Share

Kabanata 4

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-06-10 05:11:19

Limang taon na ang lumipas mula noong tuluyang nawala si Rafael Alcantara Watson sa buhay ni Nica. Limang taon mula nang iwan niya ito sa gitna ng unos, dala ang sugat na hindi kailanman gumaling.

Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi lang puso ang nagbago kay Rafael—pati ang kabuuan niya.

Mas naging matikas ang tindig nito, mas lalong humubog ang katawan. Mula sa dating palangiting Rafael, ngayon ay isa na siyang malamig, istriktong lalaki—isang negosyanteng hinubog ng tagumpay at sakit. Wala na ang dating init sa kaniyang mga mata. Lahat ay pinalitan ng determinasyon at kawalang pakialam.

Napilitan siyang bumalik sa Pilipinas matapos isugod sa ospital ang kanyang ina. Ayon sa mga doktor, humina na ang kalagayan ni Vivian Watson, at kailangan nitong magpahinga ng tuluyan. Bilang nag-iisang anak, si Rafael ang kailangang humawak ng mga negosyo. Agad niyang tinanggap ang responsibilidad, kahit ang kapalit nito ay isang desisyong hindi kanya.

“Rafael, I want you to marry Camilla Luceros,” mahina ngunit mariing sinabi ng ginang habang nakahiga sa kama.

“You can’t be serious, Mom,” mariin niyang sagot, ngunit agad din niyang napansin ang panghihina ng katawan ng ina. “You’re not thinking straight.”

“I am,” bulong ni Vivian. “The Luceros have always been close to our family. Camilla is a good woman. I want to see you settled… before it’s too late.”

Isinara ni Rafael ang mga mata. Matalas ang panga niyang nagngangalit sa galit at panggigigil.

Pero wala siyang laban sa panahong iyon.

“I’ll do it,” aniya, malamig. “But only because you asked me to.”

***

Samantala, si Nica ay isa na lamang anino ng dating siya.

Hindi niya na naabot ang pangarap niyang diploma. Matapos ang operasyon ng kaniyang ina, lahat ng natira sa perang ibinigay ni Vivian ay ginamit para bayaran ang mga utang ng magulang. At mula no’n, wala nang balita kay Rafael.

Kaya’t sa halip na bumalik sa pag-aaral, pumasok si Nica sa isang housekeeping agency upang kahit papaano ay may maipantustos sa araw-araw na gastusin.

“May bago kayong assignment. Isa itong malaking bahay. Confidential ang may-ari, pero kilala sa business world. Gusto niya ng professional, disente, at maayos magtrabaho.”

Hindi na nagtanong si Nica dahil marami na silang naging kliyente na hindi sinasabi ang pangalan. Isa lang ang nasa isip niya—trabaho. Isang araw na may kita, isang araw na may ipon para sa may pantustos sa kanilang pangangailangan.

Pagdating sa bagong bahay, humanga ang mga maid sa laki at ganda ng lugar. Modernong disenyo, malawak ang hardin, at halatang mamahalin ang bawat sulok.

Nang bumukas ang pinto ng terrace, at lumabas ang isang matangkad na lalaki kasama ang isang maganda, eleganteng babae—parang huminto ang oras.

Dahan-dahang gumalaw ang mundo ni Nica. Nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi siya makahinga. at makagalaw nang makita si Rafael.

Ang lalaking inibig niya. Ang lalaking iniwan niya. Ang lalaking kahit kailan ay hindi niya nalimutan.

Ngunit hindi na siya ang dating Rafael. Ang lalaking kaharap niya ngayon ay isa nang ganap na estranghero. Mas matikas, mas malamig, mas mabagsik ang aura. At sa tabi nito, nakahawak sa braso niya, ay isang napakagandang babae—maputi, matangkad, at halatang galing sa prominenteng pamilya.

“Love, I think the new maids are here,” ani ng babae, ngiting-ngiti habang nakatingin kay Rafael.

“Oh,” tipid ang sagot ni Rafael habang ibinabaling ang tingin sa grupo.

Nang tumama ang tingin niya kay Nica—parang muling lumitaw ang multo ng nakaraan.

Nanatiling blangko ang ekspresyon ni Rafael, ngunit sa likod ng malamig na titig ay naroon ang tila sumisigaw na emosyon. Gulat. Galit. At isang bagay na hindi maipinta—tila sakit.

Si Nica, sa kabilang banda, ay namutla.

