공유

Chapter 5

작가: Venus Galaxy
last update 게시일: 2026-04-21 16:28:13

Matapos ang masakit na rebelasyong iyon sa kumpanya noon, muling binalikan ni Byenn ang kaniyang mga libro. Hindi niya masyadong pinag-isipan iyon noong una dahil gusto lang niyang dagdagan ng konting pag-asa ang kaniyang buhay. Naisip niya na kung may ginagawa siya, hindi siya masyadong malulungkot sa kaiisip sa mga masakit na salitang binitawan ni Alaric.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang mga bagay na ito ang magiging salvation niya ngayon? Kailangan niyang galingan sa exam niya ngayong araw. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito, at magpakalayo-layo.

Masakit pa ring isipin ang lahat. Hindi na niya matukoy kung ang sakit ba ay dahil kay Alaric o dahil sa limang taon na sinayang niya para sa lalaking ito. Pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay hindi na niya papayagan ang sarili na magpakalunod sa pait. Kahit matagal pa bago humupa ang sakit, determinado siyang iligtas ang kaniyang sarili.

Nag-order siya ng takeout para sa isang light dinner at naghanda ng kaniyang gamit. Tinawagan niya ang front desk ng hotel para sa wake-up call, pagkatapos ay pinilit ang sariling matulog nang maaga. Marahil dahil sa sobrang pagod ng isip, mahimbing ang naging tulog niya.

Kinabukasan, agad niyang binuksan ang kaniyang cellphone. Sandamakmak na messages ang bumaha at hindi tumitigil sa pag-vibrate ang kaniyang phone. Lahat ng iyon ay galing kay Alaric. Hindi na binasa ni Byenn ang mga ito; natatakot siyang ma-distract at maapektuhan ang kaniyang performance sa exam.

Matapos mag-breakfast sa hotel, lumabas na siya at nagtungo sa examination hall. Malapit lang ang hotel sa IELTS test center kaya mga five-minute walk lang ang layo nito. Ngunit paghakbang niya palabas ng hotel, biglang nag-vibrate ang cellphone sa kamay niya. 

Tumatawag si Alaric.

Dahil sa panic, muntik na niyang mabitawan ang cellphone niya. Mabilis niyang nai-swipe para i-reject ang call at tuluyan na itong pinatay.

Paglabas ni Byenn sa examination room, mabilis pa rin ang tibok ng puso niya pero sa pagkakataong ito, dahil na sa tuwa. Pakiramdam niya ay naging maayos ang lahat. Nakangiti siya habang kausap ang kaniyang oral English teacher. Naintindihan niya ang mga tanong, at naging smooth ang reading at writing tasks. Hindi siya nangahas mag-estimate ng score, pero ang mahalaga ay natapos niya.

Hindi naman pala ako ganoon ka-useless, isip niya sa sarili.

Naglalakad siya mag-isa sa sidewalk habang nakayuko, inaalala ang bawat detalye ng exam, nang biglang may isang pares ng leather shoes na humarang sa harap niya. Hindi niya inaasahan na may tatayo sa gitna ng daan para harangan siya kaya hindi siya nakahinto agad at nabangga niya ito. Kung hindi siya inalalayan ng taong ito, siguradong natumba na siya sa sahig.

At ang taong ito ay ang huling nilalang na gusto niyang makita. 

“Alaric…”

"Byenn!" tawag nito sa kaniya. Nararamdaman ni Byenn na galit si Alaric, pero pilit pa rin nitong sinusupil ang emosyon.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Hawak ni Alaric ang kaniyang mga balikat habang nagtatanong sa isang malumanay na boses, as gentle and tender as ever. 

Hindi mo ba talaga alam kung bakit hindi na ako umuwi?

Pero wala siyang oras para makipagtalo. Nalaglag ang bag niya sa sahig at bumukas ito nang bahagya, dahilan para lumabas ang kaniyang IELTS pen. Ayaw niyang malaman ni Alaric na kumuha siya ng exam!

Mabilis at pwersahan niyang niyang tinabig ang kamay ni Alaric. Lumuhod siya sa sahig at mabilis na isinilid ang pen sa loob ng bag bago ito mahigpit na ni-lock.

"Ano 'yan?" tanong ni Alaric habang nakatingin nang mataman sa bag niya.

