Stay tuned for more updates. Pa-like, comment, gem vote at rate ng libro. Maraming salamat! 💗
Hindi matahimik si Rafael buong umaga. Habang tahimik siyang nakaupo sa loob ng kaniyang opisina, hawak-hawak ang tablet na naglalaman ng updates mula sa isang private investigator na inarkila niya para alamin ang tunay na nangyari kay Nica matapos ang limang taon.Hindi pa man niya nabubuksan ang final report, matigas na ang kaniyang mukha. Halata ang tensyon sa panginginig ng kanyang panga at mahigpit na hawak sa tablet.“Let’s see what kind of miserable life you chose, Nica,” mahinang bulong ni Rafael habang pinipigilan ang galit at sakit na matagal na niyang kinikimkim.Lingid sa kaniyang kaalaman, may lihim na kautusan pala ang kaniyang ina—si Vivian Watson—na baguhin ang impormasyong ilalabas. Sa halip na ang katotohanang ginamit ni Nica ang limang milyon para bayaran ang utang ng kanyang magulang at suportahan ang pagpapagamot ng kanyang ina, ang report ay magpapakita na winaldas niya ito sa walang kapararakang luho—travel, shopping, at kung anu-anong walang kabuluhang bagay.S
Nakahinga lamang ng maluwag si Nica nang marinig niya ang papalayong mga yapak nina Rafael at Camilla. Hindi siya gumalaw agad. Nakatayo lang siya sa isang sulok ng hallway, bahagyang nakapikit, habang pinakikiramdaman kung tuluyan nang nakalayo ang dalawa. Para siyang batang nahuli sa isang kasalanan na hindi niya masabi kung dapat bang ikatuwa o ikatakot.Nang makasigurong wala nang ibang tao sa paligid, mabilis niyang tinapos ang pagliligpit ng mga baso sa tray at maingat na ibinalik ang mga ito sa kusina. Tahimik ang buong paligid, maliban sa marahang tunog ng kanyang tsinelas sa marmol na sahig.Pagdating niya sa servants’ quarter, nadatnan niya roon sina Jessa at Mariel. Halatang gising na rin ang dalawa at abala sa mahinang kuwentuhan habang nag-aayos ng kanilang mga gamit.“Grabe si Sir Michael, ‘no?” pabulong pero may gigil na kilig ang boses ni Mariel. “Napakabait. Sobrang gentleman. Ang bango pa!”“Oo nga, girl! Kanina lang, tinulungan niya ako sa pagbitbit ng mga halaman.
Abala si Nica sa pagdidilig ng mga halaman. Seryoso ang mukha niya, sinusubukang huwag ma-distract sa iniisip. Pero kahit anong iwas niya, paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang sinabi ni Rafael kahapon."You no longer deserve that title."Napapikit siya sandali. Huminga nang malalim.“Nica!” masiglang tawag ni Michael habang papalapit ito, bitbit ang dalawang cup ng milk tea. “Break time muna. I brought you something!”Napatingin si Nica sa kaniya. “Ay, sir, hindi na po. Bawal po akong tumanggap ng kahit anong—”“Oh come on,” giit ni Michael. “I’m family. At hindi ka namin binabastos dito. You're not just some help, okay? You're part of this household now.”Napilitan si Nica na tanggapin ang milk tea. Nagpasalamat siya nang mahina, saka naupo sa bench habang tumabi si Michael.“So... tell me something about yourself,” panimula ni Michael. “Single ka pa ba?”Natawa si Nica sa tanong. “Wala pong boyfriend. At wala rin pong panahon para sa love-life.”“Perfect. Ako rin.”Nagkatawan
Tahimik si Nica habang nagsusuklay sa harap ng maliit na salamin sa servants’ quarters. Sa ilalim ng mga mata niya ay halatang hindi siya nakatulog ng maayos. Pilit niyang binura sa isipan ang nangyari kagabi, pero sa bawat sulyap sa balat niyang tila may naiwan pang init mula sa mga halik ni Rafael—hindi niya mapigilan ang pagkinig ng dibdib niya. “Okay ka lang ba, Nics?” tanong ni Jessa, isa sa mga kasamahang kasambahay, habang pinupunasan ang basang buhok nito. Tumango si Nica. “Oo naman. Maaga lang ako nagising,” mabilis niyang sagot habang pilit na ngumiti. Pero kahit pilitin niyang magmukhang kalmado, hindi siya mapakali. Lalo na nang marinig niya ang tinig ng kanilang supervisor sa labas ng quarters. “Pumila na kayo sa kusina. Parating na si Sir Rafael.” Napapitlag ang puso ni Nica. Sa kusina... Abala ang lahat sa paghahanda ng lunch. Si Nica ay tahimik na naghihiwa ng prutas. Iniiwasan niyang mapatingin kahit sa anino ni Rafael. Pero naramdaman niya ang presensya nito b
Nagising ang diwa ni Nica nang maramdaman niyang humina na ang paggalaw ni Rafael. Bahagya na lang ang mga ungol nito at unti-unti nang naging pantay ang paghinga niya. Sa wakas, nakatulog na rin ito—hubo’t hubad, nakayakap pa rin sa kaniyang baywang. Tahimik si Nica habang dahan-dahang kumalas sa bisig ng binata. Nanginginig ang mga kamay niya habang tinatabing muli sa katawan ang kumot na kanina’y walang pakundangang itinapon sa sahig. Parang hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay nilamon siya ng gabi—ng galit, ng libog, ng pagsisisi. Tumayo siya. Tahimik. Maingat. Parang ayaw niyang magising ang isang demonyo sa tabi niya. Luminga siya sa paligid. Nakakalat ang mga damit nila sa sahig. Isa-isa niya iyong pinulot, pilit pinapakalma ang sarili habang sinusubukang linisin ang kalat ng isang desisyon na hindi na mababawi. Pagkabihis, agad siyang lumabas ng silid. Tila sumabog ang init sa kaniyang mukha nang madatnan niya sa hallway ang ilan sa mga kasamahan niya. Nakaupo ang mga it
Abala si Nica sa paglilinis ng marble flooring ng malaking sala nang biglang bumukas ang double doors ng mansyon. Maingay ang mga hakbang ng mga stiletto na humampas sa sahig, at sa isang iglap ay pumasok si Camilla kasama ang tatlong kaibigan nito. Pawang mga naka-brand na damit, may hawak pang designer coffee cups at cellphone, na para bang dumaan lang sila para magpakitang-gilas at manlait ng mahirap. "God, it's too hot today. I need some ice water," reklamo ni Camilla habang ibinaba ang mamahaling sunglasses sa bridge ng ilong. Tiningnan nito si Nica na nakaluhod sa sahig, pawis at may bakas ng pagod sa mukha. Hindi man lang siya pinansin bilang tao, kundi parang isa lang na kasangkapan sa bahay. "Oops!" Napakaarte ng pagbitaw ni Camilla sa dala niyang food tray. Bumagsak ito sa harap mismo ni Nica. Kumalat ang mga pagkain sa sahig, sabog ang spaghetti, salad, at mga pastry. "Oh no, what a mess," ani Camilla sabay tingin sa mga kaibigan. "Nica, linisin mo 'yan. You’re paid fo