Ang mga kamay niya’y bahagyang nanginginig. Napayuko siya agad, pilit na itinatago ang mukha, ngunit huli na. Nagtama na ang kanilang mga mata.

Hindi niya inaasahan na magkikita silang muli after five years.

Lalo pang bumigat ang dibdib niya nang marinig ang sinabi ng babae sa tabi ni Rafael.

“She’s one of the maids?” ani Camilla, kunot-noong tumingin kay Nica. “You look familiar…”

Hindi sumagot si Nica.

“Ikaw ang bagong maid?” malamig na tanong ni Rafael.

Dahan-dahang tumango si Nica. “Opo, Sir.”

“Make sure she knows her place,” anang babae. “I don’t want mistakes. Our engagement party will be in a few weeks, and I want everything perfect.”

Muli, parang piniga ang puso ni Nica.

Fiancé.

Ikakasal na si Rafael. At hindi siya ang babae sa tabi niya. Hindi siya ang pinili.

***

Gabi na nang matapos ang unang araw ng trabaho ni Nica sa mansyon. Tahimik siyang naglalakad sa hallway pauwi sa quarters ng mga kasambahay, hawak-hawak ang isang maliit na tray ng baso na naiwan sa sala. Sa likod ng maaliwalas at eleganteng disenyo ng bahay, tila ba isa itong kulungang unti-unting pumipiga sa kanyang puso.

Ngunit bago pa man siya makarating sa dulo ng hallway, isang malamig na boses ang pumigil sa kanyang hakbang.

“You.”

Napalingon siya, at agad na nanigas ang kanyang katawan.

Si Rafael.

Nakatayo ito sa may gilid ng pader, nakaawang ang pinto ng isang private office. Nakasuot ito ng itim na polo, bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones.

Dahan-dahang lumapit si Rafael, at bago pa makapagsalita si Nica, sinarado na nito ang pinto ng opisina at mariing ini-lock iyon.

“Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Rafael.

“Na-assign po ako rito. Hindi ko alam na—”

“Ikaw? Hindi mo alam?” napangisi ito ng mapait. “Napaka-coincident, ‘no? Out of all the places, dito ka pa napunta. Or maybe... you planned this?”

Napakunot ang noo ni Nica. “Hindi ko alam na bahay mo ito.”

“Don’t play the innocent card, Nica,” aniya, habang marahan itong lumalapit. “Magaling ka riyan. You always were.”

“Rafael, please... hindi ako narito para guluhin ka—”

“Oh, you’re right,” singit ni Rafael, mas lalong dumidilim ang mga mata. “You’re here to clean my toilets. Wash my dishes. That’s what you’ve become.”

Walang salita ang lumabas sa bibig ni Nica. Ramdam niyang nanginginig ang mga kamay niya, ngunit pilit niyang pinigilan. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan.

“You didn’t even finish school, did you?” patuloy ni Rafael, titig na titig sa kaniya. “You had your chance. I gave you one. But no—you chose the shortcut. You chose money.”

“Hindi ‘yon ang totoo—”

“Oh, come on,” putol ni Rafael, halatang may hinanakit. “You took the money, my virginity, and ran. You disappeared.”

“I had no choice,” mariing sagot ni Nica, pinipigilan ang pagbagsak ng luha. “Ginawa ko ‘yon para sa nanay ko. Akala ko makakatulong—”

“Help?” Tumawa ito ng mapakla. “You helped yourself. You sold your pride, Nica. At the end of the day, you’re just another gold-digger."

Isang mahinang tunog ng tray ang narinig nang mahulog ito mula sa nanginginig na kamay ni Nica. Hindi dahil sa bigat ng tray, kundi sa bigat ng mga salitang lumabas sa bibig ng lalaking minahal niya.

Mabilis siyang yumuko para pulutin ang baso ngunit pinigilan siya ni Rafael sa balikat.

“Leave it,” aniya.

Nag-angat siya ng tingin. Magkalapit na ang kanilang mukha. Ang dating init ng titig ni Rafael ay napalitan ng malamig at nanunuyang titig.

“You look pathetic,” bulong ni Rafael. “You used to dream big. Now you clean floors.”

Hindi na nakatiis si Nica.

“At least I work hard,” mariin niyang sagot, nanginginig ang tinig. “At least I didn’t turn into someone heartless.”

Napangisi si Rafael. “Heartless? After what you did, you think you deserve my sympathy?”

“I never asked for your sympathy, Rafael. I just wanted to survive.”

