LOGINBiyernes ng hapon, tatlong araw bago ang opisyal na operasyon ni Leo, tatlong sikat na fashion stylists ang nagpasok ng dalawang rack ng mga mamahaling designer dresses sa kwarto ko.
Inayusan nila ako mula ulo hanggang paa—buhok, makeup, hanggang sa heels na kulay ginto na halos pumatay sa mga binti ko sa taas. Nang humarap ako sa malaking salamin, halos hindi ko makilala ang sarili ko. Naka-emerald green silk gown ako na kulay ng gubat, minimalist ang alahas, at nakapusod nang malinis ang buhok ko. Wala na ang mukha ng baon-sa-utang na freelance designer na galing sa Pasig. Click. Bumukas ang connecting door. Lumabas si Alexander Ross, nakasuot ng perfectly tailored black tuxedo na may matching emerald green silk pocket square—katugma ng kulay ng gown ko. Huminto siya nang makita niya ako. For three full seconds, hindi siya nagsalita. Ang mga madidilim niyang mata ay dahan-dahang bumaba mula sa nakaayos kong buhok, papunta sa hapit na balikat ng gown ko, hanggang sa mukha ko. "Maganda ba?" iritable kong tanong, sinusubukang itago ang kaba ko. "O mukha pa rin akong pulubi na dinamitan mo lang?" Napalunok nang bahagya si Alex bago bumalik ang malamig at stoic niyang reaksyon. Inusog niya ang cuff ng kamiseta niya. "Acceptable," tipid niyang sagot habang lumalapit sa akin. Kinuha niya ang isang velvet box mula sa bulsa ng jacket niya at binuksan ito. Lumantad ang isang kulay pilak na diamond necklace na may kislap ng malaking emerald sa gitna. Lumapit siya sa likod ko. Amoy na amoy ko agad ang sandalwood perfume niya nang idikit niya ang mga kamay niya sa leeg ko para isuot ang kwintas. Ang lamig ng ginto at ang init ng mga daliri niya na sumayad sa balat ko ay nagpadala ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko. "Listen to me carefully, Clara," pabulong niyang bilin habang nasa likod ko pa rin siya. Ang boses niya ay halos nasa tainga ko na. "Tonight, you are entering a lion's den. My stepmother, Victoria, will do everything to tear you down. She wants to prove to the board that our marriage is a sham so her son, Julian, can claim the Chairman seat." Lumingon ako sa salamin para tingnan ang repleksyon naming dalawa. Mukha kaming perpektong mag-asawa mula sa pabalat ng isang mamahaling magazine, pero ang totoo, pader ng kasinungalingan ang nakatayo sa pagitan namin. "Anong kailangan kong gawin?" tanong ko. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa mga balikat ko, forcing me to meet his eyes through the mirror. "Do not react to her insults. Stay composed. Hold my hand, smile at the cameras, and no matter what she asks... pretend you're madly in love with me," utos niya. "Can you do that?" Huminga ako nang malalim, itinaas ang baba ko, at humarap sa kanya. "Panonoorin nila ang pinakamagaling na palabas ng buhay nila, Mr. Ross." Pagkaraan ng apatnapung minutong biyahe, huminto ang Maybach sa harap ng isang napakalaking ancestral estate sa Forbes Park. Napapalibutan ito ng mga mamahaling sasakyan, mga paparazzi na tuloy-tuloy ang pag-flash ng camera, at mga kilalang tao sa negosyo at politika. Bumaba si Alex at inabot ang kamay niya sa akin. Nang hawakan ko ang malaking palad niya, naramdaman ko ang paghipit ng kapit niya—a silent command telling me to play my role. Pagpasok namin sa grand ballroom, agad na lumapit sa amin ang mga bisita. "Alexander! Is this your sudden bride?" "Congratulations, Mr. Ross!" Gumagalaw si Alex nang may natural na karisma. Nakahawak ang kamay niya sa baywang ko, pushing me gently against his side. Every time someone congratulated us, he would look down at me with a fake, warm smile that almost looked real enough to fool me. "Good evening, Alexander." Biglang tumahimik ang paligid nang lumapit ang isang may-edad na babae. Naka-burgundy gown ito, puno ng dyamante ang leeg, at may mga matang matatalim na parang ahas. Sa tabi niya ay ang isang lalaking nasa mid-twenties na mukhang mayabang—si Julian, ang stepbrother ni Alex. Victoria Ross. Tinitigan ako ni Victoria mula ulo hanggang paa. Ang tingin niya ay puno ng pandidiri, na parang may basurang nakapasok sa magandang silid niya. "So... this is Clara Ramos," malamig na wika ni Victoria, hindi man lang nag-abalang ngumiti. "Nabalitaan ko ang tungkol sa pamilya mo. A freelance designer from Pasig whose family home was almost foreclosed? And a brother in the public hospital?" Naramdaman kong tumigas ang muscles sa balikat ni Alex. Ramdam ko ang galit na nagmumula sa kanya. "Victoria," warning na boses ni Alex. Pero bago pa makapagsalita si Alex, pilit kong pinanatili ang tamis ng ngiti sa labi ko, katulad ng ipinagawa niya sa akin. "Magandang gabi po, Mrs. Ross," pormal kong bati. "Totoo po. Galing ako sa simpleng pamilya. But Alex taught me that true value isn't measured by family titles or corporate wealth—it’s measured by loyalty, hard work, and character. Things that money simply cannot buy." Bahagyang nagbago ang mukha ni Victoria. Lumabas ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya sa tapang ng sagot ko. Naramdaman ko ang bahagyang paghipit ng hawak ni Alex sa baywang ko. Lumingon siya sa akin, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, may nakita akong totoong kislap sa mga mata niya—hindi na 'yon cold or calculating. It was genuine surprise. "Clara is correct, Victoria," dagdag ni Alex, taking my hand and bringing it to his lips. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko habang nakatitig sa akin. "She brings something into my life that this shallow high-society world never gave me. Authenticity." Napangiti nang pilit si Victoria, incapable of hiding her frustration. "Is that so? Well, I hope that authenticity survives the corporate board meeting next week, Alexander. Because a marriage made in haste always leaves behind suspicious tracks." Nang tumalikod si Victoria at maglakad paalis kasama si Julian, nakahinga ako nang maluwag. Naramdaman ko ang pangangatog ng mga tuhod ko sa ilalim ng gown ko. Dinala ako ni Alex sa may terrace sa gilid ng ballroom, malayo sa ingay ng mga tao at press. Nakatayo kami sa ilalim ng malamig na hangin ng gabi, nakatanaw sa malaking garden ng estate. " reliable," mahinang sabi ni Alex, basag ang katahimikan sa pagitan namin. "You didn't back down." Tiningnan ko siya, inalis ang kamay ko sa hawak niya. "Sabi ko sa'yo, marunong akong tumupad sa usapan. Hindi ako papayag na tapakan lang ako ng stepmother mo." Tinitigan ako ni Alex nang matagal. Sa ilalim ng ilaw ng buwan, nawala ang malamig na maskara ng billionaire CEO. Ang natira lang ay ang isang lalaking may mabigat na pasanin sa balikat. "She will dig into your past, Clara," mahinang bilin niya. "Hahanapin niya ang kahit anong pwede niyang gamitin laban sa atin. Pwede niyang gamitin ang kapatid mo, ang bahay niyo, o kahit ang kontratang pinirmahan mo." "Natatakot ka ba, Mr. Ross?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya nang isang hakbang sa akin. Sobrang lapit na naman namin na nararamdaman ko na ang init na nagmumula sa kanya. "I don't get scared, Clara," bulong niya, looking directly into my eyes. "I just protect what’s mine." Napatigil ang tibok ng puso ko sa huling salitang binitiwan niya. What’s mine. Alam kong parte lang 'yun ng kontrata. Alam kong laro lang 'to para sa kanya. Pero habang nakatitig ako sa mga mata ni Alexander Ross sa ilalim ng madilim na gabi, naramdaman ko ang unang lamat sa sarili kong panuntunan: Rule Number Four: Strictly no emotional attachment. At sa gabing 'yon, narealize ko na mas delikado pa pala ang lalaking 'to kaysa sa lahat ng kaaway niya.Mabigat ang mga hakbang ko nang pumasok ako sa pintuan ng Forbes Park mansion. Ang mga salita ni Victoria sa ospital kanina ay paulit-ulit na umiikot sa isip ko parang sirang plaka. Isang taon lang ang kontrata ninyo. Pagkatapos noon, itatapon ka rin niya.Kahit alam ko naman ang simula pa lang na totoo ang mga katagang iyon, bakit parang ang sakit-sakit ngayong marinig ito mula sa taong gustong magbagsak sa amin?Pagpasok ko sa sala, naabutan ko si Manang Teresa na nag-aabang sa may hagdan. Mukhang alalang-alala ito habang hawak ang isang hawakan ng telepono."Iha, sa wakas dumating ka na," bungad sa akin ni Manang habang lumalapit. "Kanina pa tumatawag si Sir Alex mula sa opisina. Sabi niya kung pwede raw ba ay pumunta ka sa Ross Tower ngayong gabi. May mahalagang anunsyo raw siyang gagawin sa harap ng mga natitirang board members, at gusto ka niyang makasama."Napatigil ako. "Ako? Sa Ross Tower? Bakit daw, Manang?""Hindi na niya sinabi ang buong detalye, Iha, pero mukhang may kina
Tahimik ang naging gabi pagkatapos ng balitang ibinaba ni Alex tungkol sa board meeting. Matapos naming mag-usap sa sala, kumuha lang siya ng ilang dokumento sa kanyang study room at dumeretso agad sa kanyang silid. Ganoon din ang ginawa ko; pumasok ako sa kwarto ko at isinara ang pinto nang hindi na kami nagkatinginan pa nang matagal.Kahit sinabi ni Alex na huwag akong mag-alala, hindi ko mapigilan ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Dahil sa akin kaya lumabas ang isyu ng kontrata. Dahil sa akin kaya nagkaroon ng bala ang mga kalaban niya para sirain ang pangalan niya sa kumpanya.Kahit anong pilit ko sa sarili ko na isiping negosyo lang ang lahat at wala kaming relasyon kundi ang nakasulat sa papel, hindi ko na maitago ang katotohanan na nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang nahihirapan.Huwag kang assuming, Clara, paulit-ulit kong saway sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko habang malalim na ang gabi. Laban niya ito bilang CEO. Kontrata lang ang meron kayo.K
Mabilis kaming nakasakay sa kotse ni Alex bago pa man kami maabutan ng mga reporter na nagkakagulo sa labas ng ospital. Tahimik ang buong paligid habang binabagtas namin ang daan pabalik sa Forbes Park. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang mabilis na hininga ko ang maririnig sa loob.Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Parang paulit-ulit na nag-uusap sa utak ko ang mga mukha at boses ng mga taong nagtatanong kanina. Kumalat na ang balita. Nalaman na ng buong mundo ang tungkol sa kontrata namin. Pakiramdam ko ay dinadala ko ang buong mundo sa mga balikat ko dahil alam kong malaki ang epekto nito hindi lang kay Alex kundi pati na rin sa kumpanya niya.Pagdating namin sa mansyon ay agad kaming sinalubong ni Manang Teresa na mukhang nag-aalala at napanood na rin marahil ang balita sa telebisyon.Sir Alex at Clara ang tawag niya pero hindi na siya pinansin ni Alex.Hawak ni Alex ang pulso ko habang diretso kaming umakyat sa ikalawang palatasan at pumasok sa master bedroom niya.
