Share

Areglo

Malaking surpresa ang nangyaring pagkahuli kay Don Arnulfo. Nabigla ang lahat lalo na ang Donya.

"Hindi ninyo magagawa ito sa asawa ko," bulalas ng matandang babae.

"May proseso po tayo na kailangan sundin. Kung tunay na walang kasalanan ang asawa ninyo ay mapapawalang-sala po s'ya," tugon ng pulis.

Umalis na ang mga ito habang ang Donya ay naiwan na nakatulala. Mabilis na tinawagan ng katulong ang mga anak ni Don Arnulfo. Mabilis na dumating ang mga ito at nagpulong. Late na nakarating si Noelle dahil galing pa s'ya sa malayo. May nilakad s'ya na mahalaga. Nagtaka s'ya sa nakitang emosyon ng mga kapatid. Galit ang itsura ng mga ito.

"Ano ang problema? Bakit kumpleto yata tayo. Nasaan si Daddy?" tanong ni Noelle.

Nakatingin ang lahat sa kanya.

"Alam mo kasalanan mo lahat ng ito eh. Kung hindi dahil umandar ang kati at kagagahan mo ay tahimik sana ang buhay natin," sabi ng kanyang Kuya habang dinuduro s'ya.

Nalilito na hindi n'ya alam kung paano mag-react.

"Hindi ko alam ang sinasabi n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status