"Salamat Panginoon!" ang tanging paulit-ulit na usal ni Kael habang palabas ng kulungan.
Tatlong taon s'ya na namuhay bilang bilanggo. Subalit para sa kanya ay ilang dekada na ang nakaraan matapos s'yang madiin sa kasalanan na kailanman ay hindi n'ya magagawa. Nagmahal lang naman s'ya sa isang Noelle Mondragon, ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Lucille at Arnulfo Mondragon. Mula sa waiting area ay nandoon ang isang matipuno na lalaki. Hindi alintana sa pisikal na anyo nito ang tunay na edad dahil makisig at malakas pa rin ang dating nito. Ito si Magno Zaragoza. Nagpakilala na kapatid ng kanyang ama at tagapamahala ng mga naiwan na negosyo nito. May anak itong babae na mas bata sa kanya. Malapad ang mga ngiti na hinarap n'ya ito. Niyakap s'ya ng mahigpit ng lalaki habang mahinang tinatapik nito ang kanyang likuran.
"Congratulations! Malaya ka na!" bati ni Magno.
Hindi n'ya mapigilan ang bahagyang mapaiyak habang yakap s'ya nito.
"Maraming salamat! Kailanman ay tatanawin ko na isang napakalaking utang na loob ang ginawa mo na pagtulong sa akin," madamdamin na pahayag ni Kael.
"Ginagawa ko lang ang dapat. Nangako ako sa ama mo na babalikan kita. Hinanap kita at masaya ako na natagpuan din kita sa wakas. Hindi pa naman huli ang lahat para sa iyo upang magsimula," mahabang tugon ng nakakatandang lalaki.
Magkaagapay sila na binabaybay ang daan patungo sa parking lot kung saan naghihintay ang magarang sasakyan nito.
"Maari mo ba ako maihatid sa bahay ko?" tanong n'ya sa lalaki.
Ang tinutukoy n'ya ay ang lumang bahay ng kanyang mga magulang na sina Esther at Joe. Simula nang nagpakasal sila ni Noelle ay hindi na n'ya nagawang silipin ang nasabing bahay.
"Uuwi ka sa bahay na nakalaan para sa iyo," saad nito.
"Gusto ko makita sina nanay at tatay. Sila ang gusto kong makasama sa paglabas ko," pahiwatig n'ya sa kausap.
"Huwag kang mag-alala dahil makakasama mo rin sila. Basta sumama ka na muna sa akin," sabi ni Magno sa kanya.
Dahil maaga pa naman kaya s'ya napapayag nito at isa pa wala s'yang choice dahil wala s'yang maski singko para pamasahe pauwi. Sumakay sila sa naghihintay na kotse nito at may sariling driver pa ito. Namamangha s'ya sa mga nangyayari sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya makapaniwala. Habang tumatakbo ang sasakyan patungo sa bahay na tinutukoy ng lalaki ay dinala s'ya ng kanyang alaala sa unang araw nang s'ya ay dinalaw ng isang Magno Zaragoza.
"Kael Mariano, may dalaw ka!" tawag ng isang bantay noong s'ya ay nakabilanggo pa.
Nagpapatuyo s'ya ng buhok nang tinawag s'ya ng guard. Katatapos lang kasi n'ya maligo nang mga oras na iyon. Sabik ngunit nagtataka kung sino ang kanyang dalaw. Ang madalas lang naman na magpunta sa kanya ay ang kanyang nanay at tatay. Iyon ay kung may extra na pera ang mga ito. Maliban sa dalawa ay wala ng ibang nakakasilip upang kumustahin s'ya. Maging ang kanyang asawa ay hindi naisipan na dalawin s'ya. Hindi man n'ya ito masisisi ngunit hindi n'ya maiwasan ang sumama ang loob.
"Sino daw po sila?" magalang na tanong n'ya sa guard.
Hindi ito sumagot subalit tila naiinip na ito sa kanyang mabagal na paggalaw. Nagsuot s'ya ng t-shirt bago lumabas. Mahigit dalawang taon na s'yang nakabilanggo kaya kahit paano ay nasanay na s'ya sa pamamalakad sa loob ng kulungan at marami na rin s'yang mga naging kaibigan. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa dalawang lalaki na tumayo pagkakita sa kanya. Hindi n'ya kilala ang mga ito kaya napuno s'ya ng pagtataka at agam-agam. Ganunpaman ay lumapit s'ya. Nakipagkamay s'ya sa dalawa bago sabay sila na naupo. Tumagal ang tingin n'ya sa isang lalaki na makahulugan ang titig sa kanya.