“Exactly,” singit niya. “And you’ll keep surviving. That’s all you’ll ever do—survive. You’ll never succeed. You’ll never get out of this life.”

“Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko—”

“But I know who you are. A maid. A charity case. A woman who threw away her dignity for a few pesos.”

Parang sinuntok si Nica sa dibdib.

Ang dating Rafael na nagbibigay sa kanya ng pag-asa, ngayon ay siya ring nagpapamukha kung gaano siya kababa sa mundo nito.

“Bakit mo ‘to ginagawa?” mahinang tanong niya, halos hindi na siya makahinga. “Gusto mo ba akong saktan?”

“Masakit ba?” tanong ni Rafael, hindi umiwas ng tingin. “Good.”

Tumahimik si Nica. Ilang segundo silang nagkatitigan, walang nagsasalita. Ngunit sa pagitan ng katahimikan ay naroon ang sakit—ang galit, ang pagkasabik, ang hinanakit na limang taon nang nakakubli sa likod ng katahimikan.

“Kung gusto mong gumanti, congratulations,” bulong ni Nica, bakas sa mukha ang sugat ng bawat salitang tinanggap. “You already did.”

Dahan-dahan siyang lumayo, pinulot ang tray at baso, saka tahimik na lumabas ng opisina.

Naiwan si Rafael sa loob, nakatingin sa pintong isinara ni Nica. Nanatiling blangko ang mukha niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 68

    Mabilis kumalat ang balitang engaged na ang bilyonaryong si Rafael Watson—ang heir ng Watson Group. Halos lahat ng pahayagan at online news sites ay iyon ang laman. Trending sa social media ang engagement niya. Pero higit sa lahat, nagulat ang marami sa identity ng babaeng kanyang pinili. Hindi ito galing sa mundo ng negosyo, hindi socialite, at lalong hindi kilala sa mga piling events ng high society. “She’s just a maid?!” iyon ang paulit-ulit na komento ng mga tao online. Ang iba’y tuwang-tuwa sa kwento ng isang modern-day Cinderella, pero mas marami ang nangmamata. Para bang kasalanan ni Nica na nagmahal at minahal ng heir ng Watson Group. Inulan sila ng insulto. Sa bawat article ay may nagkokomento na mas bagay sina Camilla Luceros at Rafael Watson. Ang pangalan ni Camilla, ang ampon ng pamilya Luceros, ay paulit-ulit na idinidikit kay Rafael. Para kay Rafael, hindi mahalaga ang sinasabi ng iba. Kaya’t agad niyang sinabi kay Nica na huwag na siyang bumalik sa trabaho bilang m

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 67

    Galit na galit si Camilla habang naglalakad papunta sa kwartong dapat ay para kay Nica. Hawak pa niya ang cellphone na pinagmulan ng tawag ng call boy.“Bwisit kang gago ka!” singhal niya, halos mabali ang hawak niyang cellphone sa higpit ng pagkakakuyom. “Ang dali-dali lang ng utos ko sa ’yo! Dalhin mo lang si Nica rito at paikutin mo ang istorya na parang niloloko niya si Rafael. Bakit parang ang bobo-bobo mo?”Halos mabingi ang lalaki sa kabilang linya pero wala itong masabi. Panay lang ang “Opo, Ma’am… pasensya na, Ma’am…”Nang ibaba niya ang tawag ay mariing napapikit si Camilla, pigil ang sariling inis. “Kung hindi ka lang kailangan sa plano ko, matagal na kitang pinapatanggal sa mukha ko,” bulong niya, saka mariing binuksan ang pinto ng silid.Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang red wine na nakalagay sa maliit na mesa. Wala na siyang pakialam kung kanino galing iyon. Gusto lang niyang maibsan ang init ng ulo niya. Kinuha niya ang baso, sinalinan, at tuloy-tuloy na ininom.“

