Biyernes ng hapon, tatlong araw bago ang opisyal na operasyon ni Leo, tatlong sikat na fashion stylists ang nagpasok ng dalawang rack ng mga mamahaling designer dresses sa kwarto ko.Inayusan nila ako mula ulo hanggang paa—buhok, makeup, hanggang sa heels na kulay ginto na halos pumatay sa mga binti ko sa taas. Nang humarap ako sa malaking salamin, halos hindi ko makilala ang sarili ko. Naka-emerald green silk gown ako na kulay ng gubat, minimalist ang alahas, at nakapusod nang malinis ang buhok ko.Wala na ang mukha ng baon-sa-utang na freelance designer na galing sa Pasig.Click.Bumukas ang connecting door. Lumabas si Alexander Ross, nakasuot ng perfectly tailored black tuxedo na may matching emerald green silk pocket square—katugma ng kulay ng gown ko.Huminto siya nang makita niya ako. For three full seconds, hindi siya nagsalita. Ang mga madidilim niyang mata ay dahan-dahang bumaba mula sa nakaayos kong buhok, papunta sa hapit na balikat ng gown ko, hanggang sa mukha ko."Magand
Last Updated : 2026-08-08 Read more