Share

Sassy 4

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-06-23 04:12:29

HENDRIX'S POV

Maingat kong pinahiga ang walang-malay na si Hiraya sa ibabaw ng kama ko. Napailing na lang ako nang mapatitig ako sa kabuuan niya. Ang kaninang maingay, reklamador, at maarteng babae ay ngayon ay nakapikit na.

"Diyos ko kang bata ka!" asik ni Manang habang nagkukumahog na inayos ang nagusot kong kumot para itakip sa katawan ni Hiraya. Pagkatapos ay pinandilatan niya ako ng mata. "Ano ba kasing gusto mong mangyari at naisip mong pagtripan ang mapapangasawa mo?! Tingnan mo at hinimatay sa gulat!"

"Hindi ko siya mapapangasawa, Manang," malamig kong pagtatama, sabay kuha ng robe ko sa gilid para suotin iyon.

"Eh ano palang tawag sa inyo? Nangako ang papa mo sa papa niya na kayo ang magkakatuluyan! May kasunduan na!" bulyaw ng matanda. "Tapos ngayon, babastusin mo 'yung bata?! Kung nakikita ka lang ng Daddy mo, sigurado akong binalian ka na niya ng buto!”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko isinara ang sinturon ng robe ko. 

"Exactly. Isang kasunduan na ginawa nang wala man lang akong kaalam-alam. At wala akong balak tuparin 'yon," seryoso kong sabi. "Kaya nga pinapunta ko siya rito, Manang. Hindi para maging asawa ko, kundi para patunayan na ang piniling babae nina Daddy para sa akin ay walang kwenta, spoiled brat, maluho, at pabigat lang."

Nag-iwas saglit ako ng tingin para pagmasdan lalo ang mukha ni Hiraya. Kahit nakapikit, halata ang pagka-pino ng kaniyang balat. Mahaba ang pilikmata niya, at hindi ko maitatanggi na mayroon talaga siyang kakaibang ganda. Ganda na ginagamit niya para makakuha ng atensyon. Ganda na naging dahilan para masira ang sarili niyang pangalan. 

Isang top model na nasangkot sa pag-akit umano ng direktor para lang makuha ang pinakamalaking endorsement deal sa bansa. Kalat na kalat ang balitang 'yon, at dahil doon, lalo akong nadismaya nang malaman kong siya ang babaeng nakatakdang iharap ko sa altar.

Hindi ko kailangan ng asawang uhaw sa pera at atensyon. Ang kailangan ko ay kapayapaan para patakbuhin ang kumpanya ko nang maayos.

"Wala rin siyang alam sa kasunduan, Hendrix,” malumanay ngunit may pagdidiin na paalala ni Manang. "Ang akala niya ay kaya siya narito para hindi mawala sa kaniya ang iniwan sa kaniyang ari-arian ng magulang niya.”

"And let's keep it that way," tipid kong sagot. "Habang nandito siya, dapat lang niyang maranasan kung paano maging isang alipin. Kapag sumuko siya at nagmakaawa na gusto na niyang umalis, then good. Meaning, she failed. And that would be enough reason for me to legally void the marriage contract without completely ruining my father's reputation. Gusto ko, siya mismo ang sumuko."

"Pero bakit kailangan mo pang takutin ng gano'n ang bata?" tukoy niya sa paghuhubad ko ng pantalon kanina. 

Kusa akong napangisi nang maalala ko ang itsura niya kanina. The great Hiraya Shane Morana, who supposedly seduced a high-profile director, fainted just by seeing a man in boxer briefs?

And she even thought 'blow job' meant blowing dust with her mouth!

"I was just testing the waters, Manang," sagot ko, hindi maalis ang tingin sa namumutla niyang mukha. "Gusto kong makita kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para lang sa kayamanang hindi naman niya pinaghirapan. I just gave her a sneak peek of the reality she’s trying to play with.”

Dinig ko ang malalim na pagbuga ng hangin ni Manang, indikasyon na hindi siya pabor sa plano ko pero wala rin naman siyang magagawa. "Ikaw ang bahala, Hendrix. Sana lang talaga ay hindi mo ito pagsisisihan sa huli. Katulad mo, ulila na rin ang batang 'yan. Wala na siyang ibang masasandalan ngayon."

"I don't care about her feelings," patag kong sagot. "I care about breaking her spirit so she’ll leave me alone."

Walang imik na lumabas si Manang sa kwarto ko. Nang kami na lang dalawa ni Hiraya, dahan-dahan akong lumapit sa gilid ng higaan. Tinitigan ko muna ang buong anyo niya. Suot pa rin niya ang kaniyang designer silk robe. Ang mga kuko niya ay kulay pink at perpekto ang pagkakaayos. She looks like a fragile, expensive porcelain doll that belongs in a display case, not in my world.

Kinuha ko ang isang baso ng malamig na tubig mula sa bedside table. Tiningnan ko siya sa huling pagkakataon, iniisip kung tama ba ang gagawin ko. Pero sa huli ay tinuloy ko pa rin ang plano ko.  

