Share

Buhay selda

Naging parusa ang bawat araw na nagdaan para kay Kael. Sanay s'ya sa hirap ng buhay simula pagkabata subalit ibang klase ng kalbaryo ang kanyang pinapasan. Nangayayat s'ya sa loob ng kulungan. Kulang sa pagkain at pahinga. Pag-asa at dasal na lamang ang naging panangga n'ya. Ang mga magulang at ang anak na hindi pa naisisilang ang inaalala n'ya kaya s'ya nanatiling malakas. Kahit pa na limitado ang natanggap n'yang balita tungkol sa tunay na estado ng kanyang asawa at anak.

"Mukhang nakalimutan ka ng iyong pamilya ah, ilang buwan ka na rin na hindi ka na nila nagawang dalawin," ani ni Mando.

"Naiintindihan ko kung sadyang kakalimutan na nila ako. Pero sa pagkakakilala ko sa mga magulang ko, alam ko na gagawin nila ang kanilang makakaya upang tulungan ako. Siguro ay hirap sila sa buhay ngayon kaya hindi sila nakakadalaw. Maniwala ka isang araw ay susulpot na lang ang mga iyon dito," umaasam na saad ni Kael sa bagong kaibigan.

"Sa pagkakaalam ko ha, base sa karanasan ko at sa mga nakikita ko rito. Karamihan sa atin ay tuluyan na itinakwil ng kanilang mga pamilya. Hindi naman sa sinasabi ko na panghinaan ka rin ng loob. Ang sa akin lang ay huwag kang masyadong umasa at baka dibdibin mo dahil ayaw mong tanggapin ang katotohanan. Gaya ng sabi ko, patibayan ng loob dito. Kung mahina ka ay hindi ka magtatagal. Pangunahing kalaban natin dito ay depression." Mahabang pahayag ng lalaki.

Tila walang narinig si Kael. Wala s'yang panahon para pakinggan at intindihin ang mga sinasabi ng lalaki. Hindi iyon makakatulong sa kanya. Nasa labas sila ng kanilang selda upang makapaglaba samantala ang ibang preso ay naglalaro pa ng basketball. Para lamang ito sa mga preso na matagal ng kilala ng mga nakabantay na pulis. Kahit pa na kampante ang mga pulis sa kanila ay hindi pa rin nawawala ang nagbabantay sa paligid. Ngaunit hindi kagaya sa ibang preso na mga bagong pasok ay mas nakakagalaw sila ng maluwag. Sa pananatili n'ya sa loob ay hindi pa naman n'ya naranasan ang magkasakit at hindi n'ya hinihiling na mangyari ito.

"Ang init ng katawan mo," saad ni Mando.

Kanina pa s'ya nakaramdam ng ginaw. Yakap n'ya ang sarili habang nakahiga at nakaharap sa dingding. Sinalat ni Mando ang kanyang noo at leeg.

"Nakahingi ka ba ng gamot kanina?" tanong nito.

Umiling s'ya bilang tugon habang nagsisimula na s'yang magdeliryo. Nataranta ang kasama nang mapansin na tumitindi ang panginginig ng kanyang katawan. Dali-daling nagtawag ito sa labas ng kanilang selda.

"Sir, pakitulungan naman po ang kaibigan ko. Si Mariano kasi masyadong mataas ang lagnat at nanginginig na," pagbabalita n'ya sa naka-duty ba pulis.

Mabuti na lang dahil mabait ang bantay na naka-assign sa kanila. Kung hindi ay baka madatnan na lang s'ya na malamig na bangkay kagaya ng iba pa. Mabuti na lang dahil mabait ang bantay na naka-assign sa kanila. Kung hindi ay baka

madatnan na lang s'ya kinabukasan na walang buhay. Mabilis na nagtawag ng medical assistance ang mabait na pulis. Nilabas sa selda si Kael sa tulong ng mga ito at dinala sa paggamutan malapit sa kulungan. Guminhawa ang pakiramdam ni Kael matapos ang ilang oras na nabigyan s'ya ng gamot. Nakatulog s'ya ng mas maayos at matiwasay dahil sa malamig at malinis na silid. Nagising s'ya na nag-iisa sa silid. Hindi s'ya maaring makaramdam ng lungkot.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ng doctor.

