เข้าสู่ระบบTulala lang si Mark sa kaniya, ni hindi natuloy ang pagkakalikot niya sa kaniyang cellphone. Ilang saglit pa ay salitan na ang pagtingin niya sa akin ni Hendrix habang medyo nakaawang na ang kaniyang bibig. Mayamaya pa ay bumaba ang tingin niya sa daliri ko kung saan ang engagement ring na bigay ni Hendrix."A-Ah... ganoon ba? Pasensya na," nauutal na sabi ni Mark, halatang nahiya. "Sige, Hiraya... una na ako. Nice seeing you again."Nang makaalis na si Mark ay saka ko hinarap si Hendrix na ngayon ay madilim pa rin ang ekspresyon habang nakatanaw sa dinaanan ni Mark. "Ano na naman ‘yun? Tinakot mo na naman!" sermon ko kahit ikinatuwa ko naman talaga ang pagsingit niya dahil hindi ko alam paano idi-decline ang paghingi ng isang ‘yun sa numero ko.Binalingan niya ako pero ganoon pa rin, madilim ang ekspresyon. "You didn't even remember his name, you were lying to his face just to be nice. And he was trying to ask you out for coffee right in front of me."Napatigil ako saglit. Napaawan
“Uhm, sure sure," agad kong sagot sa tatlo bago pa nila mapansin ang demonyo. "Salamat po!" mabilis na tumayo sa gilid ko ang dalawang lalaki para magpose sa camera habang ang isa ang may hawak naman sa cam para sa litrato.Dahil siguro sa tuwa ng mga lalaki, medyo napadikit sa akin 'yung isa. Bago pa man makapindot ang kumuha ng litrato, may mabilis nang sumingit na braso sa oagitan namin nung lalaking nakadikit sa akin. Pagtingin ko'y kay Hendrix ito. Hindi lang iyon dahil marahan pa niyang itinulak ang lalaki palayo sa akin."Maintain your distance," malamig niyang sabi sa tatlo, mas matalim na ang paraan ng pagtingin niya. Sabay-sabay na natigilan ang tatlo, maging ako ay ganoon din. “I'm with her, in case you guys didn't know,” suplado pa niyang dugtong.Napilitan akong tumawa para mapunta agad sa akin ang atensyon ng tatlo. “Uhm, I'm with my fiancée kasi. You know, quality time. Sige na, picture na tayo,” sabi ko.Dahil siguro sa inasta ni Hendrix ay nawala ang excitement ng
Habang nilalapag ni Hendrix ang isang plato ng Pancakes sa tapat ko, hindi ko pa rin maiwasang tignan ang mukha niya. Kumuha siya ng dalawang tasa ng kape saka naupo sa tapat ko."Eat," tipid niyang utos bago hinigupan ang kaniyang kape.Kumuha ako ng tinidor at tinikman ang gawa niya. Napaka— ang galing lang kasi masarap ang gawa niya! Jusko, kaya pala mayabang kasi may ipagyayabang naman pala! Isama mo pa na walang sunog sa mga gawa niyang pancakes. Naalala ko, noong sinubukan ko dati na gumawa, sunog lahat e!"Anyway, naisip ko lang, ano kaya ang gagawin mo rito kapag natapos na ang kasunduan natin?" pag-iiba ko sa usapan bago ako hindi makapagpigil at puri-puriin siya. No way! I won't do that! "I mean, oo, sanay ka naman na mag-isa pero ano nga mangyayari sa'yo? Mag-isa ka ulit ganoon?"Napatigil siya sa pag-inom ng kape at tinitigan ako nang malamig. "Why are you thinking about the end of the contract? We still have a long way to go.""Nagtatanong lang naman!" depensa ko agad sab
Napatango ako. "Okay… so bakit? I mean, bakit mo naman ako hinihintay? Hindi naman na kailangan," kibit ko ng balikat. Inilayo niya ang kaniyang swivel chair mula sa desk at itinapik ang kaniyang lap gamit ang kaniyang malaking palad. "Come here."Ikinagulat na naman niya ako. Heto na naman siya sa sakit niya, jusko! Kay aga-aga, gaganito siya?Pinaningkitan ko siya imbes na sundin agad siya. "Ayaw ko nga. Ano ako, aso na susunod agad kapag tinawag mo?""I said come here, Morana. Don't make me stand up and drag you over," banta niya at talagang seryoso siya. Bigla tuloy sumagi sa utak ko ang kagabi, ‘yung pagtatampo niya bigla nang hindi ko siya binigyan ng goodnight kiss. Bago pa bumulwak ang tawa ko ay pinigilan ko na. Lumapit na ako sa kaniya. “Hm, ‘kay…” pagsang-ayon ko. Mahirap na. Baka mamaya ay magtampo na naman. Nang nasa mismong gilid niya ako ay mabilis niyang hinatak ang kamay ko dahilan para mapaupo ako agad sa kandungan niya. Para hindi mawala sa balanse, awtomatiko a
