登入"Blow job? What the hell is that?! You mean blowing some dust? Bakit kailangan ko pang i-blow gamit ang bibig ko? Wala ka bang air dust blower? O kaya vacuum cleaner?!"
Sunod-sunod na asik ko habang nakapamewang sa harap ng lamesa niya. I mean, hello? Anong klaseng bilyonaryo ang walang pambili ng maayos na appliances at kailangan pang bibig ko ang mag-hipan ng alikabok sa mansyon niya? Ang dugyot, ha!
"Are you really that innocent, Miss Morana, or you're just plain stupid?" tila tinatamad pa niyang tugon sa akin.
"Excuse me? I graduated with honors sa isang private school, for your information!" I flipped my hair. "At huwag mo nga akong ma-Morana-Morana diyan. It’s Miss Hiraya for you!"
"Hindi na ngayon.” walang kaimo-emosyon niya akong tiningnan diretso sa mata. "You’re my maid now. Wala ka sa posisyon para utusan ako kung anong gusto kong itawag sa'yo. At para sa kaalaman ng utak mo... hindi alikabok ang ipapahipan ko sa'yo. You'll find out soon enough. For now, go back to your house and pack your things. My driver will assist you.”
"No!" mariing sagot ko sabay hambalos sa lamesa niya. "No way! Walang kahit sino ang pwedeng mag-utos sa akin! I am Hiraya Shane Morana! Pangalan ko pa lang, dapat alam mo ng imposible sa akin ang maging maid! In your dreams! Hindi ako papayag!"
Akala ko ay may panama na naman siya sa mga sinabi ko pero nagulat na lang ako nang prente niyang balingan ang kaniyang telepono, pagkatapos ay may dinial siya doon. Binalik din niya agad sa akin ang kaniyang tingin.
"This is Villafuerte," anang patag na boses niya sa kabilang linya. "Proceed with the eviction. Itapon niyo sa labas ang lahat ng gamit sa Morana Mansion. Ngayon din.”
"Wait, what?! No!" Nanlaki ang mga mata ko at akmang aagawin sa kaniya ang telepono pero ibinaba na niya ito.
"May dalawa kang option, Miss Morana," saad niya. "Magiging katulong kita at sisiguraduhin kong ligtas ang mga gamit mo habang binabayaran mo ang utang ng mga magulang mo... o lumabas ka sa building na ito na dugyot, walang pera, at natutulog sa gilid ng kalsada kasama ang mga designer bags mong nakatambak sa basura."
Nanginig ang buong katawan ko sa takot nang banggitin niya ang mga designer bags ko. He's serious. Wala man kaemo-emosyon ang mukha niya, sa tono pa lang ng boses niya ay nakasisiguro kong tototohanin niya ang kaniyang banta.
"You... you monster," gigil na sabi ko, nag-unahan na sa pag-agos ang mga luha ko.
"I don't care what you call me. At exactly five in the afternoon, dapat nandito ka na," malamig niyang sabi. "Now, get out of my sight."
Wala akong nagawa kundi ang magmartsa palabas ng opisina niya habang umiiyak. Hayop siya! Siya na ata ang pinakamasamang tao na nakilala ko sa buong buhay ko!
Pagdating ko sa mansyon ko, napahagulgol na ako nang mapatingin ako sa walk-in closet ko. Sabi'y dapat hindi lalagpas sa isang maleta ang dadalhin ko. Paano ko pagkakasyahin ang buhay ko sa isang maleta?
"Miss Hiraya, kailangan na po nating magmadali. Sabi po ni Senyorito Hendrix, dapat bago mag-alas singko ng hapon ay nasa mansyon na kayo," untag nung pangit na driver na nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.
"Oo na! Eto na! Istorbo!" asik ko at sapilitang pinagsisiksik ang ilang limited edition na Chānel bags ko sa maleta ko.
Bahala na kung walang masyadong damit, ang importante ay nadala ko lahat ng skincare fridge ko. Dapat kahit maid ako ay ubod pa rin ako ng fresh at ganda!
Nang matapos ako ay nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto ko sa huling pagkakataon. Pakiramdam ko'y matinding heartbreak ang nararamdaman ko ngayon. Kakamatay lang nina Mama at Papa, at ngayon, mawawala pa ang lahat ng pinaghirapan nila dahil lang sa utang sa lalaking yelo na 'yun.