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 66

    Tinago ni Rafael ang mga larawang nakita niya. Hindi siya naniniwalang magagawa ni Nica ang ganoong bagay.Pagbalik ni Rafael mula sa pakikipag-usap sa isa niyang kaibigan na dumalo rin sa party, napansin niyang wala sa lamesa si Nica.“Nasaan si Nica?” tanong niya kay Marco, isa sa mga barkada niyang matagal nang nakasama mula college.“Kanina pa umalis, bro. May tumawag yata sa kaniya. Bigla na lang siyang lumabas,” sagot ni Marco habang umiinom ng beer.Nagkibit-balikat si Rafael pero ramdam niya agad ang pag-aalala. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa at tumambad ang isang bagong notification sa messenger. Nang buksan niya iyon, muntik nang mabitiwan ni Rafael ang hawak na bote ng alak.Mga litrato. Si Nica, halatang gulat ang mukha, pero tila nakasama sa isang lalaking hindi niya kilala. Nasa hallway iyon ng parehong hotel. Ang lalaking iyon, nakalapit kay Nica, tila ba may intensyon na halikan ito.Napasinghap si Rafael, nanlaki ang mga mata. “What the hell is this?” bu

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 65

    "Happy birthday, Rafa!" masayang bati ni Nica nang magising siya sa tabi ni Rafael sa loob ng condo ng binata. May ngiti sa kanyang labi habang inaayos ang kumot sa katawan nilang dalawa.Napangiti si Rafael at agad siyang yumuko para halikan ang mga labi ng dalaga. “Best birthday ever. After all these years na wala ka sa buhay ko… ngayon, ikaw na ulit ang unang gumising sa tabi ko,” bulong nito bago siya muling halikan, mas mariin na ngayon.Napapikit si Nica, pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan nilang bumangon. “Hoy, birthday mo, hindi mo dapat ako ginugulpi ng halik,” natatawa niyang sabi habang pilit siyang umaalis sa yakap ng binata.Tumawa si Rafael, tumihaya at tumingin sa kisame. “Ang hirap bumangon kapag ikaw ang katabi ko, babe.”“Anong plano mo today?” tanong ni Nica habang inaabot ang robe niya. “Uuwi ka ba sa inyo? Or gusto mong ipagluto kita ng breakfast o lunch?”Mabilis na umiling si Rafael. “No. Today is special. Gusto kong ilaan ang buong araw na ’to para sa’yo

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 64

    Luceros Mansion.Mabilis ang paglakad ni Camilla habang palinga-linga sa paligid, hindi alintana ang malalakas na yabag ng takong niya sa sahig ng marmol. Puno ng inis ang kaniyang mukha, halatang hindi na siya makapaghintay na kausapin ang kaniyang ina.Pagkapasok sa living area, nadatnan niya si Agnes na tahimik na umiinom ng tsaang inihain ng isang kasambahay.“Mom!” tawag niya, medyo pasigaw.Napalingon si Agnes. Hindi na ito nagulat sa pagdating ng anak. “Ano na naman, Camilla?” malamig na tanong nito.“Narinig ko na ang ginawa ni Nica. Sinampal niya raw si Trina at halos palayasin kayong dalawa sa ospital! Tapos ngayon, ikaw pa ang nagmamakaawa sa kaniya? Mom, seriously?” Halos mapatili si Camilla habang naglalakad palapit sa ina.Hindi sumagot si Agnes. Ininom nito ang natitirang laman ng tasa bago dahan-dahang ibinaba sa lamesa. Tiningnan niya si Camilla, diretso sa mga mata nito.“Oo, at ano ngayon?” malamig ngunit matigas ang tinig niya. “Kung kailangan kong magmakaawa sa an

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 63

    Ang mga staff ay nananatiling nakaluhod sa harap ni Nica habang sina Agnes at Gerald ay tuluyang nawalan na ng dignidad sa kanilang pagmamakaawa. Ang lahat ay tahimik na saksi sa matinding tagpo.Biglang huminto ang isang mamahaling itim na kotse sa tapat ng driveway. Bumukas ang pinto. Bumungad si Rafael.Hindi nag-aksaya ng oras ang binata. Mabilis ang mga hakbang. Matalim ang tingin. Sa bawat yabag niya ay ramdam ang galit na pilit niyang nilulunok.“Nica!” tawag niya, at sa isang iglap, lumapit siya at hinila ang dalaga palapit sa kaniya.Nagulat si Nica. Napapitlag siya pero hindi siya tumutol. Ramdam niyang nanginginig sa galit ang binata. Mahigpit ang pagkakahawak ni Rafael sa kaniyang braso, na para bang ayaw nang ipahawak sa iba.“Tinanong ko na kayo noon,” singhal ni Rafael sa mag-asawa. “Ano pa bang kailangan n’yo kay Nica?”“Rafael…” mahinang pakiusap ni Gerald. “Please… anak namin siya—”“Too late,” malamig na putol ni Rafael.Muling lumuhod si Agnes. Ang dating matapobre

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status