Tahimik lang si Rafael habang nakatitig sa singsing na hawak niya. Ilang beses na niyang sinubukang ibalik iyon sa kahon, pero tila may sariling buhay ang maliit na singsing na pilit siyang inaalala ng lahat ng alaala nila ni Nica.
Their laughter. Their dreams. That one night… Ngunit lahat ng iyon, isang iglap lang—nawala. "Why, Nica?" bulong niya habang nakaupo sa terrace ng kanilang bahay. “Why did you throw us away?” Hindi siya lumabas ng silid buong gabi. Hindi siya kumain. Hindi rin siya nakatulog. Hindi niya alam kung paanong ang isang gabi ng pagmamahalan ay naging paalam. Nang sumunod na araw, habang patuloy pa rin siyang balot sa sakit, isang katok ang gumising sa katahimikan ng silid. Pumasok ang ina niyang si Vivian Watson—maayos ang bihis, may hawak pang kape, parang walang nangyaring masama. “Oh, good. You’re up,” aniya, kaswal na pumasok. “I heard you and that girl finally broke up. It's for the best, darling.” Dahan-dahang bumaling si Rafael sa ina. "What did you just say?" "I said it’s about time,” ngumisi si Vivian habang naupo sa sofa. “I always knew that girl wasn’t going to last. She doesn’t belong in your future, Rafael. Maybe she found someone else—” "Stop." Matalim ang boses ni Rafael. Ngumisi pa rin ang ginang. “You don’t have to defend her anymore. Honestly, I think she just couldn’t handle a long-distance relationship. Or maybe she realized you're too much for her simple life.” "Don’t talk about her like that," Rafael snapped. “You don’t know anything about what happened.” “Oh, honey, I know enough.” Tumayo ang ina, itinapon sa side table ang hawak nitong kape. “I saw how clingy she was, how desperate. Do you really think she would last in your world? I saved you from—” “You didn’t save me from anything!” sigaw ni Rafael. Napatigil ang ina, bahagyang nayanig. “You don’t get to destroy the only person who made me happy and pretend like you’re helping me. I loved her, Mom. I still do.” Naglakad si Rafael papalayo, pero huminto siya sa may pinto. Sa huling sandali, sinabi niya ang salitang hindi kailanman inaasahan ng ina niyang maririnig. “I’m leaving. I’m going to America. For good.” “What?” Halos hindi makapaniwala si Vivian. “You said you’d only go for your master’s—” “I changed my mind. I can’t stay here. Not with all the memories, and especially not with you.” Tuluyan siyang lumabas ng silid. *** Ilang oras bago ang flight ni Rafael, tahimik lang siya habang nasa loob ng sasakyan papuntang airport. Suot niya ang itim na coat, shades, at bitbit ang backpack. Wala siyang kasamang pamilya, kahit bodyguard. Gusto niya ng tahimik na alis. Hawak pa rin niya ang singsing na dapat sana ay para kay Nica. “I don’t know why you left…” aniya sa hangin, “But wherever you are, I hope you’re okay.” Mabigat ang dibdib ni Rafael. Pilit niyang pinipigil ang sakit, pero masyadong sariwa ang sugat. “Maybe someday,” bulong niya, “we’ll find our way back.” Sa kabilang dulo ng departure area, tahimik na nakatayo si Nica sa likod ng poste. Nakasuot siya ng cap at jacket, halos hindi makilala. Nanginginig ang mga kamay niya habang tinitingnan si Rafael mula sa malayo. Nakita niyang binaba nito ang bag, saglit na umupo sa waiting area, at pinunasan ang mga mata—parang may pinipigil na luha. “Rafael…” bulong ni Nica, hawak ang kwintas na ibinigay sa kaniya ng binata noon. “I’m sorry…” Gusto niyang lapitan ito. Gusto niyang yakapin, humingi ng tawad, sabihin ang totoo—na wala siyang ibang lalaki, na mahal na mahal pa rin niya ito, na pinilit lang siya ng ina ni Rafael. Pero nanatili siyang nakatago sa likod ng salamin at distansya. Takot