LIMANG TAON ANG LUMIPAS...
Nasa loob ng ospital sina Chantal at ang anak niyang si Gab. Napilitan siyang umuwi ng Pilipinas dahil lumala ang kalagayan ng kanyang anak. Ayon sa doktor, mahina ito sa malamig na temperatura. Bukod pa roon, napansin niyang naging bugnutin si Gab at hindi ito palasalita. Kapag ayaw niyang magsalita, walang makakapilit sa kanya. Mas gusto niyang gugulin ang oras sa pagguhit at paglalaro ng mga puzzle kaysa makihalubilo. Biglang sumilip sa pinto si Skye. Nang makita siya nito, napangiti ito at agad siyang niyakap. "Kailan ka pa dumating?" tanong ni Skye, halatang sabik siyang makita. "Kagabi lang. Sinundo kami ni Calvin," nakangiting sagot ni Chantal. Lumapit si Skye sa bata at ngumiti. "Oh, ito na ba ang inaanak ko?" Pinilit niyang makuha ang atensyon ni Gab. "Hi, Gab! Ako ang ninang Skye mo..." Ngunit walang tugon mula sa bata. Ni hindi siya tinapunan ng tingin. Napakunot-noo si Skye. "Bakit ganyan siya? May sakit ba siya bukod sa pneumonia?" tanong niya kay Chantal. "Sabi ng psychologist, maaaring ito raw ay isang uri ng depresyon sa mga bata," sagot ni Chantal. "May mga batang may malalalim na iniisip pero hindi nila alam kung paano ito ipahayag." "Pero... limang taon pa lang siya, hindi ba?" nagtatakang tanong ni Skye. "Wala ba siyang—" "Autism?" Napangiti si Chantal. Alam na niyang iyon ang susunod na sasabihin ni Skye. Noong una, iyon din ang naisip niya. Ngunit mismong doktor ang nagsabi sa kanya na wala sa spectrum si Gab. Saglit na natahimik si Skye bago muling nagtanong. "Okay na ba kayo ni Calvin? Paano niya kayo nasundo?" "Last month, dumalaw siya sa bahay at napansin niyang maputla si Gab. Noon kasi, umuulan ng snow. Bigla siyang hindi makahinga, tapos inubo nang walang plema. Ayon sa doktor, hindi niya kinakaya ang sobrang lamig. Kaya pala tuwing taglamig sa ibang bansa, palagi siyang nagkakasakit," paliwanag ni Chantal. "Kaya napagdesisyunan namin ng tatay niya na iuwi muna siya rito para magpagaling." "Yung una kong tanong, hindi mo pa sinasagot," natatawang sabi ni Skye. "Okay ba kayo ni Calvin?" "Hmm, okay lang," kaswal na sagot ni Chantal. Napatingin si Skye sa kanya, halatang hindi naniniwala. Ngunit hindi na lang siya nag-usisa pa. Kilala niya si Chantal—kapag ayaw nitong magsalita, lalo lang siyang magagalit kung pipilitin. Hindi rin niya mapigilang itanong ang matagal na niyang gustong malaman. "Bakit nga ba kayo naghiwalay ni Calvin? Naalala ko pa noon, parang hindi siya mapakali kapag wala ka. Kulang na lang, subuan ka niya ng pagkain. Pero bakit nauwi kayo sa ganito?" Baby pa lang si Gab nang malaman nilang naghiwalay ang dalawa. Pinili ni Chantal na lumayo, at iginalang iyon ni Skye. Sinabi na lang niya sa sarili na isang araw, kapag nagkita silang muli, saka niya itatanong ang lahat. Napabuntong-hininga si Chantal bago ngumiti. "Mahabang kwento. Kapag handa na ako, sasabihin ko sa’yo ang lahat." Tahimik nilang pinagmasdan si Gab habang naglalaro. Wari bang wala siyang pakialam sa paligid—hanggang sa biglang bumukas ang pinto. "Oh, Skye..." pumasok si Calvin, may dalang paper bag mula sa isang restaurant. "Kanina ka pa?" "Medyo," sagot ni Skye. "Ikaw, kararating mo lang?" "Umuwi lang ako sandali para maligo. Bumili na rin ako ng pagkain. Kumain na kayo. Chantal, kain ka na," alok ni Calvin. Ngunit tumayo si Chantal at hinila si Skye. "Alagaan mo muna si Gab. Sa labas na lang kami kakain." Bahagyang nagdilim ang mukha ni Calvin. "Pero bumili ako ng pagkain!" Wari bang gusto niyang pigilan sila, pero hindi niya alam kung paano. "Sino’ng—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil biglang bumagsak ang