"Mas mabuti po, salamat!" sagot ni Kael.

Alanganin s'yang ngumiti habang tinitingnan nito ang kanyang kondisyon.

"Magpahinga ka na muna. Magiging okay ka rin. Nagkaroon ka lang ng kaunting infection," saad ng manggagamot.

"Mga ilang araw po ako na mananatili rito?" tanong ni Kael.

"Isang linggo siguro ay sapat na. Pero tingnan natin dahil nakasalalay pa rin iyan sa response ng katawan mo sa gamot," paliwanag nito.

Tumango-tango s'ya habang nagsasalita ito. Hindi na ito nagtagal sa kanyang silid at lumabas din. Walang dumalaw sa kanya ngunit tiniis n'ya ang bawat sandali na nangungulila s'ya. Pinagkasya n'ya ang sarili na manuod ng telebisyon. Wala s'yang ibang ginawa kundi ang kumain, matulog at manuod ng mga palabas.

"Mariano, ibabalik ka na sa selda mo bukas." Pagbibigay alam ng pulis na nakatalaga sa kanya.

Kalalabas lang ng kanyang manggagamot na s'yang tumingin sa kalagayan n'ya at nagbigay alam sa kanyang bantay. Inaasahan naman n'ya ito dahil sadyang gumaan na ang kanyang pakiramdam.

"Salamat, sir," tugon n'ya sa mababang tono.

Ngunit kabaliktaran nito ang nilalaman ng kanyang kalooban. Wala naman mangyayari kahit na magwala pa s'ya. Kinabukasan, sa loob na ulit s'ya ng selda.

"Iba talaga sa aircon na silid, nakakagandang lalaki." Papuri ni Mando.

Natawa s'ya sa sinabi nito.

"Gusto mo rin ba na magbakasyon doon?" tanong n'ya.

"Okay pa naman ako dito. Mabuti dahil magaling ka na, na-miss ka namin ah," saad ng kaibigan.

Tigasin ito sa tuwing nasa labas subalit mabait at mabuti ang kalooban nito kung sila lamang ang nagkakasama. Nahuli s'ya nito na matagal na nakatitig sa kanya.

"Huwag mo'ng sabihin na nababakla ka na," pabiro na sabi ni Mando sa kanya.

"Sira! Nagtataka lang kasi ako sa iyo," sagot n'ya na natatawa.

"Saan ka nagtataka?" usisa nito.

"Bakit napakabait mo sa akin ngunit sa iba hindi ka naman ganyan," hindi n'ya napigilan itanong.

"Dahil iba ka," matipid na sagot ng lalaki.

"Paano ako naging iba?" makulit na tanong n'ya.

"Iba ka dahil natural sa iyo ang pagiging mabuting tao," dagdag na sabi nito.

"Mabuti ka pa nakita mo iyon. Samantala ang mga taong mahal ko ay tila bulag na hindi na-appreciate ang lahat ng ginagawa ko," malungkot na pahayag ni Kael.

Tapik sa balikat ang kanyang natanggap mula rito. Simula nang bumalik s'ya sa selda ay unti-unti rin nalalagas ulit ang kanyang katawan. Isang araw ay nakapila sila para sa kanilang almusal. Magkasunod sila ni Mando habang naghihintay na mabigyan ng pagkain. Ganun na lamang ang kanilang pagkagulat nang bigla may sumingit sa pila sa unahan ni Mando. Hindi ito nagustuhan ng lalaki kaya sinita n'ya ang nakisingit sa pila.

"Pare, pasensya na ha! Pero, hindi mo ba nakita ang na may nakapila?" tanong ni Mando.

