Share

Chapter 2

Penulis: Venus Galaxy
last update Tanggal publikasi: 2026-04-21 16:26:13

Ipinangako ni Alaric na hinding-hindi na ito iinom, pero sa video, halatang-halata na nakarami na siya. Hindi makapaniwala si Byenn habang pinapanood ang asawa.

Would Alaric really shout like that?

Ang pagkakakilala ni Byenn kay Alaric noong high school ay isang cool at aloof na academic genius. Seryoso ito sa lahat ng bagay, lalo na sa pakikitungo sa mga babae. Ni hindi nito sinusulyapan ang mga nag-aalok sa kaniya ng tubig sa sports field noon. At nang maging asawa na niya ito, lalong naging pormal at matipid sa emosyon si Alaric. Hindi siya ngumingiti o nagagalit; parang palagi siyang walang pakialam. Minsan, kapag nagkakadikit ang kanilang mga daliri, nararamdaman ni Byenn na kasing-lamig ng yelo ang balat ng asawa.

Umikot ang camera sa mga mukha ng mga tao sa video. Doon niya nakita na tipsy si Alaric. Kumikinang ang mga mata nito habang itinataas ang baso at tumatawa sa harap ng camera. 

"Welcome home, Reia!" masayang sabi ni Alaric.

Napahawak si Byenn sa kaniyang dibdib. Kaya mo rin palang tumawa nang ganyan? Hindi tulad sa kaniya. Hindi siya nito nagawang ngitian, hindi siya nito tinatawag sa kaniyang palayaw, at kailanman ay hindi siya nito tiningnan nang ganyan.

"Byenn, gising ka na ba? Mag-almusal ka muna!" tawag ni Yaya Madel mula sa labas ng pinto.

Napaka-regular ng daily life ni Byenn. Dahil wala pa siyang kibo, natatakot si Yaya Madel na baka kailangan niya ng tulong dahil na rin sa binti niya.

Inilapag ni Byenn ang kaniyang cellphone at sumagot. 

"Gising na ho! Palabas na rin ako," sabi niya na may paos at nanginginig na boses.

Toasted bread ang almusal na inihanda ni Yaya Madel, pero isang piraso lang ang nakain niya habang nakatitig sa kawalan.

"Anong gusto mong kainin ngayong tanghalian at panghapunan? “ tanong ng yaya habang inaabutan siya ng gatas.

"Kahit ano pong gusto n—" Gusto sana niyang sabihing lutuin ang paborito ni Alaric, gaya ng lagi niyang ginagawa, pero agad niyang nilunok ang mga salitang iyon. Bakit pa?

"Ibinilin nga pala ni Sir Alaric na hindi siya makakauwi mamayang gabi dahil may business dinner daw siya," paliwanag ni Yaya Madel.

Tumango lang si Byenn. Business dinner? Alam niyang kasama nito si Reia dahil sa Facegram post nito. "The friendships of our days are the most genuine. I'm such a sweet little thing, spoiled by so many brothers!"

Dati, nag-aaral lang si Byenn para lumipas ang oras. Pero ngayong araw, may mas malalim na siyang dahilan. Agad niyang kinumpirma ang offer mula sa graduate school sa ibang bansa. Nang lumabas ang notification ng bank deduction para sa confirmation f*e, nakahinga siya nang maluwag.

Isang hakbang na lang, Alaric. Isang hakbang na lang at mawawala na ako sa buhay mo.

Kinagabihan, nagbihis siya at naghandang lumabas. Gulat na gulat si Yaya Madel.

"Saan ka pupunta, iha? Gababi na ah,” gulat na tanong ni Yaya Madel.

Halos hindi siya lumalabas kapag wala si Alaric.

"Ahm, may classmate ho ako nung college na magpe-perform dito. Gusto niya akong makita," pagsisinungaling niya. 

Ang totoo ay mag-i-stay siya sa isang hotel malapit sa exam venue para sa IELTS test niya bukas ng umaga. Takot siyang ma-stuck sa traffic at hindi umabot sa oras. 

"Pero Byenn... yung," tiningnan ng yaya ang kaniyang kaliwang binti. "Gusto mo bang samahan na lang kita?"