Ilang minuto rin ang lumipas na tanging ang tunog lang ng malalalim naming paghinga at ang mabibilis na paglapat ng mga labi namin ang naririnig sa loob ng silid. Nang maramdaman niyang halos wala na akong lakas at nanginginig na ang mga braso ko sa pagkakayakap sa leeg niya, saka siya kumalas sa halik.Tinitigan na naman niya ako sa mga mata na para bang may gusto siyang ipahiwatig. Ilang saglit ay bumaba ang tingin niya sa labi ko. Hinaplos niya iyon bago siya umalis mula sa pagkakadagan sa akin. Totoo ngang hanggang kiss lang!"Now... good night," wika niya pagkahiga sa tabi ko. Hinila pa niya ako palapit sa kaniya saka niyakap sa bandang tiyan.Masama ko siyang tiningnan kahit hindi naman ako galit sa kaniya. “Minsan talaga hindi na kita maintindihan." "Same,” agap niya. "I just gave you what you were asking for, that's all. You wanted a kiss then I gave you more than enough. So now, rest and sleep." Umawang saglit ang bibig ko sa pambabaliktad niya sa akin pero sa huli ay nata
"I-Ito na... mag-go-goodnight kiss na," pautal-utal kong sabi habang nakatitig sa mga mata niyang sobrang dilim, nakapaibabaw pa rin siya sa akin.Pero imbes na ikatuwa niya ang sinabi ko tutal iyon naman ang gusto niya, pero hindi iyon ang nangyari. Sinubukan Kong iangat ang ulo ko para idikit ang mga labi ko sa labi niya, pero bago pa man dumampi ang akin sa kaniya, bahagya niyang inilayo ang mukha niya sabay ngisi sa akin ng madilim. Ano ba'ng problema ng isang ‘to?!"Later…" aniya sa pabulong na boses. Dahil magkatapat ang mga labi namin, ang kaniyang mainit na hininga ay direktang tumatama sa mukha ko. "You had your chance earlier but you chose to ignore it. Now, I prefer a much better way to quiet you down."“What do you mean?" takang tanong ko, bahagyang kumunot ang noo ko kahit may ideya na ako kung ano ang nasa isip niya. "Sabi mo goodnight kiss lang?!""Yeah but you laughed at me," sagot niya sa mababa pa ring boses, itinukod niya ang dalawa niyang siko sa magkabilang ulo ko
"Blow job? What the hell is that?! You mean blowing some dust? Bakit kailangan ko pang i-blow gamit ang bibig ko? Wala ka bang air dust blower? O kaya vacuum cleaner?!"Sunod-sunod na asik ko habang nakapamewang sa harap ng lamesa niya. I mean, hello? Anong klaseng bilyonaryo ang walang pambili ng
HENDRIX'S POVKahit kitang kita ko ang lantaran niyang pagdadabog, sumunod pa rin siya sa akin pababa sa opisina ko. Bitbit ang kaniyang malaking maleta, matalim siyang nakatingin sa likod ko habang nasa loob kami ng elevator. Siguro sa inis niya'y hindi niya namamalayan na nakikita ko ang repleksy
Napatulala ako sa likod ni Hendrix habang naglalakad siya palayo. Is he insane? Ibig sabihin ba ng working naked ay magwawalis ako nang walang suot? Like, literal na hubad?! My goodness! Ang bastos pala niyang lalaki kung ganun?! Pero teka, sinabi din niyang malawak ang kwarto niya? Ibig sabihin b
"I’m sorry, Miss Hiraya, but we have a court order."Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking naka-barong na nasa harap ng aming mansyon. It’s a sunny Tuesday, for goodness’ sake! Dapat ay nagpapa-pedicure ako ngayon habang umiinom ng iced latte, hindi nakikipag-talo sa pangit na n