siya. Hindi lang sa ina ni Rafael, kundi sa posibilidad na hindi na siya mapatawad ng binata sa kasinungalingan niya. Habang lumalakad si Rafael patungo sa boarding gate, hindi na napigilan ni Nica ang mga luhang bumagsak sa kaniyang pisngi. “You have to go,” bulong niya. “You have to live your dream… even if it means leaving me behind.” Naglakad si Rafael papasok sa gate, hindi lumingon, hindi tumigil. Tuluy-tuloy siya—dala ang pusong sugatan, dala ang mga tanong na hindi nasagot, at ang pagmamahal na hindi niya maialis sa sarili. Pagkaalis ni Rafael, nanatili si Nica sa kinatatayuan niya. Ilang minuto siyang tahimik, parang tuluyang nawalan ng direksyon. Nang makaalis na ang eroplano, saka lang siya tuluyang bumagsak sa upuang malapit sa pader. Yumuko siya, niyakap ang sarili. “Huwag kang lilingon, Rafael,” bulong niya, habang patuloy ang pag-iyak. “Please… huwag kang lilingon. Baka hindi ko na kayanin.” *** Pagkarating ni Nica sa ospital, agad siyang nagtungo sa silid kung saan naka-confine ang kanyang ina. Kagagaling lang ng ginang sa matagumpay na operasyon, at kahit pagod pa si Nica, magaan ang loob niya dahil sa magandang balita. Ngunit paglapit pa lang niya sa pintuan ng kwarto, agad nang nanlamig ang kanyang katawan. Nandoon si Vivian Watson. Maayos ang postura ng ginang, nakasuot ng branded na coat, at tila hindi angkop ang presensiya nito sa ospital. Hawak nito ang isang bouquet ng mamahaling bulaklak na ipinatong sa table. Napahinto si Nica sa paglalakad. Napakuyom ang kaniyang kamao. May kutob siyang may hindi na naman magandang balak ang ginang. Pagpasok niya sa silid, hindi nag-aksaya ng oras si Vivian para magpakita ng totoong kulay. “Oh, look who finally showed up,” ani Vivian habang nakataas ang kilay, hindi man lang nagtangkang ngumiti. “I was wondering when you'd come back crawling.” Huminga nang malalim si Nica. Hindi niya ito pinagbigyan ng reaksyon. Nilapitan niya ang kama ng ina, inabot ang kamay nito at hinalikan ang noo ng ginang na mahimbing pa ring natutulog. “Wala na po kayong dapat alalahanin, Ma,” mahina niyang bulong sa ina. “Safe na po kayo. Tapos na po ang operasyon.” Nang marinig ni Vivian ang sinabi ni Nica, saka ito tumikhim at lumapit sa dalaga, unti-unting naging mapanakit ang tono. “I suppose now that your mother’s fine, you’ll go back to clinging to my son?” “Ma'am,” mahinahong tugon ni Nica, kahit ramdam niya ang panginginig ng tuhod niya sa galit at kaba. “Ginawa ko na po ang gusto ninyo. Umalis na po si Rafael, at wala na po siyang alam sa akin. Sana po, tigilan n'yo na ako. Tigilan n'yo na kami.” Ngumisi si Vivian—malamig at mapanlait. “Do you honestly think it ends there, sweetheart?” sabay tingin mula ulo hanggang paa kay Nica. “You think by giving him your body one last time, you became something important to him?” Napalunok si Nica. Hindi niya alam kung paano nalaman ng ina ni Rafael ang tungkol doom Nanatili siyang nakatayo, matikas, kahit gustong-gusto na niyang umiyak. “You were just a plaything, Nica,” patuloy ni Vivian, mas malakas na ang boses ngayon. “A toy he got tired of. A warm body to keep him busy before he flies off to the real world.” “Hindi totoo 'yan,” mahina ngunit matatag ang sagot ni Nica. “Mahal ako ni Rafael.” “Mahal?” Tumawa si Vivian, isang uri ng halakhak na puno ng panghahamak. “If he really loved you, he wouldn’t leave. He would’ve stayed and fought for you. But he didn’t. He left because deep down, he knew you were a mistake.” Nag-init ang mata ni Nica. Pinipigil niya ang sariling huwag umiyak, huwag sumagot. Alam niyang iyon ang gusto ng ginang—na masira