Pero hindi. Hindi ako papayag na basta na lang mapunta sa Hendrix na ‘yun! Sisiguraduhin kong magiging impiyerno ang araw-araw niya para siya na ang mismong magpalayas sa akin doon!
Napangisi ako sa naisip. What if akitin ko kaya siya? Well, hindi naman totoo ang tungkol sa naging isyu ko na nang-akit ako ng direktor, pero what if nga?
Hm… Iyon bang kukuhanin ko loob niya at kapag nahulog na siya sa akin, mamanipulahin ko siya para hindi na niya sa akin ipabayad ang mga utang nina Mama.
Shocks! Ang talino ko talaga!
Dahil sa nabuo kong plano ay nakangiti na akong sumama sa driver niya. Kaso pagdating namin sa mansyon niya ay ganoon na lang ang tila pagguho ng mundo ko nang ipakita sa akin ng mayordoma ang magiging kuwarto ko.
Isang maliit na kwarto sa tabi ng kusina na may maliit na kama, isang lumang aparador, at isang electric fan!
“Are you sure this is my room?! Walang aircon?!”
"Diyan talaga ang kwarto ng mga kasambahay, hija. At bago ka magreklamo, magpalit ka na ng suot mo. Simula ngayong gabi, ikaw ang magsisilbi ng hapunan ng Senyorito," sabi ni Manang bago nilapag sa harap ko ang isang tumpok ng nakatuping tela sa ibabaw ng kama. "Iyan ang uniporme mo."
Nanlulumo akong napatingin sa uniporme. Isa itong itim na dress na may puting apron. At base sa nakikita kong quality nito, pwede na itong pumasa bilang basahan.
“Hell no…” hindi makapaniwalang iling ko. "No way! Kahit ipapatay niyo ako rito, hinding-hindi ako matutulog dito!" sigaw ko sabay atras palabas sa pintuan. "Anong tingin niyo sa akin, pulubi?! At ano 'yung cheap uniform ko? Yuck! Nakakadiri ang tela, hindi ko ‘yun susuotin!
Napabuntong-hininga si Manang, pagkatapos ay dinampot ang sinabi niyang uniporme ko, saka siya naglakad palapit sa akin.
"Hija, isuot mo na. mamasamain ng Senyorito ang pag-aarte mo—”
"I don't care! Hinding-hindi ko isusuot 'yan!" naiiyak kong sigaw at tinabig ang iaabot sana niya sa akin na uniporme. "Kung magpapaalila man ako dito, it should at least match my aesthetic! Dapat pastel pink ang kulay ng uniform ko para terno sa fresh manicure ko! At bakit walang ruffles na maganda? I need fashion, not this depression in a fabric!" bulyaw ko pa.
Sinimangutan ako ng matanda. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa bandang likod ko kaya napalingon din ako doon.
"Anong kaguluhan ito?”
It was Hendrix the great!
"Senyorito," agad na yumuko si Manang bilang paggalang kay Hendrix. "Ayaw po niyang suotin ang uniporme niya at hindi rin niya nagustuhan ang kwarto niya.”
Agad na nalipat ang masungit na mukha ni Hendrix sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay sabay pinameywangan. "You heard it right. Ayoko ng kwartong 'to dahil ang cheap. Maliit na nga, wala pang aircon! At mas lalong ayoko sa cheap na unipormeng 'yan! Kung gusto mo akong magsilbi sa'yo, ibili mo ako ng pink na designer maid outfit!" sigaw ko nang diretso sa mukha niya.
Wala man lang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya. Nilingon niya ulit si Manang saka ito inutusan. "Iwan mo muna kaming dalawa. Maraming salamat…"
Nang kami na lang ang nandito ay agad niya akong tinalikuran. “If you're not going to wear your uniform, then you'll be working naked. And if you don't like your room, my room has plenty of space. Now, follow me.”
Ako nama'y napamaang dahil hindi ko na naman masyado na-gets ang kaniyang sinabi.
