Share

Panauhin

Author: ArEnJayne
last update Last Updated: 2022-08-10 21:17:09

Mabilis ang pagdaan ng maraming taon. Maraming pagbabago ang nangyari sa loob ng mahabang pananatili sa loob ng bilangguan. Maging ang kanyang pisikal na katangian ay malayo na rin sa dating Kael. Naging mas matipuno ang katawan, matapang at malalim ang kanyang mapang-arok na mga mata. Wala s'yang pinagkakatiwalaan sa loob ng kulungan maliban sa iisang tao lamang. Iyon ay si Mando na nanatiling malapit sa kanya. Naging sandigan n'ya ito habang nakabilanggo at ito ang madalas na nakakaalam sa kanyang mga hinaing.

"Siguro malaki na ang anak mo. Sa palagay mo alam n'ya ang tungkol sa iyo?" pagbubukas ng usapan.

"Hindi ko alam. Wala naman akong balita pa sa kanila." Wala sa loob na sabi n'ya.

Nakaupo sila sa isang bench na nakaharap sa basketball court. Nanunuod sila sa mga naglalaro.

"Malaki ang tiwala ko na makakalaya ka rin," saad ni Mando sa kanya.

"Mabuti ka pa dahil ako ay hindi na umaasa. Balewala na sa akin ang halaga ng buhay. Kung mabibigyan siguro ako ng pagkakataon na isabuhay ulit ang lahat, pipiliin ko na maging mayaman. Siguro hindi ganito ang naging takbo ng buhay ko." Pahayag n'ya.

Tinapik nito ang kanyang balikat bilang suporta at pagpapalakas ng kanyang loob.

"Bakit hindi mo minsan sinagot ang tawag mula sa kanya? Hindi ka ba nasasabik?" usisa ng lalaki.

"Wala naman dapat pag-usapan pa. Pamilya pa rin n'ya ang masusunod at papakinggan n'ya. Kaya para saan pa na kausapin ko s'ya," masama ang loob na saad ni Kael sa kaibigan.

"Malay mo, gusto n'ya humingi ng tawad. Baka may importante s'yang sasabihin. O hindi kaya ay kinumusta mo na man lang sana ang anak ninyo," patuloy ng kaibigan.

"Bakit mo ipinagpipilitan ang tungkol sa amin?" tanong n'ya.

Na-ikwento n'ya minsan dito ang kanyang buong buhay. Kung paano nagsimula ang lahat bago s'ya humantong sa kasalukuyang sitwasyon.

"Dahil hindi ako nawawalan ng pag-asa," sagot nito.

Umiling s'ya dahil ayaw na n'yang pahabain pa ang paksa.

"Kung sakali na makakalabas ka ng kulungan, ano ang una mong gagawin?" tanong ng kaibigan.

"Gusto ko makita at makasama ang mga magulang ko. Aalagaan ko sila at pipilitin ko na baguhin ang buhay namin. Siguro, kung magkaroon ng pagkakataon ay nais ko makita at makilala ang anak ko." Pahayag n'ya.

"Natutuwa ako makinig sa mga gusto mo gawin," sagot nito.

"May uuwian ka ba sa paglabas mo?" balik tanong n'ya.

Umiling ito at naging malamlam ang mga mata.

"Huwag kang malungkot dahil mananatili tayo na magkaibigan hanggang sa labas. Welcome ka sa bahay namin," saad ni Kael.

"Salamat, pare!" tugon ng tigasin na lalaki.

Bumalik na sila sa kanilang selda.

"Mariano, may dalaw ka!" tawag ng isang bantay.

Sabik na tumayo s'ya at lumapit rito. Naka-posas ang kanyang mga kamay palabas ng kulungan. Iginiya s'ya nito sa isang silid kung saan maaring maghintay ang mga dalaw. Hinanap n'ya ang familiar na mukha na inaasahan n'ya na s'yang dadalaw sa kanya ngunit wala naman ito. Ang tanging nandoon ay ang isang lalaki na matamang nakatingin sa kanya.

"Mariano, dito ka na maupo," utos ng naka-uniporme na lalaki.

Sumunod naman s'ya. Sinalubong n'ya ang mga mata ng bisita. Hindi n'ya ito kilala. Mukhang mayaman ang kanyang bisita dahil sa tindig at uri ng pananamit nito. Matagal s'ya nakaupo habang nakaharap rito. Hinintay n'ya na magsalita ito dahil wala s'yang kaalam-alam kung sino ito at kung ano ang pakay nito.

"Magtitinginan lang ba tayo dito?" hindi nakatiis na tanong n'ya.

Tumikhim ng bahagya ang bisita. Mukhang naghahanap din ito ng bwelo bago magsalita.

"I came here to see you personally. I have heard a lot about you," panimula nito.