"W-wala ito. Ballpen lang," matipid na sagot ni Byenn, pilit na nagpapanggap na kalmado kahit ang kaniyang mga daliri ay namumuti na sa higpit ng hawak sa bag.

"Akin na. Let me see it," utos ni Alaric.

Napailing si Byenn. 

No, hindi mo pwedeng makita 'to. 

Lalo niyang niyakap ang kaniyang bag para itago ito.

"Anong gagawin mo sa ballpen? Alaric, ano ba?!” tanong niya.

"Give me your cellphone," sabi naman ni Alaric, nagbago ang utos.

Nag-alinlangan siya sandali bago dahan-dahang kinuha ang cellphone sa bag bagoiniabot sa asawa. Patay ang cellphone kaya sinulyapan lang ito ni Alaric bago ibinalik sa kaniya. 

"I called you so many times at ang dami kong text, bakit hindi ka sumasagot? Galit ka pa rin ba?" tanong nito.

Nakahinga nang maluwag si Byenn nang mahawakan muli ang kaniyang phone. 

Salamat at hindi niya hinalungkat ang mga email ko tungkol sa exam. 

Kung iyon lang naman ang itatanong ni Alaric, hindi na siya magagalit. Ang tanging gusto na lang niya ay makatakas. Lalo pang tumindi ang hangarin niyang lumayo nang makita niya ito muli.

Dahil hindi siya sumasagot, inakala ni Alaric na nagtatampo pa rin siya kaya napabuntong-hininga ito.

"Byenn, 'di ba tahimik ka lang naman? Very sensible ka. Bakit pati ang hindi pag-uwi sa bahay ay gagawin mo dahil lang sa maliit na bagay?"

Maliit na bagay. Sumumpa si Byenn sa sarili na ayaw na niyang magalit, pero ang mga salita ni Alaric ay sadyang nakakasunog ng pasensya.

"Ah, so sa akin pa rin ang bagsak ng sisi? Ako ba ang naging unreasonable?" hindi na napigilan ni Byenn ang maging sarkastiko. "Ano, dapat ba pumasok ako sa loob at pinuri si Axel? Sabihin ko, 'Ang galing mo, Axel! Gayang-gaya mo ang pagka-pilay ko!'"

Bakas ang bahagyang embarrassment sa mukha ni Alaric. 

"I didn’t mean it that way. Ibig ko lang sabihin, hindi mo kayang baguhin ang sinasabi ng ibang tao, kaya huwag mong hayaang makaapekto sa’yo," paliwanag nito.

"Wala kang pakialam sa nararamdaman ko kaya ganyan ka kadaling magsalita!" singhal ni Byenn habang matalim ang tingin sa asawa. "At ano bang ginagawa mo kagabi? Masaya ka namang nakikipagyakapan kay Reia, 'di ba?"

"Byenn!" Biglang nagbago ang expression ni Alaric. Mas naging madilim at galit ang kaniyang mukha kaysa kanina. "Huwag mong idamay si Reia rito. It was a group gathering, at wala kaming ginagawang masama!"

Naintindihan agad iyon ni Byenn. Isang banggit pa lang sa pangalan ni Reia, parang sasabog na si Alaric. The name 'Reia' was Alaric's greatest weakness. 

Wala na siyang nakikitang dahilan para magpaliwanag pa. Dala ang kaniyang bag, nilagpasan niya si Alaric at naglakad palayo, pero mabilis siyang inabutan nito at niyakap sa bewang.

“I'm sorry, okay? Kasalanan ko, hindi ko dapat tinaasan ang boses ko sa’yo,” bulong ni Alaric sa isang malambing na tono. Pilit nitong hinuhuli ang kamay ni Byenn, pilit na naglalambing. "Ayaw ko lang na ma-misinterpret mo si Reia. We are just ordinary friends, gaya ng lahat. Itinuturing ko siyang kapatid, Byenn. Wala pa siyang asawa kaya hindi magandang pinag-uusapan siya nang ganoon."

Nalito si Byenn. Gusto niyang matawa sa pait. Ordinary friends? Nakita niyang nakasandal si Reia rito nang walang pakundangan kagabi, kaya bakit takot na takot silang aminin ang totoo?

“Ah… ganoon ba,” matipid niyang sagot.

