Share

Sassy 3

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-06-23 04:12:05

Napatulala ako sa likod ni Hendrix habang naglalakad siya palayo. Is he insane? Ibig sabihin ba ng working naked ay magwawalis ako nang walang suot? Like, literal na hubad?! My goodness! Ang bastos pala niyang lalaki kung ganun?! 

Pero teka, sinabi din niyang malawak ang kwarto niya? Ibig sabihin ba niya doon, ino-offer niya sa akin ang kuwarto niya? Wow, ha! Eh di kung ganun, siya ‘yung tipo ng lalaki na maginoo pero bastos? Err.. parang ang dugyot naman ng dating n'un!

"Hey, Mr. Ice Cube! Wait!" sigaw ko, hila-hila ang pagkalaki-laki kong maleta. 

Papasok na siya sa isa sa elevator dito nang maabutan ko siya. Pagkasakay namin doon ay kinulit ko siya nang kinulit tungkol sa sinabi niya. Pero ang lalaki, parang walang naririnig dahil hindi niya talaga ako sinasagot. 

Ilang saglit lang ay bumukas na ang elevator. Bumungad sa amin ang tingin ko'y kuwarto niya dahil sa lawak at elegante ng silid. Sa sobrang lawak ay singlaki na ata ito ng buong sala namin sa bahay. 

Lalaking lalaki estilo ng silid. Kulay charcoal gray at black ang tema, may king-sized bed sa gitna na mukhang masarap higaan, at may malaking glass wall kung saan tanaw ang buong skyline ng lungsod. 

"Wow..." hindi ko napigilang mamangha.

Binitawan ko ang maleta ko at dire-diretsong naglakad papasok. Lumundag ako sa kama niya at dinama ang lambot ng mamahaling mattress nito.

"Okay na ako rito, pwedeng-pwede na 'to sa'kin!" sabi ko. 

Paglingon ko sa kaniya ay nakasandal na siya habang nakahalukipkip sa gilid. 

"Sinong nagsabing matutulog ka sa kama ko?" malamig niyang untag.

Tinaasan ko siya ng kilay saka ako naupo na sa kama. "Sabi mo kanina, 'My room has plenty of space.' Eh ano pala gusto mo iparating kung hindi ka nag-o-offer?" 

"I said my room has plenty of space. Hindi ko sinabing sa kama ko ang pwesto mo," patag ang boses niya habang naglalakad papalapit sa gilid ng higaan. Huminto siya sa tapat ko at itinuro ang sahig gamit ang kaniyang sapatos. "Dito. Sa sahig. Maglalagay si Manang ng manipis na sapin para sa'yo mamaya."

"What?!" Halos mapatayo ako sa kutson sa sobrang gulat. "Are you out of your mind?! Masasaktan ang likod ko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! No way!" 

Gigil na gigil kong pinagdaop ang mga palad ko. Grabe, ang sarap niyang saksakin ng nail file! Partida, parang wala lang sa kaniya ito kung sabihin niya iyon. Ano, ganoon siya kawalang puso para matiis ang isang tulad ko?

Suminghap ako at sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. 

'Yung plano ko… 

Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko para masimulan ko na ang plano ko.

Operation: Make This Ice Man Falls In Love With Me starts now!

Huminga ako nang malalim at binago ko ang ekspresyon ng mukha ko. Mula sa pagtataray, dahan-dahan akong ngumiti nang matamis—yung ngiting ginagamit ko tuwing nasa runway ako bilang top model. Umupo ako nang tuwid at hinawakan ang laylayan ng silk robe ko, bahagyang ipinakita ang makinis kong binti.

“What are you doing?" kunot-noo niyang tanong. 

"Well... kung gusto mo talaga akong patulugin dito, bakit sa sahig pa?" malambing kong sabi. "Hindi ba mas okay… kung sa tabi mo? What do you think?"

Yuck! Yuck! Kadiri! Sa oras na mauto ko siya, siya ang dapat matulog sa sahig! Hindi kami pwedeng magtabi sa kama dahil unang una, hindi ko siya kilala. Panglawa, siya na ngayon ang itinuturing kong mortal kong kaaway!