Nakinig lang s'ya sa ibang sasabihin nito. Naiintindihan n'ya ang mga salitang ginamit nito.

"Sorry! Dapat pala at nagsalita ako sa tagalog. Na-curios ako kaya ako nagpunta rito dahil gusto ko makita ka ng personal. Napapaisip tuloy ako kung paano ka nagustuhan ng kagaya ni Noelle. Well, may itsura ka naman ngunit wala ka namang dating. Anyway, nandito lang ako para magpakilala. Ako si Davis Montelibano, ang bagong asawa ni Noelle Mondragon." Mahabang pahayag ng lalaki.

Wala s'yang ibang naiintindihan sa mga sinabi nito maliban sa mga huling salita ng nagpakilalang lalaki.

"Iyon lang ba ang pakay mo?" nanghahamon na tanong ni Kael.

Balewala sa kanya ang mga sinabi nito.

"Well, I just wanted to tell you na huwag ka ng umasa na may babalikan ka pa sa paglabas mo," mayabang na paliwanag ng lalaki.

"Wala kang dapat ipag-alala dahil malabo na makalabas ako rito. Isa pa, hindi ko na iniisip pa na may babalikan ako sakali man na makalabas ako," sagot ni Kael.

"Mabuti naman kung ganun," tugon ng bisita.

"Oo. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nag-aksaya ka ng panahon sa kagaya ko." saad ni Kael.

"Don't think it that way na insecure ako kaya kita kinausap. It is just out of curiosity," depensa nito.

"Wala naman akong sinabi na kahit ano. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. Kung iyan lang ang pinunta mo rito, salamat. Hindi ko na kailangan pa na kumustahin sila. Sigurado naman ako na masaya sila at nasa mabuti silang sitwasyon. Mas tahimik ang lahat kung nasa malayo ako," pahayag n'ya.

"Nice thought. Hindi na ako magtatagal. Nice meeting you!" pagtatapos ng lalaki.

May inabot ito na isang papel. Hindi n'ya binuksan ang nilalaman nito. Mukhang pinahintulutan ito ng bantay. Bumalik s'ya sa loob na hindi man lang sinilip ang nilalaman ng papel na iyon.

"Sino ang dumalaw sa iyo? Bakit nakakunot ang itsura mo?" tanong nito.

"Asawa ni Noelle. Pumunta s'ya upang magpakilala. Nag-usap lang kami sandali." Pagbibigay alam n'ya.

"Nagyabang lang pala. Masyadong malakas ang loob ah pero halatado na insecure s'ya," pahayag ng lalaki.

"Ma-insecure s'ya sa katulad ko? Nakakatawa! Wala naman ako'ng maipagmamalaki," pakli n'ya.

"Hindi iyon dadalaw dito upang makita kung talagang hindi s'ya lugi sa iyo. Sus, mga ganyang tao hangin lang mayroon sa mga iyan pero walang laman kundi puro yabang." Komento ni Mando.

"Ano pa ngayon ang ikalulugi n'ya? Eh nasa kanya na ang lahat ng mayroon ako. Pero okay lang iyon, sa tingin ko naman ay masaya sila. " Patuloy na sabi ni Kael sa kaibigan.

"Sigurado ka na sa sinasabi mo na wala ka na talagang pakialam sa kanila? Baka mamaya malulon mo ang dila mo at bigla ay kabigin mo sila pabalik," saad ni Mando sa kanya.

Kibit balikat ang kanyang naging tugon. Wala s'yang kailangan patunayan dahil hindi naman s'ya malaya na makakagalaw.

"Kung ako sa iyo, dapat lagi kang handa at positibo lang dapat ang iniisip. Malay mo sa makalawa ay laya ka na," patuloy na sabi ng kaibigan.

"Sige na, maniniwala na talaga ako sa iyo," sagot n'ya sa kaibigan.

Ang naging pag-uusap na iyon ng kanyang kaibigan ang hindi n'ya makakalimutan. Dahil ilang buwan lang ay nakatanggap s'ya ng hindi inaasahan na bisita. Natagpuan na lamang n'ya ang sarili matapos ang mahabang panahon na paghihintay sa isang napakalaking bahay kasama ang nagpakilalang pamilya.

"Hayaan mo dahil makakabawi rin ako sa iyo," pabulong na sabi n'ya.

Balak n'yang tulungan sa kaso si Mando upang makalabas din ito. Kakausapin n'ya ang abogado ng pamilya upang maisagawa ang kanyang binabalak. Nagkaroon sila ng kaunting salo-salo kasama ang kanyang mga magulang at malalapit na kamag-anak. Sa isang hotel ito ginanap. Nangyari iyon isang araw matapos s'ya mailabas ng kulungan. Sa unang gabi n'ya sa malaking bahay ay nanatili na mulat ang kanyang mga mata. Napakalayo nito sa buhay na inaasahan n'ya kung mangyari nga na makalaya s'ya. Isang biyaya ang mapawalang-sala s'ya sa kaso upang makapamuhay ng panibago na malayo sa gulo at kapahamakan kasama ang mga nagkaka-eydad na n'yang mga magulang.