Walang pag-aalinlangan, ibinuhos ko ang buong laman ng baso sa mismong mukha niya.

“What the—" she gasped.

Agad siyang napabalikwas ng bangon, gulat na gulat habang habol ang kaniyang hininga. Ang kaniyang buhok ay nabasa na, lalo na ang kaniyang pisngi at leeg. 

"What the hell did you do that for?!" tili niya. "You completely ruined my face, you monster!"

"My house. My rules. At sa bahay ko na ito, hindi dapat natutulog ang mga katulong habang gising pa ang amo nila," malamig kong wika, inilapag ang walang-laman na baso sa mesa. 

"Hinimatay ako! Muntik na akong mamatay sa gulat sa... sa..." Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil biglang namula ang pisngi niya nang mapatingin siya sa ibaba ko. "You m-mānyak!"

"Get up, Miss Morana," utos ko, binalewala ang pag-iinarte niya. "Gusto mong malaman ang ibig sabihin ng blow job, ‘di ba?"

Nanigas siya sa pagkakaupo, tila nakakita ng multo sa paraan ng pagkakatameme niya sa akin. Tinalikuran ko na siya at nagtungo na ako sa pintuan ng kuwarto ko.

"Sumunod ka sa’kin sa opisina," dugtong ko na hindi siya nililingon ng buo. "We have a lot of dust that needs blowing tonight…" 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 13

    Imbes na makipagsagutan pa sa kaniya ay tinalikuran ko na lang siya."I’m sorry, but you’re not welcome here. Umalis ka na," huling sabi ko bago nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob.Bahagya pa akong natigil sa may pintuan nang madatnan ko sa loob ay ang naglalampungan na sa sofa na dalawa. Tumigil din naman agad sila nang makita ko.Hindi na bago sa akin ang ganitong senaryo, pero may mga pagkakataon talaga na nagugulat ako, katulad ngayon.Ipinagkibit-balikat ko na lang ang nakita at naupo na sa isa pang sofa, sa harap nila."Oh, nasaan ang chupapi?" tanong ni Sha."Wala. Umuwi na," sagot ko sa mapait na tinig.Kinunutan nila ako pareho ng noo ni Josh, ngunit sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan kong pintuan nang makita doon ang pagtayo ni Zale.He walked in like he owned the place."I’m staying," aniya at walang hiya-hiyang naupo sa tabi ko.What the hell is wrong with him?!"Ayan naman pala siya, e!" dinig kong bulalas ni Sha kaya sa kaniya ako tumingin.Parang wala lang n

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 11

    "Hi, ladies. Um, this is my friend Zale. I hope you don’t mind that I brought him here," Sha’s boytoy introduced the drug lord casually.Walang atubiling lumapit si Sha sa dalawang lalaki at nakipagkamay kay Zale. Ako nama’y agad nang nag-iwas ng tingin sa kanila. Maybe I should just go back inside and lock myself in my room... pero kasi..."By the way, mga chupapi! This is my friend, Chayo. She’s an escort also, pero off-limits siya."Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko sa paraan ng pagpapakilala sa akin ni Sha sa dalawa. Nakaangkla na ang braso niya sa braso ng boylet niya, habang ang lalaki naman ay mahigpit nang nakahawak sa balakang ng babae.For God’s sake, kahit hindi ko nilingon si Zale ay ramdam ko ang mabigat niyang paninitig sa akin. Kanina pa, sa totoo lang!What if pagsarhan ko na lang silang tatlo ng pintuan para sila-sila na lang ang mag-usap? Pakiramdam ko kasi ay hindi na ako kumportableng pag-usapan ang pag-utang ko sa boylet ni Sha dahil sa drug lord na ito!"Ano,

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 10

    Dire-diretso lang ang lakad ko palabas ng gusali. Ni hindi ko pinansin ang pagsalubong sa akin kanina ni Boss sa may bulwagan. Pumara na ako ng taxi at umuwi na sa apartment.“Oh? Ba’t ang shungit ng awra natin? Hindi ka pinautang?” Sha asked as she opened the gate for me.Umiling lang ako at nilagpasan siya. Nakita ko ang bahagyang pagtataka sa mukha niya pero tahimik lang siyang sumunod sa akin sa loob.“Ugh!” I hissed as I dropped myself onto the sofa.“Ayy, high blood ang atake natin, ’te? Ano ba’ng nangyari?”Inis kong nilingon si Sha na para bang sa kaniya ako galit. Nginiwian niya ako saka naupo sa tabi ko.“Nainis lang ako. Sana hindi na lang ako pumunta doon. Badtrip!”“Hm…” Tumango siya, tila naintindihan ang pinaghuhugutan ko kahit wala pa man akong sinasabi. “Eh, ’di hindi ka nga pinautang?”Sumandal siya sa backrest ng sofa at umiling-iling. She probably thinks I am mad at Boss.“Hayaan mo na ’yon. Kailan mo ba kailangan ng dats? Baka puwede kong kausapin ’yong wrestler k