pinto. Napabuntong-hininga siya, malalim. Matagal na niya itong iniisip. Pakiramdam niya, galit sa kanya ang dati niyang asawa. Pero bakit? Kahit anong anggulo niya tingnan, hindi niya mawari kung saan nanggagaling ang galit nito. Noon, pakiramdam niya ay masaya sila. Lagi niya itong binibilhan ng pasalubong. Lagi rin siyang tinatawag nitong "mahal." Kapag may gusto ito, malambing na lalapit sa kanya. "Mahal ko, ibili mo naman ako ng pagkain. Parang gusto ko ng shawarma..." Inalagaan niya ito noong buntis ito. Iginagalang niya at ibinigay ang lahat ng kaya niyang ibigay. Pero bakit—sa kabila ng lahat—iniwan pa rin siya ni Chantal? Isang araw, bigla na lang itong dumating sa opisina niya, may dalang mga papel. Papers for annulment. Nagulat siya, pero hindi siya nagtanong. Bilang isang taong hindi irasyunal, alam niyang hindi niya maaaring pilitin ang isang taong ayaw na. Gumawa na lang siya ng agreement at ipinanonotaryo ito. Hindi na siya umangal pa. At noon ngang dumating si Chantal para dalhin ang papeles sa kanya, paalis na rin pala ito patungong Amerika. Hinayaan na lang niya ito. Sinubaybayan niya ang mag-ina kahit mula sa malayo. Subalit hanggang ngayon, hindi pa rin niya maintindihan— Bakit galit si Chantal sa kanya, gayong siya naman ang piniling umalis?Napangiti si Calvin sa dulo ng linya, kahit hindi iyon nakikita ni Chantal.“Baka pagsisihan mo ‘yan,” biro niya. “Ako pa naman, mahilig sa steak at imported wine.”“Hindi ako nagbibiro,” sagot ni Chantal, bahagyang napatawa rin. Pero agad ding bumalik ang seryoso niyang tono. “Calvin… sigurado akong may nangyayaring masama sa site na 'yon. At hindi lang ako ang nasa panganib. Pati si Skye.”“Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Calvin.“Napapansin ko na rin—para bang sinusubukan siyang kumbinsihin ni Roberto na maging silent partner sa expansion na 'to. Pero may mga dokumento na hindi niya pinapakita, mga detalye na hindi malinaw. At ngayong nakita ko pa ‘yung kahon na may hazard mark… Calvin, natatakot ako.”“Okay,” sagot ni Calvin. “Magsisimula akong mag-imbestiga bukas. Pero Chantal, huwag kang babalik sa site nang mag-isa. Magpaalam ka muna. At hangga’t maaari, huwag mong papansinin si Roberto.”Napabuntong-hininga si Chantal. “Mahirap ‘yon. Kliyente siya. At kung bigla
Habang paakyat sila mula sa basement, naramdaman ni Chantal ang bigat ng sitwasyon. Mula sa mga babala ni Calvin, sa kahina-hinalang kilos ni Roberto, at ngayon—ang amoy ng kemikal at ang misteryosong kahon. Lahat ng ito ay hindi na niya kayang balewalain.Pagkarating nila sa ground floor, nagkunwari si Chantal na tumanggap ng tawag. "Skye, mauna ka na kay Mr. Fontanilla. Kailangan ko lang sagutin 'to."Tumango si Skye at sumama kay Roberto palabas ng construction site. Samantala, mabilis na bumalik si Chantal sa basement, sinigurong walang nakakakita. Lumapit siya sa kahon, at dahan-dahang tinanggal ang tarpaulin. Nakaselyo ito at may marka ng isang kompanyang hindi niya pamilyar—walang label, walang logo, ngunit may hazard symbol.Nagpantig ang tenga ni Chantal. Hindi iyon karaniwang gamit sa konstruksyon.Bago pa niya ito masiyasat ng lubusan, may narinig siyang kaluskos mula sa itaas. Agad siyang umalis, ibinalik ang takip at umakyat na tila walang nangyari.Pagbalik niya sa labas