"Pasensya na pero hindi ko kayo kilala o maalala man lang kung saan tayo nagkita," panimula n'ya.
"I am Attorney Javellana and this is my client Magno Zaragoza. You are Kael Mariano, right?" pagkumpirma ng nagpakilala na abogado.
"Opo," kinakabahan na tugon n'ya.
"Good! Alam ko na hindi mo kami inaasahan but let me explain to you what is going on." Bungad ng abogado.
Alam n'ya na mahabang pag-uusap ang mangyayari ayon sa nakikita n'ya. Hinayaan n'ya lang na magsalita ang bisita.
"Mr. Magno Zaragoza approached me asking for help. Nais ka n'yang mailabas sa selda. It would be very easy for me to do after a thorough review of your case. You are not fully aware of why he was helping you out. Let me get this straight, Mr. Zaragoza was your Uncle. Kapatid s'ya ng tatay mo who owns businesses in some popular places in the country." Salaysay ng abogado.
Hindi n'ya masyado maintindihan kung paano nangyari ang mga sinasabi ng bisita kaya naguluhan s'ya sa paliwanag nito. Hindi maitatago ang pagkabuhol-buhol ng kanyang mga kilay sa narinig. Nakakaintindi s'ya ng salitang ginamit nito dahil nakatapos din naman s'ya kolehiyo. Salamat sa pagtataguyod ng kanyang mga magulang kahit mahirap ang kanilang naging buhay.
"Sorry, pero paano nangyari iyon? Isang mekaniko po ang tatay ko. Nagkamali po yata kayo ng nilapitan," naguguluhan na tanong n'ya sa estranghero.
"We are so sure that it was you. We conducted an investigation and it's all pointing at you. Kilala namin ang mga magulang na nag-aruga sa iyo. Sina Esther at Joe Mariano na dating mga katiwala ng pamilya Zaragoza. Namatay ang iyong tunay na mga magulang kaya nagpasya ang mag-asawa na ampunin ka. Sa iyong paglaya, makikilala mo ang iyong tunay na pamilya," pahayag ng abogado.
"Pamilya Zaragoza," usal n'ya na tila may naalala.
Madalas ay nababanggit ng kanyang ina ang naturang apelyido ngunit wala itong sinasabi sa kaugnayan n'ya sa mga ito. Masaya at kuntento s'ya na sila ang kanyang naging mga magulang.
"Did you happen to hear that last name?" nakangiti na tanong ng abogado.
"Yes," kumpirma n'ya na hindi nabubura ang pagkunot ng mga noo.
"That's your family name. This is your birth certificate for your knowledge. That's your real and fulname," dagdag na sabi nito sabay pakita ng isang pirasong papel.
"Khalil Xian Zaragoza," paulit-ulit na usal n'ya na tila kinakabisado ang tamang pagbigkas.
"That's you! We are excited to welcome you to the family. We have been searching for you," nakangiting pahayag ng lalaki na may pangalan na Magno.
Nagpakilala ito na tiyuhin n'ya at kapatid umano ng kanyang ama. Hindi s'ya sigurado kung paano ito harapin.
"Salamat. Pero hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayong araw. Nais ko makausap ang aking nanay at tatay sa araw ng aking paglaya kung mamarapatin," magalang na tugon n'ya.
"Of course. For now, we will take care of the case. Ihanda mo na ang iyong sarili sa paglaya," saad ng abogado.
Sabik, kasiyahan ngunit puno ng pait ang kanyang nararamdaman. Dahil alam n'ya na hindi na magiging kagaya ng dati ang magiging buhay n'ya. Anuman ang mangyayari kinabukasan, ang mahalaga ay makapamuhay s'ya ng normal at saka na n'ya iisipin ang mga susunod na gagawin. Hindi umabot ng anim na buwan at nangyari na ang kanyang pinakaaasam. Ang mabawi ang nawalang kalayaan.
"We are here," deklara ni Magno.