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 9

    I glared up at him while he loomed over me. Gusto ko siyang itulak sa dibdib dahil halos magdikit na ang mga katawan namin, pero dahil sa lakas ng puwersa niya ay hindi ko magawa. Hawak pa niya ang isa ko pang kamay. Inipit naman niya ito sa likod ko."Minahal ko si Niko!" pasigaw kong sambit. "At malaki ang respeto ko sa kaniya. Kung tingin mo ay—""Nauna lang siya sa'yo, Chayo..." putol na naman niya. "Nauna lang siya sa'yo, pero mas higit pa sa pinaranas niyang buhay sa'yo ang kaya kong ibigay."Oh my God. Pabobō na siya ng pabobō sa paningin ko, sa totoo lang.I can’t believe this man is the one they call the most powerful in the drug empire. Parang nawawalan ng saysay ang titulo kung ganito lang din pala siya kabobo.Nagpumiglas ako sa hawak niya para makaalis sa pagkakadiin niya sa akin sa pintuan, pero mas lalo lang niya akong idiniin doon. Damn this demonic drug lord!"Ano bang gusto mong mangyari, ha?!" singhal ko, nanatiling matalim ang tingin ko sa kaniya.Bahagya niyang pi

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 8

    Sa sobrang pagiging satanas niya, parang ginamitan niya ako ng hipnotismo dahil hindi na ako nakapagsalita. Napatitig na lang ako sa kaniya habang nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya.We sinners only do forbidden doings...Niko will understand...One hundred million...Kusa akong umatras at napailing na lang sa kaniya."It's still no, Zale," sagot ko nang nahagilap ko na ang boses ko.He pursed his lips, studying my entire face like there was something wrong with how it was made."Sabi ko, ayaw ko," tinagalog ko na nang hindi siya umimik.“Just name your price. I’m not taking a no for an answer,” aniya, patuloy pa ring sinusuyod ng tingin ang buong pagmumukha ko.God, he’s making me self-conscious!Dahil sa ginagawa niya ay parang gusto ko na tuloy manalamin at tingnan kung may dumi ba ako sa mukha. Nag-iwas na lang ako ng tingin at bumalik na sa harap ng pintuan."No is no, Zale. Iyon na ang sagot ko," giit ko."Then why?"Hinawakan na naman niya ako sa baba at kusa niyang

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 7

    “One hundred million…”Narinig ko ang paglapit ng mga hakbang niya kaya nilingon ko siya. He smirked as he stood in front of me. Sa tangkad niya ay bahagya pa akong napatingala para lang pantayan ang tingin niya.“One hundred million, Chayo. That’s more than enough to buy your purity,” he added with that deep, sinful voice of his.Palaglag pa sana ang panga ko dahil sa gulat nang maitikom ko lang ulit ang bibig dahil nauna na namang mag-react ang boss ko.“One hundred million?! Oh my, Chayo! Tanggapin mo na!” tuwang-tuwa niyang pagbugaw sa akin.Lumapit siya sa akin at nakangiting hinawakan ako sa balikat.“Sobrang laki na no’n. Tanggapin mo na agad!” aniya, halos yugyugin na ako sa sobrang tuwa niya.Zale grinned wider when he saw how easily my boss agreed. Tamad kong inismiran si Boss bago binalingan ulit si Zale. Labag man sa loob ko, pero nginitian ko pa rin siya, pagkatapos ay inilingan.“It’s still no. I’m sorry,” I said firmly.I bowed again to my boss and reached for the doork

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   Sassy 5

    HENDRIX'S POVKahit kitang kita ko ang lantaran niyang pagdadabog, sumunod pa rin siya sa akin pababa sa opisina ko. Bitbit ang kaniyang malaking maleta, matalim siyang nakatingin sa likod ko habang nasa loob kami ng elevator. Siguro sa inis niya'y hindi niya namamalayan na nakikita ko ang repleksy

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   Sassy 3

    Napatulala ako sa likod ni Hendrix habang naglalakad siya palayo. Is he insane? Ibig sabihin ba ng working naked ay magwawalis ako nang walang suot? Like, literal na hubad?! My goodness! Ang bastos pala niyang lalaki kung ganun?! Pero teka, sinabi din niyang malawak ang kwarto niya? Ibig sabihin b

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   Sassy 2

    "Blow job? What the hell is that?! You mean blowing some dust? Bakit kailangan ko pang i-blow gamit ang bibig ko? Wala ka bang air dust blower? O kaya vacuum cleaner?!"Sunod-sunod na asik ko habang nakapamewang sa harap ng lamesa niya. I mean, hello? Anong klaseng bilyonaryo ang walang pambili ng

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   Sassy 1

    "I’m sorry, Miss Hiraya, but we have a court order."Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking naka-barong na nasa harap ng aming mansyon. It’s a sunny Tuesday, for goodness’ sake! Dapat ay nagpapa-pedicure ako ngayon habang umiinom ng iced latte, hindi nakikipag-talo sa pangit na n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status