Tiningnan ko siya nang diretso sa mata habang dahan-dahan kong pinadalos ang mga daliri ko sa ibabaw ng kumot niya. Iniisip ko na kahit gaano kasama ang ugali niya, lalaki pa rin siya. Walang lalaking hindi tatablan sa alindog ng isang Hiraya Shane Morana!

Ang kaso…

"Ang cheap ng moves mo, Miss Morana…" blangko niyang pambabasag sa akin na saglit kong ikinatigil. "Don't try to pull the same stunt you used on that director that ended your career. It won't work on me.”

What the— ano raw?!

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Akma ko siyang sisigawan nang bigla siyang yumuko nang bahagya, inilapit ang mukha niya sa akin— dahilan para maamoy ko ang panlalaki at mamahalin niyang pabango. 

"Blow job, Miss Morana. You still don’t get it?” 

Muntik na akong mapapikit nang maamoy ko ang amoy mint niyang hininga. Pero pinigilan ko.

“B-Blow job, duh!" halos nauutal kong sabi. “Tingin mo talaga sa'kin stvpid, ’no? Of course I know what a ‘blow job' is. Where's the dust? I'll blow it off for you! Come on!” panghahamon ko. 

Pero mahina niya lang ako tinawanan, pagkatapos ay medyo tumuwid siya ng tayo. Agad nangunot ang noo ko nang sunod niyang ginawa ay nagsimula na siyang magtanggal ng belt sa suot niyang slacks. 

“H-Hey… what are you doing?” kinakabahan ko nang tanong, ang mata ko'y dilat na dilat na nakaalinsunod lang sa mga kilos niya. 

"You wanted to sleep on my bed, right?" walang kaemo-emosyon niyang saad habang tuloy lang siya sa pagtanggal ng kaniyang belt. "I can let you sleep here. But nothing in this world is free, Miss Morana. Kung sa kama ko ka matutulog, may kapalit 'yun."

"A-Anong kapalit?!"

Natapos na siya sa kaniyang belt at ang sunod na nangyari ay basta na lang niya ibinaba ang slacks niya. Sa gulat ko ay mabilis akong pumikit at sumigaw-sigaw.

“Ahhhhh! Help! Help! Someone just violated my eyes! Help!” paulit-ulit kong sigaw. 

Tumayo ako at nilakasan pa lalo ang pagsisisigaw ko, pikit na pikit pa rin ang mga mata ko. 

“Hey, stop! I'm just kidding!" dinig kong sabi niya sa tabi. Mayamaya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa bandang siko ko kaya mas lalo ko pa nilakasan ang sigaw ko. 

“Mānyak! May mānyak dito! Manang! Help!" 

Wala pang ilang segundo ay may narinig akong pumasok. Pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko si Manang na nagkukumahog na tumakbo palapit sa gawi namin. Pero bago pa man niya kami marating ay aksidente kong nabalingan si Hendrix. Agad namilog ang mata ko nang bumaba ang tingin ko sa binti niya at nakitang naka-boxer brief na lang ito. 

“Ahhh! So big! No waaaay! My innocent eyes, ahh!!!” sigaw ko ulit at bigla na lang ako nagkandahilo-hilo.

Matutumba na sana ako sa sahig pero agad akong nasalo ni Hendrix. Kaso muli na naman akong napasigaw nang dumirekta ang tingin ko sa binti niya at nakita ko ulit na naka-boxer brief lang talaga siya. 

“Help! M-May mānyak ho rito—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang kusa na lang bumigat ang talukap ko sa mata. 

Bago ako tuluyang mahimatay ay narinig ko ang boses ni Manang na pinapagalitan si Hendrix. 

"Diyos ko kang bata ka! Ano ba kasing gusto mong mangyari at naisip mong pagtripan ang mapapangasawa mo?!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
mahal
Hahaha, mukhang ok tong story ah,tatapusin ko nga to
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 96