ang loob niya, madurog siya. “Listen carefully,” patuloy ni Vivian, unti-unti nang nilalapit ang mukha kay Nica. “When your mother is discharged, I want both of you gone. Leave this city. Leave this country if you must. I don’t care where. Just stay the hell away from my son.” Napatitig si Nica sa ginang, at sa kabila ng kabastusan, hindi siya umatras. “Wala po kayong karapatan na ipagtabuyan kami. Pero kung ‘yan po ang makakapagpanatag ng loob niyo—gagawin ko. Huwag n'yo lang pong saktan si Rafael. Huwag n'yo lang pong sirain ang mga pangarap niya.” Tumango si Vivian, para bang natuwa sa pahayag na iyon. “Smart girl,” aniya. “You know your place.” Bago pa makasagot si Nica, tumalikod na ang ginang at dirediretso nang lumabas ng silid, iniwang muli si Nica na tahimik na lumuluhang mag-isa, habang tangan ang kamay ng ina. Tahimik siyang umupo sa tabi ng kama. Lumuluhang nakatitig sa mukha ng inang tahimik na nagpapagaling. “I did the right thing… right?” bulong niya, pilit pinapakalma ang puso. Ngunit sa puso niyang nagdurugo, alam niyang habang nabubuhay siya, hinding-hindi niya makakalimutan ang gabing iyon—ang araw na muli siyang ininsulto, niyurakan, at pinilit na mawala sa buhay ng lalaking mahal na mahal niya.Luceros Mansion.Mabilis ang paglakad ni Camilla habang palinga-linga sa paligid, hindi alintana ang malalakas na yabag ng takong niya sa sahig ng marmol. Puno ng inis ang kaniyang mukha, halatang hindi na siya makapaghintay na kausapin ang kaniyang ina.Pagkapasok sa living area, nadatnan niya si Agnes na tahimik na umiinom ng tsaang inihain ng isang kasambahay.“Mom!” tawag niya, medyo pasigaw.Napalingon si Agnes. Hindi na ito nagulat sa pagdating ng anak. “Ano na naman, Camilla?” malamig na tanong nito.“Narinig ko na ang ginawa ni Nica. Sinampal niya raw si Trina at halos palayasin kayong dalawa sa ospital! Tapos ngayon, ikaw pa ang nagmamakaawa sa kaniya? Mom, seriously?” Halos mapatili si Camilla habang naglalakad palapit sa ina.Hindi sumagot si Agnes. Ininom nito ang natitirang laman ng tasa bago dahan-dahang ibinaba sa lamesa. Tiningnan niya si Camilla, diretso sa mga mata nito.“Oo, at ano ngayon?” malamig ngunit matigas ang tinig niya. “Kung kailangan kong magmakaawa sa an
Ang mga staff ay nananatiling nakaluhod sa harap ni Nica habang sina Agnes at Gerald ay tuluyang nawalan na ng dignidad sa kanilang pagmamakaawa. Ang lahat ay tahimik na saksi sa matinding tagpo.Biglang huminto ang isang mamahaling itim na kotse sa tapat ng driveway. Bumukas ang pinto. Bumungad si Rafael.Hindi nag-aksaya ng oras ang binata. Mabilis ang mga hakbang. Matalim ang tingin. Sa bawat yabag niya ay ramdam ang galit na pilit niyang nilulunok.“Nica!” tawag niya, at sa isang iglap, lumapit siya at hinila ang dalaga palapit sa kaniya.Nagulat si Nica. Napapitlag siya pero hindi siya tumutol. Ramdam niyang nanginginig sa galit ang binata. Mahigpit ang pagkakahawak ni Rafael sa kaniyang braso, na para bang ayaw nang ipahawak sa iba.“Tinanong ko na kayo noon,” singhal ni Rafael sa mag-asawa. “Ano pa bang kailangan n’yo kay Nica?”“Rafael…” mahinang pakiusap ni Gerald. “Please… anak namin siya—”“Too late,” malamig na putol ni Rafael.Muling lumuhod si Agnes. Ang dating matapobre