"Are you okay?" tanong ng kanyang tiyuhin na may hawak din ng baso na naglalaman ng alak.

"Opo, salamat!" tipid na tugon n'ya.

Hindi pa rin n'ya maiwasan ang makadama ng pagkailang.

"Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi. Pamilya tayo rito at gaya ng sinabi ko pantay-pantay ang lahat sa atin," pahayag ng kapatid ng ama.

Tumango s'ya bilang tugon. Naisip n'ya na baka ito na ang tamang pagkakataon upang buksan at sabihin n'ya ang nag-iisang kahilingan na nais n'ya sana matupad. Inarok n'ya ang pagkasabi nito sa kanya at sa tingin n'ya ay hindi ito nagbibiro.

"Kailangan ko sana ng tulong para sa isang kaibigan." Panimula n'ya.

"Ano ang gusto mo mangyari," saad n'ya.

Ipinagtapat n'ya ang nais n'yang mangyari. Hindi ito ang unang pabor na pinagbigyan ng mga ito.

"I will see what I can do," tugon nito.

Nagpasalamat si Kael sa kabutihan ng pamilya ng ama.

"Mag-enjoy muna tayong ngayong gabi. Huwag kang mahihiya dahil para sa iyo ito." Pahayag nito.

Ngumiti s'ya bilang ganti sa sinabi nito. Isang dinner lang naman ang nangyari at may kaunting kasiyahan gaya ng pagsasayawan at kantahan kaya naaliw ang lahat. Masaya s'ya mula sa isang sulok habang nanunuod sa mga ito. Walang maitulak kabigin dahil talaga naman na magagandang lahi ang kanyang pinanggalingan. Ngayon ay alam na n'ya ang dahilan kung bakit hindi sila magkakamukha ng kinilala n'yang mga magulang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Napiling landas

    "Why are you sad?" tanong ni Noelle sa anak.Napansin n'ya kasi na matamlay ito. Sa isang sulok lang ito ng kwarto habang nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip ng kanyang anak kaya naman ay nilapitan n'ya ito. "Mom!" mahinang bulalas nito na hindi naman nagulat sa bigla n'yang pagsulpot."What's the matter?" malambing na tanong n'ya sa anak.Umiling ito na halatang may pag-alinlangan. "Don't be afraid. I won't be mad. Mas gusto ko na nagsasabi ka," dagdag na sabi n'ya upang huwag mailang ang anak."Mom, do you know he is leaving?" tanong ng anak.Hindi n'ya masyadong naintidihan ang ibig nitong sabihin."Sino?" nagtataka na tanong n'ya sa anak upang masiguro kung ano at sino ang tinutukoy nito."Daddy told me he is leaving. Hindi ba s'ya nagpaalam sa iyo?" sabi ng anak.Tipid na ngiti ang kanyang pinakawalan. "Naiintindihan ko kung bakit malungkot ka. Sigurado naman ako na babalik s'ya ng bansa. Nandito ang mga negosyo n'ya at syempre ikaw. Alam mo naman na hi

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Regrets

    Masaya ka na ngayong nahatulan at nakulong na si Daddy?" halos pabulong na tanong ni Noelle.Sumundo s'ya sa anak at hindi na s'ya nagtaka na nandoon din ang lalaki. Mas naging madalas ang paglalaan nito ng oras sa kanilang anak. Pagkatapos madiin sa kasalanan ang ama ay naging malungkutin si Gabriel. Dahil mahal nito ang matanda lalo na lumaki s'ya na walang ama sa kanyang tabi. Kaya naman ay ginagawa ni Xian ang lahat upang mabawasan kung hindi man tuluyang mabura ang sama ng loob nito sa nangyari. Nakaupo sila habang tinatanaw ang anak na noon ay abala sa kanyang practice sa paborito nitong sport na soccer. Nagsisimula na ito nahilig sa sports. "Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nakaka-move on? Anyways, hindi kita masisisi dahil tatay mo ang pinag-uusapan natin dito," tugon ng lalaki.Bumuntong-hininga si Noelle. Ayaw n'ya makipagtalo sa lalaki. Ngunit hindi n'ya mapigilan ang sarili na hindi maglabas ng kanyang nararamdaman. Lalo na ngayon na malaki ang naging epekto nito sa

