LOGINNagising si Rafael mula sa maikli ngunit magulong tulog nang makarinig siya ng maingay na sigawan mula sa ibaba. Malinaw at agresibo ang tono ng boses ng isang babae—pamilyar.
Agad siyang bumangon at lumabas ng kuwarto, diretso sa hagdan. Habang bumababa, naririnig niya ang malulutong na salita ni Camilla, ang fiancée niyang anak ng isang kilalang pamilya sa Maynila. Ang tono nito ay matalim, may bahid ng pang-iinsulto. Napatigil siya sa dulo ng hagdan nang marinig ang galit na boses ng babae. “This coffee tastes like mud! Do you even know how to follow simple instructions?” Pagdating niya sa sala, nanlaki ang mata niya sa nasaksihan. Hawak ni Camilla ang isang baso ng malamig na tubig. Sa harap nito, si Nica—nakatayo, tahimik, halatang nagpipigil ng emosyon. Nakayuko ang ulo, at kitang-kita sa postura nito ang pagpipigil ng luha. At bago pa siya makapagsalita, inihagis ni Camilla ang laman ng baso kay Nica. Basa ang uniporme ni Nica. Ang buhok niya ay kumapit sa pisngi. Ang mga mata niya ay mariing nakapikit, tila pinipilit ang sarili na huwag gumalaw o magsalita. Napakuyom ang kamao ni Rafael. "Camilla!" mariin niyang tawag, napalakas ang boses niya. Napatigil ang babae at agad lumingon sa kanya. “Rafael! Thank God you’re here. You should really fire this maid. She doesn’t know how to make coffee. It’s disgusting.” Hindi agad nakapagsalita si Rafael. Napatingin muna siya kay Nica na hindi pa rin tumitingin sa kanya. Basang-basa ang katawan nito, pero nanatiling tahimik. "Did you just throw water at her?" mahinahon ngunit matigas ang tanong ni Rafael. Camilla scoffed, offended by the question. “She deserved it. I told her three times how I wanted my coffee, and she still got it wrong.” "You could’ve told her properly. You don’t throw water at people, Camilla. She's not an animal." Napasinghap si Camilla, hindi makapaniwala sa tono ni Rafael. “Excuse me? Are you defending a maid right now? Seriously?” Hindi sumagot si Rafael. Lumapit siya kay Nica, at sa mahinang tinig ay sinabi, “Go change your clothes. You don’t have to clean this mess. I’ll have someone else do it.” Bahagyang napatingin si Nica sa kanya. Sandali lamang. Ngunit sapat iyon para makita ni Rafael ang sakit at kahihiyang pilit nitong kinakain. Tumango lamang siya, saka tahimik na umalis dala ang basang tray. Pagkaalis ni Nica ay bumaling muli si Rafael kay Camilla. “That was completely uncalled for,” seryoso niyang sabi. “You humiliated her.” Camilla raised a brow, offended at the confrontation. “Are you seriously taking her side? She’s just a maid.” “She’s a person,” madiin niyang sagot. “And no one deserves to be treated that way.” Tumawa si Camilla ng pilit. “Wow. Didn’t expect you to get soft over household help. Is there something going on I should know?” Napakunot ang noo ni Rafael. “Don’t be ridiculous.” “Then stop acting like you actually care about her.” Hindi sumagot si Rafael. Tumalikod siya at dumiretso sa kanyang opisina, iniwan si Camilla na nakatayo pa rin sa sala, halatang naguguluhan at naiinis. Pagkapasok niya sa silid, agad niyang isinara ang pinto at napalalim ang buntong-hininga. Hindi niya maintindihan ang sarili. Buong limang taon ay tinuruan niya ang sariling kamuhian si Nica. Pinilit niyang kalimutan ang lahat—ang pag-ibig, ang sakit, ang pagtataksil na iniisip niyang ginawa nito noon. Pero sa iisang iglap, sa harap ng eksenang iyon, nawala ang lahat ng galit. Ang natira ay awtomatikong instinct na protektahan ito. Nagulo ang utak niya. Bakit pa rin siya naapektuhan? Bakit