Nagising at bumalik s'ya sa katotohanan nang magsalita ito. Tumigil ang sasakyan sa isang napakalawak na bakuran. Napakalinis at puno ng maraming puno at bulaklak. Napakalaking bahay ang bumungad sa kanyang pagbaba. Napakalayo nito sa nakagisnan n'ya. Gusto n'ya mailang sa simpleng kasuotan na mayroon s'ya na hindi nababagay sa marangyang bahay.
"Ano ang ginagawa natin dito?" hindi makapaniwala na tanong n'ya kahit pa na may ideya na s'ya.
"This is your house. Simula ngayon ay dito ka na titira. Come and see!" paanyaya ng kanyang Uncle Magno.
Hindi n'ya inasahan ang mainit na pagsalubong sa kanya. May mga katulong s'ya sa napakalinis na tahanan. Nakapasok na sila sa sala at sinalubong sila ng mga nakangiti na kasambahay. Kasunod ay ang paglabas ng mga tao. Hindi n'ya kilala ang mga naroon subalit may pagkakahawig ang mga ito kay Magno. Nakangiti ang lahat habang nakatingin sa kanya at pumapalakpak. Hindi s'ya sanay sa atensyon.
"Anak!" naluluhang hiyaw ng kanyang ina.
Lumapit ito sa kanya at niyakap s'ya ng mahigpit. Ganun din ang kanyang Tatay Joe na noon ay nakatayo sa isang sulok ngunit hindi na nakatiis na huwag lumapit.
"Miss ko na kayo! Mabuti nandito kayo!" saad n'ya habang humihikbi.
"Syempre, di ba ito ang special request mo?" sagot ng kanyang mapagmahal na ina.
Kagalakan ang pumuno sa kulubot na mukha ng kanyang ina na bunga ng kahirapan upang maitaguyod lamang s'ya kasama ang ama at ang nakababatang kapatid na si Xandro.
"Totoo nga na hindi n'yo ako tunay na anak at isa akong Zaragoza?" tanong n'ya.
Tumango ang ina habang nakangiti. Proud ito na napalaki ng maayos ang bata na ipinagkatiwala sa kanya ng mabait na amo.
"Ano ang nangyari sa mga magulang ko?" tanong n'ya sa kinikilalang mga magulang.
"Sanggol ka pa lamang nang namatay sila sa isang aksidente kaya kami na ang nag-aruga sa iyo," paliwanag ng kanyang ina.
"Pero nay, bakit ninyo ako kailangan itago? Bakit hindi ninyo sinabi agad sa akin?" magulo ang utak na tanong n'ya sa dalawang matanda.
Nasa late fifties na ang mag-asawa at buong buhay ng mga ito ay sadyang inalay lamang sa kanya.
"Ayon sa kahilingan ng iyong mga magulang. Sumunod lamang kami ni Joe sa ipinag-uutos sa amin," paliwanag ng matandang babae.
Masaya ang mga nakalipas na taon kay Kael. Iyon ay dahil sinagot s'ya ng kanyang sinisinta na si Noelle. Nagkakilala sila dahil sa isang kaibigan na kaklase ng dalaga. Simula noon ay niligawan n'ya ito at kahit nagkaroon ng alinlangan ay sinagot s'ya ng kasintahan. Hindi inaasahan ni Kael na nagmumula sa isang makapangyarihan na pamilya pala ang kanyang sinisinta. Graduate s'ya ng kolehiyo sa kursong electronics subalit alam n'ya na hindi ito sapat upang maipagmalaki s'ya ng kasintahan sa kanyang pamilya. Kaya nagsisikap s'ya upang makaipon. Dahil hilig din n'ya ang magbutingting ng mga pyesa ng mga sasakyan at motor kaya ginagawa n'yang sideline ang pagiging mekaniko sa tuwing day off n'ya sa regular n'yang trabaho sa isang appliance store. "Ano'ng oras ka makakauwi?" tanong ng kasintahan na tumawag sa kanya sa telepono.Patago ang kanilang relasyon ayon na din sa kanilang napag-usapan. Ang gusto kasi nila na mangyari ay ang maging stable muna sila financially bago nila ipakilala an
