MasukHENDRIX'S POV
Kahit kitang kita ko ang lantaran niyang pagdadabog, sumunod pa rin siya sa akin pababa sa opisina ko. Bitbit ang kaniyang malaking maleta, matalim siyang nakatingin sa likod ko habang nasa loob kami ng elevator. Siguro sa inis niya'y hindi niya namamalayan na nakikita ko ang repleksyon niya sa harap ko.
Pagkarating namin sa opisina ay agad akong naupo sa swivel chair ko. Hindi ko siya tiningnan nang pumwesto siya sa harap ko. Sa halip ay nagkunwari akong may kinakalikot sa iPad ko.
“What's next? Nasaan na ang sinasabi mong blow job?” maarte niyang tanong.
“Kneel," tipid kong utos.
"W-What? Anong luluhod? Bakit naman ako luluhod? For what?!”
Dito ko na siya dahan-dahang tiningnan. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi, marahil dahil sa matinding inis sa akin.
“Kneel. Don't tell me you don't know what that means either?”
Maarte niya akong inikutan ng mata. “Ang ibig ko pong sabihin, bakit po ako luluhod?”
“Just look down, Miss Morana," itinuro ko sa kaniya ang isang kahon na gawa sa kahoy, nasa gilid lang iyon ng lamesa ko.
Kinunutan naman niya ako ng noo. "And?”
"Those are the company's old archive records that need to be encoded tomorrow. They are highly sensitive, so you can't use a vacuum or a wet cloth," malamig kong paliwanag habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon sa mukha niya. "You will manually blow the dust off each page before using the brush. And since the box is low, you need to kneel."
Literal na napaawang ang labi niya. Tumingin siya sa kahon na puno ng makapal na alikabok, tapos ay tumingin ulit siya sa akin.
"B-Blowing dust?" utal niyang tanong. "You mean…”
"Yes. Dust. That’s what I meant, Miss Morana," patag kong sagot, pinapanatili ang seryoso kong mukha. "Tatanggalin mo ang mga alikabok sa pamamagitan ng pag-ihip."
Doon na halos malaglag ang panga niya sa pagkakaawang ng bibig niya. "Seriously?!”
"I'm serious,” agap ko. "You think I'm joking?”
Matagal siyang napatitig sa mukha ko. Siguro ay minumura na niya ako sa isip niya. Pero mayamaya lang din ay inis siyang napasinghap bago padabog na kumuha ng isang face mask sa tabi, saka iyon isinuot.
Nang handa na siya ay lumuhod na siya sa tapat ng kahon. Kitang kita ko ang pandidiri sa mukha niya nang kumuha siya doon ng isang libro na punong-puno ng alikabok. At sa nakapikit na mga mata, hinipan niya iyon nang pagkalakas-lakas.
“Omg, this is so disgusting! Ang sama-sama ng ugali mo!” halos mangiyak-iyak niyang reklamo pero nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.
Nagkunwari ulit akong may kinakalot sa iPad ko pero ang totoo ay kanina ko pa siya pinagmamasdan. Hirap na hirap siya. Hindi na ako magugulat kung wala pang isang oras ay susuko na siya.
And I was right.
Tatlumpung minuto pa lang ang nakakalipas ay padabog na siyang tumayo. Wala pa sa kalahati ang natatapos niya. Padabog niyang hinubad ang face mask, at hinarap ako nang nanginginig ang mga labi sa inis.
"Ayoko na! Suko na ako!" sigaw niya, pulang-pula ang mukha. "Hindi ako ipinanganak para sa ganito lang! I’m leaving! Bye!"
Agad niyang hinila ang kaniyang maleta at nagtungo na sa pintuan ng opisina ko. Hilaw akong napangisi.
"You can't just leave, Miss Morana," malamig kong paalala nang hindi umaalis sa upuan ko.
“Aalis ako kung kelan ko gusto! Bahala ka sa buhay mo!" asik niya bago tuluyang binuksan ang pinto at nagmartsa palabas ng opisina ko.
Isang maikling tawa ang pinakawalan ko. Ang arte niya talaga. Ubod siya ng arte. Ano bang nakita sa kaniya nina Daddy noon para ipagkasundo siya sa akin?
Kinuha ko ang remote control sa ibabaw ng aking lamesa at pinindot ang pulang button doon—ang security system na nagbubukas sa mga kulungan sa bakuran.
"Manolo," tawag ko sa walkie-talkie sa tabi ko. "Release the Dobermans. Let them have some exercise."
"Copy, Sir."
Sumandal ako sa swivel chair ko at pinanood ang monitor ng CCTV ko sa pader. Kitang-kita ko ang paglabas pa lang niya hila-hila ang kaniyang maleta. Nasa garden na siya patungo sa gate.
Wala pang ilang segundo ay sunod kong nakita sa monitor ang naglalakihan kong itim na Doberman na mabilis na nagtakbuhan palabas mula sa gilid ng mansyon. Ang kanilang mga ungol at tahol ay umalingawngaw sa buong paligid.
Biglang natigil si Hiraya. Dahan-dahan pa ang paglingon niya sa likod niya kung saan ang tatlo kong aso ay patungo na sa kaniya.