kahit tapos na ang lahat, may parte sa kanya na gustong lumapit at yakapin si Nica, punasan ang luha nito kahit wala itong iniiyak? Samantala, sa loob ng banyo ng servant’s quarters, mahigpit na nakapikit si Nica habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha. Malamig ang tubig na dumadaloy mula sa shower, pero mas malamig ang sakit na naramdaman niya sa ginawa ni Camilla. Hindi na siya umiiyak. Hindi dahil wala nang luha, kundi dahil pagod na siyang umiyak. Iyon na yata ang sanlibong pangalawang beses na nilunok niya ang pride niya para lang manatiling kalmado. Akala niya kaya na niyang tiisin lahat. Pero ibang klase ang sakit kapag hinamakan ka sa harap ng lalaking minsan mong minahal. Nagbihis siya ng bagong uniform. Paglabas niya ng quarters ay sinalubong siya ng kasamang maid na si Mariel. “Girl, grabe ‘yung kanina. Kumalat agad ‘yung balita sa buong bahay,” bulong nito. “Okay lang ako,” mahinang tugon ni Nica. “Hindi ka man lang lumaban. Wala ka man lang sinabi.” “Anong isasagot ko? Wala akong laban. Katulong lang ako, ‘di ba?” Tahimik si Mariel. Hindi na muling nagsalita si Nica. Bumalik ito sa trabaho, tila walang nangyari. Kinagabihan, habang abala ang buong bahay sa paghahanda para sa dinner ng mga investors na dadalo kinabukasan, nakatanggap si Nica ng mensahe mula sa isa sa mga senior staff. Pinapatawag daw siya ni Rafael. Hindi niya alam kung bakit, pero agad siyang nagtungo sa opisina nito. Pagdating niya, bahagyang nakaawang ang pinto. Marahan siyang kumatok. “Come in,” malamig na boses ni Rafael ang narinig niya. Pagpasok niya, tumayo agad si Rafael mula sa kanyang upuan. Tumitig ito sa kanya—hindi galit, pero malalim ang tingin. Halatang may gustong sabihin. “You shouldn’t have to endure that,” panimula ni Rafael. “What happened earlier—I'm sorry.” Napaangat ang tingin ni Nica. Hindi niya inaasahan ang kahit anong uri ng paghingi ng tawad mula kay Rafael. Hindi na niya inaasahan ang kahit anong kabutihan dito. “Okay lang po, Sir,” mahina niyang tugon. “Sanay na rin ako.” “That’s not something you should be used to,” sagot ni Rafael. “No one should ever get used to being humiliated.” Walang sagot si Nica. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o masaktan sa sinabing iyon. Kasi kahit narinig niyang humingi ito ng tawad, naroon pa rin ang distansyang hindi niya kayang abutin. Tahimik silang pareho. Ilang segundong walang nagsalita. “You didn’t deserve that, Nica,” muling sabi ni Rafael, mas mahinahon ang tono. “Not from her. Not from anyone.” Muling napayuko si Nica. Naramdaman niyang nangingilid na naman ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Pero tulad ng nakasanayan, pinigilan niya ito. “Thank you, Sir,” mahina niyang sabi. “Pero ayos lang po talaga. Basta po, magtatrabaho lang po ako nang maayos.” Tumango si Rafael, pero hindi nito maitago ang kunot sa noo. “You can go now,” sabi nito. Tumalikod si Nica, pero bago pa siya tuluyang makalabas... “Nica…” Napalingon siya. Hindi niya alam kung ano ang aasahan. Pero sa huli, wala nang sinunod si Rafael kundi isang maikling sulyap. “Take care of yourself.” Tumango si Nica. Tahimik na naglakad palabas. Ngunit ang mga salita ni Rafael ay nanatiling buo sa kanyang isipan. *** Author's Note: Magandang araw po. Sana ay suportahan n'yo ang bagong libro ko. Pa-like, comment, gem vote, at rate kung nagustohan po ninyo. Maraming salamat!Magandang araw po. Sana ay suportahan n'yo ang bagong libro ko. Pa-like, comment, gem vote, at rate kung nagustohan po ninyo. Maraming salamat!
