Share

Chapter 6

last update Huling Na-update: 2025-03-20 14:33:43

Noon pa man, napapansin na ni Chantal na tuwing may hindi sila pagkakasunduan ni Calvin, mas pinipili nitong umalis at umiwas. Subalit, ayaw niya ng ganoong paraan ng pakikitungo sa problema.

Kapag nagtampo ito, hindi na nito papansinin ang kanyang mga tawag at mensahe. At kapag umuuwi naman, nagiging malamig ito sa kanya—parang hindi siya nakikita. Matapos ang isang linggong panlalamig, bigla na lamang siyang lalapitan nito na parang walang nangyari.

Ayaw ni Calvin na pag-usapan ang mga bagay-bagay. Wala rin itong ipinapakitang emosyon.

Noong magkasakit ang kanilang anak, ilang beses niyang sinubukang tawagan si Calvin. Pakiramdam niya, hindi niya kakayanin mag-isa. Malayo ang kanyang ina, at napakabata pa niya para harapin ito nang mag-isa.

Ngunit ni minsan, hindi sinagot ng lalaki ang kanyang mga tawag—marahil dahil naiinis ito sa kanya. Kaya sa sobrang panghihinayang at sama ng loob, binlock na lang niya ito.

"Nais mo bang tawagan ko ang asawa mo?" tanong ni Enzo, ang pinsan ni Calvin.

"Wag na... Kahapon ko pa iyon ginagawa, pero mukhang abala siya..."

Pagkasabi niya nito, tuluyan siyang napaiyak sa isang sulok.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit siya sumuko.

Nang tuluyan niyang pagdesisyunang makipaghiwalay, umasa siyang magpapaliwanag si Calvin at hihingi ito ng tawad sa klase ng pagtrato nito sa kanya. Paulit-ulit siyang nasaktan ng lalaki, ngunit kung aaminin lang nito na wala itong relasyon kay Laurice, matatanggap pa niya.

Ngunit ang kanilang katulong, si Aurora, ay paulit-ulit na nagsasabi sa kanya:

"Pinakasalan ka lang niya kasi nabuntis ka. Pero ang totoo, may iba siyang minamahal. Umaasa ka kasi masyado. Dapat, alam mo kung paano ilulugar ang sarili mo. Ni minsan ba, sinabi sa’yo ni Calvin na mahal ka niya, ha? Hindi porket inaalagaan ka, mahal ka na. Minsan, ang mga lalaki, matapos kang alagaan, ikakama ka lang naman pala."

Nakangisi si Aurora habang nakatingin sa kanya, at ang bawat salitang iyon ay parang patalim na bumaon sa kanyang puso.

Kasabay nito, unti-unting naglaho ang kanyang pag-asa.

At nang sa wakas ay nagharap sila ni Calvin upang ipahayag ang kanyang nais na makipaghiwalay, hindi siya nito pinigilan. Hindi ito nakipagtalo. Hindi ito humingi ng tawad.

Ang tanging sagot nito: "Babasahin ko muna."

Makalipas ang dalawang linggo, natanggap niya ang papeles ng annulment mula sa Amerika—may pirma na ni Calvin.

Napatawa siya, isang mapait na tawa habang mahigpit na hawak ang dokumento. Hindi siya makapaniwala na pakakawalan siya nito nang ganoon lang.

Wala ba talaga akong halaga sa kanya? O talagang hindi lang siya marunong magmahal?

Habang inaalala ang nakaraan, napansin niyang may papalapit na pigura. Si Calvin. Walang mabasang emosyon sa gwapo nitong mukha. Nag-iisa na lang siya sa corridor dahil umuwi na si Skye.

"Bakit hindi ka pumapasok?" tanong nito.

"Wala kang pakialam," sagot niya, hindi siya tumingin sa kanya.

"Ano bang problema mo? Bakit ba tila galit na galit ka sa akin?" nakakunot-noong tanong nito.

"Wala."

"Bakit—"

Tumunog ang cellphone ni Calvin. Agad niya itong sinagot.

"Laurice…"

Napaiting si Chantal. Matalim ang tingin niya kay Calvin bago siya tumalikod at pumasok sa kwarto ng kanilang anak. Natutulog ito nang mahimbing.

