HILONG hilo siya noong araw na iyon, ayaw niyang bumangon mula sa kama. Ang sakit ng kanyang ulo.
Biglang dumapo ang kanyang paningin sa dispenser ng kanyang mga napkin, at bigla siyang kinabahan. Sa sobrang pagkaabala niya, hindi na niya napansin ang kanyang buwanang dalaw. Dapat, dalawa o tatlong pack na lang ang natitira roon, pero ngayon, ni hindi pa nababawasan ang laman nito simula nang bilhin niya—dalawang buwan na ang nakalipas! Mabilis tumakbo ang kanyang isip. Kumabog ang kanyang puso. "Hindi... Stress lang ito!" pilit niyang isiniksik sa kanyang isipan. Ngunit bago pa siya tuluyang makumbinsi, bigla siyang nakaramdam ng pangangasim ng sikmura, dahilan upang magmamadali siyang tumakbo sa banyo. "Acid reflux!" pangangatwiran niya sa sarili. Matapos niyang ayusin ang sarili, naligo siya at naghanda para pumasok sa opisina. Ngunit hindi siya mapakali. Hindi niya kayang ipagwalang-bahala ang kutob na mayroon siya. Kaya’t tinawagan niya ang kanyang kaibigan. "Hello, Skye, hindi muna ako papasok ngayon. Masama kasi ang pakiramdam ko." "Sige, uminom ka ng gamot at magpatingin sa doktor," maikling sagot nito. Paglabas niya ng bahay, napadaan siya sa isang drug store. Napahinto siya at nag-alinlangan sandali bago tuluyang pumasok upang bumili ng pregnancy test kit. Sa kanyang pag-uwi, binasa niya ang direksyon ng paggamit. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinihintay ang resulta. Halos mapalundag siya nang biglang lumitaw ang malinaw na dalawang guhit. Buntis siya! Napahilamos siya sa mukha at napakagat sa kanyang kuko. Ano ang gagawin niya? "Paano 'to?" "Paano na ako?" "Ipapalaglag ko… Tama!" "Papayag naman siguro si Calvin." "Marahil, hindi pa rin siya handa." "Twenty-two pa lang ako! Masyado pa akong bata para dito!" "Hindi ko pa kayang maging ina!" Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ng lalaki. Ilang ring lang, sinagot ito ni Calvin. "Calvin, maaari ba tayong magkita?" tanong niya. Nagulat si Calvin sa tawag ni Chantal. "Inaaya niya akong magkita ulit? Nag-enjoy ba siya sa ginawa namin noon?" Napangisi siya bago sumagot, "Sige, saan?" "Sa Remedios Hospital." Kumunot ang noo ni Calvin. Remedios Hospital? Hindi ba iyon ospital para sa mga buntis? "Bakit doon?" tanong niya. "Basta! Ngayon na!" at agad niyang pinutol ang tawag. Malalim siyang huminga bago kinuha ang pregnancy test, inilagay sa kanyang bag, at lumabas ng bahay. Dahil tinatamad siyang magmaneho, sumakay na lang siya ng taxi. Sa loob, paulit-ulit niyang tinitingnan ang kanyang bag na tila may bomba sa loob. Pagdating niya sa ospital, agad niyang napansin si Calvin—suot ang gray na coat at mask. Kumunot ang kanyang noo. "Attorney Calvin," tawag niya rito. Mabilis siyang nilapitan ng lalaki at isinoutan ng mask at sumbrero. Saka siya hinila patungo sa isang katabing restaurant, kung saan may nakahaing pagkain. "Nasa malapit lang ako nang tumawag ka. Ano bang kailangan mo?" tanong nito. "Bakit mo ako sinuotan ng mask? Hindi ako makahinga," reklamo niya. "Ah, alisin mo na lang. Doon mo kasi ako pinapunta, nakakahiya kung may makakakita sa atin. Ano ba 'yun?" "Buntis ako." Kinuha niya ang pregnancy test sa bag at ipinakita rito. Kumunot ang noo ng lalaki. "Oh, buntis ka nga… sinong ama?" tanong ni Calvin. Biglang sumiklab ang inis ni Chantal. "Malamang ikaw! Tanga ka ba?!" inis na sagot niya. "Ako?" Napamulagat si Calvin habang itinuro ang sarili. "Sino pa ba sa tingin mo, ha? Hindi naman ako kaladkarin na babae!" "Eh bakit tayo nandito sa ospital? Magpapacheck-up ka ba?" tanong ni Calvin. "Hindi," sagot niya. "Kailangan kasi ng pirma ng asawa kapag magpapa-abort. Nabasa ko sa policy na—" "Wait! Wait!" Putol ni Calvin. "Anong sabi mo?" "Magpapa-abort ako," diretsong sagot niya. "Bakit?" "Anong bakit? Buntis ako! At sa society natin, ang mabuntis nang walang asawa ay isang malaking kahihiyan. Naiintindihan mo ba?" sagot niya, may bahid ng pagkadismaya. Tahimik si Calvin. Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Hanggang sa bumuntong-hininga ito at seryosong tumitig sa kanya. "Maaari bang... maaari bang buhayin mo ang bata?" pakiusap nito. Napasinghap siya. "Ano? Paano—" "Ipagbuntis mo ang anak ko," sambit nito. "Ako ang bahala sa inyo. Kapag naipanganak mo siya, maaari mo siyang iwan sa akin at bumalik sa normal mong buhay. Hindi mo kailangang mag-alala sa kahit ano. Ako ang bahala sa inyo, habang inaalagaan mo siya sa sinapupunan mo. Maaari ba, Chantal? Gusto kong magkaanak… at magiging masaya ako kung ipapanganak mo siya."Napangiti si Calvin sa dulo ng linya, kahit hindi iyon nakikita ni Chantal.“Baka pagsisihan mo ‘yan,” biro niya. “Ako pa naman, mahilig sa steak at imported wine.”“Hindi ako nagbibiro,” sagot ni Chantal, bahagyang napatawa rin. Pero agad ding bumalik ang seryoso niyang tono. “Calvin… sigurado akong may nangyayaring masama sa site na 'yon. At hindi lang ako ang nasa panganib. Pati si Skye.”“Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Calvin.“Napapansin ko na rin—para bang sinusubukan siyang kumbinsihin ni Roberto na maging silent partner sa expansion na 'to. Pero may mga dokumento na hindi niya pinapakita, mga detalye na hindi malinaw. At ngayong nakita ko pa ‘yung kahon na may hazard mark… Calvin, natatakot ako.”“Okay,” sagot ni Calvin. “Magsisimula akong mag-imbestiga bukas. Pero Chantal, huwag kang babalik sa site nang mag-isa. Magpaalam ka muna. At hangga’t maaari, huwag mong papansinin si Roberto.”Napabuntong-hininga si Chantal. “Mahirap ‘yon. Kliyente siya. At kung bigla
Habang paakyat sila mula sa basement, naramdaman ni Chantal ang bigat ng sitwasyon. Mula sa mga babala ni Calvin, sa kahina-hinalang kilos ni Roberto, at ngayon—ang amoy ng kemikal at ang misteryosong kahon. Lahat ng ito ay hindi na niya kayang balewalain.Pagkarating nila sa ground floor, nagkunwari si Chantal na tumanggap ng tawag. "Skye, mauna ka na kay Mr. Fontanilla. Kailangan ko lang sagutin 'to."Tumango si Skye at sumama kay Roberto palabas ng construction site. Samantala, mabilis na bumalik si Chantal sa basement, sinigurong walang nakakakita. Lumapit siya sa kahon, at dahan-dahang tinanggal ang tarpaulin. Nakaselyo ito at may marka ng isang kompanyang hindi niya pamilyar—walang label, walang logo, ngunit may hazard symbol.Nagpantig ang tenga ni Chantal. Hindi iyon karaniwang gamit sa konstruksyon.Bago pa niya ito masiyasat ng lubusan, may narinig siyang kaluskos mula sa itaas. Agad siyang umalis, ibinalik ang takip at umakyat na tila walang nangyari.Pagbalik niya sa labas