Makalipas ang ilang taon. Masayang pinagmasdan nina Nica at Rafael ang tatlong anak nilang naglalaro sa children’s park. Halos hindi mawala ang ngiti sa labi ni Nica habang pinapanuod sina Sofia, Liam, at baby Caleb na nag-aagawan sa maliit na bola.Kasama nila roon si Vivian, ang ina ni Rafael, at ang mga magulang ni Nica na sina Agnes at Gerald. Nakaupo silang lahat sa isang picnic table, may dalang mga pagkain at prutas habang nagkukwentuhan.“Look at them, Rafael. They’re growing so fast,” sabi ni Nica habang nakatingin sa mga bata. “Parang kailan lang, baby pa si Sofia. Ngayon, siya pa ‘yung nagtuturo sa mga kapatid niya.”Napangiti si Rafael at marahang humawak sa kamay ng asawa. “That’s because she got it from you. Ikaw kasi ang pinakamagaling mag-alaga.”“Excuse me?” napataas ng kilay ni Nica, pero halatang kinikilig. “Ikaw kaya itong spoiled daddy. Kahit simpleng ubo lang ng mga bata, gusto mo nang dalhin sa hospital.”Natawa si Rafael at bahagyang umiling. “Hindi ko kasalana
Magkasabay na nagising sina Rafael at Nica sa unang araw ng kanilang gala sa California. Maagang nag-ayos si Rafael habang si Nica naman ay abala sa harap ng salamin, nag-aayos ng buhok at nagme-makeup.“Hon, ready ka na ba?” tanong ni Rafael habang nakasandal sa pinto ng banyo, nakangiti at halatang excited.“Almost!” sagot ni Nica. “Wait lang, last touch.”Napailing si Rafael. “You’ve been saying that for ten minutes already.”“Excited lang ako, okay?” sagot ni Nica, nakatawa. “Gusto ko maganda ako sa pictures natin.”“Maganda ka naman kahit wala kang makeup,” sabi ni Rafael sabay lapit at halik sa noo ng asawa. “Pero sige, I’ll wait. Worth it naman lagi ‘yung paghihintay sa iyo.”Napangiti si Nica, halatang kinikilig. “Flatterer.”Paglabas nila ng hotel, mainit ang sikat ng araw at maganda ang panahon. Unang destinasyon nila ay ang Golden Gate Bridge. Habang naglalakad sila sa tulay, panay ang kuha ni Rafael ng litrato.“Raf, baka ma-lowbat ka na niyan,” sabi ni Nica habang nakatin
Maagang nagising si Nica nang araw na ‘yon. Akala niya, ordinaryong araw lang ng honeymoon nila, pero napansin niyang wala si Rafael sa tabi niya. Pagmulat niya, may nakita siyang maliit na envelope sa bedside table. Agad niyang kinuha iyon at binasa.“Good morning, Mrs. Watson. Get ready and wear something comfortable. I have a surprise for you. – Love, Rafael.”Napangiti si Nica. “Ano na naman kaya ‘tong pinaplano ng asawa ko?” mahina niyang sabi habang napailing.Pagkabihis niya ng simpleng white dress, bumaba siya at nadatnan si Rafael sa sala, naka-jeans at polo shirt, nakangiti at may hawak na dalawang cup ng kape.“Good morning, beautiful,” bati ni Rafael sabay abot ng kape. “Did you sleep well?”“Yes,” sagot ni Nica, nakangiti. “Pero bakit parang ang aga mo namang nagising? May lakad ba tayo?”“Hmm,” ngumiti si Rafael. “Secret. Basta sumama ka lang sa akin today. Don’t ask too many questions, sweetheart.”Napataas ang kilay ni Nica. “Raf, baka naman prank ‘to, ha? Ayoko ng gan