Inasahan na ni Kael ang maaring kahihinatnan pagkatapos ng kanilang pagpapakasal. Hindi naman s'ya bato upang hindi magdamdam ngunit nagagawa n'yang magpakatatag para sa binubuong pamilya. Dalawang buwan pa lang simula nang naikasal sila ngunit hindi na mabilang ang mga insidente kung saan ay sinasadya s'yang ipahiya ng mga ito sa ibang tao."I'm sorry about Dad, perfectionist lang talaga iyon!" saad ng kanyang asawa na ipinagtatanggol ang ama.May ipinag-uutos kasi ito sa kanya na hindi n'ya agad naiintindihan at dahil doon ay pinag-initan s'ya at pinahiya sa harap ng mga kasambahay. "Alam ko naman kung ano ang nais nila ipamukha sa akin. Okay lang dahil matitiis ko pa naman," malumanay na pahayag n'ya sa kanyang asawa."Ako ang nahihiya dahil ikaw ang nahihirapan," sabi ni Noelle.Nakaupo silang mag-asawa sa loob ng kanilang silid. Sa mansion sila tumira pagkatapos ng kanilang kasal. Ayaw kasi pumayag ng mga magulang ni Noelle na mawalay sa kanila ang nag-iisang anak na babae."Aya
Hindi man lang inabot ng buwan ay talagang nadiin si Kael sa kasalanan na kailanman ay hindi n'ya naisip na magagawa n'ya. Natagpuan n'ya ang sarili na himas ang malamig na rehas. Umiiyak s'ya sa panibugho dahil hindi ito ang buhay na pinangarap n'ya. Ang makasama ang taong mahal n'ya ang makapagpupuno sa lahat ng iyon. Subalit, ito pa mismo ang nagdala sa kanya sa kinasasadlakan n'ya ngayon. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Iiyak ka man ng dugo ay walang makakarinig at magkakaroon ng pakialam sa iyo ang mga tao rito." Sabi ng boses ng isang lalaki.Buo at ma-awtoridad ang malaki at malamig na tinig nito. Sa unang tingin ay nakakatakot ang lalaki dahil bukod sa malaki ang katawan ay nakakatakot ang itsura nito. Marahil ay sa mga mata nito na akala mo ay tigre kung makatingin. "Ako si Mando. Matagal na ako rito. Labas pasok ako sa kulungan kaya kilala na ako rito ng mga pulis. Ikaw ano ang pangalan mo?" tanong ng lalaki.Alanganin man s'ya ay pinagbigyan n'ya ito sa pagnanais na makilala
Naging parusa ang bawat araw na nagdaan para kay Kael. Sanay s'ya sa hirap ng buhay simula pagkabata subalit ibang klase ng kalbaryo ang kanyang pinapasan. Nangayayat s'ya sa loob ng kulungan. Kulang sa pagkain at pahinga. Pag-asa at dasal na lamang ang naging panangga n'ya. Ang mga magulang at ang anak na hindi pa naisisilang ang inaalala n'ya kaya s'ya nanatiling malakas. Kahit pa na limitado ang natanggap n'yang balita tungkol sa tunay na estado ng kanyang asawa at anak. "Mukhang nakalimutan ka ng iyong pamilya ah, ilang buwan ka na rin na hindi ka na nila nagawang dalawin," ani ni Mando."Naiintindihan ko kung sadyang kakalimutan na nila ako. Pero sa pagkakakilala ko sa mga magulang ko, alam ko na gagawin nila ang kanilang makakaya upang tulungan ako. Siguro ay hirap sila sa buhay ngayon kaya hindi sila nakakadalaw. Maniwala ka isang araw ay susulpot na lang ang mga iyon dito," umaasam na saad ni Kael sa bagong kaibigan."Sa pagkakaalam ko ha, base sa karanasan ko at sa mga nakiki
Mabilis ang pagdaan ng maraming taon. Maraming pagbabago ang nangyari sa loob ng mahabang pananatili sa loob ng bilangguan. Maging ang kanyang pisikal na katangian ay malayo na rin sa dating Kael. Naging mas matipuno ang katawan, matapang at malalim ang kanyang mapang-arok na mga mata. Wala s'yang pinagkakatiwalaan sa loob ng kulungan maliban sa iisang tao lamang. Iyon ay si Mando na nanatiling malapit sa kanya. Naging sandigan n'ya ito habang nakabilanggo at ito ang madalas na nakakaalam sa kanyang mga hinaing."Siguro malaki na ang anak mo. Sa palagay mo alam n'ya ang tungkol sa iyo?" pagbubukas ng usapan."Hindi ko alam. Wala naman akong balita pa sa kanila." Wala sa loob na sabi n'ya.Nakaupo sila sa isang bench na nakaharap sa basketball court. Nanunuod sila sa mga naglalaro."Malaki ang tiwala ko na makakalaya ka rin," saad ni Mando sa kanya."Mabuti ka pa dahil ako ay hindi na umaasa. Balewala na sa akin ang halaga ng buhay. Kung mabibigyan siguro ako ng pagkakataon na isabuhay
