Share

First step-paramdam

Habang nagpapagaling sa kanyang bahay ay abala naman ang mga police sa kanilang imbestigasyon. Inawat din s'ya na huwag muna tumuloy sa pagpasok sa opisina upang makasiguro na ligtas s'ya.

"Kumusta po kayo?" malambing na tanong ng batang si Gabriel.

Ngayon lang ulit sila nagkita at sumigla ang kanyang pakiramdam nang dumalaw ito. Kasama nito ang ina na nagpunta sa bahay nya. Nagpatulong umano ito kay Mando upang matunton ang kanyang tirahan.

"Okay na okay dahil dinalaw mo ako. How's school?" tanong n'ya.

"Great! Bakit hindi ko na kayo nakikita sa labas ng school?" usisa ng mabait na bata.

"Lumipat na kasi ng school ang pamangkin ko. Don't worry dahil dadalawin kita whenever I can," saad n'ya.

Nakaramdam s'ya ng takot nang maalala ang nangyari sa kanya. Ayaw pa n'ya mawala sa mundo nang hindi nakilala ng anak at makasama ito ng matagal.

"Bakit po kayo naiiyak?" tugon ni Gabriel.

Hindi n'ya napansin na naluha s'ya sa naalala.

"Nothing. I just realized something after what happened to
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status