"Lucinda, magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala sa kanya," sabi niya sa kanilang yaya.

Mabait si Lucinda, at kahit ipinadala ito ni Calvin, hindi siya nito nilait o pinagsalitaan ng masama.

"Ayos lang ako, Miss Chantal. Ikaw na muna ang magpahinga. Mukhang pagod ka," sagot nito, may kasamang matamis na ngiti.

Mahilig sa bata si Lucinda. Nakikita niya kung paano nito pahalagahan si Gab.

Lumayo si Chantal at naupo sa sofa. Nang sandalan niya ang kanyang likod, saka niya lang naramdaman ang pagod.

Ang sarap mamahinga…

Napangiti siya habang nakapikit.

At hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 42

    Napangiti si Calvin sa dulo ng linya, kahit hindi iyon nakikita ni Chantal.“Baka pagsisihan mo ‘yan,” biro niya. “Ako pa naman, mahilig sa steak at imported wine.”“Hindi ako nagbibiro,” sagot ni Chantal, bahagyang napatawa rin. Pero agad ding bumalik ang seryoso niyang tono. “Calvin… sigurado akong may nangyayaring masama sa site na 'yon. At hindi lang ako ang nasa panganib. Pati si Skye.”“Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Calvin.“Napapansin ko na rin—para bang sinusubukan siyang kumbinsihin ni Roberto na maging silent partner sa expansion na 'to. Pero may mga dokumento na hindi niya pinapakita, mga detalye na hindi malinaw. At ngayong nakita ko pa ‘yung kahon na may hazard mark… Calvin, natatakot ako.”“Okay,” sagot ni Calvin. “Magsisimula akong mag-imbestiga bukas. Pero Chantal, huwag kang babalik sa site nang mag-isa. Magpaalam ka muna. At hangga’t maaari, huwag mong papansinin si Roberto.”Napabuntong-hininga si Chantal. “Mahirap ‘yon. Kliyente siya. At kung bigla

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 41

    Habang paakyat sila mula sa basement, naramdaman ni Chantal ang bigat ng sitwasyon. Mula sa mga babala ni Calvin, sa kahina-hinalang kilos ni Roberto, at ngayon—ang amoy ng kemikal at ang misteryosong kahon. Lahat ng ito ay hindi na niya kayang balewalain.Pagkarating nila sa ground floor, nagkunwari si Chantal na tumanggap ng tawag. "Skye, mauna ka na kay Mr. Fontanilla. Kailangan ko lang sagutin 'to."Tumango si Skye at sumama kay Roberto palabas ng construction site. Samantala, mabilis na bumalik si Chantal sa basement, sinigurong walang nakakakita. Lumapit siya sa kahon, at dahan-dahang tinanggal ang tarpaulin. Nakaselyo ito at may marka ng isang kompanyang hindi niya pamilyar—walang label, walang logo, ngunit may hazard symbol.Nagpantig ang tenga ni Chantal. Hindi iyon karaniwang gamit sa konstruksyon.Bago pa niya ito masiyasat ng lubusan, may narinig siyang kaluskos mula sa itaas. Agad siyang umalis, ibinalik ang takip at umakyat na tila walang nangyari.Pagbalik niya sa labas

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 40

    Sinabi ko na sayo na iwasan mo ang Roberto Fontanilla na yun," sabi ni Calvin kay Chantal, "hindi siya mabuting tao.""Pero nagpapagawa siya ng bahay sa firm namin ni Skye," sagot ni Chantal, "hindi ko siya maaaring balewalain dahil isa siyang kliyente.""Sinabi ko na sayo.. gumagawa ng ilegal ang taong iyon. Kapag hindi mo yan iniwasan, baka madamay ka pa.""Calvin, sa pagkakaalam ko, ang dahilan lang kaya tayo nag uusap ay dahil ama ka ng anak ko, at hindi na bilang asawa ko," matiim ang tingin ni Chantal sa dating asawa.Nagtagis ang bagang ng lalaki, bago siya sagutin, " kung madadamay ka sa ginagawa niya, hindi kita dadamayan. Siguraduhin mo lang, na hindi mapapahamak ang aking anak.." iyon lang, at lumabas na si Calvin at nagtungo na sa kanyang sariling unit.Pagkasara ng pinto ay nanatiling tahimik si Chantal, pinipilit pigilan ang pagbagsak ng luha. Ang tono ng boses ni Calvin, ang malamig at mabigat na tingin nito, tila baga hindi na siya ang babaeng minsang minahal niya. Mul