Napakalaking pagbabago ang mga sumunod na mga araw para kay Kael."This is your space! Magiging kumportable ka rin. May mga makakasama ka naman dito na s'yang mag-aasikaso sa mga kailangan mo. Nandito rin naman ang mga magulang mo. Gusto mo bang sumilip sa kumpanya o mag-travel? Magsabi ka lang, pero kung ako ang masusunod mas maigi na take your time to heal, to travel saka ka sumabak sa negosyo. You have lost the chance to enjoy habang ikaw ay nasa kulungan," mahabang pahayag ng kanyang tiyuhin."Siguro po ay tama kayo. Magbakasyon na muna ako bago tingnan ang kumpanya. Pero hindi ba nakakailang? Ano ba naman ang pinag-aralan ko at mga naging karanasan ko sa pagtatrabaho sa kumpanya? Iniisip ko na mag-aaral ako," naisip sabihin ni Kael.Ayaw n'ya ipahiya ang kanyang tiyuhin na malaki ang naitulong sa kanya. Gusto n'ya ma-improve ang kanyang sarili. Marami s'yang nais gawin para maipagmalaki ng kanyang pamilya. Wala s'yang ibang iniisip kundi ang makabawi sa kanila."Magagawan natin ng
Naging masaya ang bakasyon nila ng pamilya. Lahat iyon ay dahil sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Magno. Nakabalik na sila galing sa mahabang bakasyon kasama ang mga magulang na sina Esther at Joe, maging ang kapatid n'ya sa mag-asawa na si Xandro. Mas natuwa ito dahil mas mai-enjoy nito ang buhay lalo na ang pag-aaral na hindi naghihikahos. Sa Manila nito napiling mag-aral samantala si Kael na ngayon ay kinikilala sa pangalan na Xian ay nais mag-aral sa ibang bansa. Nais n'ya maging magaling sa larangan ng negosyo upang maipagmamalaki s'ya ng kanyang pamilya. Paalis na s'ya ng bansa at umaasa s'ya na sa kanyang pagbabalik ay ibang Kael na ang haharap sa ibang tao. Habang wala pa s'ya, ang kanyang Uncle Magno at mga pinsan muna ang s'yang mamamahala sa kumpanya. "Mag-ingat ka sa Europa! Iba ang kultura doon kumpara dito sa atin," paalala ni Magno sa kanya."Alam ko naman po iyon, Papa. Huwag kayong mag-alala dahil uuwi ako rito ng buo at gwapo," saad n'ya na may halong biro.Papa an
"Diyos ko naman! Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka, anak? Sana naman ay nasundo ka sa airport at nakapagluto man lang kami ng paborito mo," bungad ng ina.Nakatulala ito habang nakatingin sa kanya. Halos hindi s'ya nito nakilala dahil mas gumanda ang kanyang pangangatawan at lalong gumanda ang kutis na s'yang nag-enhance pa lalo sa kanyang itsura at tindig. Nang nahimasmasan ay isang napakahigpit ng yakap nito at napalakas ang boses. Lumabas rin sa silid ang amain nang marinig ito. Kagaya ng ina ay niyapos rin s'ya ng lalaki. Mapapansin na matanda na nga ang dalawa subalit mas maaliwalas ang awra ng mga ito kumpara dati noong nasa kulungan s'ya at naghihirap ang kanyang pamilya."Okay lang po! Nakarating naman ako ng ligtas. Isa pa, gusto ko na ma-surpresa kayo," tugon n'ya."Sobra! Salamat naman at nandito ka na. Akala nga namin ay tuluyan mo ng iwan ang Pilipinas eh dahil masaya ka na sa buhay mo doon. Mas tahimik at walang makapanakit sa iyo," pahayag ni Esther."Hindi ko naman ha