Alam niyang takot itong managot kung may mangyaring masama sa kaniya. Dahil na rin sa leg injury niya, Alaric bought a large single-level apartment para hindi siya mahirapan. 

"No need, Yaya. Get-together ito ng mga girlfriends ko. Mukhang nakakahiya naman kung may kasama pa akong yaya," pilit niyang tawa.

"Sige, pero tatawagan ko ang asawa mo para ipaalam—"

"Huwag na, Yaya. Hayaan mo siyang mag-enjoy sa socializing niya. Tatawagan ko na lang siya mamaya para magpasundo," mabilis niyang pigil bago lumabas.

Paglabas ni Byenn ng apartment, agad niyang ibinaba ang kaniyang sumbrero. Simula nang maging pilay siya, nawala ang confident na Byenn. Takot siyang makita ng mga tao. At ang mas kinatatakutan niya? Ang lumabas kasama si Alaric at marinig ang bulungan ng iba.

Bakit ang isang gaya ni Alaric ay pumatol sa isang pilay?

Sumakay siya ng sasakyan papunta sa hotel. Habang nakatingin sa labas, bigla niyang nakita ang kotse ni Alaric na nakaparada sa tabi ng parking lot sa isang restaurant. 

"Kuya, hinto niyo po muna ang sasakyan," utos niya sa driver.

Bumaba siya sa tapat ng isang marangyang restaurant. Tila hinihila ang mga paa niya papasok. 

Pagpasok sa restaurant ay hinanap niya ang staff.

“Did Mr. Drachenfels already arrive?" tanong niya.

Tinanong niya ang waiter gamit ang mobile number ni Alaric at agad siyang dinala sa tapat ng isang private room.

Hindi alam ni Byenn kung bakit siya nandoon. Kanina ay puno siya ng lakas ng loob, pero ngayong nasa tapat na siya ng pinto, she didn't even have the courage to push it open. Mula sa loob, narinig niya ang masayang tawanan.

"Hindi ako pwedeng magtagal ngayon, at hindi rin ako pwedeng uminom nang marami. Kapag umuwi akong lasing, siguradong magagalit ang asawa ko," biro ng isang kaibigan ni Alaric. "Mahirap kalaban ang dragon sa bahay."

"Grabe ka naman! Are you still my brother?" natatawang sagot ni Reia sa isang napakalambing na boses. "Mabuti pa itong si Alaric, ang bait-bait ng asawa."

Doon naintindihan ni Byenn; gusto ni Alaric ang mga babaeng malambing at masayahin. Kabaligtaran ng isang gaya niyang nonchalant.

Nagpatuloy ang usapan sa loob, bawat salita ay parang kutsilyong sumasaksak sa puso ni Byenn.

"Bakit mo naman ikukumpara si Alaric sa kaniya? At paano nagkaroon ng lakas ng loob si Byenn na magsalita laban sa kaniya?" pangungutya ng isa sa mga kaibigan ni Alaric.

Biglang sumingit si Reia, ang boses ay puno ng mapagpanggap na kuryosidad. "Oh, by the way, Alaric... narinig ko na pilay raw ang asawa mo? Bakit nga ba?"

Walang sumagot sa tanong ni Reia, at doon palang ay nanikip na ang dibdib ni Byenn.

"Naaawa talaga kami sa'yo," hirit pa ng isa nilang kasama. "You could have married anyone you wanted. Napakaraming magaganda at sosyal na babae riyan, pero bakit kailangang isang pilay pa ang pinakasalan mo?"

"I mean, look at you, Alaric," banat ni Axel habang umiinom ng wine. "You’re the face of the company. Pero kailanman, hindi ka namin nakitang kasama ang asawa mo sa mga gala o kahit sa simpleng press conference man lang."

Tumawa nang mahina ang isa pa nilang kasama. "Paano niya isasama 'yon? Isipin mo na lang ang headline bukas 'The Great Alaric Drachenfels, may asawang paika-ika kung maglakad.' Hindi naman sa pag-ano, bro, pero let’s be real—hindi siya presentable. Nakakasira ng image."

