MasukGamit ang batong Crisante ay muli na namang binisita ni Hannah ang Guzen. Isinama niya si Hadassa at ang inang si Linosa.Napagkasunduan nilang alamin kung ano ang kinalaman nina Prinsesa Samerah, Inang Reyna Liana, at Haring Jehu sa panaginip ni Hadassa.Agad silang nagtungo sa palasyo ni Inang Reyna Liana. Ang pagbisita sa inang reyna ang naisip nilang paraan upang makagalaw sa Guzen."Ipagpaumanhin po ninyo, Dukesa Linosa, ngunit kaaalis lamang ng Inang Reyna Liana." Pagbibigay-ulat ng tagapaglingkod na tinawag ng palace guard upang umistima sa kanila.Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa nasabi ng tagapaglingkod."Ganoon ba?" tanong naman ng mama nila."Opo, Dukesa.""Kung gayon ay babalik na lamang kami sa ibang panahon." Paalam pa ng mama niya.Nagkatinginan na lamang sila ng big sister niya. Tinitimbang nila kung ano ang susunod na gagawin base sa sitwasyon."Sayang naman po ang inyong inilakbay, Dukesa. Ang mahal na inang reyna ay nagtungo lamang po sa palasyo ng Mahal n
Hindi sumama si Hulda sa kaniyang ina at mga kapatid.Nagpaiwan siya sa kanilang fortune teller cabin sapagkat ipinagbilin sa kaniya ng kanilang papa na bantayan iyon.Habang naglilinis sa silid ng kanilang papa ay naririnig niya ang nilalaman ng isipan nito."Ilang Melyntor days na lamang at mararating ko na muli ang Fukused. Napakamasagana ng lupaing iyon. Kapag nakauwi ako ng Melyn ay yayayain ko si Linosa na mamalagi doon ng sandaling panahon." Narinig niyang bulong ng isip ng ama.Napangiti siya at naupo sa higaan ng ama. "Nakatutuwa kung paano alalahanin ni Papa si Mama. Kung naririnig din sana ni Mama ang laman ng isipan ni Papa ay tiyak na mamumula ang magkabila niyang pisngi!" Napapahagikgik niyang saad sa sarili.Kahit matatanda na ang kaniyang mga magulang ay naaaliw pa rin siya kung paano magpahayag ng pag-ibig sa isa't isa ang mga ito. Nakita niya na mapalad ang mga ito sa pagkakaroon ng matibay na relasyon."Hindi ko tiyak kung ipahihintulot ng Lord Father Adonai na mak
Minabuting ihatid sina Hadassa ng kaniyang amang si Nahor sa isang hardin kung saan nila napagkasunduang mamasyal. Ang lugar ay may maraming tanim na Melyn flowers tulad ng Melyn bells at Orin grass.Tahimik sa naturang lugar at maaliwalas."Uuwi kaagad ako matapos ang digmaan sa Fukused," pangako ng papa niya sa kanila habang nakatingin sa mama nila.Niyakap ito ni Linosa. "Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay, mahal ko."Gumanti naman ng yakap dito ang papa niya. "Pangako, mag-iingat ako."Nagsilapit silang magkakapatid sa kanilang mga magulang at isa-isang yumakap sa papa nila."Ikaw na ang bahala sa fortune teller cabin at sa mga kapatid mo, Hulda," bilin nito sa eldest sister niya.Tumango naman si Hulda. "Makakaasa ka, Papa."Bumaling naman sa kaniya ang papa niya. "Hadassa, anak ko, huwag mong hahayaang makawala sa paningin mo ang youngest sister mo. Palagi mo siyang paaalalahanang huwag hingian ng malaking halaga ang mga dayuhan."Tumingin muna siya kay Hannah bago bumulong sa a
Kasalukuyang kumakain ang buong mag-anak ni Nahor isang noon-hour sa kanilang fortune teller cabin."Ako ay nalulugod para sa tuluyan mong paggaling," saad ni Nahor habang hinihimay ang pagkain nito. Kausap nito ang asawang si Linosa.Gumanti ng ngiti si Linosa at sumang-ayon, "Alay ko sa inyong lahat ang paggaling ko. Mahabang panahon din akong naging pasanin sa inyong lahat."Inabot ni Nahor ang kamay ng asawa at umiling. "Hindi ka pasanin sa amin ng mga anak natin. Ikaw ang pinakamahalaga sa amin. Masaya kaming inaalagaan ka."Nagkatinginan sina Hulda at Hannah.Napayuko naman si Hadassa at nagsubo ng pagkain. Marahan siyang ngumunguya nang maramdamang sinipa ni Hannah ang kanan niyang paa.Muntikan pa siyang masamid at pasimpleng tinitigan ang bunsong kapatid.Napuna niya ang pagbikas nito na walang lumalabas na tinig. Ngunit nabasa niya ang sinasabi ng bibig nito."Tanungin mo na si Mama tungkol sa panaginip mo," nakakunot ang noong pag-unawa niya sa nais nitong ipahiwatig.Agad