Sinabi ko na sayo na iwasan mo ang Roberto Fontanilla na yun," sabi ni Calvin kay Chantal, "hindi siya mabuting tao.""Pero nagpapagawa siya ng bahay sa firm namin ni Skye," sagot ni Chantal, "hindi ko siya maaaring balewalain dahil isa siyang kliyente.""Sinabi ko na sayo.. gumagawa ng ilegal ang taong iyon. Kapag hindi mo yan iniwasan, baka madamay ka pa.""Calvin, sa pagkakaalam ko, ang dahilan lang kaya tayo nag uusap ay dahil ama ka ng anak ko, at hindi na bilang asawa ko," matiim ang tingin ni Chantal sa dating asawa.Nagtagis ang bagang ng lalaki, bago siya sagutin, " kung madadamay ka sa ginagawa niya, hindi kita dadamayan. Siguraduhin mo lang, na hindi mapapahamak ang aking anak.." iyon lang, at lumabas na si Calvin at nagtungo na sa kanyang sariling unit.Pagkasara ng pinto ay nanatiling tahimik si Chantal, pinipilit pigilan ang pagbagsak ng luha. Ang tono ng boses ni Calvin, ang malamig at mabigat na tingin nito, tila baga hindi na siya ang babaeng minsang minahal niya. Mul
“Si Robert Fontanilla?” tanong ni Calvin, mariin ang tono.Tumango si Chantal habang sinisimot ang sabaw ng kare-kare. “Oo. Bakit?”Hindi agad sumagot si Calvin. Nangingitim ang ulap sa kanyang noo, halatang may bumabagabag. Napayuko siya, saka dahan-dahang umiling. “Alam mo bang may history kayo ni Robert? Na minsan kayong naging malapit?”Natigilan si Chantal. “Alam ko kung saan ‘to papunta, Calvin. Hindi mo kailangang—”“Hindi ito tungkol sa selos,” giit ni Calvin. “Ito’y tungkol sa totoo. Sa mga bagay na hindi ko alam noon pero ngayon, pilit kong hinaharap.”“Walang nangyari sa amin ni Robert. Oo, nagkaroon kami ng ugnayang malapit noong college. Pero tapos na ‘yon. Matagal na. Hindi siya naging ako, at hinding-hindi rin ako naging kanya.”Nagtagal ang katahimikan. Si Calvin ay nakatingin lamang sa kanya, tila sinusukat kung hanggang saan ang totoo.“Pero bakit hindi mo sinabi noon?” tanong nito sa wakas.“Dahil wala naman akong dapat itago,” sagot ni Chantal, tuwid ang likod, mal
Nanlaki ang mata ni Chantal. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon—direkta, puno ng pananabik, ngunit may halong pait. Alam niyang hindi ito simpleng selos. Ito'y pagkasukat, pag-uusig, at marahil… pag-amin ng hindi pa kayang sambitin.Hindi siya agad sumagot. Umiling siya nang marahan. “Hindi tungkol sa ibang lalaki, Calvin. Tungkol ito sa akin. Sa kung anong kaya ko… at sa kung anong hindi ko na kayang balikan. Kung maaari lang sana, ang usapan na lang natin ay tungkol sa ating anak.”Nanatiling nakatitig si Calvin. “Kaya mong i-welcome ako sa bahay mo para sa anak natin, pero hindi mo kayang harapin ang sarili mong damdamin. Hindi mo ba nararamdaman, Chantal? Sa bawat hapunan, sa bawat tingin natin sa mga lumang litrato, sa bawat gabing nagkakasalubong tayo sa hallway—nandoon pa rin tayo. Pero ikaw lang ang ayaw tumingin. Hindi mo ba nais subukang muli?”“Ikaw ang nagkulang, Calvin,” mahina ngunit mariing sagot niya. “Hindi ko ‘yan kinalimutan. Kung mayroon mang nagdulot ng prob
Napabuntong-hininga si Chantal habang pinagmamasdan ang anak na tuwang-tuwa sa pagdating ng ama. Sa likod ng masayang ngiti ni Gab ay ang katotohanang pinakailag siya—ang unti-unting pagbabalik ni Calvin sa kanilang buhay, sa paraang hindi niya inaasahan, hindi niya hiniling, at higit sa lahat… hindi pa niya handang harapin. Ang nais lang niya ay ang pag aaruga nito sa kanilang anak."Ano, Mommy? Okay lang ba talaga sayong kumain si Daddy dito?" tanong muli ni Gab, habang halos talunan ang excitement. Para bang ito na ang pinakamasayang araw ng batang paslit.Tiningnan niya si Calvin na hindi rin maikakaila ang inaasam na sagot mula sa kanya. Nakatayo ito sa may pintuan, tangan ang basong iniabot niya, habang nagpapakumbaba sa kanyang tindig.Hindi siya sumagot agad. Dumiretso siya sa kusina, kung saan abala si Lucinda sa paglalagay ng sinigang sa malaking mangkok.Naramdaman nito ang presensya niya, maingat na bumulong, "Ma'am, para sa bata, hayaan niyo na muna."Napapikit siya ng ma