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Gunita

    Naging sunod-sunuran si Noelle sa kagustuhan ng mga magulang sa takot na tuluyan s'yang itakwil at madamay ang anak na hindi pa naisisilang. Matinding depression, anxieties at stress ang dulot nito sa kanya. Dagdagan pa ng na-diskubre n'ya na niloloko s'ya ni Kael. Matapos pinalayas ng ama ang asawa sa mansion ay halos ikamatay n'ya ito. "You don't deserve him! Mabuti na rin iyan na habang maaga ay malaman mo ang totoo na hindi s'ya tunay sa iyo. Kayamanan lang natin ang gusto ng oportunista na iyon kaya ikaw ang napili n'ya na maging biktima. Malas lang n'ya dahil maagap at matalino ang iyong ama kaya agad na nalaman natin ang totoong layunin n'ya," sabi ng ina.Pinapalubag nito ang kanyang loob ngunit halos ayaw tumigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Pinalalabas nito na hindi s'ya mahal ni Kael. "Hindi ako makapaniwala na magagawa n'ya ito. Ang alam ko mahal n'ya ako at kaya n'yang panindigan ang pagmamahal na iyon. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na kulang ako dahi

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Nadiin

    Pagkatapos ng maraming insidente na nangyari sa kanyang negosyo ay nagsimula na magpa-imbestiga si Xian. Handa s'yang harapin at mapanagot ang may gawa ng lahat ng pananabotahe sa kanyang kumpanya. Nakuha n'ya at ng kanyang abogado ang mga dokumento na magsilbing ebidensya laban sa Don."Ever since ay naging aso na sunod-sunuran si Davis sa pag-asa na matatanggap s'ya ni Noelle sa buhay nito. Kawawang lalaki! Gwapo, matalino at mayaman ngunit na-uto ng isang kagaya ni Don Arnulfo," sabi n'ya sa kanyang abugado."Saan mo nakalap lahat ng ito?" nagtataka na tanong ng kanyang abogado."Some helped me. Huwag kayo mag-alala dahil legit ang lahat ng sources nito at may mga handang tumestigo laban sa kanya," saad n'ya sa abogado.Tingin kasi n'ya ay nagdadalawang-isip pa ito."Okay. Pag-aaralan ko ang lahat ng ito and I will get back to you as soon as I can," tugon ng kanyang abogado.Sa opisina n'ya ito ngayon upang doon sila mag-usap. Wala s'yang ibang inatupag in the past few days kundi a

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Hear out at hatol

    "Bakit ginabi kayo?" masama ang timpla ng mukha na sita ng Donya.Hinarangan pa nito ang kanilang daraanan. Napatingin si Gabriel sa kanya dahil hindi s'ya sumagot sa tanong ng Lola nito."Mom picked me up from school po. We were with Daddy for a short time," sagot ng bata."Sabi ko na nga ba eh. Nakipagkita ka sa lalaking iyon. Para ano? Para lalong idiin ang ama mo?" hirit nito na hindi man lang s'ya tinanong sa nangyari."Mom, you don't know what you are saying. Let's just talk some other time. This isn't the perfect time, we are all tired for whole day's work," saad n'ya."Pagod? All I know was you didn't go out to work. You went somewhere. Ano ang ginagawa mo habang nahihirapan sa sitwasyon n'ya ang Daddy ninyo, ha? I know what I am saying and I am sure about my feelings. Siguro masaya kayo behind our back dahil nagsa-suffer na ang asawa ko sa bilangguan," patuloy na litanya ng ina."Anak, you go upstairs and change. I will call you when dinner is ready," utos n'ya sa anak upang

  • The Condemned Son In Law (Tagalog)   Areglo

    Malaking surpresa ang nangyaring pagkahuli kay Don Arnulfo. Nabigla ang lahat lalo na ang Donya."Hindi ninyo magagawa ito sa asawa ko," bulalas ng matandang babae."May proseso po tayo na kailangan sundin. Kung tunay na walang kasalanan ang asawa ninyo ay mapapawalang-sala po s'ya," tugon ng pulis.Umalis na ang mga ito habang ang Donya ay naiwan na nakatulala. Mabilis na tinawagan ng katulong ang mga anak ni Don Arnulfo. Mabilis na dumating ang mga ito at nagpulong. Late na nakarating si Noelle dahil galing pa s'ya sa malayo. May nilakad s'ya na mahalaga. Nagtaka s'ya sa nakitang emosyon ng mga kapatid. Galit ang itsura ng mga ito."Ano ang problema? Bakit kumpleto yata tayo. Nasaan si Daddy?" tanong ni Noelle.Nakatingin ang lahat sa kanya. "Alam mo kasalanan mo lahat ng ito eh. Kung hindi dahil umandar ang kati at kagagahan mo ay tahimik sana ang buhay natin," sabi ng kanyang Kuya habang dinuduro s'ya.Nalilito na hindi n'ya alam kung paano mag-react."Hindi ko alam ang sinasabi n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status