"Older Brother!" tawag ng sixteen Melyntor years old na si Prinsesa Samerah sa kapatid.Kalalabas lamang niya ng silid at ang mga tagapaglingkod na naman ang una niyang nasilayan."Isang masayang morning hour sa iyo, Prinsesa Samerah! Ang mahal na Prinsipe Jehu ay nasa kaniyang pagsasanay." Magiliw na bungad sa kaniya ni Chai, isa sa pinakabatang tagapaglingkod ng palasyo.Inirapan niya ito. "Paano mo naman nalaman na nasa kaniyang pagsasanay ang aking kapatid? Sinusubaybayan mo ba siya?"Batid niyang namula ang mga pisngi ng tagapaglingkod dahil sa tanong niya.Nataranta ito at nagwika, "Hindi po, Prinsesa Samerah! Nagpunta kasi rito sina Prinsipe Nimrod at Prinsipe Chezedek. Hinanap nila ang inyong kapatid sapagkat sila ay nakatakda raw na magsanay ngayon."Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Bumuntong-hininga siya bago nag-usisa. "Kanina pa ba sila umalis?""Hindi pa po nagtatagal, Prinsesa."Mang-uusisa pa sana siya nang mapuna ang isa pang
Kinailangan ni Reyna Milcah na magpunta ng Way Kingdom upang damayan si Inang Reyna Liana. Malubha na ang karamdaman ng anak nito na si Haring Jehu.Mula nang maging reyna siya ay naging adbokasiya na niya ang damayan ang mga kapwa reyna maging mga inang reyna sa ano mang pasanin ng mga ito. Prinsesa pa lamang siya ay natunghayan na niya ang mga paghihirap na kinaharap ng kaniyang ina na si Reyna Qinlan.Tumatak sa kaniyang isipan na kaakibat ng pagiging reyna ang pagiging ina ng buong kaharian. Kailangang manatiling matatag upang tulungan ang hari.Ngunit ang mga reyna at inang reyna ay mga Mortan lamang. Para sa kaniya, ang mga tulad ni Inang Reyna Liana at Reyna Qinlan ay nararapat ding makaranas ng suporta mula sa iba pang reyna at inang reyna."Handa na po ang karwahe ninyo, Reyna Milcah." Pagbibigay-alam ni Lexie.Itinigil ni Reyna Milcah ang pagsusuklay na buhok. Nilingon niya ang first-ranked attendant."Salamat, Lexie. Sabihan mo si Harvan na mauna na sa karwahe. Hinihintay k
Si Hannah ay abala sa pagpapakain ng mga alaga niyang Melyn sheep nang marinig ang pagtawag ni Hadassa."Youngest Sister!"Napabuntong-hininga siya at bumulong sa sarili, "Nariyan na naman siya upang mangumbinsi.""Youngest Sister," masayang bungad nito nang makapasok sa kulungan ng mga Melyn sheep
Bumisita si Arahab sa bagong palasyo ni Reyna Milcah. Labis ang kaniyang pagkatuwa dahil sa Light Kingdom na rin ito naninirahan. Mayroon na siyang bibisitahin na matagal nang kakilala at mapagkakatiwalaan. Ito ay isa na ring kapatid para sa kaniya."Mabuti at ikaw ay naparito, Prinsesa Anarah. Pak
Nang matapos makipag-usap sa kaniyang ina ay nagpasya si Anarah na hindi na muna pumasok ng kanilang witch cabin.Ayaw niyang mapuna ng mga nakababatang kapatid na mayroong bumabagabag sa kaniyang isipan."Hindi nararapat na makadagdag pa ako sa suliranin ng aking mga kapatid. Sapat nang ang aming
Ilang sandali ring naghintay si Prinsipe Jeto sa palasyo ni Haring Yusef. Mahalaga ang usaping ibabahagi niya sa mga hari kaya minabuti niyang manatili kahit hindi niya tiyak ang panahon ng pagdating nina Haring Yusef."Prinsipe Jeto, ang mahal na Haring Yusef at si Haring Chezedek ay dumating na."