Tila bingi na walang naririnig ang lalaki.

"Pare, hindi mo ba ako naririnig?" medyo naiinis na sabi ulit ni Mando.

Hinawakan na n'ya ito sa balikat upang makuha ang atensyon ng kausap. Napatingin naman ito sa kaibigan. Mabagsik ang tingin nito sa lalaki.

"Ano ang sabi mo?" tila nang-aasar na ulit nito.

"Ang sabi ko, may nakapila na rito. Bakit bigla ka na lang sumingit? Hindi mo ba kami nakikita?" tanong ni Mando.

"Wala naman pila nang dumating ako," sagot nito.

"Talaga? Kanina pa kami rito naghihintay at nagugutom na mapagbigyan ng pagkain tapos ikaw bigla ka na lang darating upang mang-agaw ng pila?" hindi na maitatago ang inis ni Mando.

"Bakit ikamamatay mo ba kung mahuhuli ka sa pila? Hindi ko naman kasalanan kung late kayo dumating," patuloy na sabi ng mayabang na lalaki.

Tuluyan na itong hinarap ni Mando at sa tingin n'ya ay handa ito sa anumang laban.

"Nasa loob tayo ng kulungan kaya pantay-pantay tayo dito sa loob. Walang mahirap at walang mayaman kaya huwag kang umasta na akala mo ay pagmamay-ari mo itong lugar," pahayag ni Mando.

"Pare, hayaan na natin s'ya. Ang mahalaga ay lahat tayo mabibigyan," awat n'ya sa dalawa.

"Mabuti pa itong kasama mo nakakaintindi eh," saad pa ulit nito.

"Sa kanya okay pero para sa akin, kung mali ay dapat itama," saad ni Mando.

Nagulat na lamang ang lahat ng biglang naglabas ng patalim ang lalaki. Nakita naman agad ito ni Kael. Sa sobrang taranta na matatamaan ang kaibigan na si Mando ay sinalag n'ya ito at hindi nagagandahan na maari rin pala s'yang mapahamak. Natagpuan na lamang n'ya ang sarili na may mga dugo sa kanyang harapan. Basa ang kanyang bandang tiyan kung saan tumama ang kutsilyo na hawak ng estranghero. Dumalo ang mga malalapit na kakilala ni Mando sa kanya kasama rin ito. May mga humatak palayo at hinuli ang estranghero. Si Kael ay mabilis na dinala sa paggamutan.

"Mariano, ikaw na naman?" gulat na sita ng isang opisyales.

Hindi na n'ya magawang ngumiti dahil sa kanyang kondisyon.

"Hindi ka ba natutuwa, Doc?" makulit na sagot n'ya.

"May sugat ka na nga tapos ganyan ka pa sumagot," pakli ng manggagamot.

Mabuti na lamang dahil mababaw lang ang kanyang naging sugat sa tiyan.

"Huwag po kayo mag-alala dahil malayo ito sa bituka kaya hindi pa ako mamamatay," pabiro na sabi n'ya.

"Suki ka na rito. Ginagawa mo lang na bahay bakasyunan itong paggamutan," pabiro na sabi ng manggagamot ngunit totoo ang sinabi nito.

"Hindi naman, grabe naman po kayo!" nahihiya na sagot n'ya.

May kaunting bahid ng katotohanan ang naging pahayag nito. Madalas ay nagkakasakit s'ya at naging pahinga na lamang n'ya ay sa tuwing na-confine s'ya sa hospital na para sa mga preso. Dito kasi ay kumportable ang kanyang buhay. Kahit pa na ang dahilan ng kanyang pahinga ay katumbas naman ng kanyang buhay. Maaring may sakit s'ya o nadisgrasya s'ya kaya s'ya naipapasok sa naturang gusali Dahil d'yan ay nakakatakas s'ya sa reyalidad ng kanyang buhay at kulay nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status