There you have it.
Three seconds later, her loud scream echoed through the garden
"Ahhhhhhh! Help! May monsters! Monsters!!!”
Sa sobrang takot niya ay naiwan niya nang wala sa oras ang kaniyang maleta. Nang makita kong patakbo siya pabalik sa mansyon, tumayo na ako sa kinauupuan ko para salubungin siya sa main door.
Saktong nasa hagdanan ako nang makapasok siya. Umiiyak na siya habang habol-habol ang kaniyang hiningang napasandal sa likod ng main door.
"You're back,” I said casually.
Napaangat ang tingin niya sa akin, punong-puno ng takot, pagod, at matinding inis ang kaniyang mga mata habang nangangatog ang kaniyang buong katawan. Lumingon pa siya sa de-salaming pader ko kung saan tanaw ang naglalaway kong mga Doberman na nakaabang kung bubukas ang kinasasandalan niyang pintuan.
"Got anything to say?” I teased.
"Oo na! Oo na! Fine! I'll stay!" hiyaw niya, pinaghalong takot at kabiguan ang makikita sa maarte niyang mukha. "I'll be your personal maid, your public maid, your underground maid, and whatever maid you like! Just... please call off those monsters outside! I’m too pretty to be a dog food!"
Hindi ko na napigilang mapangiti. Bumaba na ako sa hagdan at nilapitan siya. Nang nasa harap na niya ako ay kaswal kong nilahad sa kaniya ang palad ko.
"Welcome to your living hell, my sassy maid…”
"Wala ‘yan sa deal natin, Hendrix! Ang usapan, kapag nalaman natin kung sino at napatigil natin, okay na!" bulyaw ko sa kaniya, kulang na lang ay ihampas ko sa mukha niya ang hawak kong baso ng champagne. "Eh nakilala na natin siya! Imposible namang hindi ka na niya lubayan, 'di ba? Ano, makapal lang ang mukha?!" “Yes, we've identified her, but that won't stop her from stalking me, especially since I introduced you as my wife,” tila tamad na tamad pa niyang sagot sa akin. "Roxanne is unstable. She will view you as a threat.”"Eh ‘di, hindi ko na ‘yun problema! Ikaw ang nagsabi sa kaniya na asawa mo ‘ko kaya problema mo nang patigilin siya! Labas na ako doon! At ano nga ulit 'yung sinabi mo kanina sa kaniya tungkol sa'kin? Maarte? Mataray? Masama ang ugali?! Wow, Hendrix Ace Villafuerte! Sa'yo talaga nanggaling, ha?! Hindi ka man lang ba kinilabutan? Eh mas masahol ka pa kay Satanas e!" "I was just describing the truth," suplado niyang tugon bago inayos ang kaniyang suit jacket. "Su
"Roxanne?!" gulantang na wika ni Hendrix habang namimilog ang matang nakatingin sa na-expose na mukha ng babae.Hindi agad nakakilos ang babae, tila napako sa sahig ang mga paa habang gulantang ding nakatitig kay Hendrix. Ang ilang bisita na malapit sa kinaroroonan namin ay napatingin din sa amin, marahil dahil dinig na dinig ang pagkakabasag n'ung mga baso. "Follow me. Now," madiing utos ni Hendrix at seryoso siyang pumauna sa paglalakad.Saglit kaming nagkatinginan n'ung babae. Umalinsunod ang mata ko sa kaniya nang mabilis siyang sumunod kay Hendrix. At dahil parte ako ng nangyayari, sumunod na rin ako sa kanila. “Hendrix, wait! I'm so sorry!" naabutan kong sabi ng babae pagkarating ko sa kinaroroonan nila ni Hendrix. Nasa isang bakanteng pasilyo kami ngayon, nasa gilid lang ng ballroom kung saan walang gaanong tao. "Hendrix, I'm sorry…” mahinang ulit ng babae nang hindi nagsalita si Hendrix. Mayamaya ay napabuga ng hangin si Hendrix. “Why are you doing this?" tanong sa mababa
"Date?!" halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko. "Wow! Anong nakain mo at bigla mo 'kong isasama as your date?" Tinaasan ko siya ng kilay.“Ang daldal mo, Morana. Huwag na maraming tanong,” suplado niyang sagot. Bago pa ako makahirit ulit ay may kumatok na sa pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang babaeng may bitbit na malalaking paper bags at isang selyadong garment bag."Mr. Villafuerte, ito na po ang pinahanda ninyong cocktail dress para kay Ms. Morana,” magalang na pambungad ng isa sa kanila.Tila nagliwanag ang mukha ko dahil sa narinig. Oh my god! Is this even true?!"Dress her up. We only have an hour," utos ni Hendrix bago dumeretso sa kaniyang private lounge, doon ata maghihintay.Kagat-kagat ang labi kong nilapitan ang may hawak n'ung paper bag. Pero dahil nagbabad ako kanina sa labas, kailangan ko munang maligo bago ko suotin ito. Mabuti na lang at lagi kong dala ang mga pangangailangan ng katawan ko. Pumasok ako sa banyo dito ni Hendrix at nagbabad sa kaniyang ba