Sumandal sa upuan ang isa pa sa kaibigan nila at mapanuring tumingin kay Alaric. "True. Sa mundong ginagalawan natin, kailangan mo ng asawang kayang tumayo nang tuwid sa tabi mo, hindi 'yung kailangang alalayan sa bawat hakbang. She’s just a liability, Alaric. Isang malaking pabigat."

Doon naintindihan ni Byenn ang lahat. Kaya pala lagi nitong sinasabi na sa bahay na lang siya dahil hindi siya presentable sa publiko. 

Narinig niya ang mapait na tawa ni Alaric mula sa loob. 

Narinig niya ang mapait na tawa ni Alaric mula sa loob.

"Mabuti siya sa akin. May utang na loob ako sa kaniya," maikling sagot ng kaniyang asawa.

"Utang na loob? Alaric, nagbigay ka na ng napakaraming pera sa kaniya! Sobra-sobra na 'yun para pambayad sa utang mo!" sigaw ng mga kaibigan nito.

Pinagtatawanan nila ang ideya na kailangang pagsilbihan ni Alaric ang isang asawang hindi man lang makalakad nang maayos.

Isang malakas na tawanan ang sumabog sa loob, kasama ang bungisngis ni Reia. 

"Alaric, does your wife really walk like that?" animoy concerned na tanong tanong nito.

Naramdaman ni Byenn ang pag-akyat ng dugo sa kaniyang ulo. Ang galit at kahihiyan ay humalo sa kaniyang sistema. Nawalan siya ng balanse sandali, pero sa halip na tumakbo, buong lakas niyang itinulak ang pinto ng private room.

Nakita ni Byenn ang kaibigan ni Alaric na si Axel. May hawak itong baso at kasalukuyang ginagaya ang paika-ika niyang paglakad sa gitna ng silid.

"Alaric, Alaric... kailangan ko ng tubig... Ah! Nahulog ako, Alaric! I-save mo 'ko!" pang-aasar ni Axel sa isang mataas na boses, habang pilit na iika-ika.

Dahan-dahang tumingin si Byenn kay Alaric, na ngayon ay gulat na nakatitig sa kaniya. She was hoping that her husband, the person she loved most, would show some care at this time and defend her.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 5

    Matapos ang masakit na rebelasyong iyon sa kumpanya noon, muling binalikan ni Byenn ang kaniyang mga libro. Hindi niya masyadong pinag-isipan iyon noong una dahil gusto lang niyang dagdagan ng konting pag-asa ang kaniyang buhay. Naisip niya na kung may ginagawa siya, hindi siya masyadong malulungkot sa kaiisip sa mga masakit na salitang binitawan ni Alaric.Sino nga ba ang mag-aakala na ang mga bagay na ito ang magiging salvation niya ngayon? Kailangan niyang galingan sa exam niya ngayong araw. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito, at magpakalayo-layo.Masakit pa ring isipin ang lahat. Hindi na niya matukoy kung ang sakit ba ay dahil kay Alaric o dahil sa limang taon na sinayang niya para sa lalaking ito. Pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay hindi na niya papayagan ang sarili na magpakalunod sa pait. Kahit matagal pa bago humupa ang sakit, determinado siyang iligtas ang kaniyang sarili.Nag-order siya ng takeout para sa isang light dinner at naghanda ng kaniyang gamit

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 4

    Habang inoobserbahan ni Reia ang tensyon ay sumingit siya sa tamang pagkakataon. "Alaric, don't be upset just because everyone says bad things about your wife. They are genuinely concerned for you," malambing niyang sabi. Hinawakan niya nang bahagya ang braso ni Alaric at nagpatuloy, "Isipin mo, matagal na tayong magkakilala. Even if they say something inappropriate, just let it go and don't take it to heart!""I’m not angry," maikling sagot ni Alaric habang itinatabi ang kaniyang cellphone. "Never mind, she won’t go anywhere. Come on, let's continue."Kampante si Alaric dahil sa nakalipas na limang taon, Byenn hadn't been anywhere except their home. Alam niyang wala itong ibang matatakbuhan o matutuluyan.Sinulyapan ni Axel si Reia at bumulong, "Napakabait talaga nitong si Reia. Kung hindi lang sana kayo nag-break noon...""Ano bang sinasabi mo?" saway ni Reia sabay irap kay Axel. "Hindi mo talaga mapigilan ang bibig mo buong gabi, puro ka kalokohan! Kasal na si Alaric, kaya hindi t

