Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2025-03-20 14:00:53

"Ikakasal na nga pala ulit ako," pagbabalita ni Skye kay Chantal.

"Oh? Congrats! Buti ikakasal ka habang nandito na ako!" Masayang niyakap ni Chantal ang kanyang kaibigan.

"Kaya nga... Malaki na kasi ang anak ko, kaya kailangan niya ng tatay," nakangiting sabi ni Skye.

Natigilan si Chantal. Nauunawaan niya ang hangarin ni Skye—gusto nitong magkaroon ng buong pamilya ang anak nito. Pero siya? Hindi niya kayang ibigay iyon sa anak niya.

"Kung maaayos mo pa ang sa inyo ni Calvin… ayusin mo. Ang bata kasi ang mahihirapan sa huli," nakangiting payo ni Skye sa kanya.

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.

Magiging masaya ba talaga ang kaibigan niya? O nagpapakasal lang ito para bigyan ng buong pamilya ang anak nito?

Tama ba ang desisyon nito?

"Bakit ka magpapakasal?" Iyon na lang ang tanging tanong na naibigay niya.

"Dahil sa pag-ibig," maiksi ngunit makabuluhang sagot ni Skye. "Magpapakasal kami dahil nagmamahalan kami. Iyon ang dahilan niyon."

Bigla siyang nalungkot.

Siya at si Calvin… nagpakasal hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil nabuntis siya. At nang manganak siya, nagkasundo silang maghiwalay. Pero hindi iyon nangyari. Sinubukan nilang magsama.

Si Calvin… kapag gusto ka niya, gagawin niya ang lahat para mapasaya ka. Handa siyang maging alipin mo.

Pero may isang bagay na hindi niya kayang tanggapin—Calvin ay isang taong walang emosyon.

Hindi ito nakikipagtalo. Kapag may hindi ito nagustuhan, basta na lang itong aalis at mawawala nang ilang araw, saka babalik na parang walang nangyari. Magpapakita lang para batiin ang anak nila, tapos lalayo na.

Noong buntis pa siya, hindi naman ganoon si Calvin.

Nagsimulang lumamig ito matapos niyang manganak—at nang mabalitaan nitong makakalaya na mula sa asawa ang "first love" nito.

Nalaman niya ito mula sa isang katulong na ipinadala roon ng pamilya ni Shawn—mga biyenan niyang labis siyang inaayawan.

Tama. Ayaw ng pamilya ni Calvin sa kanya. Iniisip nilang pera lang nito ang habol niya, dahil hindi siya ang tagapagmana ng kumpanya ng kanyang ama. Apat na daang milyon lang ang nakuha niyang mana—sapat na para sabihing maglulustay lang siya ng salapi.

At ang matabil na katulong na iyon ang nagbunyag ng isang bagay na hindi niya alam.

"Kung hindi mo alam, si Laurice Delima ang first love ni Calvin. Umalis lang siya ng bansa at nagpakasal sa iba. Kaya ka lang pinakasalan ni Calvin—para mapagtakpan ang lungkot na nadarama niya!"

Anak ito ng katiwala ng pamilya nina Calvin, kaya ganoon ito kung magsalita.

At bilang isang babaeng nagmamahal, nagpa-imbestiga siya.

Sino si Laurice Delima? Sino ang hindi niya nakikitang kalaban?

Hindi niya inasahang darating si Calvin at magagalit sa kanya.

"Chantal, anong kalokohan 'to? Bakit mo pinapasubaybayan si Laurice?"

Naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Gusto ko lang namang malaman kung sino siya sa buhay mo!"

Umagos ang luha niya sa labis na sama ng loob.

"Huwag kang makialam sa problemang hindi ka kasali. Hindi mo maaaring pasubaybayan si Laurice. Lumalabag ka sa kanyang karapatang pantao! Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang sinusubaybayan ng asawa ko ang isang kliyente?"

"Calvin, ang gusto ko lang—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin. Tumayo si Calvin at umakyat sa kanilang silid.

Pagbaba nito, may dala na itong maleta.

Aalis na naman siya.

