibabaw ng sofa si Frances saka nagtatalon. "Thank you daddy, thank you papa." Sabay yakap sa leeg ko. Si Xaviel naman ay yumakap sa kanya."I like baby sister." Sabi ni Xaviel."Me too. Baby sister siya diba daddy. Papa.""Hindi pa namin alam baby but soon. Malalaman natin ang gender ng magiging kapatid niyo." Sagot ko.Yumuko pa si Xaviel at itinapat pa ang tainga sa tiyan niya.Sabay kaming napangiti. Kung ano ang sayang nararamdaman ko ay siya ding galak ng dalawa na magkaroon ng kapatid.Isa talagang napakagandang biyaya sa amin ang lahat ng ito. Ang magkaroon kami ng mga sariling anak kahit pa man pareho kaming lalaki.And I will treasure Reallan forever because of this."Ako din. Ako din." Si Frances at yumuko din. Nagbigay daan naman si Xaviel.
**** Mag iiwan lamang ako ng isang kataga!! Na huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong alam mong hindi magiging sayo kahit kailan dahil mas masasaktan ka lang kapag darating ang araw na ikaw ay kanyang iwan!! Huwag kang magmadali! Huwag mong hanapin kundi hayaan mong kusa siyang dumating at ang tadhana ang magbibigay daan para makilala mo ang taong totoong nakalaan para sayo! ******
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Sir Jason. Nasa sala po ang papa niyo." Narinig ko mula sa labas ng silid ko na nakapagpabalik sa kasalukuyan ang pag isipan ko."Sige. Sabihin mong bababa na ako." Sagot ko dito. Agad naman akong kumilos para labasin ang papa.Ano na naman kaya ang sasabihin ng papa. Hindi sana ako nagkakaganito kung hindi dahil sa kagagawan niya. Kung hindi ako nakinig kay papa ay hindi ako magkakaganito.Oo, kasalanan ko dahil nagpatangay ako sa kagustuhan nito kahit alam kong masama iyon. Sarili kong negosyo pero nagpasakop ako sa kapangyarihan nito at ngayon ay maraming tao ang nadamay. Maraming mga inosente ang nadamay sa katangahan ko. Sa kasalanan ko na ang papa ko ang nagsimula dahil sa ganid nito sa pera.At kapag nalaman ito ni Reallan ay tuluyang mawawala ang kakaunting pagtingin nito sa akin. Hindi man pagmamahal iyon ay ayaw kong mawala iyon kahit papaano. Ayaw kong masira ang tiwalang ipinagkaloob niya sa akin. Kahit pa man alam kong nasabi na l