Araw na ng kasal nina Nica at Rafael. Tahimik at maaliwalas ang paligid ng garden kung saan gaganapin ang seremonya. Amoy na amoy ang mga bulaklak, at malamig ang ihip ng hangin. Maliit lang ang bilang ng mga bisita—mga malalapit na kaibigan, kaklase, at pamilya. Simpleng kasal, pero puno ng pagmamahal.Habang inaayusan si Nica ng make-up artist, halatang hindi niya mapigilan ang kaba. Kanina pa niya pinipisil-pisil ang daliri niya. Nilapitan siya ng kaibigan niyang si Lianne.“Nica, ang ganda-ganda mo. Para kang prinsesa,” sabi ni Lianne habang nakangiti.Napangiti rin si Nica pero halata ang kaba sa mukha niya. “Kinakabahan ako, Lianne. Hindi ko alam kung bakit. Parang hindi ako makahinga.”“Normal lang ‘yan. Lahat ng ikakasal, ganiyan ang feeling,” sagot ni Lianne sabay tapik sa balikat ng kaibigan. “Pero alam mo, sobrang suwerte mo kay Rafael. He really loves you.”Tumango si Nica at napatingin sa salamin. “Alam ko. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko para deserve ko siya.”“Gi
Maagang nagkita sina Nica at Rafael sa isang boutique sa Makati para pumili ng mga isusuot nila sa kasal. Halos buong araw silang tumingin ng mga design hanggang sa mapagod si Nica sa kaka-fit ng mga gown. Pero halata sa mga mata nila na kahit pagod na, masaya pa rin sila.“Raf, ilang gown na ‘to?” tanong ni Nica habang nakatayo sa harap ng salamin, suot ang pang-apat na gown. “Feeling ko nakalimutan ko na itsura ko sa sobrang dami ng sinukat ko.”Tumawa si Rafael, nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kanya. “Mga lima na ata ‘yan. Pero ito na yata ‘yung pinakabagay sa iyo. Tingnan mo, ang ganda mo sa gown na 'yan, Nica.”“Hindi naman ako sure,” sabi ni Nica habang tinitingnan ang sarili sa salamin. “Parang masyado siyang simple.”“Simple, pero elegante naman,” sagot ni Rafael. “Hindi kailangan ng sobrang detalye para mapansin ka. Ikaw lang sapat na.”“Uy, ang cheesy mo na naman,” natatawang sabi ni Nica. “Hindi mo naman kailangang bolahin ‘yung designer para lang pumayag ako sa gown n
Habang abala si Nica sa kaniyang pag-aaral, madalas ay nagugulat siya kapag biglang sumusulpot si Rafael sa campus. Laging may dalang pagkain, kape, o kung minsan ay mga gamit na kakailanganin niya sa school. Hindi siya makapaniwala na sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, narating din nila ang ganitong punto—payapa, masaya, at may kasiguraduhan.Isang hapon, habang nagre-review si Nica sa library, biglang lumapit si Rafael na may dalang bouquet ng bulaklak.“Ang aga mong natapos sa trabaho,” nakangiting sabi ni Nica, binaba ang hawak na libro. “Akala ko may meeting ka pa.”Ngumisi si Rafael. “Tinapos ko agad lahat para makasama ka. Besides, gusto kong makita kung gaano ka na ka-stress sa mga requirements mo.”Napailing si Nica, pero hindi maitago ang ngiti. “Hindi naman ako gano'n ka-stress. Medyo busy lang, pero okay lang. Malapit na rin akong matapos.”Umupo si Rafael sa tapat niya, inilapag ang bulaklak. “Good. Kasi gusto kong magpa-remind na isang buwan na lang ang kasal natin.