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 3

    Dahil sa exaggerated na performance ni Axel, lalong humalakhak ang lahat sa loob ng silid. Si Reia, na nakaupo sa tabi ni Alaric ay tawa nang tawa hanggang sa mapahilig na ang ulo nito sa balikat ng asawa niya. Alaric remained completely silent.Biglang tumigil ang ingay sa loob. Nanlaki ang mga mata ng lahat. Humarap si Axel na may malawak na ngiti. "Alaric, it's like this—" Bago pa man niya matapos ang sasabihin, napansin niya si Byenn sa pinto. Agad na nag-freeze ang kaniyang ngiti. "Byenn... Byenn..."Napatingin ang lahat sa pinto at biglang natahimik ang paligid. Mabilis na lumayo si Reia sa pagkakasandal sa balikat ni Alaric at tumayo nang may matamis na ngiti."Oh, ito na ba ang 'legendary' wife ni Alaric? Hello! Pasok ka, I'm Reia, Alaric's good friend," masiglang bati nito.Tiningnan ni Byenn ang bawat tao sa loob ng private room. Bawat mukhang nandoon ay tila yelo sa kaniyang paningin. Sa wakas, tumayo si Alaric at lumapit sa kaniya."Byenn? Anong ginagawa mo rito?" ang t

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 2

    Ipinangako ni Alaric na hinding-hindi na ito iinom, pero sa video, halatang-halata na nakarami na siya. Hindi makapaniwala si Byenn habang pinapanood ang asawa.Would Alaric really shout like that?Ang pagkakakilala ni Byenn kay Alaric noong high school ay isang cool at aloof na academic genius. Seryoso ito sa lahat ng bagay, lalo na sa pakikitungo sa mga babae. Ni hindi nito sinusulyapan ang mga nag-aalok sa kaniya ng tubig sa sports field noon. At nang maging asawa na niya ito, lalong naging pormal at matipid sa emosyon si Alaric. Hindi siya ngumingiti o nagagalit; parang palagi siyang walang pakialam. Minsan, kapag nagkakadikit ang kanilang mga daliri, nararamdaman ni Byenn na kasing-lamig ng yelo ang balat ng asawa.Umikot ang camera sa mga mukha ng mga tao sa video. Doon niya nakita na tipsy si Alaric. Kumikinang ang mga mata nito habang itinataas ang baso at tumatawa sa harap ng camera. "Welcome home, Reia!" masayang sabi ni Alaric.Napahawak si Byenn sa kaniyang dibdib. Kaya m

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 1

    Naririnig ni Byenn ang agos ng tubig mula sa loob ng banyo. Alam niyang si Alaric iyon na naglilinis ng katawan matapos ang mahabang araw. Alas-tres na ng madaling araw at kakauwi lang nito.Nakatayo si Byenn sa tapat ng pinto ng banyo, pilit na kumukuha ng lakas ng loob dahil may gusto siyang pag-usapan. Medyo kinakabahan siya, iniisip kung papayag ba si Alaric sa sasabihin niya. Pero habang nag-iisip siya kung paano sisimulan ang usapan, biglang may narinig siyang kakaibang ingay mula sa loob.“Hmm…”Nakinig nang mabuti si Byenn, at doon na siya natauhan. Unti-unting rumehistro sa isip niya ang nangyayari, nilulutas nito ang sariling pangangailangan. Ang bawat singhap at ungol na nagmumula rito ay parang sunod-sunod na mabibigat na suntok na walang awang bumabaon sa kaniyang puso. Ang sakit na nararamdaman niya ay parang isang malaking alon na tumatangay sa kaniya, iniiwan siyang lunod sa pait at hindi makahinga.Sa totoo lang, wedding anniversary nila ngayon. Ikalimang taon na ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status