    “Si Marcus ang dahilan kung bakit umalis si Lydia?”“Hindi ko alam kung siya ang dahilan.”“Pero binanggit niya.”“Oo.”“Anong sinabi niya?”Napapikit si Mama.“Sinabi niya sa akin, ‘Huwag kang magtitiwala sa lalaking iyon.’”Tahimik.“Gaano katagal bago siya nawala?”“Dalawang araw.”“After she said that?”“Oo.”“Then she disappeared?”Tumango siya.“Hindi na siya bumalik.”“Hindi mo hinanap?”“Hinahanap namin.”“Sino?”“Lola mo. Ako.”“Marcus?”“Hindi ko alam.”Napatingin ako sa ID.“Then how did her name stay active?”“Hindi ko alam.”“Paano nakuha ng ibang tao ang access?”“Hindi ko alam.”Napailing ako.Ang daming hindi alam.Pero sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi iyon dahil ayaw niyang magsabi.May mga bagay talagang hindi niya alam.At marahil, iyon din ang problema ni Niko.Hindi niya alam kung sino ang tunay na may hawak ng records.Hindi niya alam kung sino ang gumagamit ng mga pangalan.At hindi niya alam kung sino ang susunod na mawawala.“May isang bagay pa,” sa

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 95

    Parang hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mama.Lydia was my sister.Ilang segundo akong nakatitig sa kanya, hawak pa rin ang papel na iniwan ni Niko, habang pilit kong pinagkakasya sa iisang larawan ang lahat ng nalaman ko.Lydia Wang.Elena Wang.Dalawang pangalan.Isang pamilya.At isang identification card na gumagamit ng pangalan ng isang babaeng hindi ko man lang alam na umiiral.“Ma…”Bahagya siyang napayuko.“Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag.”“Simulan mo sa totoo.”Napatingin siya sa akin.“Walang dagdag, walang bawas.”Tumango siya.Sa gilid ko, naramdaman kong gumalaw si Sha, pero hindi siya nagsalita. Si Zale naman ay nasa may filing cabinet, hawak pa rin ang identification card, pero hindi ko siya nilingon. Hindi dahil ayaw kong malaman kung ano ang iniisip niya, kundi dahil ayokong maimpluwensiyahan ng reaksyon niya ang maririnig ko mula kay Mama.Gusto kong sa kanya mismo manggaling.“Ang pangalan kong Elena Wang,” sabi niya sa wakas. “Elena ang pan

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 94

    Naramdaman ni Chayo ang pagbigat ng paligid.“Anong ginawa ninyo rito?”“I don't remember.”“Pero may access ka.”“Yes.”“Anong oras ka dumating?”“9:17.”“Then what happened?”“I told Niko to leave.”“Bakit?”“He asked me to.”“May kasama ka?”“Carlo.”“Elias?”“Not inside the room.”“Then where was he?”“I don't know.”Natahimik si Chayo.Sa mga oras na iyon, maaaring nagkakahiwalay ang mga tao sa iba't ibang bahagi ng property.May naglipat ng box.May nag-access sa 17-B.May nagbukas ng C-04.At pagkatapos, may namatay.“May recording ba?”Napatingin si Zale sa monitor.“Maybe.”Binuksan niya ang security tab.May ilang corrupted files.Isa sa mga iyon ay dated the night of the accident.C-04 — 20:41–21:23“Play it.”Nag-loading ang video.Una, walang malinaw.Madilim ang hallway.Pagkatapos, may lumitaw na lalaki.Si Niko.May dala siyang folder.Pumasok siya sa C-04.Makalipas ang ilang minuto, may isa pang tao.Si Marcus.Napasikip ang hawak ni Chayo sa bag niya.“Marcus.”Puma

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 93

    Hindi agad nagsalita si Chayo.Nasa kamay pa rin ni Zale ang identification card, habang silang lahat ay nakatingin sa litrato ng babaeng nakalagay sa ilalim ng pangalang Lydia Wang.Pareho ang pangalan.Iba ang mukha.At iyon ang bagay na hindi niya kayang ipaliwanag.“Ma…”Hindi gumalaw si Lydia.Nakatitig lamang ito sa ID, at sa ilang segundo, parang nakalimutan nitong huminga.“Kilála mo siya?”Dahan-dahang umiling ang babae.“Hindi.”Napatingin si Chayo sa kanya.“Sure ka?”“Oo.”Pero hindi kumbinsido ang tono nito.Lumapit si Sha at tiningnan ang ID.“Baka old photo lang?”“Hindi,” sagot ni Zale.Napatingin sa kanya si Sha.“How do you know?”“The ID number.”Itinuro niya ang maliit na code sa ilalim ng pangalan.“Hindi ito personal identification number. Internal authorization card ito.”“Meaning?”“Hindi ito ginawa para sa ordinaryong employee.”Tiningnan ni Chayo ang designation sa ibaba.AUTHORIZED HANDLER — C-04“Handler.”Tumango si Zale.“Someone assigned to handle whatev