"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa akin? Hindi ka ba magpapaliwanag?" umiiyak niyang tanong.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo! At kahit anong gawin mo, maghiwalay man tayo, tutulungan ko pa rin siya!"

At tuluyan na itong umalis.

Ngayon, habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan, biglang nag-ulap ang kanyang paningin.

"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong ni Skye, sabay abot ng panyo. "Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako… Masaya akong ikakasal ka na. Congrats!" pagsisinungaling niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 42

    Napangiti si Calvin sa dulo ng linya, kahit hindi iyon nakikita ni Chantal.“Baka pagsisihan mo ‘yan,” biro niya. “Ako pa naman, mahilig sa steak at imported wine.”“Hindi ako nagbibiro,” sagot ni Chantal, bahagyang napatawa rin. Pero agad ding bumalik ang seryoso niyang tono. “Calvin… sigurado akong may nangyayaring masama sa site na 'yon. At hindi lang ako ang nasa panganib. Pati si Skye.”“Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Calvin.“Napapansin ko na rin—para bang sinusubukan siyang kumbinsihin ni Roberto na maging silent partner sa expansion na 'to. Pero may mga dokumento na hindi niya pinapakita, mga detalye na hindi malinaw. At ngayong nakita ko pa ‘yung kahon na may hazard mark… Calvin, natatakot ako.”“Okay,” sagot ni Calvin. “Magsisimula akong mag-imbestiga bukas. Pero Chantal, huwag kang babalik sa site nang mag-isa. Magpaalam ka muna. At hangga’t maaari, huwag mong papansinin si Roberto.”Napabuntong-hininga si Chantal. “Mahirap ‘yon. Kliyente siya. At kung bigla

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 41

    Habang paakyat sila mula sa basement, naramdaman ni Chantal ang bigat ng sitwasyon. Mula sa mga babala ni Calvin, sa kahina-hinalang kilos ni Roberto, at ngayon—ang amoy ng kemikal at ang misteryosong kahon. Lahat ng ito ay hindi na niya kayang balewalain.Pagkarating nila sa ground floor, nagkunwari si Chantal na tumanggap ng tawag. "Skye, mauna ka na kay Mr. Fontanilla. Kailangan ko lang sagutin 'to."Tumango si Skye at sumama kay Roberto palabas ng construction site. Samantala, mabilis na bumalik si Chantal sa basement, sinigurong walang nakakakita. Lumapit siya sa kahon, at dahan-dahang tinanggal ang tarpaulin. Nakaselyo ito at may marka ng isang kompanyang hindi niya pamilyar—walang label, walang logo, ngunit may hazard symbol.Nagpantig ang tenga ni Chantal. Hindi iyon karaniwang gamit sa konstruksyon.Bago pa niya ito masiyasat ng lubusan, may narinig siyang kaluskos mula sa itaas. Agad siyang umalis, ibinalik ang takip at umakyat na tila walang nangyari.Pagbalik niya sa labas

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 40

    Sinabi ko na sayo na iwasan mo ang Roberto Fontanilla na yun," sabi ni Calvin kay Chantal, "hindi siya mabuting tao.""Pero nagpapagawa siya ng bahay sa firm namin ni Skye," sagot ni Chantal, "hindi ko siya maaaring balewalain dahil isa siyang kliyente.""Sinabi ko na sayo.. gumagawa ng ilegal ang taong iyon. Kapag hindi mo yan iniwasan, baka madamay ka pa.""Calvin, sa pagkakaalam ko, ang dahilan lang kaya tayo nag uusap ay dahil ama ka ng anak ko, at hindi na bilang asawa ko," matiim ang tingin ni Chantal sa dating asawa.Nagtagis ang bagang ng lalaki, bago siya sagutin, " kung madadamay ka sa ginagawa niya, hindi kita dadamayan. Siguraduhin mo lang, na hindi mapapahamak ang aking anak.." iyon lang, at lumabas na si Calvin at nagtungo na sa kanyang sariling unit.Pagkasara ng pinto ay nanatiling tahimik si Chantal, pinipilit pigilan ang pagbagsak ng luha. Ang tono ng boses ni Calvin, ang malamig at mabigat na tingin nito, tila baga hindi na siya ang babaeng minsang minahal niya. Mul