Pagkatapos ng mahaba at tensyong pag-uusap, tuluyan nang ipinalipat nina Agnes at Gerald sa pangalan ni Nica ang lahat ng ari-arian na dating nakapangalan kay Camilla—ang ilang property sa Maynila, shares sa negosyo ng pamilya, at maging ang mga bank accounts na may malaking halagang naipon sa loob ng maraming taon.Tahimik si Gerald habang pinipirmahan ang mga dokumento sa harap ng abogado. Si Agnes naman ay walang imik. "Hindi na ito para kay Camilla," mahinang sabi ni Gerald, habang inaabot ang huling folder sa abogado. "She lost her right the moment she hurt our real daughter.""Masakit man, pero totoo," dagdag ni Agnes. "Si Nica ang tunay naming anak. At lahat ng ito, nararapat lang na mapasakanya."Pagkatapos ng pirmahan, hindi rin nagtagal ay muling tinangka ng mag-asawa na makipag-ugnayan kay Rafael.Tumawag si Gerald sa assistant ni Rafael ngunit sinagot ito ng maikli at malamig na boses.“Mr. Luceros, pinasasabi po ni Sir Rafael na hindi siya available. At sa ngayon, wala r
Tahimik ang buong mansyon ng Luceros nang araw na iyon. Ngunit ang katahimikang iyon ay tila puno ng tensyon at hindi maipaliwanag na lungkot habang dahan-dahang pinihit ni Agnes ang makapal na doorknob ng isang kwartong matagal nang hindi nabubuksan. Maalikabok pa ang paligid, ngunit hindi na ito mahalaga para sa kanya. Pumasok siya sa loob kasama si Gerald, habang sumusunod sa kanila ang dalawang kasambahay na may dalang mga kahon at ilang shopping bags. "Simula ngayon, ayusin na natin itong muli," sabi ni Agnes habang tinitingnan ang lumang mga larawan at laruan na naiwan sa kuwarto. "Dito siya titira kapag bumalik siya rito… sa tahanan niya." Tumango lang si Gerald. Walang salitang kayang magsalita ng lahat ng kanyang emosyon—guilt, pangungulila, at ang kakaibang takot na baka huli na ang lahat. Agad ipinapasok ng mga kasambahay ang ilang mamahaling gamit sa loob ng kwarto—mga bagong designer clothes, handbags, imported na perfumes, sapatos, at iba pang gamit pambabaeng halatan
Habang nakaupo si Nica sa sala ng bahay ni Lola Maria, pinagsisilbihan siya ng matanda ng tsaa at meryenda, at kahit may kaba pa rin sa dibdib niya, ramdam niya ang kaibahan."Kung ako ang tatanungin, pakasalan mo na agad ang apo ko, hija," nakangiting biro ni Lola Maria habang kinukuha ang kamay ni Nica. "Baka kung sino pa maunang mag-propose d’yan sa gwapong ’yan."Napayuko si Nica, pinipilit itago ang pamumula ng pisngi habang si Rafael naman ay bahagyang natawa, hindi maitago ang saya sa tinuran ng lola niya.Pero biglang bumukas ang pinto.Tumambad sa lahat ang matikas ngunit tensyonadong presensiya ni Doña Vivian Watson. Suot nito ang paborito niyang designer dress, hawak pa ang isang mamahaling clutch. Tumitig ito diretso kay Nica, punung-puno ng panlalamig ang mga mata."So, ito na ba ang bago mong pamilya, Rafael?" matalim ang boses ni Vivian habang naglalakad papasok. "Nang-aagaw ka na rin ng tahanan ngayon, Nica? Sa susunod baka pati ang pangalan ng pamilya namin, gusto mo
Makalipas ang ilang araw ng pananatili ni Nica sa ospital ay unti-unti na rin siyang nakakabawi sa sinapit niyang pisikal at emosyonal na trahedya. Hindi man ganap ang paggaling ng sugat sa kanyang puso, sapat na ang presensiya ni Rafael upang maramdaman niyang ligtas na siya. Walang araw na hindi dumalaw si Rafael. Hindi ito umuwi sa condo simula noong araw na isinugod si Nica sa ospital. Inutusan lamang nito si Lance, ang kanyang assistant, na ikuha siya ng mga gamit upang makapanatili sa ospital at hindi kailanman iwan ang dalaga. Kahit pagod at puyat, walang reklamo si Rafael. Siya mismo ang nag-aabot ng tubig at pagkain kay Nica. Siya ang naghahawak ng kamay nito sa tuwing nagigising sa gitna ng gabi si Nica na may luha sa mga mata. Alam niyang hindi ganoon kadaling malimutan ang sinapit ng dalaga, kaya’t tiniis niya ang lahat alang-alang sa kaligtasan at kapayapaan ni Nica. Sa wakas, dumating na rin ang araw ng paglabas ni Nica sa ospital. Nasa waiting area sila ng main lobby