"Byenn," napansin ni Alaric ang kaniyang panlalamig kaya bahagyang kumunot ang noo nito. "Bakit galit ka pa rin? Pinili mong mag-stay sa hotel at hindi ka man lang umuwi sa bahay natin. Ni hindi kita sinumbatan sa ginawa mong 'yan, pero hanggang ngayon, ganyan ka pa rin?"

Sa isip ni Byenn, mukhang siya na naman ang laging may kasalanan.

"Byenn, huwag ka na ngang magalit. Let's go have lunch, tapos sasamahan kitang mag-shopping, okay? Bilhin mo lahat ng gusto mo," aya ni Alaric, tila sinusubukang suhulan ang kaniyang nararamdaman.

Nag-isip si Byenn. Nagpasya siyang sumama dahil ito na ang tamang oras para sabihin ang kaniyang plano. Dinala siya ni Alaric sa isang malapit na restaurant.

Pagpasok nila, hinarap ni Byenn ang tingin ng waiter. Nakasanayan na niyang iyuko ang ulo, itaas ang collar, at magtago sa likod ni Alaric para hindi mahalata ang kaniyang pag-ika. Pero sa pagkakataong ito, nanatili siyang nakatayo nang tuwid.

Kung hindi siya sapat para sa asawa niya, edi huwag. Hindi na niya balak maging perfect wife para sa isang lalaking hinding-hindi siya pahahalagahan.

Umupo sila at si Alaric na ang nag-order ng lahat. Nang maihain ang mga pagkain, inabutan siya ni Alaric ng chopsticks.

"Kumain ka na, Byenn. I ordered all your favorite dishes," sabi nito, bakas ang pagmamalaki sa kaniyang boses.

Sinulyapan ni Byenn ang mga platong nasa harap niya. Lahat ng ito ay puro spicy. Napangiti siya nang mapait. Limang taon na silang kasal, pero hindi man lang alam ni Alaric na hindi siya kumakain ng maanghang. 

Ang spicy food ay laging nakahain sa bahay nila dahil iyon ang gusto ni Alaric at dahil akala niya ay paborito rin ito ng asawa dahil lang hindi ito nagrereklamo.

"Hindi ako gutom," sabi niya sabay baba ng chopsticks. "May sasabihin ako sa'yo."

"Ano 'yun?" bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Alaric, tila maganda ang mood. "Sasamahan kita kahit saan mo gusto. I'm free all day. Mag-date tayo ngayong afternoon, tapos pupunta tayo sa parents mo para doon mag-dinner tonight. Is that okay?"

Tinitigan ni Byenn ang halos hindi mapansing ngiti ni Alaric. Habang iniisip ang sasabihin niya, isang matinding pangungulila at lungkot ang bumalot sa kaniyang puso.

"Alaric, hindi mo na kailangang gawin 'yan.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 5

    Matapos ang masakit na rebelasyong iyon sa kumpanya noon, muling binalikan ni Byenn ang kaniyang mga libro. Hindi niya masyadong pinag-isipan iyon noong una dahil gusto lang niyang dagdagan ng konting pag-asa ang kaniyang buhay. Naisip niya na kung may ginagawa siya, hindi siya masyadong malulungkot sa kaiisip sa mga masakit na salitang binitawan ni Alaric.Sino nga ba ang mag-aakala na ang mga bagay na ito ang magiging salvation niya ngayon? Kailangan niyang galingan sa exam niya ngayong araw. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito, at magpakalayo-layo.Masakit pa ring isipin ang lahat. Hindi na niya matukoy kung ang sakit ba ay dahil kay Alaric o dahil sa limang taon na sinayang niya para sa lalaking ito. Pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay hindi na niya papayagan ang sarili na magpakalunod sa pait. Kahit matagal pa bago humupa ang sakit, determinado siyang iligtas ang kaniyang sarili.Nag-order siya ng takeout para sa isang light dinner at naghanda ng kaniyang gamit

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 4

    Habang inoobserbahan ni Reia ang tensyon ay sumingit siya sa tamang pagkakataon. "Alaric, don't be upset just because everyone says bad things about your wife. They are genuinely concerned for you," malambing niyang sabi. Hinawakan niya nang bahagya ang braso ni Alaric at nagpatuloy, "Isipin mo, matagal na tayong magkakilala. Even if they say something inappropriate, just let it go and don't take it to heart!""I’m not angry," maikling sagot ni Alaric habang itinatabi ang kaniyang cellphone. "Never mind, she won’t go anywhere. Come on, let's continue."Kampante si Alaric dahil sa nakalipas na limang taon, Byenn hadn't been anywhere except their home. Alam niyang wala itong ibang matatakbuhan o matutuluyan.Sinulyapan ni Axel si Reia at bumulong, "Napakabait talaga nitong si Reia. Kung hindi lang sana kayo nag-break noon...""Ano bang sinasabi mo?" saway ni Reia sabay irap kay Axel. "Hindi mo talaga mapigilan ang bibig mo buong gabi, puro ka kalokohan! Kasal na si Alaric, kaya hindi t