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 92

    Napatingin si Chayo kay Mama.“Mama?”Hindi ito sumagot.“Ma.”Dahan-dahang umiling si Lydia.“Hindi iyan ang susi na hawak ko noon.”“May iba?”“Oo.”“Nasaan?”“Hindi ko alam.”Napatingin si Zale sa susi.“This one is newer.”“Meaning?”“Someone replaced the old lock.”“Recently?”“Can't tell yet.”“Then paano natin malalaman?”Zale looked at the key.“By trying it.”---Hindi sila agad pumunta sa C-04.Nagpasya muna silang pumunta sa lumang Wang property para tingnan ang service entrance mula sa labas.Hindi na nila kailangan ng maraming tao.Si Zale, Chayo, Sha, at Mama lamang.Pagdating nila sa likod ng lumang bahay, mas madaling makita ang bahaging tinutukoy ni Mama.May lumang pader na halos natatakpan ng mga halaman.Sa likod nito, may maliit na metal door.Hindi ito halatang entrance.Kung hindi alam ni Mama kung nasaan iyon, malamang hindi rin nila mapapansin.“Dito.”Lumapit si Chayo.May lumang lock.At may bagong gasgas.“Someone used this recently.”Tumango si Zale.“Exac

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   SEQUEL 91

    Hindi agad sinabi ni Zale kay Chayo ang tungkol sa mensaheng natanggap niya.Tahimik niyang ibinaba ang cellphone at muling tumingin sa daan, na para bang walang nangyari. Sa tabi niya, abala si Chayo sa pag-aayos ng mga papel na nakuha nila mula sa apartment ni Sef, habang si Sha naman ay nakasandal sa likod ng upuan at binabasa ulit ang sulat na iniwan ni Sef.Si Mama ay tahimik lamang.Nakatingin ito sa labas ng bintana.Hindi na kailangan ni Chayo na tanungin kung may naaalala ba ito. Kita naman sa mukha nito na may ilang bagay na unti-unting bumabalik, at marahil ay hindi lahat ng iyon ay gusto nitong maalala.“Ma.”Bahagyang lumingon si Lydia.“Hmm?”“Yung C-04.”“Oo.”“Sigurado kang nasa lumang Wang property?”“Sigurado ako sa building.”“Pero hindi sa kung nasaan mismo?”“Hindi.”Napatingin si Chayo kay Zale.“May alam ka ba kung nasaan iyon?”“I know the property.”“Pero?”“But I don't know the old layout.”“Of course.”“Don't start.”“Hindi naman ako nagsisimula.”“Your face

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   Sassy 5

    HENDRIX'S POVKahit kitang kita ko ang lantaran niyang pagdadabog, sumunod pa rin siya sa akin pababa sa opisina ko. Bitbit ang kaniyang malaking maleta, matalim siyang nakatingin sa likod ko habang nasa loob kami ng elevator. Siguro sa inis niya'y hindi niya namamalayan na nakikita ko ang repleksy

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   Sassy 4

    HENDRIX'S POVMaingat kong pinahiga ang walang-malay na si Hiraya sa ibabaw ng kama ko. Napailing na lang ako nang mapatitig ako sa kabuuan niya. Ang kaninang maingay, reklamador, at maarteng babae ay ngayon ay nakapikit na."Diyos ko kang bata ka!" asik ni Manang habang nagkukumahog na inayos ang

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   Sassy 2

    "Blow job? What the hell is that?! You mean blowing some dust? Bakit kailangan ko pang i-blow gamit ang bibig ko? Wala ka bang air dust blower? O kaya vacuum cleaner?!"Sunod-sunod na asik ko habang nakapamewang sa harap ng lamesa niya. I mean, hello? Anong klaseng bilyonaryo ang walang pambili ng

  • The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid   Sassy 1

    "I’m sorry, Miss Hiraya, but we have a court order."Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking naka-barong na nasa harap ng aming mansyon. It’s a sunny Tuesday, for goodness’ sake! Dapat ay nagpapa-pedicure ako ngayon habang umiinom ng iced latte, hindi nakikipag-talo sa pangit na n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status