LOGINChapter 35ConfrontationIt was already deep in the evening when I arrived. Pagkabukas ng gate ng mansion, ipinark ko ang sasakyan at dahan-dahan akong naglakad papasok. Tahimik ang buong bahay. Masyadong tahimik.Nadatnan ko kaagad si Hector sa dining area. Nakayuko siya, at may alak sa harap niya na halatang kanina pa nababawasan. Madilim ang paligid at tanging ang ilaw sa ibabaw ng mesa ang bukas.Nanguyom ang kamao ko."Hector," I called him.Umangat ang kaniyang ulo. Namumula ang mga mata niya."Stella. I'm glad you came back. Let's leave," he said worriedly and stood up.Agad na bumalot sa ilong ko ang amoy ng alak sa kaniya."Umupo ka," utos ko."Stella, let's...""Sabi ko, umupo ka."Lumapit ako sa mesa at kusa siyang umupo pabalik. I gritted my teeth. Tahimik kong kinuha ang bote at ang shot glass. Inilagay ko ang bote sa sink, at ang baso naman sa cabinet.
Chapter 34CallHindi ko alam kung para kanino nadudurog ang puso ko. Kay Hector na umalis? O kay Luther na inaatake yata ng migraine? Alin?Sana ako na lang talaga 'yong sumakit ang ulo para natutulog na lang ako ngayon at walang iniisip!I wanted to cry, but I didn't even know what for. It felt like I was being torn into two.Yes, he's just my husband's brother. I hired him because of my sins and my crime. So why does it feel so hard to say it out loud?Kanina, pinilit ko lang magsalita dahil naaawa ako kay Luther. Gusto kong ituon ang buong atensyon ko sa kaniya, at para magawa iyon, kailangan ko munang paalisin si Hector.At ngayong wala na siya, at ngayong nagpapahinga na si Luther, hindi ko maiwasang itanong sa sarili kung nasaan na kaya siya. Kumain na kaya siya? Nakauwi na ba siya nang maayos?O baka naman umuwi na siya kay Santi kasi tapos na ang pagpapanggap?"It's normal to have a severe headache because of his memory loss. He'll be fine," sambit ni Penelope habang inaayos
Chapter 33Husband's BrotherNatigilan ako at naghintay ng sagot mula sa kausap niya, ngunit wala. Katahimikan lang ang bumalot sa kabilang panig ng pinto. "You're that one person Stella keeps referring to. Now I don't know why she doesn't want me to meet you. You'd be a big help in recovering my memories," sambit niya.May dumagan sa dibdib ko na kung ano. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at pinihit ang pintuan pabukas."Back off, dude," a familiar voice said. Parang may kumurot sa tiyan ko. Kilala ko ang boses na iyon."Luther?! Sino ba 'yang kausap mo?!"Natatabunan ng divider ng kama at ng bookshelf ang kausap ni Luther. Kailangan ko pang humakbang at tumabi sa kanya para makita kung sino iyon. "Stella! Si Kuya!" Luther said, almost cheerful, like he was introducing a long-lost relative. Holishit. He had no idea. Don't you fucking kidding me right now?! Pumintig nang mabilis ang puso ko sa nakita.Nagtama agad ang mata namin ng kausap ni Luther. "H-Hector," I uttered.There
Chapter 32VisitSi Mama. Parang kabute. Kung saan-saan na lang susulpot.Dapat siya na ang presidente ng Pinas, eh. Kung kailan nahihirapan ako, tsaka rin siya susulpot. Hindi para tumulong, kundi para magpahirap pa lalo.I frowned. My body was still burning up, and it was getting worse by the minute. Para akong pinapakuluan mula sa loob.Umiinom ako ng gamot ngayon habang nakatitig sa akin ang dalawa: si Luther at si Penelope. Parehong nakahalukipkip, parehong naghihintay at nakatingin sa akin. Judge yarn? I gulped down the last of the water in my glass and set it on the table. My hand trembled A little harder. I cough. The sound made both of them flinch."You're not feeling well, Stella. You just stay home. The work can wait," Luther said.Nasa mesa kami ngayon. Hinahainan kami ng kasambahay ng pagkain, lalo na ako, dahil kesyo ayon sa dalawa ay parang idol ko raw si Luther: nangangayayat din. Ang daming ulam. Adobo, sinigang na baboy, pritong isda, at isang mangkok ng kanin na u
Chapter 31 Penthouse Nahihilo pa ako nang mai-park ko ang aking BMW sa penthouse. Nasusuka na naman ako, ngunit huminga na lamang ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Isa. Dalawa. Tatlo. Saka lang ako bumaba. I fixed my above-the-knee blue halter neck dress while walking toward the entrance, when suddenly a woman appeared from behind one of the plants in our front yard. "Stella." Napahinto ako. "Ma?" Lumingon muna siya sa paligid, at nang makitang walang tao ay lumapit siya sa akin. Nangunot ang noo ko. "Why are you here? Paano mo nalaman na nandito ako?" "Eh ito lang ang alam kong lugar kung saan ay puwede kang tumira. Kina Marchetti ito, hindi ba? Hindi ko lang inaasahan na maaabutan kita rito agad." Napabuntong-hininga ako at napatango. Sabagay. Baka nga lahat ng tao sa probinsya namin ay alam ang lugar na ito. Tinga na sa ngipin nila ang Marchetti at hindi iyon maalis-alis sa kanila. "Hindi pa ba tapos ang ginagawa n'yo ni Hector?" "It's near. Why?" I asked, confuse
Chapter 30 Sickness "Why am I not allowed in the penthouse?" Kanina pa nakatayo si Hector sa harap ng full-length mirror, hawak ang dalawang dulo ng kaniyang necktie, pero hindi naman niya iyon inaayos. Nakatingin lang siya sa repleksiyon ko sa salamin. Hinihintay ang sagot ko. I knew the day would come when Hector would ask this. Palagian na kasi ang pagbisita ko kay Luther, at hindi ko rin maiwasang gumawa ng rason sa tuwing aalis ako. Napapagod na rin akong mag-imbento. Kung hindi lang maunawain si Hector. Kung pareho lang sila ng ugali ni Luther, baka nag-away na kaming dalawa. "Stella," he said again when I stayed quiet. "It's been weeks. Every time I bring it up, you change the subject." "I'm not changing the subject." "You offered me coffee." "Because you looked like you needed coffee." Tumaas ang isang kilay niya sa salamin. Hindi ako natinag. Sa halip, umupo ako sa gilid ng kama at inayos ang laylayan ng aking damit, kunwari'y abala. "It's just that... I want you t