"Wala ‘yan sa deal natin, Hendrix! Ang usapan, kapag nalaman natin kung sino at napatigil natin, okay na!" bulyaw ko sa kaniya, kulang na lang ay ihampas ko sa mukha niya ang hawak kong baso ng champagne. "Eh nakilala na natin siya! Imposible namang hindi ka na niya lubayan, 'di ba? Ano, makapal lang ang mukha?!" “Yes, we've identified her, but that won't stop her from stalking me, especially since I introduced you as my wife,” tila tamad na tamad pa niyang sagot sa akin. "Roxanne is unstable. She will view you as a threat.”"Eh ‘di, hindi ko na ‘yun problema! Ikaw ang nagsabi sa kaniya na asawa mo ‘ko kaya problema mo nang patigilin siya! Labas na ako doon! At ano nga ulit 'yung sinabi mo kanina sa kaniya tungkol sa'kin? Maarte? Mataray? Masama ang ugali?! Wow, Hendrix Ace Villafuerte! Sa'yo talaga nanggaling, ha?! Hindi ka man lang ba kinilabutan? Eh mas masahol ka pa kay Satanas e!" "I was just describing the truth," suplado niyang tugon bago inayos ang kaniyang suit jacket. "Su
"Roxanne?!" gulantang na wika ni Hendrix habang namimilog ang matang nakatingin sa na-expose na mukha ng babae.Hindi agad nakakilos ang babae, tila napako sa sahig ang mga paa habang gulantang ding nakatitig kay Hendrix. Ang ilang bisita na malapit sa kinaroroonan namin ay napatingin din sa amin, marahil dahil dinig na dinig ang pagkakabasag n'ung mga baso. "Follow me. Now," madiing utos ni Hendrix at seryoso siyang pumauna sa paglalakad.Saglit kaming nagkatinginan n'ung babae. Umalinsunod ang mata ko sa kaniya nang mabilis siyang sumunod kay Hendrix. At dahil parte ako ng nangyayari, sumunod na rin ako sa kanila. “Hendrix, wait! I'm so sorry!" naabutan kong sabi ng babae pagkarating ko sa kinaroroonan nila ni Hendrix. Nasa isang bakanteng pasilyo kami ngayon, nasa gilid lang ng ballroom kung saan walang gaanong tao. "Hendrix, I'm sorry…” mahinang ulit ng babae nang hindi nagsalita si Hendrix. Mayamaya ay napabuga ng hangin si Hendrix. “Why are you doing this?" tanong sa mababa
"Date?!" halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko. "Wow! Anong nakain mo at bigla mo 'kong isasama as your date?" Tinaasan ko siya ng kilay.“Ang daldal mo, Morana. Huwag na maraming tanong,” suplado niyang sagot. Bago pa ako makahirit ulit ay may kumatok na sa pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang babaeng may bitbit na malalaking paper bags at isang selyadong garment bag."Mr. Villafuerte, ito na po ang pinahanda ninyong cocktail dress para kay Ms. Morana,” magalang na pambungad ng isa sa kanila.Tila nagliwanag ang mukha ko dahil sa narinig. Oh my god! Is this even true?!"Dress her up. We only have an hour," utos ni Hendrix bago dumeretso sa kaniyang private lounge, doon ata maghihintay.Kagat-kagat ang labi kong nilapitan ang may hawak n'ung paper bag. Pero dahil nagbabad ako kanina sa labas, kailangan ko munang maligo bago ko suotin ito. Mabuti na lang at lagi kong dala ang mga pangangailangan ng katawan ko. Pumasok ako sa banyo dito ni Hendrix at nagbabad sa kaniyang ba
Padabog kong isinarado ang pinto ng opisina niya. Akala mo naman kung sinong guwapo, mukha namang poging pinatuyong ampalaya sa sobrang pait ng mukha!Dahil sa pinaghalong matinding inis at gutom, bumaba ako sa fast food chain sa gilid ng building. Umorder ako ng naglalakihang manok at tinalakan ko iyon na parang si Hendrix ang bawat butong natinggal ko. Pagkatapos kong mag-lunch ay bumalik din ako agad sa puwesto ko. Buong hapon akong nakatitig sa elevator at sa bintana— hinintay ang pagbabalik ng babae, pero hindi na ito bumalik. Lumipas ang tatlong araw na ganoon pa rin ang routine namin. Paulit-ulit. Tuwing alas-dose, bababa si Hendrix para sa business meetings niya, susunod naman ako sa kaniya gamit ang ibang elevator para mag-abang sa labas ng coffee shop.Nakita ko agad ang stalker. Sa pagkakataong ito ay naka-uniporme naman siya ng FoodPanda delivery rider. Kahapon ay naka-uniporme siya ng pang-teacher. Pero dahil sa pagmamanman ko sa kaniya nitong nakalipas na mga araw, agad