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 40

    “Si Robert Fontanilla?” tanong ni Calvin, mariin ang tono.Tumango si Chantal habang sinisimot ang sabaw ng kare-kare. “Oo. Bakit?”Hindi agad sumagot si Calvin. Nangingitim ang ulap sa kanyang noo, halatang may bumabagabag. Napayuko siya, saka dahan-dahang umiling. “Alam mo bang may history kayo ni Robert? Na minsan kayong naging malapit?”Natigilan si Chantal. “Alam ko kung saan ‘to papunta, Calvin. Hindi mo kailangang—”“Hindi ito tungkol sa selos,” giit ni Calvin. “Ito’y tungkol sa totoo. Sa mga bagay na hindi ko alam noon pero ngayon, pilit kong hinaharap.”“Walang nangyari sa amin ni Robert. Oo, nagkaroon kami ng ugnayang malapit noong college. Pero tapos na ‘yon. Matagal na. Hindi siya naging ako, at hinding-hindi rin ako naging kanya.”Nagtagal ang katahimikan. Si Calvin ay nakatingin lamang sa kanya, tila sinusukat kung hanggang saan ang totoo.“Pero bakit hindi mo sinabi noon?” tanong nito sa wakas.“Dahil wala naman akong dapat itago,” sagot ni Chantal, tuwid ang likod, mal

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 39

    Nanlaki ang mata ni Chantal. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon—direkta, puno ng pananabik, ngunit may halong pait. Alam niyang hindi ito simpleng selos. Ito'y pagkasukat, pag-uusig, at marahil… pag-amin ng hindi pa kayang sambitin.Hindi siya agad sumagot. Umiling siya nang marahan. “Hindi tungkol sa ibang lalaki, Calvin. Tungkol ito sa akin. Sa kung anong kaya ko… at sa kung anong hindi ko na kayang balikan. Kung maaari lang sana, ang usapan na lang natin ay tungkol sa ating anak.”Nanatiling nakatitig si Calvin. “Kaya mong i-welcome ako sa bahay mo para sa anak natin, pero hindi mo kayang harapin ang sarili mong damdamin. Hindi mo ba nararamdaman, Chantal? Sa bawat hapunan, sa bawat tingin natin sa mga lumang litrato, sa bawat gabing nagkakasalubong tayo sa hallway—nandoon pa rin tayo. Pero ikaw lang ang ayaw tumingin. Hindi mo ba nais subukang muli?”“Ikaw ang nagkulang, Calvin,” mahina ngunit mariing sagot niya. “Hindi ko ‘yan kinalimutan. Kung mayroon mang nagdulot ng prob

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 38

    Napabuntong-hininga si Chantal habang pinagmamasdan ang anak na tuwang-tuwa sa pagdating ng ama. Sa likod ng masayang ngiti ni Gab ay ang katotohanang pinakailag siya—ang unti-unting pagbabalik ni Calvin sa kanilang buhay, sa paraang hindi niya inaasahan, hindi niya hiniling, at higit sa lahat… hindi pa niya handang harapin. Ang nais lang niya ay ang pag aaruga nito sa kanilang anak."Ano, Mommy? Okay lang ba talaga sayong kumain si Daddy dito?" tanong muli ni Gab, habang halos talunan ang excitement. Para bang ito na ang pinakamasayang araw ng batang paslit.Tiningnan niya si Calvin na hindi rin maikakaila ang inaasam na sagot mula sa kanya. Nakatayo ito sa may pintuan, tangan ang basong iniabot niya, habang nagpapakumbaba sa kanyang tindig.Hindi siya sumagot agad. Dumiretso siya sa kusina, kung saan abala si Lucinda sa paglalagay ng sinigang sa malaking mangkok.Naramdaman nito ang presensya niya, maingat na bumulong, "Ma'am, para sa bata, hayaan niyo na muna."Napapikit siya ng ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status