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 40

    “Si Robert Fontanilla?” tanong ni Calvin, mariin ang tono.Tumango si Chantal habang sinisimot ang sabaw ng kare-kare. “Oo. Bakit?”Hindi agad sumagot si Calvin. Nangingitim ang ulap sa kanyang noo, halatang may bumabagabag. Napayuko siya, saka dahan-dahang umiling. “Alam mo bang may history kayo ni Robert? Na minsan kayong naging malapit?”Natigilan si Chantal. “Alam ko kung saan ‘to papunta, Calvin. Hindi mo kailangang—”“Hindi ito tungkol sa selos,” giit ni Calvin. “Ito’y tungkol sa totoo. Sa mga bagay na hindi ko alam noon pero ngayon, pilit kong hinaharap.”“Walang nangyari sa amin ni Robert. Oo, nagkaroon kami ng ugnayang malapit noong college. Pero tapos na ‘yon. Matagal na. Hindi siya naging ako, at hinding-hindi rin ako naging kanya.”Nagtagal ang katahimikan. Si Calvin ay nakatingin lamang sa kanya, tila sinusukat kung hanggang saan ang totoo.“Pero bakit hindi mo sinabi noon?” tanong nito sa wakas.“Dahil wala naman akong dapat itago,” sagot ni Chantal, tuwid ang likod, mal

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 39

    Nanlaki ang mata ni Chantal. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon—direkta, puno ng pananabik, ngunit may halong pait. Alam niyang hindi ito simpleng selos. Ito'y pagkasukat, pag-uusig, at marahil… pag-amin ng hindi pa kayang sambitin.Hindi siya agad sumagot. Umiling siya nang marahan. “Hindi tungkol sa ibang lalaki, Calvin. Tungkol ito sa akin. Sa kung anong kaya ko… at sa kung anong hindi ko na kayang balikan. Kung maaari lang sana, ang usapan na lang natin ay tungkol sa ating anak.”Nanatiling nakatitig si Calvin. “Kaya mong i-welcome ako sa bahay mo para sa anak natin, pero hindi mo kayang harapin ang sarili mong damdamin. Hindi mo ba nararamdaman, Chantal? Sa bawat hapunan, sa bawat tingin natin sa mga lumang litrato, sa bawat gabing nagkakasalubong tayo sa hallway—nandoon pa rin tayo. Pero ikaw lang ang ayaw tumingin. Hindi mo ba nais subukang muli?”“Ikaw ang nagkulang, Calvin,” mahina ngunit mariing sagot niya. “Hindi ko ‘yan kinalimutan. Kung mayroon mang nagdulot ng prob

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 38

    Napabuntong-hininga si Chantal habang pinagmamasdan ang anak na tuwang-tuwa sa pagdating ng ama. Sa likod ng masayang ngiti ni Gab ay ang katotohanang pinakailag siya—ang unti-unting pagbabalik ni Calvin sa kanilang buhay, sa paraang hindi niya inaasahan, hindi niya hiniling, at higit sa lahat… hindi pa niya handang harapin. Ang nais lang niya ay ang pag aaruga nito sa kanilang anak."Ano, Mommy? Okay lang ba talaga sayong kumain si Daddy dito?" tanong muli ni Gab, habang halos talunan ang excitement. Para bang ito na ang pinakamasayang araw ng batang paslit.Tiningnan niya si Calvin na hindi rin maikakaila ang inaasam na sagot mula sa kanya. Nakatayo ito sa may pintuan, tangan ang basong iniabot niya, habang nagpapakumbaba sa kanyang tindig.Hindi siya sumagot agad. Dumiretso siya sa kusina, kung saan abala si Lucinda sa paglalagay ng sinigang sa malaking mangkok.Naramdaman nito ang presensya niya, maingat na bumulong, "Ma'am, para sa bata, hayaan niyo na muna."Napapikit siya ng ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status