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 3

    Dahil sa exaggerated na performance ni Axel, lalong humalakhak ang lahat sa loob ng silid. Si Reia, na nakaupo sa tabi ni Alaric ay tawa nang tawa hanggang sa mapahilig na ang ulo nito sa balikat ng asawa niya. Alaric remained completely silent.Biglang tumigil ang ingay sa loob. Nanlaki ang mga mata ng lahat. Humarap si Axel na may malawak na ngiti. "Alaric, it's like this—" Bago pa man niya matapos ang sasabihin, napansin niya si Byenn sa pinto. Agad na nag-freeze ang kaniyang ngiti. "Byenn... Byenn..."Napatingin ang lahat sa pinto at biglang natahimik ang paligid. Mabilis na lumayo si Reia sa pagkakasandal sa balikat ni Alaric at tumayo nang may matamis na ngiti."Oh, ito na ba ang 'legendary' wife ni Alaric? Hello! Pasok ka, I'm Reia, Alaric's good friend," masiglang bati nito.Tiningnan ni Byenn ang bawat tao sa loob ng private room. Bawat mukhang nandoon ay tila yelo sa kaniyang paningin. Sa wakas, tumayo si Alaric at lumapit sa kaniya."Byenn? Anong ginagawa mo rito?" ang t

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 2

    Ipinangako ni Alaric na hinding-hindi na ito iinom, pero sa video, halatang-halata na nakarami na siya. Hindi makapaniwala si Byenn habang pinapanood ang asawa.Would Alaric really shout like that?Ang pagkakakilala ni Byenn kay Alaric noong high school ay isang cool at aloof na academic genius. Seryoso ito sa lahat ng bagay, lalo na sa pakikitungo sa mga babae. Ni hindi nito sinusulyapan ang mga nag-aalok sa kaniya ng tubig sa sports field noon. At nang maging asawa na niya ito, lalong naging pormal at matipid sa emosyon si Alaric. Hindi siya ngumingiti o nagagalit; parang palagi siyang walang pakialam. Minsan, kapag nagkakadikit ang kanilang mga daliri, nararamdaman ni Byenn na kasing-lamig ng yelo ang balat ng asawa.Umikot ang camera sa mga mukha ng mga tao sa video. Doon niya nakita na tipsy si Alaric. Kumikinang ang mga mata nito habang itinataas ang baso at tumatawa sa harap ng camera. "Welcome home, Reia!" masayang sabi ni Alaric.Napahawak si Byenn sa kaniyang dibdib. Kaya m

  • The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless    Chapter 1

    Naririnig ni Byenn ang agos ng tubig mula sa loob ng banyo. Alam niyang si Alaric iyon na naglilinis ng katawan matapos ang mahabang araw. Alas-tres na ng madaling araw at kakauwi lang nito.Nakatayo si Byenn sa tapat ng pinto ng banyo, pilit na kumukuha ng lakas ng loob dahil may gusto siyang pag-usapan. Medyo kinakabahan siya, iniisip kung papayag ba si Alaric sa sasabihin niya. Pero habang nag-iisip siya kung paano sisimulan ang usapan, biglang may narinig siyang kakaibang ingay mula sa loob.“Hmm…”Nakinig nang mabuti si Byenn, at doon na siya natauhan. Unti-unting rumehistro sa isip niya ang nangyayari, nilulutas nito ang sariling pangangailangan. Ang bawat singhap at ungol na nagmumula rito ay parang sunod-sunod na mabibigat na suntok na walang awang bumabaon sa kaniyang puso. Ang sakit na nararamdaman niya ay parang isang malaking alon na tumatangay sa kaniya, iniiwan siyang lunod sa pait at hindi makahinga.Sa totoo lang, wedding anniversary nila ngayon. Ikalimang taon na ng

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status