Sinabi ko na sayo na iwasan mo ang Roberto Fontanilla na yun," sabi ni Calvin kay Chantal, "hindi siya mabuting tao.""Pero nagpapagawa siya ng bahay sa firm namin ni Skye," sagot ni Chantal, "hindi ko siya maaaring balewalain dahil isa siyang kliyente.""Sinabi ko na sayo.. gumagawa ng ilegal ang taong iyon. Kapag hindi mo yan iniwasan, baka madamay ka pa.""Calvin, sa pagkakaalam ko, ang dahilan lang kaya tayo nag uusap ay dahil ama ka ng anak ko, at hindi na bilang asawa ko," matiim ang tingin ni Chantal sa dating asawa.Nagtagis ang bagang ng lalaki, bago siya sagutin, " kung madadamay ka sa ginagawa niya, hindi kita dadamayan. Siguraduhin mo lang, na hindi mapapahamak ang aking anak.." iyon lang, at lumabas na si Calvin at nagtungo na sa kanyang sariling unit.Pagkasara ng pinto ay nanatiling tahimik si Chantal, pinipilit pigilan ang pagbagsak ng luha. Ang tono ng boses ni Calvin, ang malamig at mabigat na tingin nito, tila baga hindi na siya ang babaeng minsang minahal niya. Mul
“Si Robert Fontanilla?” tanong ni Calvin, mariin ang tono.Tumango si Chantal habang sinisimot ang sabaw ng kare-kare. “Oo. Bakit?”Hindi agad sumagot si Calvin. Nangingitim ang ulap sa kanyang noo, halatang may bumabagabag. Napayuko siya, saka dahan-dahang umiling. “Alam mo bang may history kayo ni Robert? Na minsan kayong naging malapit?”Natigilan si Chantal. “Alam ko kung saan ‘to papunta, Calvin. Hindi mo kailangang—”“Hindi ito tungkol sa selos,” giit ni Calvin. “Ito’y tungkol sa totoo. Sa mga bagay na hindi ko alam noon pero ngayon, pilit kong hinaharap.”“Walang nangyari sa amin ni Robert. Oo, nagkaroon kami ng ugnayang malapit noong college. Pero tapos na ‘yon. Matagal na. Hindi siya naging ako, at hinding-hindi rin ako naging kanya.”Nagtagal ang katahimikan. Si Calvin ay nakatingin lamang sa kanya, tila sinusukat kung hanggang saan ang totoo.“Pero bakit hindi mo sinabi noon?” tanong nito sa wakas.“Dahil wala naman akong dapat itago,” sagot ni Chantal, tuwid ang likod, mal
Nanlaki ang mata ni Chantal. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon—direkta, puno ng pananabik, ngunit may halong pait. Alam niyang hindi ito simpleng selos. Ito'y pagkasukat, pag-uusig, at marahil… pag-amin ng hindi pa kayang sambitin.Hindi siya agad sumagot. Umiling siya nang marahan. “Hindi tungkol sa ibang lalaki, Calvin. Tungkol ito sa akin. Sa kung anong kaya ko… at sa kung anong hindi ko na kayang balikan. Kung maaari lang sana, ang usapan na lang natin ay tungkol sa ating anak.”Nanatiling nakatitig si Calvin. “Kaya mong i-welcome ako sa bahay mo para sa anak natin, pero hindi mo kayang harapin ang sarili mong damdamin. Hindi mo ba nararamdaman, Chantal? Sa bawat hapunan, sa bawat tingin natin sa mga lumang litrato, sa bawat gabing nagkakasalubong tayo sa hallway—nandoon pa rin tayo. Pero ikaw lang ang ayaw tumingin. Hindi mo ba nais subukang muli?”“Ikaw ang nagkulang, Calvin,” mahina ngunit mariing sagot niya. “Hindi ko ‘yan kinalimutan. Kung mayroon mang nagdulot ng prob
Napabuntong-hininga si Chantal habang pinagmamasdan ang anak na tuwang-tuwa sa pagdating ng ama. Sa likod ng masayang ngiti ni Gab ay ang katotohanang pinakailag siya—ang unti-unting pagbabalik ni Calvin sa kanilang buhay, sa paraang hindi niya inaasahan, hindi niya hiniling, at higit sa lahat… hindi pa niya handang harapin. Ang nais lang niya ay ang pag aaruga nito sa kanilang anak."Ano, Mommy? Okay lang ba talaga sayong kumain si Daddy dito?" tanong muli ni Gab, habang halos talunan ang excitement. Para bang ito na ang pinakamasayang araw ng batang paslit.Tiningnan niya si Calvin na hindi rin maikakaila ang inaasam na sagot mula sa kanya. Nakatayo ito sa may pintuan, tangan ang basong iniabot niya, habang nagpapakumbaba sa kanyang tindig.Hindi siya sumagot agad. Dumiretso siya sa kusina, kung saan abala si Lucinda sa paglalagay ng sinigang sa malaking mangkok.Naramdaman nito ang presensya niya, maingat na bumulong, "Ma'am, para sa bata, hayaan niyo na muna."Napapikit siya ng ma