Dalawang araw ang lumipas mula nang sumugod ako sa Ross Tower, at dalawang araw din kaming halos hindi nag-usap ni Alex.Kahit magkasama kami sa iisang mansyon, naging parang mga multo kami sa isa't isa. Maaga siyang umalis ng bahay sakay ng itim niyang kotse, at gabi na kung umuwi kapag tulog na ako. Sinubukan kong magpakabusy sa mga freelance design projects ko para hindi ko maramdaman ang bigat ng dibdib ko, pero tuwing nakikita ko ang connecting door sa pagitan ng mga kwarto namin, parang may kung anong kumikirot sa loob ko.Bakit ba ganito kaapektado ang sistema ko sa kanya? tanong ko sa sarili ko habang nakatutok sa laptop screen ko sa sala. Contrata lang 'to, Clara. Isang taon. Pagkatapos niyan, tapos na.Pero habang pinapaalala ko sa sarili ko ang kontrata, mas lalo ko namang naaalala ang mga mata ni Alex noong araw na 'yun sa opisina—ang galit niya para ipagtanggol ako, ang pag-aalala sa boses niya nang tawagin niya ang pangalan ko.Hindi na ako nakapag-isip pa nang malalim d
Natahimik ang malawak at marangyang opisina sa 60th floor. Ang tanging naririnig ay ang mahinang ugong ng centralized air conditioning at ang mabilis na tibok ng sarili kong dibdib.Ang dalawang board member na nakaupo sa harap ng mesa—sina Mr. Gomez at Mr. Salazar, ang mga kanang kamay ng stepmother ni Alex na si Victoria—ay dahan-dahang nag-angat ng tingin mula sa itim na sobre patungo sa akin. Ang mga mukha nila ay pinalitaw ng sarkastiko at mapang-uyam na mga ngiti."Brave words coming from a gold-digger," malamig na sabi ni Mr. Gomez habang sumasandal sa kanyang kinauupuan. "Palibhasa'y nasilaw ka sa milyones na nakuha mo kay Ross kaya ganoon na lamang ang pagtatanggol mo sa kanya. Pero huwag kang mag-alala, bata. Ang mga katulad mo ay madaling palitan. Ang reputasyon ng kumpanyang ito, hindi."Hahakbang na sana ako para sagutin ang matanda nang biglang may humila sa braso ko palapit sa kanyang likuran.Si Alex.Naka-charcoal gray suit siya, pero ang ekspresyon ng mukha niya ngay
Nagising ako sa mabigat at mainit na pakiramdam sa aking kanang kamay. Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita kong nakahiga ako sa gilid ng malaking kama ni Alex, at mahigpit pa palang nakahawak ang mga daliri niya sa pulso ko.Agad kong tiningnan ang orasan sa bedside table—alas-singkes y medya na ng umaga.Dahan-dahan kong ginalaw ang kamay ko para alisin ang pagkakahawak niya nang walang ingay. Pero bago ko pa man maitabi ang braso niya, iminulat na niya ang mga mata niya. Wala na ang mapulang pamumula ng lagnat kagabi; mukhang nakapahinga na siya nang maayos dahil bumalik na sa dati ang matalim at seryosong ekspresyon ng kanyang mga mata."You're awake," malamig ngunit mahina niyang sabi habang dahan-dahang bumabangon at sumasandal sa headboard ng kama."May pakiramdam ka pa ba?" tanong ko habang kinapa ang noo niya gamit ang likod ng kamay ko.Napatigil ako nang mapansin kong wala na siyang lagnat. Pero sa halip na bawiin ang kamay ko, nanatili akong nakatayo malapit sa mukha niy