"Morana. Payag ka ba o—" "Fine! Payag na ako!" mabilis ko siyang hinarap, medyo napatitig sa kinurot kong pisngi niya. Namumula-mula pa kasi iyon. “Pero dapat may kasulatan tayo. Baka mamaya, utuin mo 'ko at 'di ka tumupad sa usapan natin.”"Deal," maikli niyang sagot bago naupo sa swivel chair niya. "Magsisimula ka ngayon din. I'll give you a temporary desk outside my office. Doon ka pumuwesto para makita mo ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa floor na 'to.”"Teka, anong mukha ba ng stalker mo na 'yan? Baka mamaya si Jinah na pala ‘yun, ha? May picture ka ba?""None,” sagot niya agad, ni hindi man lang pinansin ang pang-aalaska ko sa jowa niya. “She's good at hiding her face. Laging naka-hoodie o sumbrero," dugtong niya habang may tinitipa siya sa kaniyang computer. "Pero nitong mga nakaraang araw, napapansin ng mga guards na palaging may nakatambay na babae sa coffee shop sa tapat ng building tuwing tanghali, saktong oras ng paglabas ko para sa mga lunch meetings. Monitor her."
"Sige na, hija. Sumunod ka na sa kaniya," pagtaboy bigla sa akin ng Papa ni Stephen gamit ang mahinahon niyang boses. "Pasensya na, pero kahit gusto ka naming tulungan, ayaw kong madamay ang pamilya ko sa anumang gulo niyo ng mga Villafuerte.""Dad, no! Hiraya will stay here!" giit ni Stephen, akmang lalapitan ako pero mabilis siyang hinawakan sa braso ng Papa niya para pigilan."Huwag ka nang makialam, Stephen! Sige na, pumasok ka na muna sa kuwarto mo!" madiing utos ng Papa niya. Nanghihina akong napatingin kay Stephen. Gusto kong magmakaawa dahil sila lang naman ang malalapitan ko sa sandaling ito, pero nang makita ko ang babalang sulyap sa akin ng Papa niya, mabigat ang dibdib kong napayuko bago ibalik kay Hendrix ang tingin ko. "Let's go, Morana," malamig na utos ni Hendrix at naunang maglakad palabas.Wala akong nagawa kundi ang bitbitin ang backpack ko at napilitang sumunod sa kaniya sa labas. Pumasok kami sa likod ng sasakyan niya. Pagka-start pa lang ng driver sa makina ay
Napatulala ako sa likod ni Hendrix habang naglalakad siya palayo. Is he insane? Ibig sabihin ba ng working naked ay magwawalis ako nang walang suot? Like, literal na hubad?! My goodness! Ang bastos pala niyang lalaki kung ganun?! Pero teka, sinabi din niyang malawak ang kwarto niya? Ibig sabihin b
HENDRIX'S POVKahit kitang kita ko ang lantaran niyang pagdadabog, sumunod pa rin siya sa akin pababa sa opisina ko. Bitbit ang kaniyang malaking maleta, matalim siyang nakatingin sa likod ko habang nasa loob kami ng elevator. Siguro sa inis niya'y hindi niya namamalayan na nakikita ko ang repleksy
HENDRIX'S POVMaingat kong pinahiga ang walang-malay na si Hiraya sa ibabaw ng kama ko. Napailing na lang ako nang mapatitig ako sa kabuuan niya. Ang kaninang maingay, reklamador, at maarteng babae ay ngayon ay nakapikit na."Diyos ko kang bata ka!" asik ni Manang habang nagkukumahog na inayos ang
"I’m sorry, Miss Hiraya, but we have a court order."Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking naka-barong na nasa harap ng aming mansyon. It’s a sunny Tuesday, for goodness’ sake! Dapat ay nagpapa-pedicure ako ngayon habang umiinom ng iced latte, hindi nakikipag-talo sa pangit na n