Padabog kong isinarado ang pinto ng opisina niya. Akala mo naman kung sinong guwapo, mukha namang poging pinatuyong ampalaya sa sobrang pait ng mukha!Dahil sa pinaghalong matinding inis at gutom, bumaba ako sa fast food chain sa gilid ng building. Umorder ako ng naglalakihang manok at tinalakan ko iyon na parang si Hendrix ang bawat butong natinggal ko. Pagkatapos kong mag-lunch ay bumalik din ako agad sa puwesto ko. Buong hapon akong nakatitig sa elevator at sa bintana— hinintay ang pagbabalik ng babae, pero hindi na ito bumalik. Lumipas ang tatlong araw na ganoon pa rin ang routine namin. Paulit-ulit. Tuwing alas-dose, bababa si Hendrix para sa business meetings niya, susunod naman ako sa kaniya gamit ang ibang elevator para mag-abang sa labas ng coffee shop.Nakita ko agad ang stalker. Sa pagkakataong ito ay naka-uniporme naman siya ng FoodPanda delivery rider. Kahapon ay naka-uniporme siya ng pang-teacher. Pero dahil sa pagmamanman ko sa kaniya nitong nakalipas na mga araw, agad
"Morana. Payag ka ba o—" "Fine! Payag na ako!" mabilis ko siyang hinarap, medyo napatitig sa kinurot kong pisngi niya. Namumula-mula pa kasi iyon. “Pero dapat may kasulatan tayo. Baka mamaya, utuin mo 'ko at 'di ka tumupad sa usapan natin.”"Deal," maikli niyang sagot bago naupo sa swivel chair niya. "Magsisimula ka ngayon din. I'll give you a temporary desk outside my office. Doon ka pumuwesto para makita mo ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa floor na 'to.”"Teka, anong mukha ba ng stalker mo na 'yan? Baka mamaya si Jinah na pala ‘yun, ha? May picture ka ba?""None,” sagot niya agad, ni hindi man lang pinansin ang pang-aalaska ko sa jowa niya. “She's good at hiding her face. Laging naka-hoodie o sumbrero," dugtong niya habang may tinitipa siya sa kaniyang computer. "Pero nitong mga nakaraang araw, napapansin ng mga guards na palaging may nakatambay na babae sa coffee shop sa tapat ng building tuwing tanghali, saktong oras ng paglabas ko para sa mga lunch meetings. Monitor her."
"Sige na, hija. Sumunod ka na sa kaniya," pagtaboy bigla sa akin ng Papa ni Stephen gamit ang mahinahon niyang boses. "Pasensya na, pero kahit gusto ka naming tulungan, ayaw kong madamay ang pamilya ko sa anumang gulo niyo ng mga Villafuerte.""Dad, no! Hiraya will stay here!" giit ni Stephen, akmang lalapitan ako pero mabilis siyang hinawakan sa braso ng Papa niya para pigilan."Huwag ka nang makialam, Stephen! Sige na, pumasok ka na muna sa kuwarto mo!" madiing utos ng Papa niya. Nanghihina akong napatingin kay Stephen. Gusto kong magmakaawa dahil sila lang naman ang malalapitan ko sa sandaling ito, pero nang makita ko ang babalang sulyap sa akin ng Papa niya, mabigat ang dibdib kong napayuko bago ibalik kay Hendrix ang tingin ko. "Let's go, Morana," malamig na utos ni Hendrix at naunang maglakad palabas.Wala akong nagawa kundi ang bitbitin ang backpack ko at napilitang sumunod sa kaniya sa labas. Pumasok kami sa likod ng sasakyan niya. Pagka-start pa lang ng driver sa makina ay
HENDRIX'S POVMaingat kong pinahiga ang walang-malay na si Hiraya sa ibabaw ng kama ko. Napailing na lang ako nang mapatitig ako sa kabuuan niya. Ang kaninang maingay, reklamador, at maarteng babae ay ngayon ay nakapikit na."Diyos ko kang bata ka!" asik ni Manang habang nagkukumahog na inayos ang
Napatulala ako sa likod ni Hendrix habang naglalakad siya palayo. Is he insane? Ibig sabihin ba ng working naked ay magwawalis ako nang walang suot? Like, literal na hubad?! My goodness! Ang bastos pala niyang lalaki kung ganun?! Pero teka, sinabi din niyang malawak ang kwarto niya? Ibig sabihin b
"Blow job? What the hell is that?! You mean blowing some dust? Bakit kailangan ko pang i-blow gamit ang bibig ko? Wala ka bang air dust blower? O kaya vacuum cleaner?!"Sunod-sunod na asik ko habang nakapamewang sa harap ng lamesa niya. I mean, hello? Anong klaseng bilyonaryo ang walang pambili ng
"I’m sorry, Miss Hiraya, but we have a court order."Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking naka-barong na nasa harap ng aming mansyon. It’s a sunny Tuesday, for goodness’ sake! Dapat ay nagpapa-pedicure ako ngayon habang umiinom ng iced latte, hindi nakikipag-talo sa pangit na n


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




